Linggo, Abril 3, 2022

Seven Last Words - Isasama Kita ngayon sa Paraiso (Part 2 of 7)


With Me In Paradise
“Isasama Kita ngayon sa Paraiso”
Scripture: Lucas 23:42
Tinuro ni Pastor Arnel Pinasas
Mula sa aklat ni Warren Wiersbie na Jesus’ Seven Last Words





Intro:

Siguro lahat tayo gusto makasaksi ng isang himala gaya ng mga nababasa natin sa Bibliya. Makakita ng mga imposibleng bagay na nangyayari. Pero may himalang bagay na pwede nating madalas masaksihan, tila imposibleng bagay na mangyari pero nangyayari. Iyan ay ang masaksihan sa kung papaano ang isang makasalanan ay tumalikod sa sarili, nagsisi at nagtiwala at sumampalataya kay Jesus. Ang himala ay sa kung papaano nakita sa isang taong makasalanan na nagbago dahil sa pananampalataya kay Jesus. Minsan makakatuwang makinig sa patotoo ng iba kung paano sila nakakilala kay Jesus sa kamangha-manghang paraan. At isa sa mga ito na alam nating lahat ay ang pagkakakilala ni Saul kay Jesus sa aklat ng Gawa 9:1-8. Nakakita siya ng nakakasilaw na liwanag at nakarinig ng boses na hindi alam kung saan galing. Isa pang nakakamanghang pagsampalataya na mababasa natin sa Bibliya ay ang pagsampalataya ng isang magnanakaw na kasamang pinako ni Jesus sa krus. Basahin natin ang mga nangyari…

Lucas 23:35-43
35 Ang mga tao nama‟y nakatayo roon at nanonood, habang si Jesus ay kinukutya ng mga pinuno ng bayan. Sinabi nila, “iniligtas Niya ang iba; iligtas Niya ngayon ang Kanyang sarili kung Siya nga ang Kristo na hinirang ng Diyos!” 36 Nilait din Siya ng mga kawal. Nilapitan Siya ng isa at inalok ng maasim na alak. 37 kasabay ng ganitong panunuya, iligtas Mo ang iyong sarili.” 38 Isinulat nila sa Kanyang ulunan, “Ito ang Hari ng mga Judio, iligtas Mo ang iyong sarili.” 39 Tinuya rin Siya ng isa sa mga salaring nakapako sa tabi Niya, “Hindi ba ikaw ang Kristo? Iligtas Mo ang Iyong sarili at pati na rin kami.” 40 Ngunit pinagsabihan naman ito ng kanyang kasama, “Wala ka na bang takot sa Diyos? Ikaw ay pinaparusahan ding tulad Niya! 41 Tama lamang na tayo'y parusahan nang ganito dahil sa ating mga ginawa; ngunit ang taong ito'y walang ginawang masama.” 42 At sinabi pa nito, “Jesus, alalahanin mo ako kapag naghahari Ka na.” 43 Sumagot si Jesus, “Sinasabi Ko sa iyo, isasama Kita ngayon sa Paraiso.”

Dito natin makikita ang pangalawa sa pitong huling salita ni Jesus sa
krus, “Sinasabi Ko sa iyo, isasama Kita ngayon sa Paraiso,” Lucas 23:42. Sa pangalawang salita Niya, hinarap Niya ang nagsising makasalanan at binigyan siya ng katiyakan ng kaligtasan. Titignan natin ang kagulatgulat na mga pangyayari dito.

I. Ang Kagulat-gulat na Sitwasyon

Kung titignan natin mapapansin natin ang kagulat-gulat na sitwasyon sa 
kalbaryo. Nang pinako nila si Jesus, nilagay Siya sa gitna ng dalawang magnanakaw. Pwede naman nilang pagsamahin o pagtabihin ang dalawa tapos si Jesus ay nakahiwalay. Pwede nating sabihin batay sa kung papaano mag-usap ang dalawang magnanakaw na ito na sila ay magkasamang gumawa ng pagnanakaw. Pero hindi nila ito pinagsama sa halip si Jesus ay nilagay sa kalagitnaan nila. Ito ay talagang nakakagulat na sitwasyon. Bakit ganoon ang pagkakalagay sa kanila?

A. Ito ay Katuparan ng Propesiya
Katulad ng nakita natin sa unang salita ni Jesus, nangyari ito para mangyari ang propesiya patungkol kay Kristo. Sabi sa Isaias 53:12, “sapagkat kusang-loob Niyang binigay ang sarili at nakibahagi sa parusa ng masasama.” Kaya makikita natin sa Marco 15:27, 28, “May dalawang tulisang kasabay Niyang ipinako sa krus, isa sa kanan at isa sa kaliwa.” Nagkataon lang ba ang ganong ayos? Ito ba ay dahil lang sa may nag desisyon na nakakataas sa kanila na ganon dapat ang ayos? Hindi. Kaya dito natin makikita na hindi lang ang mga tao ang gumagawa kaya naging ganon ang sitwasyon Niya, makikita natin na tunay na ang Diyos ang kumilos kaya naging ganon ang sitwasyon ni Jesus. Walang kamalaymalay ang mga tao na ginagawa nila ang plano ng Diyos at tinutupad ang nakalagay sa Lumang Tipan patungkol kay Kristo. Si Jesus ay binilang bilang isang makasalanan. Siya ay pinanganak para sa makasalanan. Sabi sa Mateo 1:21, “Magsisilang Siya ng isang batang lalaki at Jesus ang ipangalan mo sa sanggol sapagkat ililigtas Niya ang kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan.” Nabuhay Siya para sa makasalanan. Sabi sa Mateo 20:28, “Sapagkat maging ang Anak ng Tao ay naparito, hindi upang paglingkuran, kundi upang maglingkod at ialay ang Kanyang buhay sa ikatutubos ng marami.” Namatay Siya kasama nila, at namatay Siya para sa kanila. Muli, ang nakakagulat na sitwasyon nayon ay isang katuparan ng propesiya.

B. Ito ay Mabiyayang Pagtalaga ng Diyos
Meron pang nakakagulat na bagay na makikita natin sa sitwasyong ito. Si Jesus ay nasa kalagitnaan ng dalawang magnanakaw dahil may gagawin ang Diyos na mabiyayang pagtatalaga. Ang ibig sabihin ng salitang “pagtatalaga” ay “kaalaman sa simula pa lamang” o “nakita na bago pa mangyari.” Walang aksidente sa buhay ni Jesus, kundi pagtalaga lamang. Hindi aksidente na si Jesus ay nasa kalagitnaan ng dalawang magnanakaw. Ito ay pagkilos na mabiyayang pagtalaga ng Diyos. Dahil sa ganitong sitwasyon, malamang narinig nila ang unang salita at panalangin ni Jesus, “Ama, patawarin Mo sila sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa” (Lucas 23:34). At maaaring ginamit ng Banal na Espiritu ang panalanging iyon para mangusap sa kanilang puso: “Ito ang Isang nagpatawad at dumalangin para mapawad ang iba.”

Pangalawa, dahil nasa gitna nila si Jesus maaaring nababasa din nila ang 
inilagay sa ulunan ni Jesus. Ang nakalagay dito ay, “Ito si Jesus na taga-Nazaret, ang hari ng mga Judio.” Nakasulat ito sa tatlong linggwahe. At marahil alam ng mga magnanakaw na ito ang dalawa sa tatlong saling salita na nakalagay dito. Alam nyo yung mga libreng babasahing minsang pinamimigay ng mga Kristiyano patungkol sa Mabuting Balita. Itong nakalagay sa ulunan ni Jesus marahil ang unang babasahin ng Magandang Balita na nagawa. Kaya ng mabasa nila ito, nakuha nila ang mensahe ng Magandang Balita. Alam nila na ang ibig sabihin ng Jesus ay Tagapagligtas. Nabasa rin nila na isa Siyang hari, na may kaharian.

Pangatlo, naririnig din nila na nilalait Siya. Narinig din nilang kinutya 
Siya ng mga sundalo na sinabi, “Kung Ikaw nga ang Hari ng mga Judio, iligtas Mo ang Iyong sarili” (Lucas 23:37). Pati ang pangungutya ng mga tao na, “Iniligtas Niya ang iba; iligtas Niya ngayon ang Kanyang sarili kung Siya nga Kristo na hinirang ng Diyos!” (Lucas 23:35). Dahil dito nalaman ng mga magnanakaw na ito na si Jesus ay nakapagpagaling ng iba at nagtuturo na Siya ang Hari na Tagapagligtas. Ang lahat ng ito ay ginamit ng Diyos para ang isa sa dalawang magnanakaw ay makaalam ng ilang bagay kay Jesus at sumampalataya sa Kanya. Ang mga tao at sundalo ay nilait si Jesus, at ang mga panlalait na ito ay ginamit ng Diyos para maligtas ang isa sa mga magnanakaw. Iyan ay tunay na nakakagulat na pagkilos ng Diyos.

Isa pa, marahil kapag nagkakatinginan ang dalawang magnanakaw na 
ito nakikita nila si Jesus at nakikita nila na may kakaiba kay Jesus. Ang Diyos hanggang ngayon ay patuloy na gumagawa sa nakakagulat na paraan para maligtas ang isang tao. Walang naligtas na isang aksidente. Ang pagliligtas ay trabaho ng Diyos at hindi ng tao. Ang Diyos ang gumagawa ng sitwasyon para tayo ay maligtas. At trabaho natin ang ibahagi ang Magandang Balitang ito. Tignan ang mga talatang ito:

2 Pedro 3:9
“Ang Panginoon ay hindi nagpapabaya sa Kanyang pangako gaya ng inaakala ng ilan. Hindi pa Niya tinutupad ang pangakong iyon alang-alang sa inyo. Binibigyan pa Niya ng pagkakataon ang lahat upang makapagsisi at tumalikod sa kasalanan sapagkat hindi Niya nais na may mapahamak.”

1 Timoteo 2: 3, 4
“Ito ang mabuti at nakakalugod sa Diyos na ating Tagapagligtas. Ibig Niyang ang lahat ng tao ay maligtas at makaalam ng katotohanang ito.”

II. Ang Kagulat-gulat na Daing

Mapapansin din natin ang kagulat-gulat na daing ng isang 
magnanakaw, “Jesus, alalahanin Mo ako kapag naghahari Ka na,” (Lucas 23:42). Ang daing o ang panalanging ito ng magnanakaw ang isa sa tunay na nakakagulat na panalangin sa Bibliya. Tignan natin kung ano ang tinanggap at inamin niya. 

Una, inamin niya na may takot siya sa Diyos. “
Wala ka na bang takot sa Diyos?” (Lucas 23:40). Pangalawa, naniniwala siyang walang kasalanan si Jesus. “Ikaw ay pinaparusahan ding tulad Niya!” (Lucas 23:40) at “ngunit taong Ito'y walang ginawang masama” (Lucas 23:41). Pangatlo, inamin niya na siya ay makasalanan. “Tama lamang na tayo'y parusahan nang ganito dahil sa ating mga ginawa” (Lucas 23:41). Pang-apat, naniniwala siya na meron pang buhay pagkatapos ng kamatayan “Jesus, alalahanin Mo ako kapag naghahari Ka na.” (Lucas 23:42) Panglima, sumampalataya siyang si Jesus ay kanyang Hari at Taga-Pagligtas. “Jesus, alalahanin Mo ako kapag naghahari Ka na.” (Lucas 23:42)

Nakakagulat din ang katapangang pinakita ng taong ito. Sino ang 
maglalakas ng loob na maniwala at manalangin kay Jesus ng kaligtasan kung maririnig mo na ang mga pari at mga pinuno ay nilalait si Jesus, ang mga tao ay taliwas sa Kanya, ang mga kawal ay pinagtatawanan Siya, at ang isa niyang kaibigang nakapako ay nakilait din kay Jesus. Malamang kung tayo sa sitwasyon nya mas pipiliin nating mas manahimik nalang at ayaw madamay. Ang katotohanan, maraming mga tao ang takot na ipakita ang kanilang pananampalataya kay Jesus kasi natatakot sila sa sasabihin at iisipin ng mga tao. Tulad ng, “Ay nagbago na siya ng relihiyon,” “nako magagalit mga magulang ko.” Pero ngayon nakita natin ang katapangan ng taong ito. Binale-wala nya ang iisipin at sasabihin ng mga tao sa kanya dahil sa mga sinabi niya kay Jesus. Hindi siya natakot na maging siya ay pwedeng lalaitin gaya ng panglalait nila kay Jesus na maaaring makadagdag sa kahirapang nararanasan niya sa krus.

Marami sa atin marahil hindi mahihirapan na sumampalatay at 
maniwala kay Jesus kasi nakita natin si Jesus na Siya ay buhay at naghahari ngayon kasama ng Diyos. Pero itong magnanakaw na ito ay sumampalataya kahit na nakita niya si Jesus na tinakwil, inabuso, mahina at agaw buhay. Kayo ba maniniwala ba kayo na mayaman ang isang taong nakita nyo na butas-butas ang damit, marumi, at maraming sugat? Diba hindi? Pero itong magnanakaw na ito ay nakakagulat na naniwala at sumampalataya kay Jesus sa ganong ayos Niya at kakaunting nalalaman palang sa Kanya. Iyong iba nga maraming nalalaman kay Jesus ay hirap parin magkaroon ng pananampalataya sa Kanya gaya ng kwento ng mga disipulo ni Jesus sa bangka na natakot sa malakas na alon at hangin kahit na nasaksihan nila ang mga himalang ginawa Niya at narinig ang mga turo nito patungkol sa Kanya at sa Diyos.

III. Ang Kagulat-gulat na Pagliligtas

Isa pang nakakagulat na pangyayari dito na makikita natin ay ang 
pagliligtas. Sabi sa Lucas 19:10, “Ang Anak ng Tao ay naparito upang hanapin at iligtas ang naligaw.”Isa sa mga problema ng mga tao ngayon, hindi nila nakikita na sila ay naliligaw. Pero itong magnanakaw na ito, alam niya na siya ay naliligaw. Kaya bumaling siya kay Jesus at nagsabi, “Jesus, alalahanin Mo ako kapag naghahari Ka na” (Lucas 23:42). At nakakagulat ang tugon ni Jesus, “Sinasabi Ko sa iyo, isasama Kita ngayon sa Paraiso” (Lucas 23:43). Ano ang katangian ng kaligtasan na ito kung bakit ito nakakagulat?

A. Ito ay Lubos na Biyaya
Una sa lahat, ang lalaking ito ay hindi karapat-dapat maligtas, at inamin niya iyon. Sabi niya, “Tama lamang na tayo'y parusahan nang ganito dahil sa ating mga ginawa” (Lucas 23:41). At itong kaligtasang natanggap niya ay tunay na lubos na biyaya. Pag sinabing biyaya ay natanggap mo ang isang bagay kahit hindi ka karapat-dapat. Halimbawa ang nabigyan ng mataas na parangal ang classmate mong buong taong hindi pumasok sa school- ito ay lubos na biyaya- hindi siya karapat-dapat sa parangal na iyon ngunit nakatanggap ng mataas na parangal.

Ang unang nilikha na sila Adan at Eba ay naging magnanakaw: Ninakaw nila ang prutas na pinagbabawal kainin at sumuway sa utos ng 
Diyos. Ngunit si Jesus ngayon ay humarap sa magnanakaw at sinabi, “Sinasabi Ko sa iyo, isasama Kita ngayon sa Paraiso” (Lucas 23:43). Sa awa ng Diyos hindi Niya binigay ang nararapat na para sa atin - ang impyerno - dahil sa habag; at sa lubos na biyaya ng Diyos binigay sa atin ang hindi nararapat para sa atin - ang langit. Itong magnanakaw na ito ay walang ginawa para maligtas. May ilan kasi na nagsasabi at nagtuturo ngayon na para maligtas ka dapat kang umanib sa iglesya o samahan nila, o gawin mo daw ang sampung utos ng Diyos o gawin mo ito, gawin mo yan para maligtas. May paniniwala naman ang iba lalo na ngayong semana santa na dapat kailangan nilang magpapako sa krus, mag latigo ng likod, pahirapan ang sarili, saktan ang sarili tulad ni Jesus para maligtas. Pero ang lahat ng iyan ay kasinungalingan ni Satanas para hindi natin makita ang lubos na biyaya at kagandahang-loob ng Diyos sa krus.

Nakakagulat na ang isang mananakaw na ito sa krus ay naligtas kahit na 
hindi siya nakagawa ng mabuti, umanib sa isang relihiyon, o gawin ang anumang bagay na pinaniniwalaang daan sa tao para maligtas. Sabi sa Efeso 2:8-9, “8 Sapagkat dahil sa kagandahang-loob ng Diyos kayo ay naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ang kaligatasang ito‟y kaloob ng Diyos at hindi sa pamamagitan ng inyong sarili; 9 hindi ito bunga ng inyong mga gawa kaya‟t walang dapat ipagmalaki ang sinuman.” At ang bunga ng pananampalataya ay mabuting gawa. Kaya hindi din natin pwede sabihin na ok lang na hindi na gumawa ng mabuti dahil sabi ni Santiago ang pananampalatayang walang-kalakip na gawa ay patay (Santiago 2:17).

B. Ito ay Tiyak at Sigurado
Ang kaligtasang ito ay hindi, “baka siya ay ligtas,” o “siguro siya ay ligtas.” Nakakagulat ang kaligtasang ito dahil sabi ni Jesus, “Sinasabi Ko sa iyo, isasama Kita ngayon sa Paraiso,” (Lucas 23:43). Bakit siya nakatitiyak na siya ay ligtas? Dahil sinabi ni Jesus. Pero bakit tayo hindi natin narinig si Jesus na sinabi na ligtas tayo matapos nating magdesisyong sumampalataya sa Kanya? Pero tandaan natin na nasa atin ang Kanyang Salita- ang Bibliya! Parehas na Salita na meron tayo ngayon sa Bibliya na makakatiyak at makakasigurado tayo sa ating kaligtasan kung tayo ay magsisisi at sasampalataya kay Jesus.

C. Ito ay Personal
Isa pang nakakagulat dito ay sinabi ni Jesus ng personal sa lalaking ito ang lubos na biyaya sa kanya. “Sinasabi Ko sa iyo” (Lucas 23:43) Mula rito, makikita natin na mahal tayo ng Diyos personally. Iba yung saya pagsinabi ng Presidente na, “mahal ko si Pastor Arnel dyan sa Culion,” kaysa sabihin niya na, “mahal ko ang lahat ng taga-culion” Alam natin na sinabi ng Diyos sa Juan 3:16 na, “Gayun na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan.” Pero na unawaan ito ni Pablo at sinabi sa Galacia 2:20, “mamumuhay ako sa pananalig sa Anak ng Diyos na umibig sa akin at naghandog ng Kanyang buhay para sa akin.” Personal na namatay si Jesus para sa atin. Hindi Niya tayo tinitignan na bahagi lamang ng mga naligtas. Sobrang mahalaga kay Jesus ang bawat sumasampalataya sa Kanya.

D. Ito ay Ngayon
Nakakagulat na ang kaligtasang iyon ay nakuha niya agad. “…isasama Kita ngayon sa Paraiso” (Lucas 23:43). Pansinin ninyo iyong sinabi ng magnanakaw, ang sabi niya, “Jesus, alalahanin Mo ako kapag naghahari Ka na,” (Lucas 23:42). Ang paniniwala niya hindi pa niya agad makukuha ang kaligtasan, ito ay sa panahon na maghahari na si Jesus. Pero sabi ni Jesus, “ay hindi sa araw na iyon ikaw maliligtas, ngayon din ikaw ay ligtas na!” Hindi tayo paunti-unti maliligtas, o sa susunod na linggo pa, o sa susunod na taon pa. Sa oras na ikaw ay sumampalataya na kay Jesus, sa oras ding iyon ikaw ay ligtas na.

E. Ito ay Naka Sentro kay Jesus
Mapapansin natin na ito ay naka-sentro kay Jesus, “Sinasabi Ko sa iyo, isasama Kita ngayon sa Paraiso” (Lucas 23:42). Ang kaligtasan ay hindi naka-sentro kay Moises, o sa pagtupad ng kautusan. Hindi ito nakasentro kay Juan Bautismo. Hindi ito naka-sentro kay Maria. Hindi ito naka-sentro kay pastor o sa isang simbahan. Ang kaligtasan ay nakasentro lamang kay Jesus. Itong magnanakaw na ito ay hindi humingi ng tulong para iligtas sa kasama niyang magnanakaw. Hindi siya humingi ng tulong sa mga kawal, o sa mga pari at mga pinuno. Hindi siya humingi ng tulong sa kahit sinong taong naroroon. Humingi lang siya ng tulong kay Jesus. Alam niya na walang makakapagligtas sa kanya ang kahit sino doon maliban kay Jesus. Lumapit na ba kayo kay Jesus at humingi ng kaligtasan?

F. Ito ay Dakila
Pansinin ninyo na ang kaligtasang ito ay dakila, “Sinasabi Ko sa iyo, isasama Kita ngayon sa Paraiso” (Lucas 23:42). Ang lahat ng tao sa panahon ni Jesus ay umaasa sa kahariang darating. Pero sabi ni Jesus na, “mas higit pa sa hinahangad ng tao ang ibibigay Ko sayo- ikaw ay isasama Ko sa paraiso na kung saan wala ng sakit, luha, lungkot at kamatayan.” Maaaring may mga magpipilosopo na sasabihin na gagayahin ko ang magnanakaw na lalapit ako kay Jesus pag mamamatay na ako, magpakasaya muna ako sa paggawa ng mali. Ang problema hindi natin alam kung kailan tayo mamamatay.

Ngayon na tayo dapat lumapit sa Diyos upang makamit natin ang kaligtasan. Basta’t gawin natin ang ginawa ng magnanakaw.
… Siya ay may takot sa Diyos.
… Siya ay umamin na isa siyang makasalanan
... Siya ay naniwala na si Jesus ay hindi nagkasala
… Siya ay sumampalataya na si Jesus ang Kanyang hari at tanging tagapagligtas.
________________________________________________________________

Pondering the Principles
1. Ano ano ang mga bagay at sitwasyon ang pwedeng gawin ng Diyos para madala ang isang tao sa kaligtasan sa oras na maibahagi sa kanya ang Magandang Balita? May mga bagay ba na ginamit ang Diyos para madala ka sa kaligtasan? Masasabi ba na isang aksidente ang pagkaligtas ng isang tao? Bakit? Ang pagliligtas ba ay trabaho ng tao? Bakit? Ano ang trabaho ng mga mananampalataya sa Mabuting Balita?

2. Ano ang mga maaaring nakakagulat na makikita sa isang taong 
sumasampalataya kay Jesus? May mga kilala ka ba na nais mo na makita ang mga nakakagulat at himalang bagay na ito sa kanila? Ano ang iyong gagawin? Bakit may mga Kristiyano na kinahihiyang maipakita ang pananampalataya nila kay Jesus? May pagkakataon ba sa buhay mo na nahihiya ka na mapakita ang iyong pananampalataya? Sa anong pagkaktaon? Bakit hindi tama na ikahiya si Kristo?

3. Anong ibig sabihin na ang kaligtasan ay isang biyaya? Bakit hindi 
hinayaan ng Diyos na ang kaligtasan ay sa pamamagitan din ng gawa? Ano ang papel ng mga mabuting gawa sa buhay ng isang naligtas? Papaano tayo makatitiyak sa ating kaligtasan? Dahil ang kaligtasan ay personal, ano ang maibubunga ng katotohanang ito sa iyong buhay? Dahil ang kaligtasan ay agad-agad sa mga taong sumampalataya, ano ang maibubunga ng katotohanang ito sa iyong buhay? Ano ang ibig sabihin na ang kaligtasan ay nakasentro kay Jesus? Bakit sa Kanya lang nakasentro ang kaligtasan? Isang kasinungalingan ni satanas ang niyakap ng marami na, “saka nalang ako magseseryoso sa mga pangrelihiyong bagay kapag ako ay matanda na.” Kapansin-pansin na marami ang naniwala sa kasinungalingang ito dahil mapapansin natin na karamihan na nasa simbahan at aktibo ay mga matatanda at kakaunti ang mga kabataan, kung meron man minsan iba ang pakay. Bakit hindi 


natin dapat yakapin ang kasinungalingan ito?

Sabado, Abril 2, 2022

Seven Last Words - “Ama, patawarin Mo sila” (Part 1 of 7)


 Father, Forgive Them
“Ama, patawarin Mo sila”
Scripture: Lucas 23:33, 34
Tinuro ni Pastor Arnel Pinasas
Mula sa aklat ni Warren Wiersbie na Jesus’ Seven Last Words





Intro:
Pag-aaralan natin ngayon ang pitong huling wika ni Jesus sa krus. Napakaimportante ng mga pahayag na ito ni Jesus hindi lang dahil sa kung sino ang nagsabi nito kundi maging sa kung saan ito sinabi - sa krus. Nang gagawin na ni Jesus ang pinaka dakilang gawaing gagawin Niya sa mundong ito, sinabi Niya ang ilang mga dakilang salita. Itong pitong huling wika ni Jesus sa krus ang syang nagsisilbing bintana para makita natin ang walang-hanggan at makita ang puso ng Diyos. Ang una sa pitong wikang ito ay makikita sa Lucas 23:33-34,

“
Nang dumating sila sa isang bundok na tinatawag na Bungo, ipinako nila si Jesus sa krus. Ipinako rin ang dalawang kriminal, isa sa kanyang kanan at isa sa kaliwa. Sinabi ni Jesus, “Ama, patawarin Mo sila sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa.”

Minsan o madalas mahirap sa atin ang magpatawad ng tao. Mas madali 
pa sa atin ang kupkupin o yakapin ang espiritu ng hindi pagpapatawad kaysa ibigay ito sa taong nagkasala sa atin. Hindi natin mapatawad ang nanakit sa atin, o sa mga may nagsabi ng masasakit na bagay sa atin, sa ating puso hindi natin sila mapatawad. Pero pakinggan muli natin ang panalangin ni Jesus sa Ama, “Ama, patawarin Mo sila sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa.” Mula dito mapapansin natin ang kahanga-hanga na makikita sa pahayag na ito. Kung makikita at mauunawaan natin ang kahanga-hangang bagay na ito, sa tingin ko makakatulong ito sa atin para makapagpatawad tayo at maranasan ang kagalakan na bunga ng pagpapatawad natin.

I. Ang Nakakamanghang Direksyon ng Salita.
“Sinabi ni Jesus, ‘Ama…’”

Tatlong beses na makikita natin na ang salita ni Jesus sa krus ay naka 
direksyon sa Ama. At una sa mga ito ang sinabi Niya sa Lucas 23:34, muli, “Ama, patawarin Mo sila sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa.” Pangalawa sa pang-apat na salita sa Mateo 27:46, “Diyos Ko, Diyos Ko, bakit Mo Ako pinabayaan?”At ang pangatlo ay sa Lucas 23:36, “Ama, sa mga kamay Mo‟y ipinagkakatiwala Ko ang Aking espiritu!” Dito natin makikita ang kahanga-hangang bagay, dahil nang mararanasan na ni Jesus ang paghihirap, tumawag Siya sa Ama sa langit. Nang nasa gitna Siya ng pagtitiis ng paghihirap, tumawag Siya sa Ama sa langit. At nang magtatagumpay na si Jesus sa paghihirap, tumawag Siya muli sa Ama na nasa langit.

Minsan may maririnig tayong Kristiyano na nagsasabi na, “Ayaw ko ng 
makipag-usap sa Diyos! Ayaw ko ng manalangin! Ayaw ko ng maniwala - matapos kong maranasan ang kawalang hiyaan ng mga taong gumawa nito sa akin.” Ito iyong mga taong sumabog na, mga taong sobrang nakaranas ng hindi maganda sa kamay ng mga tao o minsan sa kapwa Kristiyano o sa mga lingkod ng Diyos - napagod na; sumuko na. Pero, tignan natin kung papaano tinarato si Jesus ng mga tao. Ang Kanyang mga kababayan na minahal Niya-tinuruan, pinagaling, pinakain - ay pina-patay Siya. Ang Kanyang mga disipulo binigo Siya at iniwan. Tapos ang Ama sa langit ay may plano sa Kanya na maransan ang sobrang paghihirap. Kung iisipin mo na yung mga magulang mo na gusto kang maghirap. Ngayon, ilagay nyo yung sitwasyong ito sa atin. Paano tayo tutugon? “Lintik lang ang walang ganti.” Pero paano ba tumugon si Jesus? Kung titignan natin si Jesus, Siya ay may sapat na dahilan para hindi mag patawad pero ano nakita natin? Nasabi parin Niya, “Ama, patawarin Mo sila sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa.” At ang nakakamangha dito nagawa padin Niyang tumingala sa langit at sabihin, “Ama.” Dito natin makikita na namumuhay Siya sa pakikisalamuha sa Kanyang Ama. Nang magsimula Siya sa ministeryo Niya, ang sabi sa Kanya ng Ama, “Ito ang minamahal Kong Anak na lubos Kong kinalulugdan,” (Mateo 3:17). Meron Silang masayang pagsasama na may pag-ibig. Siguro, hindi ko alam, na kayo ngayon ay nasaktan. At iniisip nyo at sinasabi, “Iniisip ko, kung mahal ba talaga ako ng Diyos?” Oo, mahal Ka ng Diyos, at lagi Ka Niyang mahal, at lagi Siyang gumagawa ayon sa Kanyang layunin para sayo. Kaya kapag nanalangin ka ng, “Ama,” matatanggap mo ang kapangyarihan, biyaya at tulong ng Ama sayo kapag ikaw ay naghihirap.

Alam ko na hindi madali ang masaktan. Minsan, totoo, na mas masakit 
pa ang sakit sa puso na dulot ng salita at gawa ng tao kaysa sa nabaling kamay. Kasi sa bali, maaaring linggo lang wala na ang sakit o inuman mo lang ng gamot wala na, pero yung sakit na dulot ng salita at gawa ng tao ay minsan dala mo habang buhay. Iyan ay kung hindi tayo matututong magpatawad. Pero kung makakatingala tayo at makakapagsabing, “Ama, “ tulad ni Jesus, alam mo na hindi ka tunay na pinabayaan ng Diyos. Iyan ang nakakamangyang direksyon ng salita ni Jesus - “Ama.” Kung gusto nyo na matutong magpatawad sa iba, ito ang tamang lugar para makapagsimula - siguraduhin nyo na meron kayong tamang relasyon sa Ama na nasa langit. Kasi hindi lahat makakatawag ng Ama sa Diyos, malibang ang tao ay tumalikod sa kanyang mga kasalanan, nag sisi at naniwala at sumampalataya kay Jesus.

Juan 1:12
“Subalit ang lahat ng tumanggap at sumampalataya sa Kanya ay binigyan Niya ng karapatang maging anak ng Diyos.”

II. Ang Nakakamanghang Panawagan
“Ama, patawarin Mo sila”

Ayon sa Greek New Testament ipinakita na ang panawagang ito ni Jesus 
ay paulit-ulit. Nang hiniga si Jesus sa krus sa lupa, nanawagan Siya, “Ama, patawarin Mo sila.” Nang ipinako sa Kanya ang pako sa kamay at sa paa, nanawagan Siya, “Ama, patawarin Mo sila.” Nang Siya ay tinataas na sa krus, nanawagan Siya, “Ama, patawarin Mo sila.”At nang Siya ay nakasabit na sa krus sa pagitan ng lagit at lupa, nanawagan Siya, “Ama, patawarin mo sila.” Siguro kung tayo ang nakaranas doon ng mga ganong bagay, ang panalangin natin ay ganito, “Ama, parusahan mo sila, sumpain mo po silang lahat.” O kaya ay tawagin natin ang mga anghel para tupukin silang lahat. Pero si Jesus hindi Niya ginawa iyon. Nanalangin Siya na may pag-ibig sa Kanyang puso, “Ama, patawarin Mo sila.” Pero bakit ganito ang panawagan ni Jesus o ang Kanyang panalangin?

A. Para Matupad ang Salita ng Diyos.
Tinupad ni Jesus ang nakalagay sa Salita ng Diyos sa Isaias 53:12, “Dahil dito Siya‟y Aking pararangalan, kasama ng mga dakila at makapangyarihan; sapagkat kusang-loob Niyang ibinigay ang sarili at nakibahagi sa parusa ng masama. Inako Niya ang mga makasalanan at idinalanging sila‟y patawarin.”

Sino kaya ang tinutukoy dito ni Yahweh? Si Jesus. Sinabi ito ni Jesus 
upang matupad ang sinabi ng Diyos sa pamamagitan ni Propeta Isaias.

B. Para Isabuhay ang Kanyang mga Turo
Tinuro Niya sa mga tao ang mag patawad. Sa panahon ni Jesus, sa panahon ng paghahari ng Romano, ang isa sa mga sinasamba nila ay diyos ng paghihiganti. At hindi sinasamba ni Jesus ang diyos ng paghihiganti, at maging tayo dapat.

C. Para sa Layunin ng Kanyang Kamatayan
Si Jesus ay nasa Krus dahil ito ang kaparaanan ng Diyos para mapatawad ang mga makasalanang magsisisi. Iyan ang mensahe ng Mabuting Balita. Ikaw at ako ay hindi na magdadala ng kabigatan ng kasalanan. Inalis ni Jesus ang pasan nating mga kasalanan. Pwede na tayong mapatawad. Sa Lucas 5:20, nakatala dito na sinabi ni Jesus sa paralitiko, “Kaibigan, pinatawad ka na sa iyong mga kasalanan.” Sinabi naman Niya sa Lucas 7:48, 50, sa babae, “Pinatawad na ang iyong mga kasalanan… Iniligtas ka ng iyong pananampalataya.” Ang krus ay patungkol sa kapatawaran, at ang kapatawarang ito ay hindi simple lang, ito ay sobrang mahalaga dahil ang halaga nito ay ang ang buhay ni Jesus.

Ikaw at ako ay hindi magkakaroon ng problema sa pagpapatawad kung 
tayo ay may tamang relasyon sa Diyos at kung susunod tayo sa Salita ng Diyos, at alalahanin na tayo ay pinatawad din. Maaaring sabihin ng iba dito sa akin na, “Pastor hindi mo alam ang pinagdaanan ko kaya hirap akong patawarin siya.” Maaaring tama ka, pero alam ko kung paano tinarato si Jesus ng mga tao pero nagawa parin Niyang sabihin na, “Ama, patawarin Mo sila sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa.” Ang Nakakamanghang Direksyon ng Salita; Ang Nakakamanghang Panawagan. Ang sunod ay…

III. Ang Nakakamanghang Argumento
“sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa.”

Hindi lang nanawagan si Jesus ng kapatawaran sa Kanyang mga 
kaaway, nagbigay pa Siya ng argumento para sa kanila. Parang nagsilbi Siyang lawyer nila sa Ama, “Ama, bibigyan kita ng dahilan kung bakit Mo po sila dapat patawarin.” Itong mga sinabing ito ni Jesus ay sobrang maraming tao ang may maling pagkaunawa. Sa sinabing ito ni Jesus, hindi Niya gustong sabihin na automatic nang pinatawad ang lahat. Hindi rin ibig sabihin nito na ang pagiging ignorante ay mapapatawad. Sabi nga sa batas ang pagiging ignorante ay hindi dahilan sa mata ng batas. Saan sila ignorante?

A. Ignorante sa Kanyang Pagkatao
Hindi nila kilala si Jesus.

a. Nilait nila si Jesus bilang propeta
Lucas 22:64
“Hulaan Mo nga kung sino ang sumuntok sa iyo!”

b. Nilait din nila si Jesus bilang hari
Lucas 23:37
“kasabay ng ganitong panunuya, „kung Ikaw nga ang Hari ng mga Judio, iligtas Mo ang Iyong sarili.’”

Ito’y tanda na hindi nila kilala si Jesus. Tayo kilala natin si Jesus, meron 
tayong Bibliya, meron din tayong 2,000 taong kasaysayan ng iglesya. Kilala natin si Jesus - Siya ang tanging Anak ng Diyos.

B. Ignorante sa Kanilang Ginawa
Hindi nila nalalaman na ang kanilang ginagawa ay para matupad ang sinasabi ng Kasulatan sa mangyayari sa Kristo. Natupad ang nakalagay sa Awit 22:18, “Mga damit ko‟y kanilang pinagsugalan, at mga saplot ko‟y pinaghati-hatian,” at ginawa nila ito kay Jesus sa Lucas 23:34, “Pinaghatihati ng mga kawal ang damit ni Jesus. Sila‟y nagpalabunutan upang malaman kung kani-kanino mapupunta ang bawat kasutan Niya.”

Natupad din ang sa
Awit 69:21, “Sa halip na pagkain, nang ako‟y magutom, ang dulot sa aki‟y mabagsik na lason. Suka at di tubig ang ipinainom,” at ginawa nila ito kay Jesus sa Lucas 23:36, “Nilait din Siya ng mga kawal. Nilapitan Siya ng isa at inalok ng maasim na alak.”

Natupad din ang sa Isaias 53:12, “
nakibahagi sa parusa ng masama,” At nangyari ito nang pinako Siya kasama ang iba pang makasalanan sa Lucas 23:33, “Ipinako rin ang dalawang kriminal, isa sa Kanyang kanan at isa sa kaliwa.”

C. Ignorante sa Kanilang Kasalanan
Lahat sila ay ignorante sa kanilang maling ginawa. Ang alam nila wala silang ginawang mali. Ni hindi rin nila nakikita na sila ay makasalanan. Sa Lumang Tipan, sa batas ng mga Judio may batas na binigay patungkol sa kasalanang nagawa para sa mga ignorante. Makikita ito sa Aklat ng Levitico 4. Parang sinasabi ni Jesus na, “Ama, ang mga kababayan Ko ay hindi nakakaunawa; ignorante sila. Mamamatay Ako para sa kanilang mga makasalanan. Hindi nila alam ang ginagawa nila; pero alam Ko ang ginagawa Ko - mamamatay Ako kapalit nila. Kaya, patawarin Mo sila.” Iyan ang kahanga-hangang argumento. Ano kaya tugon ng Diyos sa panalangin ni Jesus? Tignan natin ang…

IV. Ang Nakakamanghang Tugon

Ang tugon ba ng Diyos ay agad Niyang binuhos sa mga nagkasala 
doon? Pinadala parin ng Diyos ang mensahe ng kaligtasan sa mga Judio. Sa Gawa 3:17, sinabi ni Apostol Pedro sa mga pinuno ng mga Judio, “Mga kapatid, alam kong hindi ninyo nalalaman ang inyong ginawa, gayundin ang inyong mga pinuno.”Maging si Apostol Pablo na nagsabi sa kanyang sarili, sa 1 Timoteo 1:13, “kahit na noong una‟y nilapastangan, inusig at nilait ko Siya. Sa kabila nito‟y nahabag sa akin ang Diyos sapagkat hindi ko nalalaman ang aking ginagawa noong ako‟y hindi pa sumasampalataya.” Malinaw na tinugon ng Ama ang panalangin ni Jesus. Ang Diyos ay naging pasensyoso sa mga Israelita, at kay Saul na taga-Tarsus. Dahil dito marami sa Jerusalem ay nakakilala kay Kristo na taga-pagligtas. Nakita ninyo na hindi agad huhusgahan ng Diyos ang tao, sa halip binibigyan Niya ang pagkakataon ang lahat dahil sa panalangin ni Jesus sa Kanya, “Ama, patawarin Mo sila sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa” (Lucas 23:34). Kaya, ngayon tayo ay nakakaranas ng kapatawaran ng Diyos kung tayo ay sumampalataya kay Jesus. Nawa ito ang maging batayan natin kung bakit hindi mahirap sa atin ang magpatawad sa ibang taong nagkasala sa atin.

________________________________________________________________

Pondering the Principles

1. Para sayo ano ang mga maaaring magawa sayo ng ibang tao na 
mahirap mapatawad? Maari kang bumase sa mga naranasan mo na o sa nararanasan mo ngayon. Meron ka bang mga hindi pa napapatawad ngayon? Bakit? Papaano tayo makakatawag ng “Ama”sa Diyos ng kalangitan? Bakit mahalaga na magkaroon tayo ng tamang relasyon sa Diyos? Kapag ikaw ay may kabigitan sino o kanino ka unang lumalapit? Ano ang maaaring maidulot kung ikaw ay tumatawag sa Ama sa oras ng iyong mga kabigatan?

2. Bakit mahalaga na maipanalangin ni Jesus sa Ama ang kapatawaran 
ng mga taong nagpako sa Kanya sa krus? Ibig sabihin ba nito na automatic na napatawad na sila sa kanilang mga kasalanan? Bakit? Bilang Kristiyano at may tungkuling mag disipulo, bakit mahalaga na maipakita natin ang pamumuhay na nagpapatawad?

3. Ano ang mga maaaring maging basehan natin kung bakit dapat 
patawarin ang mga nagkasala sa atin? Sa pagiging ignorante ng marami patungkol kay Jesus, masasabi mo ba na ikaw ay isa doon? Bakit? Sa pagiging ignorante nang marami patungkol kay Jesus, ano ang maaari mong gawin para sila’y makaunawa kung masasabi mo na ikaw ay nakakaunawa na?

4. Papaano tinugon ng Diyos ang panalangin ni Jesus? Papaano ka 
magiging kasangkapan sa patuloy na pagtugon ng Diyos sa panalanging ito? Basahin ang Mateo 18:21-35. Ano ang magiging pamantayan natin sa pagpapatawad sa ibang tao? Bakit madali sa mga tunay na mamanpalataya na sila ay magpatawad? Ano ang gagawin ng Diyos sa mga hindi nagpapatawad?

Biyernes, Abril 1, 2022

Daan sa Kaligtasan (Part 4 of 4) - ANG KAPALIT NG PAGSUNOD KAY JESUS SA DAAN

Daan sa Kaligtasan (Part 4 of 4)
ANG KAPALIT NG PAGSUNOD KAY JESUS SA DAAN


Ang pagnanais na maligtas ay isang desisyon na nais mong maging alagad ni Jesus. At nawa sa puntong ito ng ating pag-aaral ay nakagawa kana ng desisyon magsisi sa iyong mga kasalanan at sumampalataya kay Jesus bilang iyong Panginoon at Taga-Pagligtas. Sa huling bahagi ng pag-aaral na ito ay titignan natin ng mas malalim ang kahulugan ng desisyong sumampalataya kay Jesus. Pag-aaralan natin kung ano ba ang inaasahan sa mga taong gustong maligtas sa tiyak na kapahamakan sa impyerno. Kaya ang pamagat ng ating pag-aaralan ay, “Ang Kapalit ng Pagsunod Kay Jesus sa Daan.”

Basahin ang Lucas 14:25-33

Lucas 14:25-33
25 Sumama kay Jesus ang napakaraming tao; humarap Siya sa kanila at Kanyang sinabi, 26 “Hindi maaaring maging alagad Ko ang sinumang umiibig sa kanyang ama at ina, asawa at mga anak, mga kapatid, at maging sa sarili niyang buhay nang higit sa Akin. 27 Ang ayaw magpasan ng sarili niyang krus at sumunod sa Akin ay hindi maaaring maging alagad Ko. 28 “Kung ang isa sa inyo’y nagbabalak na magtayo ng tore, hindi ba siya uupo muna upang magplano at kuwentahin kung magkano ang magagastos niya upang matiyak kung may sapat siyang pera para maipatapos ang kanyang ipapatayo? 29 Baka matapos mailagay ang mga pundasyon ay hindi naman mayari ang tore. Siya’y kukutyain lamang ng lahat ng makakakita niyon. 30 Sasabihin nila, ‘Anong taong ito’y nagsimulang magtayo ngunit hindi naman naipatapos.’ 31 “O sinong hari na makikipagdigma sa kapwa hari ang hindi muna mauupo upang pag-aralang mabuti kung ang sampung libong kawal niya ay maisasagupa sa kalaban na may dalawangpung libong kawal? 32 At kung hindi niya kaya, malayo pa ang kalaban ay magsusugo na siya ng mga kinatawan upang makipagkasundo. 33 Gayundin naman, hindi maaaring maging alagad Ko ang sinuman kung hindi niya tatalikuran ang lahat sa kanyang buhay.

Upang matulungan tayo na mas makagawa ng desisyong sumampalataya kay Jesus ay pag-aralan natin ang: Kapalit ng pagsunod; Kapalit ng hindi pinag-isipang desisyon; at kapalit ng hindi pagsunod.

I. KAPALIT NG PAGSUNOD
(mtal. 25-27)

“25 Sumama kay Jesus ang napakaraming tao; humarap Siya sa kanila at Kanyang sinabi, 26 “Hindi maaaring maging alagad Ko ang sinumang umiibig sa kanyang ama at ina, asawa at mga anak, mga kapatid, at maging sa sarili niyang buhay nang higit sa Akin. 27 Ang ayaw magpasan ng sarili niyang krus at sumunod sa Akin ay hindi maaaring maging alagad Ko…”

A. Ang Panginoon ng iyong buhay.
Una, pag-aralan natin ang mga talatang 25-27 kung saan pinakita ni Jesus ang kapalit ng pagiging alagad. Sabi ni Jesus na, “Hindi maaaring maging alagad Ko…” ito’y nangangahulugan na hindi pwedeng maligtas ang isang tao kung hindi mo handang tanggapin ang magiging kapalit ng pagiging alagad ni Jesus. Ang pagiging ligtas ay ang pagiging alagad ni Jesus.

Pansinin din sa sinabi Niya ang,
“hindi maaaring maging alagad Ko…” ibig sabihin nito na dapat mong kilalanin si Jesus na iyong Panginoon at Hari ng iyong buhay. Dapat mong tanggapin na Siya dapat ang masunod sa iyong buhay. Hindi mo lang Siya dapat tanggapin bilang iyong Taga-pagligtas kundi maging bilang iyong Panginoon.

B. Ang Higit sa iyong buhay.
Sinasabi sa talatang 26 na “hindi maaaring maging alagad ni Jesus ang sinumang umiibig sa kanyang pamilya at sa sarili.” Ito’y hindi nangangahulugan na lapastanganin mo ang iyong pamilya at pabayaan ang sarili, ito’y nangangahulugan na dapat nating mahalin si Jesus nang higit sa ating pamilya at sarili. Kailangang pahawakan natin sa Kanya ang lahat ng bahagi ng ating buhay.

Marami ngayon na ang ginagawang rason para hindi magawa ang mga pagbabasa ng Biblia, pagdadasal, pagdidisipulo, pag-adalo sa mga pagtitipon ay dahil sa kanilang mga anak o trabaho. Ang anak ay isang pagpapalang kaloob ng Diyos sa mga magulang. Awit 127:3,
“Kaloob nga ni Yahweh itong ating mga anak, ang ganitong mga supling, pagpapalang mayro'ng galak.” At maging ang trabaho ay biyayang kaloob ng Diyos. Mangangaral 5:19, “Ganoon din ang dapat gawin ng lahat ng niloob ng Diyos na yumaman: tanggapin ang kanilang bahagi at pakinabangan ang bunga ng kanyang pinagpaguran sapagkat ito ay kaloob ng Diyos.” Tandaan natin na ito ay binigay ng Diyos para mas lalo tayong mapalapit sa Kanya at hindi para ilayo tayo nito sa Kanya dahil hindi nagbibigay ang Diyos sa atin ng mga bagay na maglalayo sa atin sa Kanya.

C. Ang modelo sa iyong buhay
“Ang ayaw magpasan ng sarili niyang krus at sumunod sa Akin ay hindi maaaring maging alagad Ko…” (tal. 27).

Hindi tayo hinahanapan ni Jesus nang higit sa Kanyang ibinigay sa atin. Tiniis Niya ang lahat ng paghihirap samantalang nasa lupa, at ibinigay ang Kanyang sarili upang mamatay sa krus para sa atin. Hindi rin ito nangangahulugan na dapat tayong literal na gumawa ng krus at pasanin ito at magpapako dito kapag mahal ng araw. Kaya nang sabihin Niyang,
“Pasanin natin ang ating krus” (tal. 27), nais Niyang “mamatay tayo sa ating sarili - limutin at talikuran natin ang ating sarili (mga masasamang gawa) at ang sanlibutan (mga masamang gawa nito), at mabuhay na tulad Niya sa pagtitiis at paghihirap sa paglilingkod sa Diyos.”

Ang krus ay sumisimbulo sa:

a. Paghihirap
Maraming mga naging Kristiyano ang nakapagsabi nito, “Noong ako ay hindi pa mananampalataya ay hindi ganoon kahirap ang aking buhay, ngayong ako ay naging mananampalataya na eh naging mas mahirap ang aking buhay.” Ito ang mga tao na hindi nakakaunawa sa ano ba ang kapalit ng pagsunod kay Jesus. Ito ang mga tao na sumampalataya lang kay Jesus kasi gusto lang nila makapunta sa langit at ayaw gawing Panginoon si Jesus sa kanilang buhay at paglingkuran Siya. Hindi sila handang magtiis para kay Kristo.

Filipos 1:29
“Dahil ipinagkaloob Niya sa inyo, hindi lamang ang manalig sa Kanya, kundi ang magtiis din naman alang-alang kay Cristo.”

Santiago 1:2-4
“2 Mga kapatid, magalak kayo kapag kayo'y dumaranas ng iba't ibang uri ng pagsubok. 3 Dapat ninyong malaman na nagiging matatag ang inyong pananampalataya sa pamamagitan ng mga pagsubok. 4 At dapat kayong magpakatatag hanggang wakas upang kayo'y maging ganap at walang pagkukulang.”

b. Kamatayan
Ano ang kamatayan na tinutukoy dito?

1. Kamatayan sa sarili
Galacia 2:20-21

"Hindi na ako ang nabubuhay ngayon kundi si Cristo na ang nabubuhay sa akin. At habang ako'y nabubuhay pa sa katawang-lupa, mamumuhay ako sa pananalig sa Anak ng Diyos na umibig sa akin at naghandog ng kanyang buhay para sa akin. Hindi ko maaaring tanggihan ang kagandahang-loob ng Diyos. Kung ang tao'y mapapawalang-sala sa pamamagitan ng Kautusan, walang kabuluhan ang pagkamatay ni Cristo!"

Galacia 5:24-25
“24 At ipinako na sa krus ng mga nakipag-isa kay Cristo Jesus ang kanilang laman at ang masasamang hilig nito. 25 Kung binigyan tayo ng buhay ng Espiritu, mamuhay rin tayo ayon sa Espiritu.”

Hindi na ang mga gusto natin ang masusunod. Lahat ng pangarap natin, plano, layunin sa buhay, nais at plano ay dapat naka-angkla at naka sentro kay Jesus.

2. Kamatayan sa lumang pagkatao

Efeso 4:22-24
22 Iwan na ninyo ang dating pamumuhay. Hubarin na ninyo ang inyong dating pagkatao na nasisira dahil sa masasamang pagnanasa. 23 Magbago na kayo ng diwa at pag-iisip; 24 at ang dapat ninyong isuot ay ang bagong pagkatao na nilikhang kalarawan ng Diyos, at nahahayag sa matuwid at banal na pamumuhay ayon sa katotohanan.

Colosas 3:10
“Isinuot ninyo ang bagong pagkatao na patuloy na nababago at nagiging kalarawan ng Diyos na lumikha sa inyo, upang lalo ninyo siyang makilala.”

2 Corinto5:17
“Kaya't kung nakipag-isa na kay Cristo ang isang tao, isa na siyang bagong nilalang. Wala na ang dati niyang pagkatao, sa halip, ito'y napalitan na ng bago.”

3. Kamatayan sa kasalanan
Hindi na tayo alipin ng kasalanan. Hindi tayo namumuhay ng tuluy-tuloy na pamumuhay sa kasalanan.

1 Pedro 2:24
“Sa Kanyang pagkamatay sa krus, pinasan Niya ang ating mga kasalanan upang tayo'y mamatay na sa kasalanan at mamuhay nang ayon sa kalooban ng Diyos. Sa pamamagitan ng Kanyang mga sugat, kayo'y pinagaling.”

Roma 6:1-6
“1 Ano ngayon ang sasabihin natin? Patuloy ba tayong magkakasala upang sumagana sa atin ang kagandahang-loob ng Diyos? 2 Hinding-hindi! Tayo'y patay na sa kasalanan, paano pa tayo mamumuhay sa pagkakasala? 3 Hindi ba ninyo alam na tayong lahat na nabautismuhan kay Cristo Jesus ay nabautismuhan sa Kanyang kamatayan? 4 Samakatuwid, tayo'y namatay na at nalibing na kasama Niya sa pamamagitan ng bautismo upang kung paanong binuhay muli si Cristo sa pamamagitan ng dakilang kapangyarihan ng Ama, tayo rin ay magkaroon ng panibagong buhay. 5 Sapagkat kung nakasama tayo ni Cristo sa isang kamatayang katulad ng Kanyang kamatayan, tiyak na tayo ay makakasama rin niya sa muling pagkabuhay na katulad ng kanyang muling pagkabuhay. 6 Alam natin na ang dati nating pagkatao ay naipako na sa krus kasama Niya, upang mamatay ang ating makasalanang pagkatao at nang hindi na tayo maalipin pa ng kasalanan.”

Kung hindi mo handang tanggihan ang iyong sarili, hindi ka maaaring maging isang Kristiyano. Dapat mong mahalin si Kristo nang higit pa sa iyong ina, tatay, at dapat mong mahalin siya nang higit pa sa iyong sariling buhay. Dapat ay handa kang mamatay para kay Kristo. Ito ay alinman sa ikaw ay alipin ng kasalanan o ikaw ay isang alipin ni Kristo.

Dapat mong tanggihan ang iyong sarili at pasanin ang krus araw-araw. Dapat kang magtiwala sa Panginoon sa pinakamahirap na sitwasyon. Dapat mong disiplinahin ang iyong sarili at tumanggi sa mundo. Ang iyong buhay ay dapat laging patungkol kay Kristo.

Ang isang taong gustong panatilihin ang kanyang buhay at patuloy na namumuhay ng kasalanan ay hindi isang Kristiyano. Ang taong iyon ay hindi bagong nilikha at isa lamang sinungaling.

Dadaan tayo sa mga pagsubok, ngunit ang mga pagsubok ang nagpapatatag sa atin kay Kristo. Ang ating buhay ay hindi para sa atin, ito ay palaging para kay Kristo. Namatay Siya para sa atin kahit na hindi tayo karapat-dapat. Lahat ng mayroon tayo ay para kay Kristo. Lahat ng mabuti ay galing sa Kanya at ang masama ay sa atin.

II. KAPALIT NG HINDI PINAG-ISIPANG DESISYON
(mtal. 28-30)

28 “Kung ang isa sa inyo’y nagbabalak na magtayo ng tore, hindi ba siya uupo muna upang magplano at kuwentahin kung magkano ang magagastos niya upang matiyak kung may sapat siyang pera para maipatapos ang kanyang ipapatayo? 29 Baka matapos mailagay ang mga pundasyon ay hindi naman mayari ang tore. Siya’y kukutyain lamang ng lahat ng makakakita niyon. 30 Sasabihin nila, ‘Anong taong ito’y nagsimulang magtayo ngunit hindi naman naipatapos.’”

Bakit kaya ginawang ilustrayon ni Jesus ang toreng hindi tapos? Dahil ito ay tumutukoy sa mga taong nabigong magpatuloy sa Panginoon ang mga taong nagsabing sila ay mananampalataya. Ang tanong ngayon ay bakit sila nabigong magpatuloy?

Maraming tao ang naaakit kay Kristo dahil gusto lamang nilang mapunta sa langit. Ngunit hindi sila handang mag-sakripisyo. Madali silang nagdesisyon upang sumunod kay Jesus, at marahil ay nalalaman nila ang ilang bagay na magiging kapalit nito, ngunit hindi naisip ang kapalit nitong panghabang-buhay.

Ito’y isang babala sa mga taong nagnanais na magdesisyong magsisi sa kanilang kasalanan at sumampalataya kay Jesus. Tulad sa pag-aasawa marami ang naghihiwalay dahil marami sa kanila na nagdesisyong mag-asawa ngunit hindi pinag-isipan ang magiging 
kapalit na buhay may asawa. Ganun din sa maraming taong nais sumunod kay Jesus na hindi pinag-isipan at inalam kung ano ang magiging kapalit nito sa kanyang buhay.

Minsang may binahaginan ako ng Magandang Balita na isang security guard ng isang private school na pinagtatrabahyuan ng aking asawa. Matapos kong maituro rito ang magiging kapalit ng pagiging alagad ni Jesus, tinanong ko ang lalake kung gusto niyang sumampalataya kay Kristo at maging kanyang Panginoon at Taga-pagligtas ito. Nagulat ako ng sinabi nito na “hindi niya gusto isuko ang kanyang buhay kay Jesus.” Nalaman ni ko na ang dahilan ay dahil meron itong kabit habang ang asawa nito ay nagtatrabaho sa ibang bansa at nauubos ang padala ng asawa niya sa sabong. Hindi siya handang isuko ito sa Panginoon. Mas gusto nyang maghari si Satanas sa kanyang buhay kaysa kay Jesus. Iyan ang nakakapagtaka kung bakit marami ang mas pinipili ang pagharian ni Satanas kaysa ni Jesus. Bakit mas marami ang pinilipi ang impyerno kaysa sa langit. May tanong na, “bakit dinala ng Diyos ang tao sa impyerno,” pero ang tamang tanong ay, “bakit mas pinipili ng tao ang impyerno kaysa langit.”

III. KAPALIT NG HINDI PAGSUNOD
(mtal. 31-33)

31 “O sinong hari na makikipagdigma sa kapwa hari ang hindi muna mauupo upang pag-aralang mabuti kung ang sampung libong kawal niya ay maisasagupa sa kalaban na may dalawangpung libong kawal? 32 At kung hindi niya kaya, malayo pa ang kalaban ay magsusugo na siya ng mga kinatawan upang makipagkasundo. 33 Gayundin naman, hindi maaaring maging alagad Ko ang sinuman kung hindi niya tatalikuran ang lahat sa kanyang buhay.”

Dalawa lang ang desisyong dapat gawin ng haring may 10,000 kawal laban sa hari na may 20,000 kawal, ang lumaban o ang sumuko. Sino ang inilalarawan ng dalawang haring ito? Tayo ang haring may 10,000 kawal at ang Diyos naman ang haring may 20,000 kawal. Pansinin sa ilustrasyon na ang tanging magagawa ng haring may 10,000 kawal ay sumuko. Sapagkat lulusubin siya ng ibang hari kung hindi siya susuko. Tulad nito, kakalabanin din tayo ng Diyos kung hindi tayo susuko sa Kanya.

Ngunit bakit tayo kakalabanin ng Diyos kung hindi tayo 
susuko sa Kanya? Sapagkat alam natin ang lahat na mga sinasabi at pamantayan na ipinahayag ni Jesu-Kristo, ang makapangyarihang Diyos. Maaari nating tanggapin o tanggihan ang mga ito. Kung tatanggapin natin, tayo’y nasa panig ng Diyos at nakikipaglaban kay Satanas. Kung tatanggihan naman natin, tayo’y nasa panig ni Satanas at nakikipaglaban sa Diyos. Hindi pwedeng wala kang pinapanigan. Hindi pwede na balewalain ang Diyos at gawin ang gusto nating gawin. Kung wala ang Diyos, tayo’y matutukso, maiimpluwensyahan, at sa dakong huli ay maaalipin ni Satanas. Isipin na lamang ninyo kung paanong napakadali nating mag-isip, magsalita at gumawa ng masama. Aminin man natin o hindi, nasa ilalim tayo ng kapangyarihan ni Satanas. Ang tanging solusyon dito ay makipagkasundo tayo sa Diyos. Kailangang pumanig tayo sa Kanya ayon sa Kanyang pamantayan, at talikdan ang lahat (tal.33). Sa gayo’y ililigtas Niya tayo sa pagkaalipin kay Satanas at pagkalooban tayo ng tunay na kalayaan, kapayapaan, kagalakan at pag-ibig!

Puwede kaya na ang isang tunay na kristiyano ay maging mananampalataya lamang at hindi isang alagad ni Kristo? Hindi pwede. Ang isang taong hindi handang humarap sa magiging kapalit ng pagiging alagad, at gusto’y maging “isang mananampalataya” lamang (para makapunta siya sa langit) tulad sa isa sa napakaraming tao sa Lucas 14:25. Nais lamang ng mga taong ito ang isang bagay mula kay Jesus ngunit ayaw nilang sumunod sa Kanya.

Si Jesus bilang Tagapagligtas at si Jesus bilang Panginoon ay tulad sa dalawang mukha ng isang barya. Hindi maaring isang mukha lamang, kailangan ay dalawa. Sinasabi sa Roma10:9 na,
“Kung ipahayag ng iyong labi na si Jesus ay Panignoon… maliligtas ka.” Sa 1 Corinto 6:19, 20 ay sinasabi, “Ang iyong katawan ay hindi talagang inyo… binili Niya kayo sa malaking halaga.” Ang dakilang utos sa atin ay “Kaya, humayo kayo at gawin ninyong alagad Ko ang lahat ng bansa” (Mateo 28:19)

Kung titignan ay mukang napakataas ng pamantayan ng pagiging alagad ni Jesus. At marami sa ating ang napapa-isip kung maaabot ba natin ito. Hindi ibig sabihin ng pagiging alagad ay pagiging perpekto. Si Simon Pedro ay isang alagad pero ipinagkaila niya ang Panginoong Jesus nang tatlong beses. Ngunit nagsisi siya pagkatapos. Ang isang alagad ay isang tao na nagsuko nang kanyang buhay kay Jesus at nagsisikap na masunod sa Kanya.

Konklusyon:
Ngayong alam mo na ang magiging kapalit ng pagsunod kay Jesus at kung ano ang mangyayari kung hindi ninyo Siya susundin, ano ngayon ang inyong desisyon?

Nais mo bang maligtas sa tiyak na kapahamakan sa impyerno? Nais ba mo bang isuko ang iyong buhay sa Kanya at hayaang Siya ang maghari-masunod sa iyong buhay? Nais mo bang magsisi at talikuran ang iyong maduming pamumuhay at nagnanais na sumampalataya kay Jesus? Tulad ng sinabi ni Jesus mainam na umupo ka muna at muli mong pagbulay-bulayan ang mga katotohanang pinakita sayo ng Diyos sa pag-aaral nating ito. At gumawa ng siguradong desisyon dahil ito’y tunay mong naunawaa. Minumungkahi kong muli mong balikan ang mga napag-aralan at mas unawain at kung tiyak na sa iyong puso na nais mong magsisi at talikuran ang iyong maruming pamumuhay at ikaw ay sumasampalataya kay Jesus, kausapin mo ang Diyos sa pamamagitan ng panalangin at ilahad mo ang laman ng iyong puso base sa mga katotohanang iyong tinanggap. Ilahad mo kung ano ang desisyong nais mong gawin sa Kanya.

Kung ikaw ay nagdesisyong magsisi at sumampalataya kay Jesus bilang iyong Panginoon at taga-pagligtas, marapat lang na mas kilalanin mo pa si Jesus sa iyong buhay.

______________________________________________

PAG-ISIPAN:
1. Ano ang inaasahan ni Jesus sa mga gustong maging alagad Niya?
2. Bakit maraming taong nagsasabi na sila ay mananampakataya ang nabigong magpatuloy sa Panginoon?
3. Ano ang magiging kapalit ng hindi pagsuko kay Jesus?

PAGSASABUHAY:
1. Anong paghihirap ang handa mong tiisin ng dahil sa pagsunod m okay Kristo?
2. Ano ang mga bagay na nais mong alisin sa iyong buhay upang mas mag Hari si Jesus sa iyong buhay?

PANANALANGIN:
Ipanalangin ang pagsasabuhay na nagawa na tulungan tayo ng Diyos na maipamuhay ito.

 

 

Name of God: Fortress - "Kapangyarihan ng Imahenasyon" (102 of 366)

Name of God: Fortress Kapangyarihan ng Imahenasyon Basahin: Kawikaan 18:10-16 (102 of 366) “Ang ari-arian ng isang mayaman ay kanyang kanlu...