Name of God: Fortress
Pagod sa mga Digmaan
Basahin: 2 Samuel 22:1-23
(100 of 366)
“Ang Diyos ang aking muog na kanlungan, ang nag-iingat sa aking daraanan.” (2 Samuel 22:33)
Ang buhay ay parang isang serye ng mga labanan. Isang laban na ang gumising lamang sa umaga kung natulog tayo sa gabi. Maaari nating labanan ang trapiko sa ating pag-commute papunta sa trabaho o habang dinadala ang mga bata sa paaralan. Ang mga katrabaho o kapitbahay ay maaaring mang-away sa atin dahil sa mga bagay na tila walang kabuluhan. Pagkatapos ay minsan ay may labanan din sa mesa at sa pag-aagawan sa kainan lalo na sa mga rush hour sa tanghalian. Sa huli, nilalabanan din ng ilan ang trapiko sa oras ng pagmamadali ng marami sa pag-uwi upang harapin ang isang bagong hanay ng mga labanan ng pamilya.
Naunawaan ni David kung ano ang pakiramdam ng mamuhay sa patuloy na kalagayan ng labanan. Bagaman pinahiran siya ni Samuel bilang susunod na hari ng Israel, gumugol siya ng hindi bababa sa sampung nakakapagod na taon sa pagtakbo para sa kanyang buhay mula kay Haring Saul. Si David ay walang palasyo o kuta na maaatrasan maliban sa Diyos Mismo. Ngunit sapat na ang Diyos para kay David. Walang ibang kuta ang makapagbibigay ng kaligtasan na ibinigay sa kanya ng Diyos.
Ang Diyos ay isang kuta pa rin para sa Kanyang mga tao ngayon. Ang Kanyang mga bisig ay parehong banayad at malakas habang iniingatan Niya tayo sa isang hindi masisirang tanggulan. Ang pinakamatibay na kuta ng ladrilyo (bricks) at bato ay hindi matatapatan ang Panginoon kapag ang Kanyang pagod na mga anak ay nagpapahinga sa Kanya.
Pagbulayan:
Saan ka unang tatakbo kapat natatakot ka? Paano ipinakita ng Diyos ang Kanyang sarili bilang iyong kuta?
Panalangin:
Panginoong Diyos, salamat sa pagiging Mong ligtas na kuta ko. Tulungan Mo po akong magpahinga sa kanlungan ng Iyong matibay na tanggulan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento