Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Pag-aaral tungkol sa Biblia. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Pag-aaral tungkol sa Biblia. Ipakita ang lahat ng mga post

Miyerkules, Abril 27, 2022

The Reliability of the Bible (Part 4 of 4)

The Reliability of the Bible (Part 4 of 4)

Tinuro ni Pastor Arnel Pinasas
Mula sa CCF – GLC 3


E. Prophecy

Isaias 46:9-10
9 “Alalahanin ninyo ang mga nakaraang pangyayari. Inyong kilalaning Ako lamang ang Diyos, at maliban sa Akin ay wala nang iba. 10 Sa simula pa'y itinakda Ko na, at Aking inihayag kung ano ang magaganap. Sinabi Kong tiyak na magaganap ang lahat ng balak Ko, at gagawin Ko ang lahat ng gusto Kong gawin.”

Parang sinasabi dito ng Diyos na “para mapatunayan Ko na Ako ang natatanging Diyos sasabihin Ko na sa inyo ang mga mangyayari.” Para pag nangyari ito alam natin na Siya ang tunay na Diyos. Kung kilala ninyo si Nostradamus, kilala siya sa pag prophesy ng mga mangyayari at marami ang naniniwala sa kanya. Sa Bible malinaw na sa sampung prophecy at isa doon ay mali ikaw ay false prophet. At siya ay maraming prophecy na hindi nagkatotoo pero marami parin ang mas nagtitiwala at na niniwala kaysa sa mga prophecy sa Bible na lahat ay nagkatotoo. At wala na tayong makikitang ibang religious book na katulad ng Bible sa daming prophecy at 100 percent ay nagkatotoo. Tignan natin ang ilang halimbawa:

1. Tyre

Ezekiel 26:4 (Tyre)
“Iguguho nila ang iyong (Tyre) kuta at ibabagsak ang iyong mga toreng bantayan. Kakalkalin Ko ang iyong lupa hanggang sa bato ang matira.”

Ezekiel 26:12 (Tyre)
“12 Sasamsamin niya ang iyong ari-arian. Iguguho niya ang iyong mga tanggulan, gigibain ang iyong magagarang bahay, at itatambak sa dagat ang mga bato at kahoy na gumuho.”

Kung hindi ninyo alam ang history hindi ninyo ito ma-appreciate. Ang Tyre ay ang major commerce center. Parang sinasabi ng Bible na yung China ay totally wipe-out. So, anong nangyari sa Tyre? Nangyari ba ito?

Ang Tyre ay unang inatake ng Babylon tapos si Alexander the Great ay napasama din. Gustong pumasok ni Alexander the Great sa loob ng templo pero hindi siya pinapasok. Yung mga tao pumunta sila sa baybayin at si Alexander the Great naman ay nasa mainland. Mayroon doong island at may mga nakatira doon sa island na iyon. Alam nyo ba ginawa ni Alexander? Winasak niya ang lumang lunsod ng Tyre para kunin ang lahat ng kanilang mga bato at kahoy at ginamit ito para gumawa ng tulay. Ito ang kauna-unahang land reclamation project. Ang lahat ay nagiba doon para mangyari at matupad ang nakakamanghang prophecy.

Si Alexander the Great ay papunta sana ng India pero nabaling ang lakas niya dahil ininsulto siya ng mga tao sa Tyre. Mga kapatid tandaan ninyo ito, kapag may sinabi ang Diyos na isang bagay ito’y tiyak na mangyayari.

2. Medo-Persia At Greece

Daniel 8:20-22 (Medo-Persia & Greece)
“20 Ang dalawang sungay ng barakong tupa na nakita mo ay ang mga hari ng Media at Persia. 21 Ang barakong kambing ay ang hari ng Grecia at ang malaking sungay sa pagitan ng kanyang mga mata ay ang unang hari. 22 Tungkol naman sa apat na sungay na humalili sa unang sungay, nangangahulugan itong mahahati sa apat ang kaharian ngunit hindi magiging makapangyarihang tulad noong una.”

Muli, hindi natin ito mauunawaan maliban kung aalamin natin ang history.

Daniel 11:3-4
“Pagkatapos, lilitaw ang isa na namang makapangyarihang hari. Ito ay maghahari sa isang malawak na nasasakupan at gagawin niya ang anumang kanyang maibigan. 4 Kapag naghahari na siya, mahahati sa apat ang kanyang kaharian ngunit isa ma'y walang mauuwi sa kanyang mga kaanak. Ang kaharian niya'y masasakop ng mga taga-ibang bayan, ngunit sinuman sa kanila'y hindi magkakaroon ng kapangyarihang mamahala tulad ng sa kanya.”

Ang gustong sabihin dito ng Diyos na itong great king ay bigla nalang mahahati ang kanyang kingdom hindi dahil sa gusto niya ito at ito’y labas sa kanyang kontrol. At hindi daw mamamana ng kahit na sinoman daw sa kanyang kamag-anak ang kanyang trono at alam naman natin na sa panahon nila na ang trono ay dapat napapasa sa anak o sa kamag-anak. So, nung sinasabi ito ni Daniel wala silang idea sa kung ano ang sinasabi ng Bible hanggang sa ang prophesy ay magkatotoo.

Sino ang tinutukoy dito ng Bible? Kay Alexander the Great. Siya ay namatay sa kasagsagan ng kanyang kagitingan at namatay siya ng bata pa. Pagkatapos niyang mamatay nahati ang kanyang kingdom sa apat na general niya.


Nangyari ito lahat sa panahon na tinatawag natin na the 400 years of silent bago dumating si Jesus. Sinabi na ito ng Bible bago pa ito mangyari. Wala na kayong makikita na ibang book na may prophecy katulad ng Bible na natupad - tulad ng historical events, places.

3. Egypt
Isa pang nakakamanhang prophecy na titignan natin ay ang sa bansang Egypt. Ang Egypt ay super advance at super power na bansa. They invented so many things. Before pa kay Abraham ay meron ng Pyramid.

Pero ngayon ang Egypt ano na sila ngayon? Mas angat pa nga ang Philippines sa bansa nila. Bakit nagkaganito? Ano ang nangyari?

Ezekiel 29:9 (Egypt)
“Ang buong Egipto ay matitiwangwang at mawawalan ng kabuluhan. Sa gayon makikilala ninyong ako si Yahweh. ‘Sinabi mong iyo ang Ilog Nilo sapagkat ikaw ang gumawa niyon.’”

Ezekiel 29:15 (Egypt)
“Siya'y magiging pinakamahina sa lahat ng kaharian, at kailanma'y hindi siya makahihigit sa iba, pagkat pananatilihin Ko silang kakaunti.”

Tandaan nyo ang Egypt noong panahon nila ay parang America sa panahon natin ngayon. Ang mga Israelita ay pumupunta doon for protection. Pero ngayon pumunta ka sa Egypt, nakakalungkot, di kapanipaniwala ang nangyari sa kanila, malayong-malayo sa dating Egypt na makikita natin sa Bible. Marami patayong makikita na Kingdom na bumagsak pero muling nakabanggon gaya ng China pero ang Egypt hindi na naka-recover. Bakit? Dahil ang Diyos kapag may sinabi nangyayari

4. Edomites

Obadias 4 (Edomites)
“Kasintaas man ng pugad ng agila ang iyong bahay, o maging ang mga bituin man ay iyong kapantay, hahatakin kitang pababa at ikaw ay babagsak.”

Obadias 3 (Edomites)
“Nilinlang ka ng iyong kayabangan; dahil ang kapitolyo mo'y nakatayo sa batong buháy; dahil ang tahanan mo'y nasa matataas na kabundukan. Kaya't sinasabi mo, ‘Sinong makakapagpabagsak sa akin?’”

Pero anong sinabi ng Diyos sa mga taga-Edom?

Obadias 10 (Edomites)
“Dahil sa ginawa mong karahasan sa angkan ng kapatid mong si Jacob, sa kahihiya'y malalagay ka, at mahihiwalay sa Akin magpakailanman.”

Pag pumunta ka ngayon sa Edom pagtinanong mo mga tao doon kung ano ang kanilang citizenship walang magsasami na sila’y Edomites.

Ngayon, wala kahit sino na magsasabi na sila’y Edomites. Ang Edomites ay nabura sa buong sanlibutan. Merong lugar na tinatawag na Edom pero wala ng Edomites. Dako naman tayo sa mga Moabites

5. Moabites

Jeremias 48:42 (Moabites)
“Gayon mawawasak ang Moab, at hindi na siya kikilalaning isang bansa; sapagkat naghimagsik siya laban kay Yahweh.”

Ngayon, wala na kayong makikitang bansang Moab ayon sa sinabi ng prophecy.


F. Israel

Ang Israel ay nawala sa buong sanlibutan noong 70 AD nang sila ay totally winasak ng Roma at ang kanilang templo dahil sa kanilang rebellion. At dahil sa tindi ng galit ng Roma sa Israel ang bansa nila ay pinalitan ng pangalan na Palestina. Ang Palestina ay naimbento lamang ng Roman empire para hamakin ang Jewish People. Nag karoon din minsan sa kasaysayan nila na nag utos ang Roman empire na bawal tumira sa Jerusalem ang Jewish people bilang parusa. Wala ng Jews, wala ng Israel kaya nagkalat sila sa buong mundo. Pero ano ang nangyari?

Ezekiel 36:24, 34
“24 Titipunin Ko kayo mula sa iba't ibang bansa upang ibalik sa inyong bayan. 34 Ang mga ilang na dako ay muling bubungkalin. “

Alam nyo ba na ang Israel ang food capital ng Europe. Fruit Capital at kahit na ang Philippnes nag-aangkat ng buto ng saging mula sa Israel.

Ezekiel 37:21-22
“21 habang sinasabi mong ito ang ipinapasabi ni Yahweh: Titipunin Ko ang mga Israelita mula sa mga dakong kinatapunan nila upang ibalik sila sa sarili nilang bayan. 22 Sila'y pag-iisahin Ko na lamang. Isa lamang ang magiging hari nila; hindi na sila mahahati, sila'y gagawin Kong isa na lamang kaharian.”

For 2,000 year wala silang flag, walang nation anthem, walang real estate, wala lahat. Ngayon sino ang makakapag paliwanag kung papaano sila magiging bansa muli? Maraming mga Pilipino kapag napunta sila sa America ilang taon lang hindi na nagtatagalog o hirap na magtagalog. Ito imagine 2,000 years na nagkalat sila. Ngayon tanungin nyo ako kung bakit dapat maniwala ang tao sa Bible? Tignan ninyo ang bansang Israel ngayon. Ngayon ang Israel ay palakas ng palakas. Alam nyo ba na merong malaking parte ang Philippines sa prophecy na ito?

Isaias 66:8
“May nabalitaan na ba kayo o nakitang ganyan? Isang bansang biglang isinilang? Ang Zion ay hindi maghihirap nang matagal upang ang isang bansa ay kanyang isilang.”

Kailan nangyari na ang isang bansa ay biglang isinilang?
May 14, 1948 nang maging bansa ang Israel muli. Nagkaroon po ng tie sa voting sa tutol at sa pabor at ang Philippnes na lang ang hindi bumubuto. Ang Philippines ay bumuto pabor sa Israel at nangyari nga ang kanilang inaasam. Bumuto ang Philippines sa pangunguna ni Carlos P. Romulo na under instruction ni president na si Manuel Roxas, under instruction by U.S. President Truman, under instruction by God in favor sa UN Resolution 181 ng pagrekomenda ng pagkahati ng Palestine at ma-establish ang Jewish State.

Ang Pilipinas ay kasama sa 33 bansang bumutong pabor sa Israel at ang kaisa-isang Asian country na bumuto pabor sa kanila. Kaya ang Israel ay naging bansa dahil sa Philippines kaya nga nakakapunta ang Pinoy doon ng walang Visa.

After ilang taon, 1967 nagkaroon ng Arab-Israeli war, or Third Arab-Israeli war. Sila’y pinagtulungan ng mga bansang nakapalibot sa maliit nilang bansa - Ang Egypt, Iraq, Syria, at Jordan. Sino sa tingin nyo ang mananalo? Apat laban sa isang maliit na bagong bansa? Siyempre ang Israel - at maniwala man kayo o hindi tumagal lang ang labanan nila ng 6 na araw. June 5, 1967- June 10, 1967. Kaya tinawag itong the six days war. Bakit ito nangyari? Dahil meron Diyos na buhay na tapat sa Kanyang pangako. Kung gusto nyo malaman ang detalye sa kung papaano nangyari iyon mapapanood nyo yan sa mga documentary sa youtube - you will amaze.


G. Jesus-Christ


Meron halos 400 prophecy patungkol kay Jesus at ibabahagi ko sa inyo ang tinatawag na “the law of probability” na ginawa ng Mathematics & Astronomy Professor Peter W. Stoner. Makikita natin dito kung gaano ka-imposible na mangyari ang lahat ng prophecy kay Jesus maliban kung ang Diyos ay tunay na gagawa sa mga bagay na ito.

Sabi niya na ang chance para mangyari ang 8 lang sa halos 400 na prophecy sa isang tao ay mangyayari lang sa chance na 1 in 10
17 (100,000,000,000,000,000). Ganito yan, yung buong Luzon punoon natin ng 5 pesos coin hanggang kumapal ito ng 2 feet na lalim na barya. Tapos yung isang limang piso lalagyan natin ng x tapos itatapon sa kahit saang lugar sa buong Luzon. Tapos sasakay ka ng helicopter tapos lalagyan ka ng piring sa mata tapos ikaw ang magdedesisyon kung saan kayo titigil.

Ang unang baryang makukuha mo ay dapat yung may x na barya. Ganoon ang chance para mangyari ang 8 prophecy sa isang tao. At kapag mas tumataas pa ang bilang ng prophecy na dapat mangyari sa isang tao mas tumataas din ang probability para makuha iyon. Halimbawa dagdagan pa na 8 ulit bale may total na 16 prophecy ang probability ngayon para mangyari iyon ay magiging 1x1028x1017 or 1 in 10
45  (1, 000, 000, 000, 000, 000, 000, 000, 000, 000, 000, 000, 000, 000, 000, 000).

Pano nila nakuha ang number na iyon? Halimbawa, pinanganak sa Bethlehem - ilan sa mga tao doon ang pinanganak sa Bethlehem? So, tanggal na ang mga hindi pinanganak sa Bethlehem. llan ang pinangak ng isang birhen? So, tanggal na ang mga hindi pinanganak na birhen. So, noong panahon ni Jesus gaano karami ang naroon sa Bethlehem halimbawa 5,000. So, 1 out of 5,000, at ilan naman doon ang mapapako sa krus? Ganon nila binilang iyon. Tandaan natin ito na ang pinag-uusapan natin ay almost 400 prophecy sa isang tao na dapat mangyari at sino iyon? Jesus Christ is our Messiah. He fulfilled ang lahat ng prophecy


H. Resurrection

1 Corinto 15:3-4
“3 Sapagkat ibinigay ko sa inyo bilang pinakamahalaga sa lahat ang tinanggap ko rin: na si Kristo'y namatay dahil sa ating mga kasalanan, tulad ng sinasabi sa Kasulatan; 4 inilibing Siya at muling nabuhay sa ikatlong araw, tulad din ng sinasabi sa Kasulatan”

Sino sa inyo dito ang may kilala na isang Religious leader o political leader ang nagsasabi na siya ang Messiah at siya ay mamatay at pagkatapos ng tatlong araw siya ay mabubuhay? May kilala kayong ganon? Meron tayong tinatawag na the reality of doubts - “talaga bang ang Bible ay tunay” at lahat tayo ay maaaring dumaan sa ganito. Alam natin na si Jesus ay naniniwala sa Bible. Marami Siyang ginamit na mga verse sa Old Testament at wala Siyang ginamit sa apocrypha. Lahat ng apostle ay saksi kay Jesus at lahat ng sulat nila ay tinutukoy Siya. Kaya dapat tayong tumingin kay Jesus, dahil kung talagang namatay Siya sa krus at muli Siyang nabuhay mula sa mga patay iyan ang mag-aalis sa atin ng lahat ng ating pagdududa. Tama?

Kaya tignan natin ito:

•
 Si Jesus ba ay Historical man? Yes
•  Namatay ba Siya sa krus

Ito ay walang problema dahil ito ay historical facts. Mababasa natin labas sa Bible. Pero ang problema at tanging tanong, “talaga bang Siya’y muling nabuhay?” Kaya merong debate sa bagay na ito kaya sinulat ito ni apostle Paul:

1 Corinto 15:5-6
“5 at Siya'y nagpakita kay Pedro, at saka sa Labindalawa. 6 Pagkatapos, nagpakita Siya sa mahigit na limandaang kapatid na nagkakatipon. Marami sa kanila'y buháy pa hanggang ngayon, subalit patay na ang ilan.”

Ang gustong sabihin dito ni Paul na “kung hindi kayo naniniwala na si Jesus ay muling nabuhay papakita ko sa inyo na maraming saksi sa muli Niyang pagkabuhay. Kung gusto nyo’y tanungin nyo sila at marami sa kanila ay buhay pa” Ang tanong, ito ba’y totoo o hindi totoo? Nag patuloy pa si Paul…

1 Corinto 15:7-8
“7 At nagpakita rin Siya kay Santiago at pagkatapos ay sa lahat ng mga apostol. 8 Sa kahuli-huliha'y nagpakita rin Siya sa akin, kahit na ako'y tulad ng isang batang ipinanganak nang wala sa panahon.”

Nauunawaan nyo kung sino ba itong si apostle Paul? Siya ay unang lumalaban sa mga nananampalataya kay Jesus. Tapos sinasalaysay niya na siya ay naging taga-sunod ni Kristo dahil sa resurrection.



Siya ay nakakamanghang tao ang problema lang hindi siya Kristiyano. Isang araw may nag challenge sa kanya para imbistigahan si Jesus kung talagang Siya’y muling nabuhay. Madali lang na pabagsakin si Jesus, patunayan mo lang na hindi totoo ang resurrection. So, inimbistigahan ng lawyer na ito ang resurrection ni Jesus Christ Ano ang kanyang naging conclusion?

“I say unequivocally that the evidence for the resurrection of Jesus Christ is so overwhelming that it comples acceptance by proof which leaves absolutely no room for doubt.”
- Sir Lionel Luckhoo

Nakita nyo? Ang problema sa mga hindi naniniwala ay hindi sila nagkaroon ng oras para imbestigahan ang facts. Sino naman ang nakakakilala kay…

Nag bigay siya sa atin ng 4 important rule sa evidence…

Dr. Simon Greenleaf’s standards for a witness
• Are the witnesses hones? Are they telling the truth?
• Are the witnesses believable?
• Are there enough witnesses?
• Are the witnesses consistent?

Nauunawaan ng lalaking ito ang logic ng legal method. Ang scientific method ay iba sa legal method. Ang scientific method ay naka dipende sa repetition. Halimbawa, papaano ninyo malalaman ang law of gravity? Papaano ninyo iyon mapapatunayan? Simple lang, maghulog ka ng kahit ano at ito’y mahuhulog at ito’y mauulit-ulit mo. So, mapapatunayan mo ang law of gravity using scientific method na tinatawag nating repetition.

“Alam nyo ba na nandoon ako sa panunumpa ni Presedent Duterte?” Papaano ko mapapatunayan? Hindi ko pwedeng gamitin ang scientific method dahil hindi ko na mauulit ang event. Kaya hahanapan nyo ako ng legal method. Dapat may mapakita akong ticket sa barko o sa plane na ako’y lumuwas pa Manila. Dapat may mapakita akong kaibigan na nakasama ko doon. Dapat may mapakita akong invitation o program. 
Dapat may mapakita akong picture. Ang tawag natin dito ay legal method.

Ngayon, papaano natin mapapatunayan na si Jesus ay namatay at muling nabuhay? Hindi scientific method dahil hindi na natin mauulit ang event. Pero pwede nating gamitin ang legal method. At according sa famous lawyer na ito…

“The resurrection is one of the best documented events in the history of man.”
- Dr. Simon Greenleaf

Ngayon masasabi ko sa inyo na taos sa aking puso na naniniwala ako na si Jesus ay namatay at muling nabuhay at ngayon Siya ay buhay na taga-pagligtas. Ang lahat ng pinag-aralan natin ang dahilan kung bakit ako naniniwala sa Bible. Sa pagtatapos natin, bilang challenge sa inyo.

“You must make your choice. Either this man was, and is, the Son of God, or else a madman or something worse. You can shut Him up for a fool… or you can fall at His feet and call Him Lord and God.”
- C.S. Lewis

"Dapat pumili ka. Alinman sa Siya man ay Anak ng Diyos, o kung hindi man ay isang baliw o isang mas masahol pa. Maaari mo Siyang patahimikin para sa isang tanga ... o maaari kang mahulog sa Kanyang paanan at tawagan Siya na Panginoon at Diyos.”
- C. S. Lewis

Nawa maalis nito ngayon ang anumang pagdududa natin kay Jesus at sa Bible. Tanungin ko kayo naniniwala ba kayo na ang Bible ay totoo

Yes, dahil sa 8 evidence na meron tayo.
A. Bibliographical Test
B. Internal Evidence Test
C. External Evidence Test
D. Archaeology
E. Prophecy
F. Israel
G. Jesus Christ
H. Resurrection

Maging totoo kayo? Ilan sa atin ang nakabasa na ng Bible from cover to cover? Marahil karamihan sa atin na nagsasabi na tayo ay mananampalataya ay hindi pa natatapos basahin ang Bible ng buo. Narito ang ilang bagay na dapat natin malaman patungkol sa bagay na ito para tayo ay muling mahamon sa pagbabasa nito.

May ginawang pagsusuri kung ilang oras ang mauubos mo sa pagbabasa ng Biblia. Narito ang kanilang nakita…
  




Groupings:
In groups of 3-4, share your responses to the following:

PAG-ISIPAN:
Ano ang mga nalaman mo ngayon patungkol sa Biblia na nakatulong para mas paniwalaan mo ito?

PAG-SASABUHAY:
Matapos mo malaman ang mga katotohanan na pinag-aralan natin, papaano ito makakaapekto sa paglakad bilang mananampalataya?

PANANALANGIN:
Ipanalangin sa Diyos na tulungan kang maipamuhay ang iyong nagawang pagsasabuhay.

Activity:

Group by two
1. Humanap ng kapareha at mag-assign ng mga sumusunod na role:
a. isang skeptics na hindi naniniwala na ang bible ay reliable
b. isang naniniwala na mag babahagi kung bakit siya naniniwala na ang bible ay accurate at reliable (tumpak at maaasahan).

2. Magsasalitan sila ng role at may tig 10 mins ang naniniwalang role para sabihin ang dahilan kung bakit siya naniniwala na ang bible ay accurate at reliable.


Martes, Abril 19, 2022

The Reliability of the Bible (Part 3 of 4)


The Reliability of the Bible (Part 3 of 4)
Tinuro ni Pastor Arnel Pinasas
Mula sa CCF – GLC 3


Grouping (3-4)
1. Bakit mahirap sa tao na maniwala sa Bible?
2. Ano ang kadalasang tinatanong patungkol sa Bible?

Pagpapatuloy:

B. Internal Evidence Test
Ano naman itong internal evidence test na ito?

“Tukuyin kung totoo man o hindi ang dokumento, bilang isang nakasulat na talaan, ay kapani-paniwala (tumpak/totoo) sa pamamagitan ng pag-aaral ng kakayahan ng manunulat o ng saksi na sabihin ang totoo.”

Papaano ko malalaman kung ito ay totoo?
a. Eyewitnesses accounts
b. Includes embarrassing details about themselves
c. Includes events about Jesus’ burial and resurrection that they would not have invented
d. Did not deny their testimony under persecution

So, sa pagtingin sa internal evidence maingat nating titignan ang nilalaman ng Biblia tapos ikaw ay magdedesisyon.

Halimbawa:
Authors claimed to be inspired
• David (2 Samuel 23:2) - “The Spirit of the Lord spoke through me…”
• Jeremiah (Jeremiah 2:1-2) - “The word of the Lord came to me…”
• Paul (1 Thessalonians 4:1-2) - “For you know that what instruction we gave you by the authority of the Lord Jesus.”
• John (Revelation 1:1) - “The revelation from Jesus Christ…to His servant John”

Sa madaling salita sinasabi ng mga sumulat na ang sinasabi nila ay hindi mula sa kanilang sarili lang kundi galing sa Diyos. Marami pang mga evidence na maaari nating makita. Tignan natin ang una…

a. Eyewitnesses accounts
Lucas 1:1-2
“1 Kagalang-galang na Teofilo, marami na po ang nagsikap na sumulat tungkol sa mga bagay na naganap sa kalagitnaan namin. 2 Ang kanilang isinulat ay ayon sa itinuro sa amin ng mga taong buhat pa sa simula ay mga saksi at mga tagapangaral ng Salita ng Diyos.”

Tandaan natin na ang sumulat ay si Lucas na isang doctor. Siya ay wasto kung magsalaysay.

Lucas 1:3
“Kaya't matapos kong suriin nang buong ingat ang lahat ng pangyayari buhat pa sa pasimula, minabuti ko pong sumulat din ng isang maayos na salaysay para sa inyo.”

Gawa 2:32
“Ang Jesus na ito ay muling binuhay ng Diyos at saksi kaming lahat sa pangyayaring iyon.”

So, ang mga sumulat ay ang mga eyewitness mismo sa kanilang mga sinulat.

2 Pedro 1:16
“Ang ipinahayag namin sa inyo tungkol sa kapangyarihan at muling pagparito ng ating Panginoong Jesu-Kristo ay hindi namin ibinatay sa mga alamat na katha lamang ng tao. Nasaksihan ng aming mga mata ang Kanyang kadakilaan.”

Sa madaling salita ang internal evidence na ang mga sumulat mismo sa Bible ay mga saksing nagpapatotoo sa kanilang isinalaysay at maniwala man kayo o hindi, hindi ito katulad ng ibang religious book. At ang tinutukoy ko ay ang mga major religion ngayon.

Gawa 3:15
“Pinatay ninyo ang Pinagmumulan ng buhay, ngunit Siya'y muling binuhay ng Diyos, at saksi kami sa pangyayaring ito.”

1 Juan 1:1-2
“Sumusulat kami sa inyo tungkol sa Kanya na sa simula pa'y Siya na, ang Salitang nagbibigay-buhay. Siya ay aming narinig at nakita, napagmasdan at nahawakan. 2 Nahayag ang buhay na ito, nakita namin Siya, at pinapatotohanan namin at ipinapangaral sa inyo ang buhay na walang hanggan na kasama ng Ama, at nahayag sa amin.”

Ito yung ibig sabihin ng living witnesses. At marami pang talatang tulad nito na ating mababasa.

b. Includes embarrassing details about themselves
Kung ikaw ay gagawa ng religion hindi mo ilalagay ang ilang pangyayari sa buhay mo na nakakahiya at ikasisira ng iyong pagkatao.

Pero sa Bible nakalagay ang mga ito. Halimbawa:
• Quarrelling about positions
• Failed to understand what Christ was saying to them about His death and resurrection.
• Fell asleep in the garden of Gethsemane
• Ran away like cowards
• Denied Jesus

Ibig sabihin lang nito ng sinusulat nila ang Bible sinasabi nila kung ano talaga ang nangyari, kung ano talaga ang totoo kahit na ikasisira nila ito. 
Bakit ka mag-iimbento ng istorya na tulad ng mga iyan para ipaniwala ang mga tao sayo, maliban kung ito ay totoo.

c. Includes events about Jesus’ burial and resurrection 
that they would not have invented

• Who buried Jesus?
Ang mga naglibing kay Jesus ay mga hindi nga mismo naniniwala sa kahulugan ng death at resurrection. Meron ding mga saksi

• Women were the first witnesses
Again, kung magsisimula ka ng religion hindi mo dapat sasabihin na ang mga saksi sa muling pagkabuhay ay ang mga babae. Dahil sa panahon nila ang mga babae ay hindi pinaniniwalaan kahit hanggang sa korte.

• Apostles did not believe at first
Kaya bakit ka mag-iimbento patungkol sa mga bagay na ito? Ngayon, pwede parin silang akusahan na nagkaka-isang magsinungaling. Tignan natin ang isa pang Internal Evidence

d. Did not deny their testimony under persecution

• Everyone of the apostles suffered and/or martyred for his belief that Jesus died, was buried, and rose again on the third day.

• Nothing to gain - money, power, position.

Hindi lang wala silang napala sa patotoo nila, nawalan din sila ng pera at lahat ng kung anong meron sila. Alam nyo pwedeng mag sinungaling ang isang tao kung bibigyan mo sila ng pera, power, position pero sa mga apostle wala silang nakuha na mga ganyan. Kung sinasabi man nila na nagsisinungaling lang sila, walang nagsisinungaling ang handang mamatay para sa isang kasinungalingan. At hindi lang basta kamatayan kundi brutal na kamatayan. Alam nyo ba kung papaano sila namatay?

How the Apostle Died
• James (Son of Zebedee) - Beheaded
• Bartholomew (Nathanael) - Crucified, Armenia
• Matthew - Killed by a sword, Ethiopia
• Andrew - Crucified on an X-shaped cross, Greece
• Thomas - Thrust through with pine spears, India
• Philip - Crucified, Turkey
• Peter - Crucified upside down, Rome
• Jude (Thaddaeus) - Crucified, Edessa
• James (son of Alphaeus) - Beaten, stoned, hit in the head with a club, Jerusalem        
• Simon the Zealot - Crucified, England
• Paul - Beheaded, Rome

Si Paul ay hindi na crucified. Alam nyo kung bakit? Dahil siya ay Roman citizen; at ang mga Roman citizen ay hindi pinapako. Ang tanong, bakit naranasan nila ang ganitong kamatayan? Bakit handa silang mamatay para sa pagpapatotoo nila kay Jesus? Maliban kung ang kanilang sinasabi ay totoo.

C. External Evidence Test
Ano naman ang ibig sabihin nito?

“Kung paano nakahanay ang dokumento sa mga katotohanan, petsa, tao mula sa sarili nitong napapanahong mundo.”

Ibigsabihin ay mga ebidensya na labas sa Bible na makikita sa ating panahon.

Luke 3:1
“Now in the fifteenth year of the reign of Tiberius Caesar, when Pontius Pilate was governor of Judea, and Herod was tetrarch of Galilee, and his brother Philip was tetrarch of the region of Ituraea and Trachonitis, and Lysanias was tetrarch of Abilene.”

Tignan nyo po yung mga detalye ng mga pangalan at lugar na nabanggit. Ang nakakamangha dito ay lahat ng ito ay tama. Kung may mali sa kahit ano sa mga ito, something wrong sa ating Bible - hindi siya accurate.

Luke 3:2
“In the high priesthood of Annas and Caiaphas the world of God came to John, the son of Zacharias, in the wilderness.”

Nakita nyo yung mga pangalan? See the external evidence. Hindi makikipagsapalaran ang mga disciples para magsalita ng hindi tama dahil madali lang ito pasinungalingan ng mga tunay na nakakaalam ng mga detalyeng pangalan at lugar na nabanggit. Kaya maingat sila sa facts. That’s what we call External evidence.

Ang External Evidence ay supported by:
a. Secular sources
b. Church fathers

Example: Ito ay non-Christians book
Secular sources: Josephus
“At that time there was a wise man who was called Jesus…Pilate ordered Him to be condemned and to die. And those who had become His disciples did not abandon His discipleship. They reported that He had appeared to them three days after His crucifixion and that He was alive.”

Again, ito ay mula sa sercular Historian. Isa pang halimbawa:

Secular Sources: Tacitus
“Christus, from whom they got their name, had been executed by sentence of the procurator Pontius Pilate when Tiberius was emperor; and the pernicious superstition was checked for a short time, only to break out afresh…”

Sa madaling salita he discover kung papaano itong mga Christian ay lumago. Ang gusto kong sabihin sa inyo na si Jesus ay historical person, Christian are very true and they talked about Jesus. Nakakatawang isipin na may mga taong hindi naniniwala na si Jesus ay hindi daw tunay at hindi daw nabuhay kailanman sa mundong ito, na Siya daw ay kathang-isip lang daw. Pero ang kalendaryo natin ay nagpapatunay din na tayo ay nasa 2020 A.D. na - ito ay dahil kay Kristo.

Secular sources: Tacitus
“Therefore to scotch the rumor, Nero substituted as culprits and punished with the utmost refinements of cruelty, a class of men loathed for their vices whom the crowd styled Christians.”

Iniisip nila noong panahon na iyon na ang mga Kristiyano doon ay mga masasamang mga tao. Dahil ang mga lalake at babae ay nagsasama-sama dahil mahal nila ang isa’t isa bilang magkakapatid sa Panginoon pero iniisip nila na may sexual things or rituals na nangyayari doon. Dahil silay ay nagtutulungan at nag-aalaga ng mga mahihirap. Nakita nyo iyon, hindi maunawaan ng mga taga-sanlibutan kung bakit natin tinutulungan ang isa’t isa, bakit natin tinutulungan ang mga bata, balo, may mga kapansanan, mga mahihirap.

Secular Sources: Pliny
“…they were in the habit of meeting on a certain fixed day before it was light, when they sang an anthem to Christ as God, and bound themselves by a solemn oath not to commit any wicked deed, but to abstain from all fraud, theft and adultery, never to break their word…”

Nakita nyo? Nakilala ang mga early Christian sa kanilang lifestyle.

Letters of Church Fathers




Ito yung mga sulat ng mga church fathers sa kanilang mga member, churches, mga kaibigan. Yung mga numbers na makikita natin dito ay ang mga quotation o pagbanggit o paggamit ng mga verse sa Bible sa kanilang mga sulat. Sa dami ng mga Bible verse na nagamit dito, kung wala kang Bible pwede mong mabuo ang New Testament sa mga sulat nila.

D. Archaeology
The discovery of the past



Ano ang Ebla Tablet? Ito ang isa sa pinaka oldest library sa buong mundo. 15,000 tablets ito at nadiskubre sa Syria noong 1974. Bakit ito importante? Bago dumating ang pagkakadiskumbre nito noong 1974 ang lahat ng mga scholars ay hindi naniniwala na totoo ang Bible. Ang book of Genesis ay hindi daw totoo dahil sa Genesis makikita doon ang lugar na tinatawag na the Sodom and Gomorah na hindi daw nag e-exist. Tapos hindi rin daw nag e-exist yung mga pangalan ng mga lugar na nakalagay doon na, Admah, Zeboiim, at Bela. Pero noong nadiskubre nila ang Ebla Tablets nakita nila na isa sa mga tablet nakita nila ang eksaktong sequence describing business traiding ng mga lugar na Sodom, Gomorrah, Admah, Zeboiim at Bela sa eksaktong pagkakasunod-sunod ng pagbanggit din ng mga pangalan ng lugar na ito sa Genesis.

Genesis 14:8
“And the king of Sodom and the king of Gomorrah and the king of Admah and the king of Zeboiim ang the king of Bela (that is, Zoar) came out; and they arrayed for battle against them in the valley of Siddim.”

Kaya nakumpirma nila na ang Bible ay correct. Isa pang halimbawa:



Ano itong Taylor Prism? Ito ay nadiskubre noong 1830 in Mosul, Nineveh in Iraq. Yung makikita nating mga ukit sa bato ay mga sulat patungkol sa historical events. Ang sulat dito maniwala man kayo o hindi ay nilalarawan ang mga kaganapan sa book of 2 King patungkol kay Haring Hezekiah. Dito nabasa nila na ang hari ng Asyria at ang kanilang general ay hindi inatake ang Jerusalem kahit na pinalibutan na nila ang Jerusalem. At sinabi doon na ang kanilang hari ay bumalik sa kanilang bansa na hindi nasakop ang Jerusalem. Hindi nakalagay sa sulat sa Taylor Prism kung bakit unless mabasa mo yung Bible. Sabi rin sa sulat na ang hari na iyon ay nakarinig ng usapan dahilan para siya’y umalis at hindi atakihin ang Jerusalem.

Sa mga nakadiskubre ng Taylor Prism at nakabasa ng nakalagay doon hindi nila alam kung ano ang nangyayari doon. Sa kaduluhan ng sulat sa Taylor Prism na ang hari daw na iyon ay pinatay ng kanyang anak. At hindi rin nila alam kung bakit pinatay ng anak ang kanilang amang hari. 
Pero sa mga nakabasa ng Bible alam nila ang lahat ng nangyayari.

2 Hari 19:6-7
“sinabi ni Isaias sa mga ito, ‘Sabihin ninyo sa inyong hari na ipinapasabi ni Yahweh na huwag siyang matakot sa mga panlalait ng hari ng Asiria. 7 Magpapadala si Yahweh ng masamang balita sa hari ng Asiria at ito'y babalik sa kanyang lupain at doon na siya ipapapatay ni Yahweh.’”

Ito ay prophecy.

2 Hari 19:8-9
“Umuwi na ang opisyal ng Asiria (Rabshakeh -General) nang mabalitaan niya na umalis na sa Laquis ang hari ng Asiria. Nang siya'y makabalik, nadatnan niya na sinasalakay nito ang Libna. 9 Dumating noon ang balita sa hari ng Asiria na sila'y lulusubin ni Haring Tirhaka ng Etiopia kaya nagsugo siya uli kay Ezequias at ipinasabi ang ganito:”

Si King Tirhakah ay king ng Northern Africa ay nanguna at nagsimula ng rebellion sa hari ng Asyria at nang marinig ng hari ito ng Asyria tinigil niya ang pag-atake sa Jerusalem.

2 Hari 19:32-33
“Ito naman ang sinasabi ni Yahweh tungkol sa hari ng Asiria: ‘Hindi siya makakapasok sa lunsod na ito ni makakatudla kahit isang palaso. Hindi niya ito malulusob ni mapapaligiran. 33 Kung paano siya dumating, ganoon din siya aalis. Hindi niya masasakop ang lunsod na ito.’”

Dito ay pinapangakuan ng Diyos si Haring Hezekiah ng pag-iingat at pagliligtas. Alam nyo ba na dalawang beses na bumalik dito ang Hari ng Asyria: una yung may narinig na masamang balita ang hari kaya ito bumalik sa kanila para protektahan ang kanilang bansa at ito ay ayon lahat sa sinabi ng Diyos bago pa man ito mangyari. At pagkatapos niyang maayos yung problema bumalik siya sa Jerusalem at dito na sinabi ito ng Diyos. Alam nyo kung anong nangyari? Hindi na ito nakalagay sa Taylor Prism pero nakalagay sa Bible

2 Hari 19:35-36
“Nang gabing iyon, pinasok ng anghel ni Yahweh ang kampo ng mga taga-Asiria at 185,000 kawal ang pinatay nito. Kinabukasan, nang bumangon ang mga hindi napatay, nakita nilang naghambalang ang mga bangkay. Kaya nagmamadaling umuwi sa Nineve si Haring Senaquerib.”

At ano ang sunod na nangyari?

2 Hari 19:37
“Minsan, nang si Senaquerib ay nananalangin sa templo ng diyos niyang si Nisroc, pinatay siya sa pamamagitan ng tabak ng dalawa niyang anak na sina Adramelec at Sarezer. Pagkatapos, nagtago ang mga ito sa lupain ng Ararat. At si Ezarhadon ang humalili sa kanyang amang si Haring Senaquerib.”

Itong Taylor Prism na ito ay makikita sa British Museum. Isa pa na tigtignan natin.



Ito ay nadiskubre nang 1900 early at nakita nila na ang pader nito ay bumagsak palabas at hindi paloob. Kung nagbabasa ka ng Bible alam mo kung bakit. Isa pa na makikita natin ay…



Ito naman ay makikita sa Israel. May nagsasabi na si Pilate ng Tiberius ay hindi nag exist. Pero ito ay nakita at nagpatunay na siya ay tunay na minsang nabuhay dito. Isa pang hindi nila pinaniniwalaan noon na nag-e-exist ay si Erastus…




Sabi din nila na walang ganitong lugar na gawa-gawa lang daw ng Bible ito. Nang ang Rome ay sinakop ang Jerusalem noong 70 AD, sinira ng Rome ang lahat hindi lang ang templo. Tapos 120 AD ay inatake nila ulit ang Jerusalem kaya walang natira kaya hindi nila mahanap ang pool of Bethesda. Pero ngayon yan nakita na nila iyan sa Israel. Isa pa…



\

Kung maalala nyo yung John 9:7, yung sinabi ni Jesus sa isang bulag na pumunta siya sa Siloam para maghugas para makakita syang muli. At ito daw ay hindi nag e-exist ang lugar na iyon. Pero nung 2004 na diskubre nila ang Pool of Siloam.

Ang punto ko sa lahat ng ito, ang mga tao patuloy nilang aatakihin ang Bible pero ang lahat ng mga archeological discovery ay kailanman ay hindi naging dahilan para sabihing hindi totoo ang Bible. Ito pa…




Ito ay nadiskubre noong 1946. Ito rin ang oldest surviving manuscript na nadiskubre ng modern man. Ito ay nakalagay sa jar sa driest part ng Israel malapit sa Dead Sea. Ang hangin doon ay sobrang dry walang hamog kaya yung document na ito ay nakasurvive sa mahabang panahon. At nang ito ay kanilang nadiskubre na halos 2000 yrs old na, ang lahat ng mga skeptics at ang mga unbelievers ay excited dahil ngayon ay maikukumpara na nila ang Old Testament na meron tayo ngayon na kopya lang daw na kinopya din na kinopya… at ng nakalagay doon na halos 2000 yrs old na nga. Pero hindi nila alam yung napag-aralan natin kung papaano nila kinokopya ang Bible noon.

So, nakita nila dito ang lahat ng Book ng Old Testament maliban sa Book of Esther. Ang book Isaiah na nakita nila dito ay may habang 20 feet. 
Ngayon nung ito ay kanilang kinumpara nakita nila na? Sa book of Isaiah sa isang chapter lang sa chapter 53, ito ay mayroong 166 letters at out of 166 letters may nakita silang 17 letters na naiiba. Bakit sila naiiba? Sampo dito ay dahil sa spelling. Halimbaw yung ann pwede ding anne. Apat naman ay dahil sa writing style. At tatlong letters lang ang naiiba. Pero hindi nito na bago ang major theme ng Isaiah 53. Ano ba ang Isaiah 53? Ito ay patungkol sa suffering Messiah - ang pinaka prophetic chapter sa buong book ng Isaiah. Pinakita dito kung papaano maghihirap si Jesus, mamatay at ililibing sa richman tomb. After makita ng mga skeptics ang mga evidence na iyon wala na kailanman na self respecting scholar will ever ague again against the accuracy of our present Bible. Ang hawak nating Bible ay pareho lang sa Bible libong taon na ang nakakaraan.

__________________________________________________

Groupings:
In groups of 3-4, share your responses to the following:

PAG-ISIPAN:
Ano ang mga nalaman mo ngayon patungkol sa Biblia na nakatulong para mas paniwalaan mo ito?

PAG-SASABUHAY:
Matapos mo malaman ang mga katotohanan na pinag-aralan natin, papaano ito makakaapekto sa paglakad bilang mananampalataya?

PANANALANGIN:
Ipanalangin sa Diyos na tulungan kang maipamuhay ang iyong nagawang pagsasabuhay.

 












Miyerkules, Abril 6, 2022

The Reliability of the Bible (Part 2 of 4)

The Reliability of the Bible (Part 2 of 4)
Tinuro ni Pastor Arnel Pinasas
Mula sa CCF – GLC 3

1 Pedro 3:15
“Igalang ninyo si Kristo mula sa inyong puso bilang Panginoon. Lagi kayong maging handang sumagot sa sinumang humihingi ng paliwanag sa inyo tungkol sa pag-asang nasa inyo.”

Kaya ang unang tanong:
Why we believe the Bible?

Bakit kayo naniniwala sa pinaniniwalaan nyo? Ready na ba kayo sa ating pag-aaralan?

The uniqueness of the Bible
Dahil ang ating pananampalataya ay nakaangkla sa Biblia, kailangan ninyong masagot sa mga taong nagtatanong kung bakit totoo ang Bible. Kung ang Bible ay hindi kapanipaniwala merong tayong malaking problema. Narito ang ilang bagay na dapat nating malaman patungkol sa Biblia:

• Written over a 1,600-year span.
• Written by more than 40 writers from every walk of life (from king to peasant, philosopher to fisherman).
• Written in different places (from Africa, Asia, and Europe; from the wilderness, to a comfortable room, to a dungeon).
• 28% prophecy.
• No error on its original form

Pag sinabing
original ito ay sa kung saan ito talaga isinulat na language. At sa pagsalin ay merong minor errors pero hindi nabago nito ang katotohanan. Pakita kayo ng libro ng tulad na ganyan. Sobrang unique o naiiba ito sa lahat.

One Central Theme:
God’s redemption of man – Jesus the Coming Messiah

Iyan ang kabuoang tema ng Bible, ang pagtubos ng Diyos sa tao at ang si Jesus na Mesayang darating. Nagsimula ito sa book ng Genesis hanggang book of Revelation. Pag-aralan nyong makita si Kristo sa bawat aklat sa Bibliya. Muli bakit kayo naniniwala sa inyong pinaniniwalaan? Bibigyan ko kayo ng ilang dahilan. May walo tayong titignan:

A. Bibliographical Test
B. Internal Evidence Test
C. External Evidence Test
D. Archaeology
E. Prophecy
F. Israel
G. Jesus Christ
H. Resurrection

Bakit ako naniniwala sa Bible? Ito ang mga pangunahing dahilan. Magsisimula tayo sa…

A. Bibliographical Test

Anong ibig sabihin ng Bibliographical Test?
“Isang pagsusuri sa paghahatid ng tekstuwal sa kung saan ay naabot ng mga dokumento ang kasalukuyan.”

Sa madaling salita susubukan natin kung ang Bible ba ay accurate, tumpak na tumpak, at tama. Ano ang mga tanong na dapat nating itanong? Ito ang mga tanong na maitatanong natin:

1. Ito ba ay nakopya o naihatid nang wasto?
2. Ang mga dokumentong naisulat ba ay sapat na malapit sa naitala na historical view?

Parang ganito yan, kung may magsulat ng libro patungkol sa pagkamatay ni Ninoy, sino ang mas kapani-paniwala? Ang nagsulat nung mismong panahon na nangyari iyon at nandoon nang panahon na iyon o yung taong nagsulat pagkatapos ng isang daang tao’t kalahati? Sino ang mas kapani-paniwala na magsusulat? Syempre ang una. Ganun din sa Bible.

3. Ang agwat ba ng oras sa pagitan ng orihinal na dokumento 
at ng mga kumopya nito ay makabuluhan? Alam nyo kung bakit? Wala na tayong original na kopya ng Bible. Ang original ay kinopya, at kinopya ang kinopyahan, at kinopyahan din ito. Kaya ang tanong papaano ko malalaman na ang kopya ay kinopya ng tama? Kapag hindi ninyo ito alam kung papaano ang mga dokumentong ito ay na isalin masasabi nyo na hindi kataka-taka na hindi natin mapaniniwalaan ang Bible. Pero malalaman natin ngayon iyan. Kaya ano ang unang test? Bibliographical Test. Ngayon, alamin natin kung papaano nila kinokopya ang Bible

The Process of Copying:
• The scribes were not allowed to copy sentence for sentence or even world for word. They had to copy letter for letter.

Para ipakita sa atin kung gaano ka tumpak ang pagsalin ng 
Bible mula sa original. Ito ang practice by the Jewish Rabi.

•
After the page was copied, someone would check to see what the middle letter was on the copy  and the original.

So, papaano ito? Hindi nila kinokopya sentence by sentence, 
o word by word kundi letter by letter. At ang pagkopya ay row by row. Bibilangin kung ilang letter sa unang row at eksatong gagayahin ito. Bibilangin din kung ilang letra per column. Sa madaling salita parang manual photo copy machine ang ginawa ng mga nagsasalin. Kapag may nakita silang kahit kaunting pagkaka-iba, sinisira nila ito. Kopya ulit kahit doon na sa dulo ang kaunting pagkakamali, ulit mula sa umpisa. Ngayon alam na ninyo kung papaano ang mga Jewish people preserve the scripture. At kapag natapos na nilang kopyahin ang original manuscripts ito’y kanilang sisirain dahil ang bagong kopya ay 100% accurate.

•
After a page was copied and checked, still a third person would check to see that the middle word was on the page.

Talagang tinitignan kung saktong sakto ang pagkakakopya
mula sa orihinal. Ganyan sila ka sobrang mabusisi at ganyan kasalimuot ang pagkokopya ng mga Jewish people sa Salita ng Diyos. Para mas makita nyo pa kung gaano kasalimuot ang ginagawa nila tignan pa natin ito.

•
When the word GOD was encountered, the scribe’s pen had to be wiped clean. When the word YHWY was encountered, the scribe had to wash his body before he could write it.

Kapag daw isusulat ang salitang GOD ang panulat nila ay
pinapalitan. At kapag ang YHWY naman, yung personal name ng Diyos, halimbawa ako Pastor, pag yun ang lumabas papalitan nila ang panulat na ginamit pero kapag yung personal name ko na na Arnel, kailangan nilang maligo. Same dito na kapag personal name na ng Diyos na Kanyang binigay, YHWY, kailangan muna nilang maglinis ng katawan o maligo bago ito isulat. Imagine nyo yung isang talata na maraming God at YHWY, kung gaanong palit ng panulat at ligo ang gagawin nila.

•
If a single error is found, the entire manuscript was destroyed.

Kaya bago sila muna magsulat ay talagang sinisigurado muna 
nila.

•
We have over 5, 800 partial or complete Greek copies and more than 19,000 other copies in different languages.

•
No other ancient writing has anywhere near this abundance of existing manuscript evidence.

•
The interval of time between the composition of the New Testament books and the date of the earliest existing manuscripts is the shortest of many work of antiquity.

Wala na kayong makikita na sinaunang o ancient manuscript
ang makikita nyo na may ganito ring karaming nagawang kopya. Sa katunayan ang New Testament ang may pinaka maikling panahon na nakapag kopya sila.



Ito yung mga famous different author. Tandaan nyo na wala na ang mga original copy ng mga ancient book na ito dahil ang ginamit na pinagsulatan o papel ay parchment o papyrus lang, hindi ito tatagal ng matagal na panahon. Ngayon ikumpara natin sa Bible sa New testament. Kailan namatay si Jesus? 33 AD - So ibig sabihin ay ang mga nagsulat ay mga living witnesses.

“The interval between the dates of original composition and the earliest extant (existing) evidence becomes so small as to be in fact negligible, and the last foundation for any doubt that the Scriptures have come down to us substantially as they were written has now been removed. Both the authenticity and the general integrity of the books of the New Testament may be regarded as finally established.”
- Sir Frederick G. Kenyon

(Sa tagalog)
“Ang agwat sa pagitan ng mga petsa ng orihinal na komposisyon at ang pinakamaagang buhay pa (mayroon) na ebidensya ay nagpapaliit ng pagbale-wala sa katotohanan, at ang huling pundasyon para sa anumang pag-aalinlangan na ang Banal na Kasulatan na meron tayo ngayon sa kung papaano ito isinulat ay tinanggal na. Parehong ang pagiging tunay at ang pangkalahatang integridad ng mga libro ng Bagong Tipan ay maaaring ituring na matatag na sa wakas.”

Sa mahabang panahon ay inatake nila ang New Testament. Pati ang Old Testament ay inatake din pero sasabihin ko sa inyo mamaya kung papaano ito dinipensahan. Ngayon, ang Bible natin ngayon ay may 66 na books. Ang tanong papaano nila kinulekta ito?

Tests of Canonicity
A. Authoritative - apostles?
B. Eye witness account?
C. Consistent?
D. Date of writings
E. Recognized and received by early church fathers?

Sa madaling salita, kapag may narinig kayo na nagsasabi na ang Bible ay naging Bible noong 300 A.D., ipaliwanag ninyo sa kanila na noong 300 A.D. ang Bible ay dineklara na officially. Sa madaling salita hindi ginawa ang Bible na Bible, ito’y kanila lang kinilala. Na itong mga librong ito ay kinilala ng mga early father, meron namang iba na hindi. So gumawa sila ng standard sa kung anong libro yung kikilalanin na inspired Word of God. Kapag hindi ito pumasok sa nagawang pamantayan hindi nila isasama ang librong iyon. So may ilang mga books na hindi na isama gaya ng gospel of Thomas at gospel of Judas. Sasabihin ko sa inyo maya kung anong mali sa mga ito at bakit ito hindi naisama sa Bible para makita natin kung gagaano tayo kasigurado sa kung ano ang meron tayo sa Bible. May mga taong nagsasabi na may mga mali sa Bible natin. Bigay ko sa inyo ang ilang mali na sinasabi nila.

Examples of “Types of Error”:
- Spelling, grammar, or punctuation that was changed or updated
- Out-of-date phrases updated or words divided differently
- A letter or a word that was omitted or was copied twice.

Ito yung mga halimbawa na sobrang minor error lang pero napakalaking issue na sa kanila:

- Similar letters that were confused (ex. Solomon’s stables hold 
4,000 or 12,000 horses?)

Ito ay dahil sa kung papaano ang Hebrew word ay naisulat pero nabago ba nito ang katotohanan na merong taong tinatawag na Solomon? Na siya ay may mga kabayo? Pagdedebatihin pa ba natin yan?

- Some texts refer to the “Lord Jesus Christ,” others the “Lord 
Jesus”

Sasabihin ng mga skeptics, “O, kita mo, mali yan eh mali!”

- Some texts refer to “the twelve,” others “the twelve disciples”

Ganyan nila sinasabi sa kung anong mali ang nasa Bible. Alam nyo ba kung papaano nila binibilang ang mali sa Bible kaya nasabi nila na sobrang daming mali? Kapag may 3,000 na kopya ang Bible at nakita nila na may isang maling spelling, ilan ang mali? Isa? Hindi 3,000 error para sa kanila. Ganyan nila binibilang ang mali. Kaya huwag kayong magulat kapag may nagsabi nito na ganyan kadaming mali ang Bible, pero hindi nabago nitong mga maling ito ang katotohanan. 
Sa katunayan yung author na umatake sa Bible gamit itong mga nakita nating ito na method na yung sarili niyang libro na may 100k na kopya ay nakitaan ng 12 error. So, kung gagamitin natin ang method niya meron siyang 1.2m errors. Maniniwala kaba sa libro na may 1.2m errors? Pero wala sa mga tinatawag nilang “errors” ang nakaapekto sa patotoo na si Jesus ay Diyos, na pinanganak ng isang birhen, gumawa ng mga himala, namuhay na walang kasalanan, namatay sa krus para sa ating mga kasalanan, nabuhay mula sa mga patay, umakyat sa langit, o na Siya’y babalik muli. Ito ang mga basic doctrine ng New Testament at wala sa mga sinasabi nilang mali na iyon ang nakaapekto sa mga iyan.

Ngayon, ikumpara natin sa ibang pinagkukuhaan na katotohanan ng ibang relihiyon – Quran

❖
Examples of Historical Errors (Quran)

➢
Surah 12:20
“[Joseph’s] bretheren sold him for a miserable price, for a few dirhams counted out: in such low estimation did they hold him!”

The dirham (derivative (nagmula) of Greek drachma) didn’t exist prior to the 12th century BC.

Yung panahon ni Joseph ay napakalayo sa panahon pa na nagsimula ang salitang ito. Sa Bible hindi mo makikitaan ng ganyang mali dahil kung may maling makikita historically bakit pa tayo maniniwala sa ibang aspect ng Bible? Isa pang halimbawa:

➢
According to Surah 12:41 and 20:71, the method of execution by crucifixion was practiced, during the time of Joseph (19th century BC) and Moses (15th century BC), by the Egyptians.

This mode of execution, however, was first invented by the Persians in the 6th century BC.

➢
According to Surah 20:35-88, 95, a Samaritan led the people of Israel to create the golden calf during the time of Moses.

The city of Samaria did not exist until several centuries after the Exodus. The Samaritans did not come to existence until an even later stage when the Northern kingdom was invaded by Assyria.

Isa pang example:
Apocypha -The Roman Catholic Church old testament

Hindi ito na sama sa kung anong Bible meron tayo. Ito ay nasulat 100 years later after Christ. Sa kasaysayan maraming taon na ang nakakaraan ang Roman Catholic church ay kapareho ng Bible na meron tayo pero pagkalipas ng ilang taon dinagdag nila ang apocrypha. Sa sunod na session sasabihin ko sa inyo kung bakit hindi ito nasama pero bibigyan ko kayo ng ilang dahilan ngayon.

❖
Examples of Historical Errors (Apocrypha)
• The book of Judith incorrectly says that Nebuchadnezzar was the king of the Assyrians. (the correct is he is the king of Babylon)

• Baruch says the Jews would serve in Babylon for 7 
generations where Jeremiah 25:11 says it was for 70 years.



Bakit hindi sinama ito ng ating mga early father ang mga books na ito? Sasabihin ko pa ang isa pang dahilan sa inyo kung bakit. Tignan ninyo kung kailan ito naisulat? Malayong taon pagkatapos ni Kristo. Alam nyo ba kung papaano ang isang kwento na bubuo? Ang kwento hindi yan nabubuo sa panahon na buhay pa ang mga taong nakasaksi. Halimbawa, papaano namatay si Ninoy? – Binaril. Kung magsusulat ako ngayon ng libro ng kasaysayan at nilagay ko doon na si Ninoy ay namatay sa pagkalunod ano ang mangyayari? Hindi mabebenta iyon bakit? Dahil sobrang daming mga buhay pa na magpapatotoo o nakaaalam ng tunay na nangyari. Kaya ang kwento hindi yan mabubuo sa unang isangdaang taon dahil ang mga taong nakasaksi ay buhay pa. Bigyan ko pa kayo ng ilang mga maling nakita sa gospel of Thomas

THE GOSPEL OF THOMAS
• Simon Peter said to them ‘Let Mary leave us, for women are not worthy of life.’ Jesus said ‘I myself shall lead her in order to make her male, so that she too may become a living spirit resembling you males. for every woman who will make herself male will enter into the kingdom of heaven.’

Sino ang maniniwala na nakabasa na ng Bible na ito ay turo ni Jesus? So, pag nakita ito ng mga early fathers na sumasalungat sa iba pang books binabasura nila ito. Dahil noong panahon na iyon maraming mga false teacher na gusto lang nilang maging sikat kaya sinisigurado nila na ang pamagat ng kanilang mga sulat ay sikat din.

“These ‘other gospels’ tend to date from later times. The Gospel of the New Testament, of course, were all written in the first century. The non-canonical Gospels start appearing in the 2nd century and they extend down through the Middle Ages (5th-15th century) and on until today.”
- Bart Ehrman

Kaya mag-ingat tayo ngayon. Natuklasan ko na kung ayaw maniwala ng mga tao paniniwalaan nila ang lahat. Kaya yang Bible na meron tayo ngayon sobrang nakakamangha ito.

May papakita ako sa inyong larawan. Ang tawag natin dito ay
“The canonicity of the scripture.” May papakita ako sa inyo kung bakit ang mga libro sa Bible ay nasa kaayusan.



Ang isapang tawag natin dito ay “The integration and integrity of the Bible.” Ito yung Bible Cross Reference chart na ginawa ni Chris Harrision. Pinapakita nito na ang bawat salita na nasa iba’t ibang libro ay nag susuportahan. Kaya pagsinamahan ito ng ibang libro mapuputol at masisira ang pagkakaayos nito. Magkakaroon ng salungatan ang mga talatang nahayag.

__________________________________________________

Groupings:
In groups of 3-4, share your responses to the following:

PAG-ISIPAN:

1. Papaano nabago ang tingin mo sa Bible na hawak mo 
matapos mong malaman kung papaano kinopya ng mga skriba ang Kasulatan mula sa orihinal?

2. Sa saklaw ng pinag-aralan natin, bakit natin masasabi na 
ang ating Bibliya ay naiiba sa lahat?

PAG-SASABUHAY:
1. Matapos mo malaman ang mga katotohanan na pinag-aralan natin, papaano ito makakaapekto sa paglakad bilang mananampalataya?

2. Papaano ang patungkol sa the Bibliographical Test ay 
makakatulong sayo sa pagtugon sa mga katanungan patungkol sa reliability (talaga bang maaasahan at totoo ito?) of the Bible bilang Salita ng Diyos?

PANANALANGIN:
Ipanalangin sa Diyos na tulungan kang maipamuhay ang iyong nagawang pagsasabuhay.

Name of God: Fortress - "Kapangyarihan ng Imahenasyon" (102 of 366)

Name of God: Fortress Kapangyarihan ng Imahenasyon Basahin: Kawikaan 18:10-16 (102 of 366) “Ang ari-arian ng isang mayaman ay kanyang kanlu...