Mga Koleksyon ng tagalog na araling Kristiyano na makakatulong sa paglago, pagdidisipulo, personal na pag-aaral at pag-tuturo.
Huwebes, Abril 7, 2022
Seven Last Words - Ama, sa mga kamay Mo’y ipinagkakatiwala Ko ang Aking espiritu (Part 7 of 7)
Into Thy Hands I Commend My Spirit
“Ama, sa mga kamay Mo’y ipinagkakatiwala Ko ang Aking espiritu!”
Scripture: Lucas 23:46
Tinuro ni Pastor Arnel Pinasas
Mula sa aklat ni Warren Wiersbie na Jesus’ Seven Last Words
Intro:
May isang kasabihan tayo na maririnig na, “Hindi ka talaga tunay na handang mabuhay kung hindi ka handang mamatay.” Usapang kamatayan tayo ngayon; marami ayaw ito pag–usapan. Kaya naman lahat ng bagay na ginagawa sa mundong ito ay panlaban sa kamatayan. Nag-aaral ang marami para matuklasan ang iba’t ibang gamot sa sakit. Nag hahanap buhay upang hindi mamatay sa gutom. Nag hahanap ng magandang tahanan para sa kaligtasan. May gumagawa ng masama upang mabuhay. Ngunit ang kamatayan ay isang pangyayaring hindi matatakasan ninuman. Ito ay nakatakda sa bawat isa sa atin at tanging ang Diyos lang ang nakaka-alam. Ito ang dakilang bagay sa buhay ng mga Kristiyano, ang makilala si Jesus na Tagapagligtas. Meron tayong katapangan na harapin ang kamatayan. Sabi ni Pablo, “O kamatayan nasan ang iyong kamandag.”
Maraming mga taong takot mamatay at hindi natin sila masisisi. Ngunit nakakapagtaka na may mga nagsasabing Kristiyano na takot parin mamatay. Kaya naman sa pag-aaral nating ito ay maging daan nawa ito upang tayo ay mapalakas at maalis sa atin ang takot sa kamatayan. Ang ika-pitong salita ni Jesus sa krus ay nagsasabi sa atin patungkol sa kamatayan at kung paano Siya namatay.
Lucas 23:46
“Sumigaw nang malakas si Jesus, „Ama, sa mga kamay Mo‟y ipinagkakatiwala Ko ang Aking espiritu!‟ At pagkasabi nito, nalagot ang Kanyang hininga.”
Mula rito titignan natin ang apat na katangian mula sa Kanyang kamatayan.
I. Tunay Siyang Namatay
Siya ay tunay na namatay. Hindi ilusyon ang Kanyang kamatayan. Si Jesus ay tunay na may katawang panlupa at naranasan Niya ang kamatayang nararanasan ng mga tao bilang isang taong walang kasalanan. Alam ni Jesus kung paano lumaki; alam Niya ang kumakain; Alam Niya ang uminom at matulog, At alam din Niya kung ano ang pakiramdam ng mamatay. Siya ay tunay na namatay. Ang Kanyang kamatayan ay tunay. Sinigurado ng mga opisyal na Siya’y tunay na patay na. Nang sinuri nila ang katawan ni Jesus at matiyak na patay na ito hindi na nila binali ang Kanyang mga binti. (Juan 19:33) Nang hiningi at kukunin na nila Jose na isang mayamang lalaki at ni Nicodemus ang bangkay ni Jesus kay Pilato upang bigyan ng disenteng paglilibing, nagulat si Pilato na si Jesus ay patay na (Marcos 15:44). Kilala ang mga opisyal ng Romano sa pagpatay at ito ay tiniyak nila na patay na nga talaga si Jesus. Ang mga ebidensya na mababasa natin sa Magandang Balita ay sapat para paniwalaan nating Siya’y tunay na namatay.
Hindi Siya nahimatay lang o nag patay-patayan tapos nang nasa libingan na ay nagkamalay Siya at sinabi Niya na muli Siyang nabuhay. Bakit napakahalaga na malaman natin o mapatunayan natin na Siya ay tunay na namatay? Una, upang pabulaanan ang mga kumalat na paniniwala nang ilang mga religious group na Siya ay hindi tunay na namatay at ang Kanyang muling pagkabuhay ay isang kasinungalingan. Pangalawa, upang matupad ang kautusan na magdudulot sa atin ng pag-asa.
1 Corinto 15:54-58
54 ...”Nalupig na ang kamatayan; lubos na ang tagumpay!”
55 “Nasaan, O kamatayan, ang iyong kamandag?”
56 Ang kamandag ng kamatayan ay ang kasalanan, at ang lakas ng kasalanan ay nagmumula sa Kautusan.
57 Magpasalamat tayo sa Diyos, sapagkat tayo‟y binigyan Niya ng tagumpay sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Kristo!
58 Kaya nga, mga minamahal kong kapatid, magpakatatag kayo at huwag matinag. Maging masipag kayo sa paglilingkod sa Panginoon, dahil alam ninyong hindi masasayang ang inyong paghihirap para sa Kanya.”
Natikman ni Jesus ang buong karanasan ng kamatayan. Nakasagupa Niya ang huling kaaway – ang kamatayan – at buong tapang Niya itong hinarap. Diba may mga nakikita tayo na kung gusto nating hindi matakot ang bata pinapakita muna natin na tayo ang unang gagawa. Hindi tayo dapat matakot sa kamatayan dahil pinakita ni Jesus na ito’y Kanyang napagtagumpayan.
II. Namatay Siya ng may Buong Pagtitiwala
Sabi Niya, “Ama, sa mga kamay Mo‟y ipinagkakatiwala Ko ang Aking espiritu!” (Lucas 23:46). Ngayon, bakit? May titignan tayong tatlong bagay dito:
A. Ang Presensya ng Ama
Namatay Siya ng may buong pagtitiwala at dahil nasa Kanya ang presensya ng Ama. Sa krus tatlong beses Niya dinirekta sa Diyos ang Kanyang salita:
Una, “Ama, patawarin Mo sila sapagkat hindi nila alam ang kanilang ginagawa” (Lucas 23:34).
Pangalawa sa pang-apat na salita, “Ama, Ama, bakit Mo Ako pinabayaan” (Mateo 27:46).
Pangatlo sa huling salita, “Ama, sa mga kamay Mo‟y ipinagkakatiwala Ko ang Aking espiritu!” (Lucas 23:46).
Sa una, sa kalagitnaan, at ng katapusan ng Kanyang paghihirap ay nanalangin Siya sa Ama. Alam ni Moises yung pakiramdam na ito. Sabi niya, “Panginoon kung hindi Ka lang din namin kasama sa lupang pangako wag nalang.”
B. Ang Pangako ng Ama
Namatay Siya na may buong pagtitiwala dahil sa pangako ng Ama. Ang mga sinabi ni Jesus ay nag mula sa Awit 31:5 “Sa Iyong kamay, ipinagkakatiwala ko ang aking buhay. At sa aki’y ibibigay ang Iyong kaligtasan; Ikaw ay Diyos na mapagkakatiwalaan.” Syempre hindi kailangan na maligtas ni Jesus dahil wala naman Siyang kasalanan at hindi Niya kailangang iligtas. Inangkin lamang Niya ang mga talatang ito upang ipakita na pinagkakatiwala Niya ang Kanyang buhay sa Diyos. Kung mapapansin natin at babalikan: makikita natin na yung tatlong pagkakataon na nanalangin si Jesus sa Ama ay mula sa mga ilang talata sa Banal na Kasulatan:
Una, yung, “Ama, patawarin Mo sila sapagkat hindi nila alam ang kanilang ginagawa” (Lucas 23:34) – ito ay katuparan ng Isaias 53:12.
Pangalawa, “Ama, Ama, bakit Mo Ako pinabayaan” (Mateo 27:46) – ginamit Niya ang sa Awit 22:1.
Pangatlo, “Ama, sa mga kamay Mo’y ipinagkakatiwala Ko ang Aking espiritu!” (Lucas 23:46) – tinupad Niya ang Awit 31:5.
Mula rito nakita natin na si Jesus ay nabubuhay sa Salita ng Diyos. Kung tayo ay nabubuhay sa Salita ng Diyos, mamatay tayo sa Salita ng Diyos. Ano yung mapapanghawakan mo para maranasan mo ang mamatay na may buong pagtitiwala? Ang ating tanging katiyakan ay ang Salita ng Diyos.
C. Ang Proteksyon ng Ama
“Ama, sa mga kamay Mo‟y ipinagkakatiwala Ko ang Aking espiritu!” (Lucas 23:46).
Sa maraming oras hawak ng mga kaaway si Jesus. Ang mga kamay ng mga makasalanan ang bumugbog sa Kanya. Ang mga kamay ng mga makasalanan ang pumunit sa Kanyang damit. Ang mga kamay ng mga makasalanan ang nag lagay ng koronang tinik sa Kanyang ulo. Ang mga kamay ng mga makasalanan ang nag pako sa Kanyang mga kamay. Ngunit nang dumating Siya sa katapusan ng Kanyang ginawa, hindi na Siya hawak ng mga makasalanan; Siya ay nasa kamay na ng Ama. Namatay Siya ng may buong pagtitiwala dahil Siya ay nasa kamay na ng Ama.
Awit 31:8
“Di mo ako hinayaan sa kamay ng kaaway.”
Awit 31:15
“Ikaw ang may hawak nitong aking buhay, iligtas mo ako sa taga-usig ko’t mga kaaway.”
III. Namatay Siya ng Maluwag sa Loob
Sa isang banda makikita natin na si Jesus ay pinatay. Sabi ni Pedro sa Gawa 2:23, “Ngunit ang taong ito, na ipinagkanulo sa inyo ayon sa pasya at kaalaman ng Diyos sa mula’t mula pa, ay ipinapako ninyo at ipinapatay sa mga taong masasama.” Ngunit sa kabilang banda, hindi Siya pinatay, dahil Siya ay namatay ayon sa Kanyang pagnanais. Sabi sa Juan 10:17, 18, “17 Dahil dito’y minamahal Ako ng Ama, sapagkat iniaalay Ko ang Aking buhay upang ito’y kunin Kong muli.18 Walang makakakuha ng Aking buhay; kusa Ko itong ibinibigay. Mayroon Akong kapangyarihang ibigay ito at kuning muli. Ito ang utos na tinanggap Ko sa Aking Ama.”
Bago Niya ibigay ang Kanyang buhay, pinatawad Niya ang Kanyang mga kaaway. Bago Niya ibigay ang Kanyang buhay, binigyan Niya ng kaligtasan ang nagsising magnanakaw. Bago Niya ibigay ang kanyang buhay, kinalinga Niya ang Kanyang nanay. Bago Niya ibigay ang Kanyang buhay, tinapos Niya ang trabahong pinagkatiwala sa Kanya ng Ama.
Hindi ko alam kung gaano pa loloobin ng Diyos na tayo ay mabuhay. Bawat araw, at minuto ay isang kaloob ng Diyos ayon sa Kanyang biyaya. Gaano tayo kahandang mamatay gaya ni Jesus? Kailangan tayong mamuhay na wala na tayong taong hindi pa pinapatawad. Siguro naman ayaw nating mamatay na may tao pa tayong hindi pa pinapatawad. Siguro ayaw din nating mamatay na wala pa tayong na babahaginan ng kaligtasan patungkol kay Jesus. O hindi pa natin nababahagi si Kristo sa buhay ng ating mga mahal sa buhay. Nawa ang hangarin natin ngayon ay dumating tayo sa huli ng ating buhay na may kaluwagan sa ating loob na ipagkatiwala na sa Diyos ang ating buhay, dahil natapos natin o nagawa natin yung bagay na pinapagawa sa atin ng Diyos.
2 Timoteo 4:7
“Pinagbuti ko ang aking pakikipaglaban, natapos ko na ang aking pakikipaglaban, natapos ko ang aking pakikipaglaban.”
IV. Namatay Siyang Matagumpay
“Ama, sa mga kamay Mo‟y ipinagkakatiwala Ko ang Aking espiritu!” (Lucas 23:46).
Natapos na ni Jesus ang trabaho na binigay sa Kanya ng Diyos at nang ibigay Niya ang Kanyang Espiritu maraming himala tayong nakita pagkatapos nito. Una, yung tabing sa templo ay napunit mula taas hanggang baba. (Mateo 27:51). Pangalawa, nabuksan ang mga libingan at muling nabuhay ang mga maraming namatay. (Mateo 27:52). Ito ay mga Mananampalatayang namatay sa Lumang Tipan. Sila ay muling nabuhay mula sa “paraiso” o “Abraham’s bossom.” Dahil walang makakapunta sa langit kundi sa pamamagitan lang ni Jesus. Sinisimbulo ng mga mga himalang ito ang katagumpayan ni Jesus mula sa kasalanan (pagkapunit ng tabing) at katagumpayan sa kamatayan (nagbukas na libingan). Tapos nakita din nating lumindol ng Siya ay mamatay (tal. 51).
Ito ay nag papaalala sa atin sa mga kaganapang nangyari din sa Exodo 19:18, na kung saan lumindol sa bundok Sinai ng bumaba ang Diyos at binigay ang kautusan. Pero itong lindol na ito ay hindi kapahayagan ng takot dala ng kautusan. Ito ay kapahayagan ng katuparan ng kautusan. Namatay si Jesus na tagumpay, na pagtagumpayan ang kasalanan, kamatayan at impyerno.
Mula sa mga napag-aralan natin, nagkaroon tayo ng may buong pagtitiwala na mamatay, na may katiyakan na tayo ay makakapunta sa tahanan ng Ama. Pwede tayong mamatay na may pangako tayong mapangahawakan mula sa Salita ng Diyos na magdudulot ng biyaya at kalakasan. Nalalaman natin ngayon na tayo ay mamatay sa pinakaligtas na lugar sa mundo - sa kamay ng Diyos.
Juan 10: 27, 28
"27 Nakikinig sa Akin ang Aking mga tupa; nakikilala Ko sila, at sumusunod sila sa Akin. 28 Binibigyan Ko sila ng buhay na walang hanggan. Kailanma’y hindi sila mapapahamak at hindi sila maaagaw sa Akin ninuman.”
__________________________________________________________
Pondering the Principles
1. Ano kahalagahan sa atin na mapatunayan na si Jesus ay namatay? Natatakot ka ba mamatay? Bakit? Bakit maraming takot mamatay? Masasabi mo bang ikaw ay handa nang harapin ang kamatayan ano mang oras? Nang mapagtagumpayan ni Jesus na harapin at talunin ang kamatayan, anong bagay ang naidudulot nito sa ating damdamin bilang mananampalataya?
2. Gaano kahalaga sayo ang presensya ng Diyos? Ano ang ginagawa mong hakbang para maipakita mo ang pananabik mo sa presensya ng Diyos? Bakit mahalaga na may pinanghahawakan ka na pangako ng Diyos? Anong mga pangako ng Diyos ang napapanghawakan mo kapag ikaw ay natatakot sa kamatayan? Dahil hawak ng Diyos ang buhay ng mga mananampalataya, ano ang maidudulot nito sa ating damdamin patungkol sa kamatayan?
3. Muli, gaano ikaw kahanda sa kamatayan tulad ni Jesus? May mga hindi pa ba tayong napatawad? May mga nabahagian ka na ba ng Magandang Balita at na disipulo? Masasabi mo na rin ba ang mga sinabi ni Pablo bago siya mamatay? ”Pinagbuti ko ang aking pakikipaglaban, natapos ko na ang aking pakikipaglaban, natapos ko ang aking pakikipaglaban,” (2 Timoteo 4:7). Kung hindi ka pa handa, ano ang mga bagay na dapat mong gawin o babaguhin sa iyong buhay? Gumawa ng commitment. Ipanalangin ito sa Diyos.
4. Muli, anu-ano ang mga dahilan kung bakit hindi dapat matakot ang isang mananampalataya sa kamatayan? May mga kakilala ka ba na takot sa kamatayan? Ano ang magagawa mo para mawala ang takot na ito sa kanila? Ipanalangin sa Diyos ang mga taong ito at hilingin na bigyan ka ng katapangan at pagkakataon na maibahagi ang Magandang Balita sa kanila.
Seven Last Words - Naganap na (Part 6 of 7)
It Is Finished
“Naganap na!”
Scripture: Juan 19:30
Tinuro ni Pastor Arnel Pinasas
Mula sa aklat ni Warren Wiersbie na Jesus’ Seven Last Words
Intro:
Sa pag-aaral natin nakita natin yung matinding hirap na dinanas ni Jesus sa krus. Kaya naniniwala ako na wala sa atin na gugustuhing maranasan ang hirap na dinanas ni Jesus. Pero ngayon ginawa nating palamuti ang krus. Pinaganda at ginawang alahas. Pero kailangan nating alalahanin na ang ibig sabihin ng pagkapako ay kahihiyan, paghihirap at karumaldumal na uri ng kamatayan. Pero syempre ito ay nagpapaalala rin sa atin ng pag-ibig at pag-sunod ni Jesus. Sabi sa Filipos 2:8, “nagpakumbaba Siya at naging masunurin hanggang kamatayan, maging ito man ay kamatayan, sa krus.”
Ang
pang-anim na Salitang ating pag-aaralan ngayon ay nakatala sa Juan
19:30, “Nang masipsip na ni Jesus ang
alak, sinabi Niya, “Naganap na!” Iniyuko Niya ang Kanyang ulo ay nalagot ang
Kanyang hininga.”
Nakakatuwa
dito hindi Niya sinabi na, “Tapos na Ako.” Hindi ito sigaw ng
pagkatalo; ang sinigaw Niya ay “Naganap
na!” – Ito ay sigaw ng katagumpayan.
Nagulantang si Satanas ng ito ay isinigaw ni Jesus sa krus.
Sa buong kasulatan makikita natin ang tangkang paghadlang niya sa
pagdating ni Jesus at nang Siya ay nabuhay nakita natin ang buong tangka
Niya na ito ay maipapatay sa pag-aakala na mahahadlangan niya ang
plano ng Diyos sa kaligtasan ng mga makasalanan. Akala niya na nagtagumpay
siya nang maipako si Jesus sa krus. Dahil naniniwala ako na
kung alam ito ni Satanas ay pipigilan niyang makarating si Jesus sa krus
para mamatay.
Maraming
bagay ba kayo na sinimulang gawin na hindi tinapos? Ako, maraming
mga bagay na sinimulan kong ginawa na hindi ko natapos, tulad
ng pagbasa at drawings. Pero si Jesus nakita natin na sa katapusan ng
ministeryo Niya ay nasigaw Niya ang dakilang katagumpayan, “Naganap na!” Dahil dito, Ikaw at ako ay nagkaroon ng katiyakan sa kaligtasan.
Titignan natin ang tatlong importanteng katotohanan sa Salita
na ito – “Naganap na!” (Juan 19:30).
I. Ang Pamilyar na Salita
Ang
sinigaw ni Jesus sa wikang Griego ay “TETELASTAI.” Maaaring hindi
ito pamilyar na salita sa atin ngayon. Ngunit sa panahon nila itong
salitang ito ay pamilyar at madalas na nagagamit. Ang mga Archaelogists
ay naghuhukay at nag hanap ng maraming sinaunang Griyegong
dokumento para makatulong sa atin na mas maintindihan ang
Bibliya. Maraming mga tao ang nag-iisip na ang wikang griyego sa Bagong
Tipan ay isang espesyal na “banal na wika.”Ang alam lang natin ay
ang wikang griyego ay ang pangkaraniwang wika ng mga tao noong panahon
na iyon. Yung salitang, “Tetelestai” – “Naganap na” – ay hindi isang
makalangit na salita – kahit na meron siyang magandang makalangit
na ibigsabihin. Muli ito ay isang pamilyar na salita. Saan saan
nga ba ito nagagamit ang salitang ito sa panahon nila?
A. Lingkod
Kung
titignan natin sa Greek lexicons, makikita natin na ang salitang ito ay
madalas gamitin ng mga lingkod at alipin. Ang isang panginoon ay mag-uutos
sa kanyang alipin o may ipapagawa ito sa kanya. At matapos na
gawin ito ng kanyang lingkod o alipin, babalik ito sa kanya at sasabihin
– “Tetelastai” – “natapos ko na po yung pinapagawa mo sa akin.”
Ngayon,
meron tayong pangkaisipan na ang ibig ng sabihin ni Jesus, ay Siya
ang naghihirap na lingkod ng Diyos. Ipinaalam sa atin ng Filipos 2, na
si Jesus ay pumarito bilang isang lingkod. Hindi Siya pumarito bilang isang
Diyos kundi bilang lingkod, hindi bilang pinuno kundi isang alipin.
Meron Siyang gawaing dapat gawin sa pagparito Niya sa mundo. Sabi
Niya sa Juan 17:4, “natapos Ko na ang ipinapagawa Mo
sa Akin.”
B. Pari
Nagagamit
din ang salitang ito ng mga pari sa panahon nila. Dinadala ng
mga Judio yung mga handog nila sa mga pari para suriin nila, dahil bawal
sa batas nila na mag handog sa altar ng Diyos na may kapintasan. Pagkatapos
nilang suriin ang handog sasabihin nila na, “Ito ay perpekto.”
Syempre ang ginagamit nila na salita ay Hebreo or Aramaic, pero
ito ay parehas sa “tetelastai” kung isasalin sa griyego.
Ito
ay nagpapakita din sa atin na si Jesus ay ang perpektong handog para sa
ating mga kasalanan. Paano natin malalaman na Siya ay perpektong handog?
Sapagkat sinabi ng Ama. Noong si Jesus binautismuhan, ano ang
sabi ng Ama sa Matteo 3:17? “Ito
ang minamahal Kong Anak na lubos Kong kinalulugdan!” Sinasabi nito sa atin na si Jesus ay katanggap-tanggap sa Ama. Nakita natin yung tatak ng pagtanggap ng Diyos na bumaba kay Jesus sa anyo ng isang kalapati (tal.16). Kahit ang
mga demonyo ay kumikilala na si Jesus ay tunay na Anak ng Diyos sa
Mateo 8:28-29. Kahit ang mga kaaway ni Jesus na gustong mag papatay
sa Kanya kumailangan pang magbayad para mag paratang ng kasinungalingan
laban kay Jesus dahil sila mismo ay hindi makakita sa Kanyang
buhay ng mali Niyang nagawa. Maging ang Kanyang mga alagad
walang naiparatang sa Kanya. Walang nagsilbing saksi sa kanila na
narinig nila si Jesus ng kasinungalingan o nakitaan nila ng gawang masama.
Maging si Pilato nag sabi sa Lucas 23:4, “Wala akong makitang kasalanan sa taong ito.” Si Judas na nag kanulo sa Kanya, ay nag sabi sa Mateo
27:4, “Nagkasala ako! Ipinagkanulo ko ang
taong wala ni anumang bahid ng kasalanan.”
Tetelastai!
– Muli, ito ay ginagamit ng mga pari na ang ibig sabihin ay “Perpekto
at walang kapintasang handog”
C. Pintor
Ang
salitang ito ay ginagamit din ng mga pintor. Kapag natapos nila ang kanilang
pinipinta, humahakbang sila ng isang hakbang patalikod sabay sabi,
“Tetelastai” – Tapos na! Ibig sabihin, “Ang larawan ay kumpleto na.”
Kapang nabasa mo ang Lumang Tipan, masasabi mong parang isang magulong larawan
ito. Maraming bagay ka na makikita dito na parang walang kahulugan. Halimbawa
sa pagsakripisyo ng kurdero; yung manna na tinapay galing sa langit; si Ruth na
galing sa isang lugar na hindi kumikilala sa Diyos na napasama sa lahi ni Jesus.
Kasama na rito ang mga seremonya, propesiya at mga ilang misteryosong simbulo.
Tandaan kahit ang mga propeta ay nahirapan na maintindihan ang Lumang Tipan.
Itong Lumang Tipan na ito ay parang gallery ng mga larawan ng Diyos na
nakalagay sa anino. Napakaraming pahayag sa Lumang Tipan na tila kulang at
mahirap intindihin. Pero ng dumating si Jesus, kinumpleto Niya ang larawan at binuksan
ang ilaw. Si Jesus ang napakagandang kumumpleto sa pahayag sa Lumang Tipan.
Gusto
ko yung eksena sa Lucas 24 na pagkatapos mamatay ni Jesus yung dalawa
sa mga taga-sunod Niya ay naglalakad. Sinabayan sila ni Jesus. Nalungkot
ang dalawa dahil sa nangyari kay Jesus. Pero anong sabi ni Jesus
sa dalawa? Lucas 24: 25-27, “25
Sinabi sa kanila ni Jesus, ‘Hindi ba kayo makaunawa? Bakit hindi kayo
makapaniwala sa lahat ng sinasabi ng mga propeta? 26 Hindi ba’t kailangang ang
Kristo ay magtiis ng lahat ng ito bago Niya makamtan ang Kanyang marangal na
katayuan?’ 27 At patuloy na ipinaliwanag sa kanila ni Jesus ang lahat ng sinasabi
sa Kasulatan tungkol sa Kanyang sarili, simula sa mga aklat ni Moises hanggang
sa mga sinulat ng mga propeta.’”
Ang
kalbaryo ang kumpletong larawan- Tetelestai – Tapos na! Kaya ngayon
kung mababasa natin muli ang Lumang Tipan, kahit na maaaring
marami paring hindi tayo maintindihan at mahirap maintindihan,
dahil na kilala natin si Jesus, maliwanag na sa atin ang magandang
plano ng Diyos sa atin. Nakita na natin ang kumpletong larawan
na ipininta ng Diyos.
D. Mangangalakal
Maging
ang mga mangangalakal ay gumagamit ng salitang ito. Para sa kanila
ang ibig sabihin nito ay, “Ang utang ay bayad na” – wala ng pagkakautang
– nabayaran na! Parang ganito yan, sa panahon natin kapag
bumili ka ng produkto sa mga mangangalakal bibigyan ka niya ng
resibo. Yung resibo na yun ay parang nagsasabi ng, “Tetelastai” – bayad
na - bayad na ang utang.
Ikaw
at ako, bilang makasalanan ay may pagkakautang sa Diyos, at wala tayong
magagawa para mabayaran ito. Sinuway natin ang mga batas ng Diyos
at nagkasala sa Kanya. Sabi sa Roma 6:23, “Ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan.” Pero dumating si Jesus upang bayaran ang ating pagkakautang
sa Diyos. Tinubos Niya tayo sa ating mga kasalanan.
Iyan
ang ibig sabihin ng TETELASTAI. Muli, ito ay pamilyar na Salita:
-
Ang lingkod ay tapos na sa kanyang trabaho
-
Ang perpektong handog ay naihandog na
-
Ang larawan ay tapos na
-
Ang utang ay nabayaran na
II. Ang Tapat na Tagapagligtas
Pangalawang
importanteng katotohanan: Ang Tapat na Tagapagligtas. Pumarito
Siya upang gawin ang dakilang gawain, ang gawain ng pagliligtas.
Noong Siya ay 12 taong gulang, ano sabi Niya sa Lucas 2:49, “Ako‟y dapat na mamalagi sa bahay
ng Aking Ama?” Sa Juan 2:4, sa kasal sa Cana, ang sabi
Niya, “Hindi pa ito ang tamang panahon.” Sa Juan 4:34 ang sabi Niya, “Ang pagkain Ko’y ang tuparin ang
kalooban ng nagsugo sa Akin at tapusin ang ipinapagawa Niya sa
Akin.” Doon sa pagbabagong anyo ni Jesus sa
bundok, nakipag usap si Jesus kina Moises at Elijah tungkol sa, “nalalapit Niyang kamatayan na
magaganap sa Jerusalem,” (Lucas 9:310). Isang
araw sinabi ni Jesus sa Kanyang mga disipulo sa Lucas 12:50, “May isang bautismo na dapat Kong
danasin, at Ako’y nababagabag hangga’t hindi
ito nagaganap.” Sa panalangin ni Jesus para sa Kanyang mga alagad ang sabi
Niya sa Juan 17:4, “Inihayag Ko na sa lupa ang iyong
karanggalan; natapos
Ko na ang ipinapagawa Mo sa Akin.” Sa
lahat ng ito nakita natin na buong buhay Niya ay buong katapatan Niyang ginawa
ang pinapagawa ng Diyos sa Kanya. Ito ang magdadala sa atin sa huling
katotohanan.
III. Ang Tapos na Trabaho
Muli,
ang “Tetelestai,” ay isang pamilyar na salita, na sinabi ng isang tapat
na Tagapagligtas, patungkol sa natapos na trabaho. Lahat ng propesiya
patungkol sa Kanya at ang Kanyang gawa sa krus ay tapos na. Simula
sa Genesis 3:15, o yung tinatawag na “protoevangelium,” (Gk. “protos”
- first; “evangelion” - good news or gospel) makikita ang kauna-unahang
propesiya patungkol kay Jesus, pinangako ng Diyos na ang
Taga-pagligtas ay darating at tatalunin si Satanas. Lahat ng bagay na nilalarawan
sa tabernakulo, sa kaparian, sa mga handog, sa mga kagamitan
- ang lahat ng ito ay tapos na at natupad na.
Nang
mamatay na si Jesus napunit ang tabing sa tabernakulo sa dalawa, mula taas hanggang
baba. Anu ang ibig sabihin nito? Sa Lumang Tipan hindi makakapasok ang mga tao
sa kabanal banalan kung saan nakalagay ang Arko ng Tipan. May tabing na
nakaharang. Walang makakapasok sa atin dahil sa ating mga kasalanan dahil sa
pagsuway natin sa batas ng Diyos. Ngunit na tapos ang lahat ng ito. Napunit ang
tabing – ibig sabihin ang tao ay pwede ng makapasok o makalapit sa presensya ng
Diyos sa pamamagitan ni Jesus. Ibig sabihin nito tapos na ang Panahon ng Batas.
Maraming
tao ang takot na panghawakan ang katotohanang ito at naniniwala
na dapat parin nating gawin ang mga kautusan ni Moises para
maging ganap ang kaligtasan. Sila yung mga tinatawag na, Hebrew root.
Halimbawa, nakikita parin na hindi dapat suwayin ng mga Kristiyano
ang kautusan na Sabbath worship. Sabi nila na sinabi ni Jesus na
Siya ay pumarito hindi para suwayin ang kautusan kundi upang gawin
ang mga nasa kautusan. At binabasa pa nila ang sinasabi sa Lucas.
4:16 na araw ng Sabbath ng pumunta si Jesus sa synagogue para mag
turo. Syempre inaasahan natin na gagawin Niya ito dahil Siya ay nabuhay
pa sa ilalim ng kautusan. Sabi sa Galacia 4:4, “Ngunit nang sumapit ang takdang
panahon, isinugo ng Diyos ang Kanyang Anak. Isinilang Siya ng isang babae at
namuhay sa ILALIM NG KAUTUSAN.”At
kailangan Niyang tuparin ang lahat ng kautusan na bagay na hindi nagawa ng kahit sinumang taong nabuhay upang patunayang Siya lang ang tanging karapat-dapat na makagawa ng kaligtasan.
Sabi
sa Colosas 2:13-14, “13 Kayong dating patay dahil sa
kasalanan, kayong mga Hentil na hindi nasasakop ng Kautusan ay binuhay ng Diyos
na makasama ni Kristo. Pinatawad Niya ang ating mga kasalanan at 14
pinawalang-bisa ang lahat ng naisulat na alituntunin laban sa atin, pati ang
mga pananagutang kaugnay nito. Pinawi Niya ang lahat ng ito nang ipako Siya sa
krus.” Kaya hindi na tayo
nabubuhay sa ilalim ng kautusan – tayo ay nasa ilalim na ng panahon ng biyaya.
May
isang lalaking lumapit kay Alexander
Wooton na isang evangelist. Nag tanong ang
lalaking ito sa kanya kung
ano ang dapat niyang gawin para maligtas.
Napansin niya na ang lalaki
ay hindi seryoso. Ang sagot niya ay, “Huli
na ang lahat!” Sabi ng lalaki,
“Hindi, hindi, ano ang dapat kong gawin
para maligtas?” Muli sabi niya,
“Huli na ang lahat! Dahil tapos na ito!”
Ito ang mensahe ng Magandang
Balita – Ang gawa ng kaligtasan ay tapos
na. Hindi na kailangang saktan
pa ang sarili, o kung ano anong mga bagay
pa ang dapat gawin.
Pinaliwanag
ng Hebreo ang kumpletong gawa ng kaligtasan. Hebreo 9:26-28;
10:4, 12, “26 Kung hindi gayon, kailangan
sanang paulit na Siya‟y mamatay mula pa nang likhain ang sanlibutan. Subalit
minsan lamang Siyang nagpakita, ngayong matatapos na ang panahon, upang pawiin
ang kasalanan sa pamamagitan ng handog na Kanyang inialay. 27 Itinakda sa mga
tao na sila’y minsang mamamatay at pagkatapos ay ang paghuhukom. 28 Gayundin
naman, si Kristo‟y minsang inihandog upang pawiin ang mga kasalanan ng mga tao.
Siya‟y muling darating upang muling ihandog dahil sa kasalanan, kundi upang iligtas
ang mga naghihintay sa Kanya…10:4 sapagkat ang dugo ng mga toro at mga kambing
ay hindi makakapawi ng mga kasalanan. 12 Ngunit si Kristo ay minsan lamang
naghandog para sa mga kasalanan at pagkatapos ay umupo na sa kanan ng Diyos.”
Dahil
ang kaligtasan ay tapos na, hindi tayo dapat mag tangka na dagdagan
pa ang kaligtasan. Meron lang isang daan ng kaligtasan - ito ay
sa pamamagitan ng pananampalataya sa natapos na gawa ng ating Panginoong
Jesus. Nang mamatay si Jesus, iniyak Niya, “Tetelestai” – “Naganap na!”
________________________________________________________________
Pondering the Principles
1.
Kung si Jesus ay pumarito bilang isang lingkod na may dapat gawin, nakikita
mo ba na ikaw din ay isang lingkod ng Diyos? Ano ang tungkulin
ng isang lingkod? Ano ang pinapagawa sayo ng Diyos? Yamang
nalaman natin na tayo’y tinubos ni Jesus sa tiyak na kamatayan sa
impyerno sa pamamagitan ng Kanyang dugo, ano ang maibubunga ng
mga katotohanang ito sa iyong pagsunod kay Jesus? Gumawa ng commitment.
Gawin mo ang mga nagawa mong commitment. Ipanalangin
na tulungan kang Diyos sa pagsasabuhay ng mga commitment
na ito.
2.
Nakita natin ang buong buhay ni Jesus bilang isang tapat na lingkod hanggang
kamatayan. Suriin mo ang iyong buhay simula nang ikaw ay sumampalataya
kay Kristo. Maging tapat sa bagay na ito. Nakikita mo ba
ang katapatang pagsunod katulad ng ibinuhay ni Jesus? Ano ang mga dahilan
kung bakit nangyayari ang mga ito? May mga bagay ka ba na dapat
baguhin, alisin o idadag sa buhay mo? Manalangin ng pagsisisi at kapatawaran
kung may pagkukulang na nagawa at ipanalangin na bigyan
ka ng pusong tapat katulad ni Jesus.
3.
Nalaman natin na tayo ngayon ay hindi na nasa ilalim ng kautusan – ang
kautusan ni Moises. Na ang pagsunod sa kautusan ay hindi daan upang
tayo ay mapabilang sa mga ligtas dahil ang kaligtasan ay tapos na.
Nangangahulugan din ba nito na wala na tayong gagawin pag naligtas?
Ngunit ano ang papel ng kutusan at mabuting gawa sa buhay ng
isang mananampalataya? Papaano tinatanggkang dagdagan ng mga tao
ngayon ang natapos nang kaligtasan na ginawa ni Jesus? Ipanalangin ang
mga taong ito na sila ay mamulat sa katotohanan at sumampalataya lamang kay Jesus.
Seven Last Words - Nauuhaw Ako (Part 5 of 7)
I Thirst
“Nauuhaw Ako”
Scripture: Juan 28-30
Tinuro ni Pastor Arnel Pinasas
Mula sa aklat ni Warren Wiersbie na Jesus’ Seven Last Words
Intro:
Habang na ririnig natin ang mga salita ni Jesus sa kalbaryo, wala tayong duda na mahal tayo ni Jesus. Itong pag-ibig na ito ay inihayag ni Jesus sa espesyal na paraan dito sa panglimang huling salita
Juan 19:28-30
28 Alam ni Jesus na naganap na ang lahat ng bagay. Kaya‟t upang matupad ang kasulatan ay sinabi Niya, “Naauuhaw Ako!”” 29 May isang mangkok doon na puno maasim na alak. Inilubog nila rito ang isang espongha, ikinabit iyon sa isang tangkay ng hisopo at idinikit sa Kanyang bibig. 30 Nang masipsip na ni Jesus ang alak, sinabi Niya, “Naganap na!” Iniyuko Niya ang Kanyang ulo at nalagot ang Kanyang hininga.
Kung babalikan natin ang huling tatlong salita ni Jesus sa krus mapapansin natin na ito ay naka-sentro sa ibang tao; sa Kanyang kaaway, Sa magnanakaw, at kay Juan at Maria. Ngunit sa huling tatlong salita ni Jesus na titignan natin, makikita natin na ang pokus Niya ay sa Kanyang sarili:
a. His Body - “I THIRST” (John 19:28)
b. His Soul – “IT IS FINISHED” (v.30; Isa. 53:10)
c. His Spirit– “FATHER, INTO THY HANDS I COMMEND MY SPIRIT”
Ngayon, ang Body, Soul and Spirit – Lahat ng ito ay inialay ni Jesus sa perpektong pagsunod Niya sa Ama. Ang statement na pag-aaralan natin ngayon ang pinaka maiksi sa lahat na sinabi ni Jesus sa krus. – “I Thirst” (Juan 19:28). Ito ang tanging stament ni Jesus patungkol sa Kanyang katawan at physical suffering. Itong mga simpleng salitang ito ang naging daan upang mahayag sa atin ang puso ni Jesus, at mas makita natin ang mas malalim na pag-ibig Niya.
Ngayon para mas maintindihan natin ito titignan natin ang tatlong bagay na naglalarawan kay Kristo sa mga Salitang ito – “I THIRST.” Ang Tatlong paglalarawan kay Jesus ay…
I. Ang Paghihirap ni Jesus Bilang Tunay na Tao
Tignan natin ang unang paglalarawan, ang paghihirap bilang tao. Si Jesus ay tunay na tao, at hindi natin ito tinatanggi. At hindi rin natin tinatanggi na si Jesus ay tunay na Diyos. Ang mga Liberal theologians ngayon ay nagtatanggi sa Pagka-Diyos ni Jesus, pero ang mga unang Kristiyano ay walang duda sa pagka Diyos ni Kristo. May mga ilan naman na tinatanggi naman ang Kanyang pagiging tunay na tao. Sabi nila na nag anyong tao lang daw Siya. Ngunit naniniwala tayo na si Jesus ay tunay na tao at tunay na Diyos. Pansinin natin ang ilang bagay na naganap sa buhay ni Jesus:
- Si Jesus ay pinanganak bilang sanggol
- Siya ay lumaki bilang bata at naging binata
- Siya ay kumain at uminom
- Siya ay napagod
- Siya ay natulog
- Nakaranas ng mga pisikal na sakit
- Siya ay umiyak
- at namatay
Lahat ng ito ay naranasan Niya bilang isang taong walang kasalanan. Si Jesus ay banal, walang kasalanan ni kapintasan. “Samakatuwid, si Jesus, kung ganoon, ang Pinakapunong Paring nakakatugon sa ating pangangailangan. Siya‟y banal, walang kasalanan ni kapintasan man, inihiwalay sa mga makasalanan at itinaas sa kalangitan” (Hebreo 7:26). Sa naging buhay Niya dito hindi Siya nakakitaan ng kasalanan o pagkasangkot sa kasalanan – Siya ay walang kasalanan. Alam natin ang nangyari. Bagamat Siya’y walang kasalanan Siya ay namatay para sa ating mga kasalanan.
Nang Siya ay nasa krus, naranasan Niya ang bigat ng paghihirap nang buo ang physical suffering at spiritual suffering. Noong narinig Siyang tumatawag sa Ama, kumuha sila ng spongha para ibigay sa Kanya upang marinig pa ang mga sasabihin Niya. Sinipsip Niya dahil meron pa Siyang dalawang salitang sasabihin. May binigay din sa Kanya na alak na nilagyan ng Mira. Sa Marco 15:23, “Binigyan Siya ng alak na may kahalong mira, ngunit hindi Niya ininom.” Ngunit bakit tumanggi Siyang inumin ito? Ito ay isang gamot na pampabawas ng sakit – alak na sinamahan ng Myrrh. Ito’y nagpapakita na may kontrol Siya – na may kakayahan Siyang hindi maranasan ang sakit at pag-hihirap na ito. Ngunit tumanggi Siyang maibsan kahit kaunti ang paghihirap Niya sa krus. Buong buo Niyang tinganggap ang pag-hihirap na dapat Niyang maranasan.
Alam nyo ba ang ibig sabihin nito sa atin ngayon? Ibig sabihin nito na kung meron mang makaka-intindi at makaka-unawa sa ating mga pinagdadaanang suffering – broken heart, pain, kabiguan, pagtakwil – ito ay walang iba kundi si Jesus. Madalas na sasabihan natin ang mga nais mag comfort sa atin o nais tumulong sa atin na, “hindi mo alam ang nararamdaman ko”, “Hindi mo naiintindihan ang nararamdaman ko”, “Walang makakatulong sa akin.” Ngunit nagkakamali ka kung ito ang iyong iniisip – Si Jesus ay tunay na nakakaunawa sa iyong pinagdaraanan dahil napagdaanan Niya ito.
Noong una nasasabi ng mga tao sa Diyos na, “madali Sayo na iutos Mo sa amin na magpatawad; patawarin ang aming mga kaaway, mahalin ang aming mga kaaway, pero hindi Mo alam kung gaano ito kahirap kasi wala ka naman sa kalagayan namin.” Pero ngayon hindi na natin ito masusumbat sa Diyos dahil ang Diyos mismo ay tunay na nakakaunawa sa atin dahil Siya’y pumarito sa pamamagitan ng Kanyang Anak. Sabi sa, Hebreo 4:14-16, “14 Magpakatatag tayo sa ating pananampalataya, yamang mayroon tayong dakilang saserdote na pumasok sa kalangitan sa harapan ng Diyos, walang iba kundi si Jesus na Anak ng Diyos. 15 Ang dakilang saserdote nating ito ay nakakaunawa sa ating mga kahinaan sapagkat sa lahat ng paraa’y tinukso Siyang tulad natin, ngunit hindi nagkasala. 16 Kaya’t huwag na tayong mag-atubiling lumapit sa trono ng mahabaging Diyos at doo’y kakamtan natin ang habag at kalinga sa panahong kailangan natin ito.”
Masarap lumapit sa taong alam mo na nauunawaan ka, naiintindihan ka, alam ang eksaktong dala-dala mong kabigatan… ngunit minsan nabibigo tayong makahanap ng ganitong tao sa mga panahon na nahihirapan na tayo. Ngunit nilinaw sa atin ni Jesus sa pamamagitan ng mga pahayag na ito na meron tayong malalapitan na tunay na nakakaunawa, nakaka-intindi at tunay na makakatulong sa atin – sa lahat ng oras at panahon – iyan ay walang iba kundi si Jesus. Sabi sa Talata “Kaya‟t huwag na tayong mag-atubiling lumapit sa trono ng mahabaging Diyos at doo‟y kakamtan natin ang habag at kalinga sa panahong kailangan natin ito.”
Ito ay nag e-encourage sa akin para manalangin; Ito ang nag encourage sa akin para mag patuloy; Ito ang nag-encourage sa akin para hindi sumuko, dahil maaari akong makalapit sa lahat ng oras at panahon sa trono ng biyaya at makasumpong ng biyaya sa panahon ng pangangailangan.
II. Ang Masunuring Lingkod ng Diyos
Ang pangalawang paglalarawan kay Jesus ay, Ang Masunuring Lingkod ng Diyos. Bakit ba sinabi ni Jesus na “I thirst” sa Juan 19:28? Upang matupad ang nasa kasulatan. Sumunod Siya ng buong katapatan sa Salita ng Diyos. Sakatunayan kung babalikan natin yung mga napagaralan natin, lahat ng ginawa ni Jesus ay pagsunod sa Salita ng Diyos. Dito tinupad ni Jesus ang nakasaad sa: Awit 69:21-“Suka at di tubig ang ipinainom sa akin.”Awit 69:20 - “Puso ko‟y durog na dahilan sa kutya, kaya naman ako‟y wala nang magawa; Ang inasahan kong habag ay nawala, Ni walang umaliw sa buhay kong aba.”Awit 69:3 - “Ako ay malat na sa aking pagtawag, Ang lalamunan ko, damdam ko‟y may sugat.”Actually kung babasahin ninyo ang Awit 69 makikita ninyo ang paghihirap ng ating taga-pagligtas.
Sabi sa Juan 4:34, “Sinabi sa kanila ni Jesus, ‘Ang pagkain Ko’y ang tuparin ang kalooban ng nagsugo sa Akin, at ganapin ang ipinagagawa Niya.’” Kung nagbabasa kayo ng Bibliya lalo sa aklat of Mateo – mapapansin natin nanmadalas mababasa natin ang mga salitang: “And this He said (or did) that it might be fulfilled which was spoken by the prophet.” Bakit Siya pinanganak sa Bethelem? Para matupad ang prophecy. Bakit Siya napunta sa Egipto? Para matupad ang prophecy. Bakit Siya at pumunta sa Nazareth? Para matupad ang prophecy. Bakit Niya ginawa ang mga ginawa Niya? Siya ay sumusunod sa Salita ng Diyos.
Sabi sa Filipos 2:8, “Siya’y nagpakababa at naging masunurin hanggang kamatayan, oo, hanggang kamatayan sa krus.” Tunay na Siya ay isang masunuring lingkod ng Diyos. Kaya sa ngayon kung maririnig natin ang sinabi ni Jesus na “I thirst” – ito’y nag papaalala sa atin na dapat din tayong maging masunurin sa Salita ng Diyos tulad ni Jesus. Ang pinaka-importanteng bagay sa buhay ng mga mananampalataya ay ang malaman ang kalooban ng Diyos at magawa ito. Sabi sa Efeso 6:6, “May nakakikita man o wala, ganyan ang gawin ninyo, hindi upang magbigay-lugod sa mga tao kundi dahil sa kayo’y lingkod ni Kristo at kusang-loob na gumaganap ng kalooban ng Diyos.”
III. Ang Mapagmahal na Tagapagligtas ng mga Makasalanan
Nakita na natin ang dalawang paglalarawan sa ating Panginoong Jesus sa pahayag na ito: Ang Paghihirap ni Jesus Bilang Tunay na Tao at Ang Masunuring Lingkod ng Diyos. Ngayon, ang pangatlo ay – Ang Mapagmahal na Tagapagligtas ng mga Makasalanan. Si Jesus ay na uhaw syempre dahil sa hirap na pinag-daanan ng Kanyang katawan. Pero naalala nyo yung pinag-aralan natin sa ika-apat na pahayag – na may nangyaring tatlong oras na total darkness (super natural event). Sa mga oras na iyon, iniiyak Niya “My God, my God, why hast Thou forsaken Me?” (Mat. 27:46). Nais kong ipakita muli sa inyo dito nang si Jesus ay ituring na makasalanan, at natapos Niya ang dakilang transaksiyon para sa ating kaligtasan, tiniis Niya ang impyerno para sa atin. Tignan natin ito: Ang impyerno ay isang lugar ng pagka-uhaw. Sa Lucas 16, kung naalala nyo yung kwento na kinuwento ni Jesus patungkol sa isang mayaman na napunta sa lugar ng paghuhukom. Sa lugar na iyon siya ay na-uuhaw. Ang mga tao na nasa lugar ng paghuhukom ay nagsasabi na “I thirst,” “na-uuhaw ako.” Nang si Jesus ay namatay para sa atin at itinuring makasalanan para sa atin, Siya ay na-uhaw. Pansinin natin ito: marami tayong makikitang kopa sa Kalbaryo.
A. Kopa ng Kawanggawa
Binigyan Siya ng alak na nilagyan ng myrrh o mira para kahit paano mabawasan ang sakit pero tinanggihan Niya ito. “Binigyan Siya ng alak na may kahalong mira, ngunit hindi Niya ininom” (Mateo 15:23).
B. Kopa ng Pangungutya
Sa Lucas 23:36, “Nilait din Siya ng mga kawal. Nilapitan at inalok ng maasim na alak.”
C. Kopa ng Simpatya
May kumuha ng spongha na nilagyan ng suka at binasa ang Kanyang tuyong labi (Juan 19:29). Pero ang dakilang kopa sa lahat ay…
D. Kopa ng Kasalanan (Malaking kasalanan)
Sinabi ni Jesus kay Pedro sa Juan 18:11, “Isalong mo ang iyong tabak! Dapat Kong inumin ang saro ng paghihirap na ibinigay sa Akin ng Ama.” Naalala nyo yung unang himala ni Jesus sa Juan 2? Na kung saan ginawa Niyang alak ang tubig. Naubusan sila ng alak, dahil lahat ng bagay na makukuha dito sa mundo ay nauubos. Hindi kayang ibigay ng mundo ang lahat ng iyong pangangailangan. Tanging si Jesus lang ang makakapag bigay ng walang-hanggang kasiyahan sa atin.
Ano sabi ni Jesus sa Samaritana doon sa balon sa Juan 4:13, 14, “13 Sumagot si Jesus, 'Ang bawat uminom ng tubig na ito'y muling mauuhaw, 14 ngunit ang sinumang uminom ng tubig na ibibigay Ko sa kanya ay hindi na muling mauuhaw kailanman. Ang tubig na ibibigay Ko ay magiging batis sa loob niya, at patuloy na bubukal at magbibigay sa kanya ng buhay na walang hanggan.'”
Ang kasalanan ay kailanman hindi makakapatid ng uhaw; lalo lang nya palalakihin ang paghahangad mo, pero yung kaligayahang naibibigay ay maliit lang at panandalian lamang. Ano sabi ni Jesus sa Juan 7:37, “Sa kahuli-hulihan at pinakatanging araw ng pista (feast of tabernacle), tumayo si Jesus at nagsalita nang malakas, ‘Kayoong mga nauuhaw ay lumapit sa Akin’”
Sabi
sa Bibliya walang pagkauhaw sa langit: “Hindi
na sila magugutom ni mauuhaw man”
(Pahayag 7:16). Sa katunayan sa huling imbitasyon sa Bibliya
sa Pahayag 22:17, “Sinasabi ng Espiritu at ng babaing
ikakasal, ‘Halikayo!’ Lumapit ang sinumang
nauuhaw; kumuha ang may gusto ng tubig na nagbibigay-buhay; ito’y walang bayad.” Ang tanong ngaun ay hindi, “Do you thirst?” - “Nauuhaw kaba?” Dahil lahat ng tao sa reyalidad
ay uhaw sa Diyos, uhaw sa pagpapatawad. Ang tunay na tanong ay,
“Hanggang kailan ka magtitiis sa pagkauhaw? Kung tunay na ikaw ay
nagtiwala at sumampalataya kay Jesus bilang iyong Panginoon at
Tagapagligtas, hindi kana kailanman mauuhaw - ibigsabihin masusumpungan mo na ang tunay na kaligayahang walang-hanggan.
Nauhaw
si Jesus sa Krus para tayo ay hindi na muling mauhaw. Kaya kapag
sumampalataya tayo sa Kanya, bibigyan Ka Niya ng kasiyahan at kailanman
hindi kana mauuhaw.
________________________________________________________________
Pondering the Principles
1.
Bakit mahalaga na si Jesus ay tao? Ano ang mabuting bagay para sa atin
na tanggapin ni Jesus nang buo ang paghihirap sa krus? Basahin ang:
Gawa 14:22; 1 Pedro 2:21. Katulad ni Jesus na tinanggap nang buo ang
kahirapang tatanggapin dahil sa pagsunod sa Ama, ikaw ba ay nakahanda
ding magtiis bilang taga-sunod ni Kristo?
2.
Basahin ang Filipos 2:8. Anong magandang halimbawa ang iniwan ni Jesus
sa Kanyang mga taga-sunod na dapat gawin? Makikita natin na lahat
ng mga nangyayari sa buhay ni Jesus ay ayon sa mga plano at kalooban
ng Diyos, kung susuriin mo ang iyong buhay, masasabi mo ba na
ang lahat ng nangyayari sayo ay ayon sa plano at kalooban ng Diyos? Bakit?
Papaano mo ba malalaman ang kalooban ng Diyos? Ginagawa mo ba
ito? Nalalaman ni Jesus ang kalooban ng Diyos dahil ang lahat ng ito ay
nahayag sa Kanyang Salita. Madaling magsabi na ito ang kalooban ng Diyos,
ngunit malalaman iyan sa pagpapahalaga mo sa Kanyang Salita. Ipanalangin
na ilagay sa puso mo ng Diyos ang pagkauhaw at pananabik
sa Kanyang Salita upang alamin ang Kanyang kalooban at ito’y
ipamuhay tulad ni Jesus.
3.
Sinabi ni Jesus sa Juan 4:13, na ang sinumang uminom ng tubig na Kanyang
inaalok ay hindi na muling mauuhaw pa, ano ang ibig sabihin nito
patungkol sa mga makamundong alok ng sanlibutan? May pagkakataon
ba na umiinom ka pa rin sa mga alok na kopa ng sanlibutan?
Ano ang mga bagay na ito? Ano ang desisyon mo sa mga bagay
na ito ngayon? Gumawa ng commitment sa Panginoon. Gawin mo
ang mga commitment na ito. Lumapit sa Diyos at magpakumbabang magsisi
sa pagbibigay ng hilig ng laman at ipanalangin ang mga commitment na iyong
maisabuhay sa tulong at gabay ng Espiritu.
Name of God: Fortress - "Kapangyarihan ng Imahenasyon" (102 of 366)
Name of God: Fortress Kapangyarihan ng Imahenasyon Basahin: Kawikaan 18:10-16 (102 of 366) “Ang ari-arian ng isang mayaman ay kanyang kanlu...
-
Mahalin ang Diyos at Mahalin ang Iyong Kapwa Wholistic Ministry Mga Pangunahing Layunin 1. Maunawaan natin na tinawag tayo ng Diyos upang m...
-
Name of God: Author Ang Pamana Basahin: Deuteronomio 6:4-9 (75 of 366) “Isinusulat namin ito upang malubos ang aming kagalakan.” (1 Juan 1:...
-
Father, Forgive Them “ Ama, patawarin Mo sila ” Scripture: Lucas 23:33, 34 Tinuro ni Pastor Arnel Pinasas Mula sa aklat ni Warren Wiersbie...

