Equip To Serve Class
Baliktanaw:
Sa biyaya ng Diyos, nakita natin nakaraan kung ano ang ibig sabihin ng pagiging disipulo ni Jesus. Ito ay pagkakaroon ng matinding pagnanais namaging katulad ni Jesus sa pananalita, gawa, paglilingkod at pag-iisip. Gusto din nating gawin ang ginagawa Niya na nakakapagbigay kaluguran sa Diyos, at isa na dito ang pagdidisipulo din sa iba. Kaya ang pangalawang tanong na titignan natin ay, “Bakit” ng pagdidisipulo.
II. Bakit Mahalaga ang Mag Disipulo?
Pagkatapos na muling mabuhay ni Jesus mula sa mga patay, iniwan ni Jesus ang Kanyang mga disipulo na may simpleng utos na kilala sa tawag na, “ang Dakilang Atas” (The Great Commandment):
Matthew 28:18-20
18 And Jesus came and said to them, “All authority in heaven and on earth has been given to me. 19 Go therefore and make disciples of all the nations, baptizing them in the name of the Father and of the Son and of the Holy Spirit, 20 teaching them to observe all that I have commanded you. And behold, I am with you always, to the end of the age.”
Mateo 28:18-20
18 “Lumapit si Jesus at sinabi sa kanila, ‘Ang lahat ng awtoridad sa langit at sa ibabaw ng lupa ay ibinigay na sa Akin. 19 Kaya’t sa paghayo ninyo, gawin ninyong alagad ang lahat ng mga bansa, bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama at Anak at ng Espiritu Santo, 20 at turuan silang sundin ang lahat ng mga bagay na inutos Ko sa inyo. At narito, Ako’y kasama ninyong palagi, hanggang sa katapusan ng panahon.”
Bakit nga ba mahalagang pahalagahan natin ang pagdidisipulo?
A. Dahil ito ay utos at hindi opsiyonal
Una, pansinin ang talata 18 kung saan sinabi ni Jesus, “Ang lahat ng awtoridad sa langit at sa ibabaw ng lupa ay ibinigay na sa Akin.” Ito ay unang binanggit ni Jesus para makilala natin ang bigat ng utos na ito. Bilang Diyos at Panginoon ng buong sanlibutan, ibinigay ni Jesus ang utos sa ating lahat. Hindi Siya nakikiusap o nanghihikayat lang. Nag-uutos Siya. Kung hindi tayo susunod, nagkakasala tayo.
B. Dahil ito ang pangunahing utos na nating gawin
Sa English grammar na pag-interpreta sa talata, may makikita tayong apat na verb (action word): “Go”, “make disciple”, “baptizing” at “teaching”. Tatlo dito ay mga participle verb: “going”, “baptizing” at “teaching” at ang isa ay imperative verb o main verb, ang utos na: “make disciple.” Ang pangunahing kaisipan dito ay ang make disciple. Ang mga participle verb ang nagsasabi kung papaano natin magagawa ang main verb: ang humayo, ang mag bautismo at magturo. Hindi natin magagawa ang main verb na mag disipulo kung hindi natin kumpletong gagawin ang mga participle verb.
Make Disciple
(main verb)
↙ ↓ ↘
C. Dahil ito ay hanggang sa katapusan ng mundo
Isa pang mahalagang katotohanan mula sa Dakilang Atas ay, “Ako’y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng panahon.” Malinaw na sinasabi ni Jesus na ang utos na ito ay gagawin hanggang sa katapusan ng sanlibutan
11 At binigyan Niya ang ilan ng kaloob upang maging mga apostol, ang iba nama’y mga propeta, ang iba’y ebanghelista, at ang iba’y pastor at guro. 12 Ginawa Niya ito upang ihanda sa paglilingkod ang lahat ng mga banal, para sa ikatitibay ng katawan ni Kristo, ang iglesya.”
Makikita natin sa talata 12, na trabaho ng mga pastor na “ihanda sa paglilingkod ang lahat ng mga banal, para sa ikatitibay ng katawan ni Kristo, ang iglesya.” Malinaw na walang hindi kasali, lahat ay lingkod na dapat sumunod. Ito ay hindi gawain ng Pastor o ng ilan lang, ito ay gawain nating lahat na mga mananampalataya.
E. Dahil ito ang daan para maabot ang lahat sa mundo
Sa talata 19, “Go therefore and make disciples of all the nations” ang salitang “nations” ay galing sa orihinal na salitang griyego na “Ta Ethne” kung saan galing ang English word na “ethnic” na ibig sabihin ay grupo ng mga tao. Ibig sabihin ang misyon natin ay abutin ang mundo sa pamamagitan ng pagdidisipulo.
Ayon kay Juan, nakita niya sa magiging katapusan ng lahat at sinulat sa Pahayag 7:9, “Pagkatapos nito’y nakita ko ang napakaraming tao na di kayang bilangin ninuman! Sila’y mula sa bawat bansa, lahi, bayan, at wika. Nakatayo sila sa harap ng trono at ng Kordero, nakadamit ng puti at may hawak na mga palaspas.” Sa kabuuang plano ng Diyos makikita natin na may mga mananampalataya sa bawat bansa, lahi, bayan at wika. Ngunit ayon sa pag-aaral meron tayong 196 na bansa at meron tayong halos 16,000 na grupo ng mga tao. At mula dito meron pang 7,000 na hindi pa naaabot na grupo ng mga tao. Meron itong halos 3 bilyong tao. Ibig sabihin marami pang misyong dapat abutin. (Ngunit sa huling datos ay nasa 500 na lang na grupo ng tao ang hindi pa na aaabot).
F. Dahil ito ang madaling paraan para maabot ang lahat sa mundo
Sabi ni Jesus sa Mateo 11:29-30, “Pasanin ninyo ang
Aking pamatok at sundin ninyo ang Aking mga itinuturo sapagkat Ako’y maamo at
mapagkumbabang loob. Sapagkat madaling dalhin ang Aking pamatok at magaan ang
pasaning ibinibigay Ko sa inyo.” Ang pamatok ay sumisimbulo na may gagawing
gawain. Sabi ni Jesus, meron Siyang gawaing ipapagawa sa atin at ito’y madaling
dalhin at magaan ang pasaning ibibigay sa ating mga mananampalataya. Pero kung
babalikan natin ang misyong iniwan Niya sa atin - ang abutin ang buong mundo,
masasabi ba nating madali itong dalhin?
Marami ang gumawa ng misyong ito ayon sa sariling
kaparaanan - pa concert, palakihin at pagandahin ang simbahan, mga pakulo at
gimik para makaakay ng maraming tao sa simbahan. Ngunit ang bunga nito ay
pagod, puyat, malaking budget at maraming meeting. Pero ang bunga nito ay hindi
pangmatagalan. Ngunit ang kaparaanang binigay ni Jesus ang nag-iisang daan para
mangyari ito - ang pagdidisipulo ng lahat ng mananampalataya. Tignan natin ito,
paghambingin at pag-aralan:
Year Gifted Pastor Discipler
1 20,000 2
2 40,000 4
3 60,000 8
4 80,000 16
5 100,000 32
6 120,000 64
7 140,000 128
8 160,000 256
9 180,000 512
10 200,000 1024
11 220,000 2048
12 240,000 4096
13 260,000 8192
14 280,000 16,384
15 300,000 32,758
16 320,000 65,516
17 340,000 131,032
18 360,000 262,064
19 380,000 524,128
20 400,000 1,048256
21 420,000 2,096,512
22 440,000 4,193,024
May isang pastor na gifted na nagsimula ng isang gawain
sa isang lungsod. Dahil sa siya ay gifted, sa bawat taon niya sa ministry ay
nakakapagdala siya ng 20,000 na bagong mananampalataya sa kanilang bagong
tayong gawain. Taon-taon ay parehong dami ang nadadagdag sa kanilang gawain.
Kaya sa kanilang ika 22nd church anniversary sila ay umabot sa
440,000 na magkakapatid sa Panginoon. Sa kabilang lungsod naman, may isang
disciple maker na hindi ganoon ka gifted kumpara sa kabilang Pastor. Sa unang
taon niya sa kanyang mission field nakaakay lamang siya at tumutok sa dalawang
kaluluwa. Wala siyang preaching pag Sunday, wala siyang mga bible study, at ano
pang mga iba pang gawain. Tumutok lang siya sa dalawa kung saan tinulungan at
tinuruan niya silang mamuhay na tulad ni Jesus at hinanda para makapagdisipulo
din ng iba. Sa sumunod na taon hinamon niya ang dalawa na makapag disipulo din
nang tig-isa. Ginawa nila sa mga dinisipulo nila ang ginawa din sa kanila ng
nagdisipulo sa kanila. Ganun ulit, walang Sunday preaching, walang mga Bible
study, atbp. Tumutok lang sila sa mga ilang kaluluwa kaya sila ay naging apat
sa ikalawang taon. Nagpatuloy ang ganitong gawain hanggang sa ika-22nd
church anniversary nila at umabot sila ng 4,193,024 na mga kapatid sa
Panginoon. Hindi ko sinasabi na hindi mahalaga ang Sunday preaching, bible
studies at iba pang gawain, sinabi ko lang ito upang ipakita kung gaano
madaling dalhin ang pamatok at magaan ang pasaning ibinigay sa atin ni Jesus.
G. Dahil makakasama
natin si Jesus
Madalas ay laman ng ating panalangin na tayo’y samahan
ng Diyos sa lahat ng ating ginagawa. Ngunit may pangako si Jesus na binitawan
sa huling bahagi ng talata 20, “At narito, Ako’y kasama ninyong palagi,
hanggang sa katapusan ng panahon.” At makakamtan natin ito kung gagawin
natin ang pinapagawa Niya - ang magdisipulo. Magiging madali ang pamatok na
binigay sa atin hindi dahil sa ating galing, kundi dahil sa kasama natin si
Jesus. Pinangako Niya na tutulungan Niya tayo sa pagdidisipulo para magawa ang
pinapagawa Niya.
Filipos 4:13
“Ang lahat ng ito’y magagawa ko dahil sa lakas na
kaloob sa akin ni Kristo.”
H. Dahil ito ang
magiging daan upang mas maunawaan natin ang pag-ibig ni Jesus
Alam kong alam nating mahal tayo ng ating ina, pero
kapag ikaw ay naging ina na rin at nakaranas na mabuntis at maranasan ang lahat
ng hirap na nadaanan ng nanay mo, doon palang natin mas maiintindihan ang tunay
na pag-ibig ng ating ina dahil tayo’y nasa kalagayan na niya. Ganun din sa atin
sa ating Panginoong Jesus, alam kong alam natin na mahal Niya tayo, ngunit mas
mauunawaan natin ng malalim ang pag-ibig Niya kapag nagdidisipulo na tayo. Doon
palang natin mauunawaan kung gaano ang Kanyang pagtitiis, pagsasakripisyo at
sakit na naranasan para tayo ay abutin. Magtutulak ito sa atin para mas lalo
siyang mahalin at sundin sa ating buhay.
I. Dahil
ito ang paraan para tayo ay mas lumalim at lumago sa ating pananampalataya
Madalas ito rin ay laman ng ating panalangin - ang
lumago sa ating pananampalataya. Sa pagdidisipulo habang hinahatak natin ang
iba na mapalapit sa Diyos, sila rin ay ginagamit ng Diyos para itulak pa tayong
mas mapalapit sa Diyos. Dahil kapag sinisimulan na natin silang turuang magbasa
ng Biblia, sila ang magtutulak din sa atin na tunay na ito’y basahin, dahil
nakakahiyang malaman ng mga disipulo natin na tayo mismo ay hindi nagbabasa. Magtutulak
ito sa atin na intensyong ipamuhay ang ating mga tinuturo sa ating mga
dinidisipulo. Ang tawag namin dito ay, “PUSH and FULL Factor.”
J. Dahil ito’y
kalooban ng Diyos - ang maging katulad ni Jesus
Muli ayon sa binasa at na pag-aralan natin kanina sa
Roma 8:28-29,
“28. Alam nating sa lahat ng bagay ay gumagawa ang
Diyos para sa ikabubuti ng mga nagmamahal sa Kanya, silang mga tinawag ayon sa
Kanyang layunin. 29 Sapagkat sa mula’t mula pa’y alam na ng Diyos kung sino ang
magiging Kanya at ang mga ito’y pinili upang maging tulad ng Kanyang Anak. Sa
gayon, ang Anak ang naging panganay sa lahat ng maraming magkakapatid.” Malinaw
na ito ay kalooban ng Ama mula’t mula pa, upang maging katulad ni Jesus.”
Dapat ay maging hangarin din natin ang hangarin ni
Pablo sa Filipos 3:10, “Ang tanging hangarin ko ngayon ay lubusang makilala
si Kristo, maranasan ang kapangyarihan si Kristo, maranasan ang kapangyarihan
ng Kanyang muling pagkabuhay, makibahagi sa Kanyang mga paghihirap, at maging
katulad Niya sa Kanyang kamatayan.”
K. Dahil ito ang
daan para matulungan natin ang ating Pastor
Ito ang daan para matulungan natin ang ating Pastor na magkaroon ng maraming oras sa kanyang pamilya at sa mas mahalagang gawain sa paglilingkod. Isa sa mapapansin natin na karamihan ng mga masisipag
na Pastor sa gawin ay may hindi mabuting patotoo sa pamilya. Laging galit ang
asawa, mga anak na pasaway (nabuntis ng maaga o nakabuntis, o mga rebelde). Ito
ay dahil walang maraming oras ang Pastor natin na nailalaan sa kanyang pamilya
kaya sila’y hindi nagiging mabuting modelo. Isa sa mga dahilan nito ay dahil
ang mga miyembro nito ay hindi naihanda (na equip) sa pagdidisipulo. Kapag may
nabahagian silang kaibigan at bukas sa bible study, lalapit sila kay Pastor at
sasabihing, “Pastor praise God! Nakapag share ako sa kaibigan ko. Open daw siya
sa bible study. Paki puntahan nyo po.” Kaya ang kawawang Pastor bibitawan niya
ang ilang oras para sa pamilya niya para magamit ang oras na iyon sa pagbible
study. Imagine nyo kung lahat ay ganoon. Talagang hindi kataka-taka ito sa mga
Pastor na masasabing masipag dahil sa isang araw halos apat o higit pa ang
kanyang bible study. Kaya pagdating sa bahay wala na siyang oras sa pamilya
dahil sa pagod at mas gugustuhing magpahinga kaysa magkaroon ng oras sa
pamilya.
Ngayong alam na natin kung bakit mahalaga ang
magdisipulo, papaano ba natin ito gagawin? Iyan ang titignan natin sa susunod
na pag-aaral sa biyaya ng Diyos.
___________________________________________________________________________________
Groupings:
Hatiin sila sa grupo na may dalawa hanggang tatlong
miyembro lamang.
Pag-isipan:
1. Magbigay ng dalawa hanggang tatlong dahilan bakit dapat
magdisipulo?
2. Pwede ba na ang isang nagsasabing Kristiyano ay hindi
magdisipulo? Bakit?
3. Ano ang humahadlang sayo para gawin ang magdisipulo?
Pagsasabuhay:
1. Sino ang mga taong ipinapanalangin mo na mabahaginan
ng Magandang Balita at ididisipulo?
Pananalangin:
Ipanalangin sa Diyos na tulungan tayong isabuhay ang
mga ginawang desisyon sa pag-aaral na ito.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento