Name of God: The LORD is Peace (Yahweh Shalom)
Ang Pinagmumulan ng Kapayapaan
Basahin: Hukom 6:1-24
(49 of 366)
“mayroon tayong kapayapaan sa Dios sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo” (Roma 5:1)
Kung kailangan ng sinuman ang kapayapaan, kailangan din ito ni Gideon. Takot na takot siya sa mga mananakop na Midianita na umaapi sa Israel kaya nagtago siya sa pisaan ng ubas upang gumiik ng trigo. Nakita nila na iniwan na sila ng Diyos kaya napapa-isip si Gideon kung mapagkakatiwalaan pa rin ba ang Panginoon bilang kanilang tagapagtanggol. Pagkatapos, nang matanto niyang nakipag-usap siya nang direkta sa Diyos, si Gideon ay natakot mamatay dahil nakita niya talaga si Yahweh.
Inihayag ng Diyos ang Kanyang sarili sa taong ito na natatakot. Pinatahimik Niya ang takot ni Gideon at hinirang siya upang iligtas ang Israel mula sa mga Midianita. Nang makatiyak, nagtayo si Gideon ng isang altar at tinawag itong Yahweh Shalom, "Ang Panginoon ay Kapayapaan" (Huk. 6:24). Ang ang kaalaman na siya ay may kapayapaan sa Diyos ay nagbigay kay Gideon ng kalayaang tuparin ang ipinagagawa sa kanya ng Diyos.
Makalipas ang isang libong taon, muling nagsalita ang Diyos ng kapayapaan sa mga taong natatakot. Sinabi ni Jesus, “Ang kapayapaan ay iniiwan Ko sa inyo; ang Aking kapayapaan ay ibinibigay Ko sa inyo: hindi gaya ng ibinibigay ng sanglibutan, ang ibinibigay Ko sa inyo. Huwag magulumihanan ang inyong puso, ni matakot man." (Juan 14:27).
Ang iba ay nangangako ng kapayapaan, ngunit si Hesus lamang ang naghahatid ng tunay na kapayapaan dahil Siya ay kapayapaan. Ang tunay na kapayapaan ay higit pa sa kawalan ng poot o takot. Ang tunay na kapayapaan ay ang regalong ibinibigay ng Diyos nang Siya ay makipagkasundo sa atin sa Kanya sa pamamagitan ni Hesu-Kristo, ang Prinsipe ng Kapayapaan.
Pagbulayan:
Kanino mo ibabahagi ang tunay na kapayapaan ng Diyos sa ibang tao?
Panalangin:
Yahweh Shalom, tulungan mo akong alalahanin na ang kapayapaang hiwalay sa Iyo ay hindi tunay na kapayapaan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento