Name of God: Exalted
Higit sa Lahat
Basahin: Isaias 6:1-8
(94 of 366)
"Si Yahweh na ating Diyos ay lubos na parangalan; sa harap ng kanyang trono, tayo ay manambahan” (Awit 99:5)
Namatay ang hari. Si Haring Uzias ay isang disenteng tagapamahala, at maaaring iniisip ni propeta Isaias kung ang susunod na hari ay magiging mabuti para sa Israel.
Tiniyak ni Yahweh na ang atensyon ni Isaias ay hindi mananatili sa lupa. Binigyan ng Diyos si Isaias ng isang pangitain ng Panginoon, na nasapinakamataas na trono (Isaias 6:1).
Ngayon, ang ating kultura ay natupok sa pagsamba sa mga kilalang tao. Ang mga bituin sa pelikula, mga atleta, at mga pulitiko ay nakakuha ng ating pansin habang ang media ay nagsasaya sa mga pinakawalang-kwentang detalye ng kanilang propesyonal at pribadong buhay. Sinasabi natin na ang Panginoon ay mataas at dakila, ngunit tayo ba ay nauuhaw na makita Siya nang gaya ng pananabik natin na makita ang mga nasa screen ng telebisyon o pelikula para sa isang eksena kasama ang ating paboritong aktor? Nagugutom ba tayo para sa Kanyang Salita nang may kasabikang katulad ng sa pinakabagong isyu ng isang entertainment magazine?
May dalawang tugon si Isaias nang makita niya ang Panginoon. Una, namulat siya sa sarili niyang kasalanan. Pangalawa, ninais niyang paglingkuran ang kanyang dakilang Diyos. Naunawaan niya na ang Diyos ay higit sa lahat ng ibang tao at sa lahat ng iba pang bagay.
Siguraduhin natin na walang makikipagkumpitensya sa Panginoon para sa Kanyang nararapat na lugar.
Pagbulayan:
Anong mga tao o aktibidad ang iyong nilalapitan nang may higit na pananabik kaysa sa iyong dakilang Panginoon?
Panalangin:
Dakilang Panginoon, patawarin Mo po ako sa hindi ko laging pagbibigay sa Iyo ng pagsamba na nararapat sa Iyo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento