Name of God: Forgiver
Pinatawad ngunit hindi kinalimutan
Basahin: Hebreo 10:10-18
(97 of 366)
“Kalilimutan Ko na ang kanilang mga kasalanan at kasamaan.” (Hebreo 10:17)
Ang Diyos ba ay katulad ng isang nakalimuting lolo o isang elepante na hindi kalilanman na nakakalimot?
Pagdating sa ating kasalanan, ang Diyos ay katulad ng isang elepante na hindi nakakalimot. Sa Bibliya, ang pagkalimot ay hindi katulad ng hindi pag-alala. Hindi sinabi ng Diyos na nakakalimutan Niya ang ating kasalanan. Hindi Siya tulad ng isang matanda na makalimutin na. Walang mali tungkol sa ating kahanga-hangang Diyos, kasama na ang Kanyang memorya! Nang pinatawad ng Diyos ang ating kasalanan, hindi nangangahulugan na bigla Siyang naging makalimutin. Ang mga Biblia ay nagsasabi na hindi Niya inaalala ang ating kasalanan.
Ang pagkakaiba na ito ay makabuluhan sapagkat sa tuwing nagsasalita ang Bibliya tungkol sa Diyos na naaalala ang isang tao o isang bagay, hindi Niya ito nakalimutan sa paraan kung papaano nakakalimot ang mga tao. Sa halip, ang mga reperensya sa Kanyang pag -alala ay laging hudyat na ang Diyos ay malapit nang kumilos. Kapag naaalala Niya ang kasalanan, ito ay upang magdala ng paghuhusga. Kapag sinabi Niyang hindi Niya maaalala ang ating kasalanan, ito ay dahil pinatawad Niya tayo sa pamamagitan ng hindi pagbibilang nito laban sa atin. Binayaran Niya ang parusa ng ating kasalanan sa pagbagsak ng dugo ng Kanyang Anak.
Isang kagalakan na malaman na ang ating kasalanan ay hindi lumulutang sa loob at labas ng memorya ng Diyos. Sa halip, ang Diyos ay gumawa ng isang hindi maibabalik na desisyon na hindi kailanman, na bilangin ang ating kasalanan laban sa atin.
Pagbulayan:
Paano nakakaapekto ang katotohanan na ang Diyos ay hindi inaalala ang kasalanan mo sa pagtingin mo sa Kanyang pagpapatawad?
Panalangin:
Banal na Diyos, salamat sa buong pagpapatawad Mo sa pamamagitan ni Kristo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento