Mahalin ang Diyos at Mahalin ang Iyong Kapwa
Wholistic MinistryMga Pangunahing Layunin
1. Maunawaan natin na tinawag tayo ng Diyos upang mahalin ang ating Kapwa.
2. Maunawaan sino ang ating kapwa.
3. Makapag-isip ng mga ideya paano natin mamahalin ang ating kapwa
Panimula
Ang Kasulatan ay maliwanag na nagsasaad na ang Diyos ay may malasakit sa nasasaktan at mga nangangailangang mga tao—at dapat tayong maging ganun din. Isa sa pinakamahusay na “clues” upang maunawaan natin ang puso ng Diyos para sa tao ay matatagpuan natin sa mga utos ng Panginoong Jesus. Sa loob ng mga utos na ito, ay ating makikita ang tinatawag sa ingles na “irreducible minimum” o ang pinakamababang hinihingi ng ebanghelyo. Ang diin nito ay hindi lamang maliwanag, kundi nakakagulat pa.
I. Ang Dakilang Utos
Basahin natin ang ilang mga talatang ito:
Mateo 22:36-40
36 “Guro, alin po ang pinakamahalagang utos sa Kautusan?” tanong niya. 37 Sumagot si Jesus, “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso mo, buong kaluluwa mo, at buong pag-iisip mo. 38 Ito ang pinakamahalagang utos. 39 Ito naman ang pangalawa: Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili. 40 Sa dalawang utos na ito nakasalalay ang buong Kautusan ni Moises at ang katuruan ng mga propeta.”
Mateo 7:12
“Gawin ninyo
sa inyong kapwa ang nais ninyong gawin nila sa inyo. Ito ang buod ng Kautusan
at ng mga isinulat ng mga propeta."
Marcos 12:28-31, 33
“28 Ang
kanilang pagtatalo ay narinig ng isa sa mga tagapagturo ng Kautusan na naroon.
Nakita niyang mahusay ang pagkasagot ni Jesus sa mga Saduseo kaya siya naman
ang lumapit upang magtanong, “Alin po ba ang pinakamahalagang utos?” 29 Sumagot
si Jesus, “Ito ang pinakamahalagang utos: ‘Pakinggan mo, Israel! Ang Panginoon
na ating Diyos—Siya lamang ang Panginoon. 30 Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos
nang buong puso mo, buong kaluluwa mo, buong pag-iisip mo at buong lakas mo.’
31 Ito naman ang pangalawa, ‘Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa
iyong sarili.’ Wala nang ibang utos na hihigit pa sa mga ito… 33 At higit na
mahalaga ang umibig sa Kanya nang buong puso, buong pag-iisip at buong lakas,
at ang umibig sa kapwa gaya ng pag-ibig sa sarili, kaysa magdala ng lahat ng
handog na susunugin at iba pang mga alay.”
Roma 13:9
“Ang mga
utos gaya ng, ‘Huwag kang mangangalunya; huwag kang papatay; huwag kang
magnanakaw; huwag mong pagnanasaang maangkin ang pag-aari ng iba;’” at alinmang
utos na tulad ng mga ito ay nauuwing lahat sa iisang utos, ‘Ibigin mo ang iyong
kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.’”
Galacia 5:14
“Sapagkat
ang buong Kautusan ay nauuwi sa isang pangungusap, ‘Ibigin mo ang iyong kapwa
gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.’”
Sa
mga talatang ito, mapapansin natin na ang pagkakatulad at pagkaka-iba-iba
nitong anim na mga talatang ito ay lahat sila’y nagsasabing “mahalin mo ang
iyong kapwa” at kalahati lamang ang nagsasabing, “mahalin ang Diyos.” Sinabi ni
Jesus na ang mas dakila sa dalawang utos na ito ay mahalin ang Diyos. Ngayon,
kapag ang Kautusang ito at ang mga Propeta ay ibubuuod sa isa sa mga dakilang
utos, alin ito sa dalawa? Ito ay ang mahalin mo ang iyong kapwa. Anong ibig
sabihin nito? Ating maipapamalas ang ating pag-ibig sa Diyos sa pamamagitan ng
ating mga gawa at isa na dito ang pagmamahal sa ating kapwa.
II. Ang
Mahalin ang Iyong Kapwa
Basahin naman natin ang ilang mga talatang ito:
1 Juan 3:17
“Kung ang
sinuman ay may mga pag-aari sa sanlibutang ito at nakikita niya ang kaniyang
kapatid na may pangangailangan at ipagkait sa kaniya ang habag, paano
mananatili ang pag-ibig ng Diyos sa kaniya?”
1 Juan 5:3
“sapagkat
ang tunay na pag-ibig sa Diyos ay ang pagtupad sa Kanyang mga utos.”
Santiago 1:27
“Ang relihiyon
na dalisay at walang dungis sa harap ng ating Diyos at Ama ay ito: pagtulong sa
mga ulila at sa mga biyuda sa kanilang kahirapan, at pag-iingat sa sarili upang
huwag mahawa sa kasamaan ng mundong ito.”
Makikita
natin sa mga talatang ito ang relasyon ng pag-ibig natin sa Diyos sa ating
pagtugon sa pangangailangan ng ibang tao. Kung iniibig natin ang Diyos, ay
ating ipapakita ito sa pamamagitan ng pag-ibig sa ating kapwa. Kung sinasabi
natin na iniibig natin ang Diyos ngunit hindi naman natin iniibig ang ating
kapwa, ito ay nagpapakita lamang na hindi tunay ang sinasabi natin na iniibig
natin ang Diyos.
Kaya
masasabi natin na imposible na ating ibahagi ang pag-ibig ng Diyos nang hindi
tayo tutulong sa pangangailangan ng mga tao. Hindi tayo maituturing disipulo ni
Jesus kung hindi tayo nagmiministeryo sa sosyal at pisikal – ganun din sa
espirituwal – na pangangailangan ng mga tao. Kung ating titingnan ang talinhaga
patungkol sa mga Tupa at mga Kambing, tayo ay maliwanag na nahahati o
nahuhusgahan sa pamamagitan ng ating ginagawa at hindi ginagawa. Sa talinhagang
iyon, sila ay hindi sinabihan na mangaral ng mensahe o sermon sa kanila sa mga
nangagugutom. Sila’y napag-utusang magbigay sa kanila ng pagkain. Maliwanag na ipinakikita ni Jesus sa talinhagang
ito na inaasahan N’ya tayo, na nag-aaruga o nangangalinga sa mga
pangangailangan ng mga taong nakapaligid sa atin at ito rin ang magpapatunay na
tayo ay Kanyang tunay na mga taga-sunod.
III. Ang
Krus
(Kumuha ng larawan ng krus gaya ng larawang ipinakita)
Ang
“diagram” na ito ay dinesenyo upang makatulong na ating maalala ang prinsipyong ito. Ang patayo o “Vertical”
na linya ay naglalarawan ng ating relasyon sa Diyos. Ito ang pinakamalaking
linya. Ang pahiga o “horizontal” na linya ay nagsasalarawan ng ating relasyon
sa ibang mga tao. Ang pahingang linya ay suportado ng nakatayong linya.
Kung
walang patayong linya, ang pahigang linya ay nakabagsak at nasa maruming lugar.
Ito ay totoo, hindi lamang sa larawang ito, kundi maging sa ating buhay. Ating
kailangan ang Diyos upang magkaroon ng mabuting mga relasyon. Ngayon ang tanong
ay sino ba ang ating kapwa?
IV. Ang
Ating Kapwa
Merong
kwento si Jesus na isinalaysay sa isang tao na nagnanais na malaman kung paano
magkakaroon ng buhay na walang hanggan, o paano maging isang Kristiyano.
Kanyang sinabi na dalawang bagay ang kailangan - na ating mahalin ang Diyos at
ating mahalin ang ating kapwa. Ang taong ito ay saka nagtanong kung sino ang
kanyang kapwa at tumugon si Jesus gamit ang kwento sa Lucas 10:30-37,
30 Sumagot
si Jesus, “May isang taong naglalakbay mula sa Jerusalem papuntang Jerico.
Hinarang siya ng mga tulisan, hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na.
31 Nagkataong dumaan doon ang isang paring Judio. Nang makita ang taong
nakahandusay, lumihis siya at nagpatuloy sa kanyang paglakad. 32 Dumaan din ang
isang Levita, ngunit nang makita niya ang taong binugbog, lumihis din ito at
nagpatuloy sa kanyang paglakad. 33 Ngunit may isang Samaritanong naglalakbay na
napadaan doon. Nang makita niya ang biktima, siya'y naawa. 34 Nilapitan niya
ito, binuhusan ng langis at alak ang mga sugat at binendahan. Pagkatapos,
isinakay niya ang lalaki sa kanyang asno at dinala ito sa bahay-panuluyan upang
maalagaan siya doon. 35 Kinabukasan, binigyan niya ng dalawang salaping pilak
ang namamahala ng bahay-panuluyan, at sinabi, ‘Alagaan mo siya, at kung higit
pa riyan ang iyong magagastos, babayaran kita pagbalik ko.’”
36 At
nagtanong si Jesus, “Sa palagay mo, sino kaya sa tatlo ang naging tunay na
kapwa ng taong hinarang ng mga tulisan?”
37 “Ang
taong tumulong sa kanya,” tugon ng dalubhasa sa kautusan. Kaya't sinabi sa
kanya ni Jesus, “Kung gayon, humayo ka at ganoon din ang gawin mo.”
Mula
dito magiging malinaw sa atin kung sino ang ating kapwa na dapat nating
tulungan. Sagutin natin ang mga tanong na ito upang mas maging malinaw sa atin
ang bagay na ito:
1. Kilala ba ng Samaritano ang lalaking sugatan at
nakahandusay?
Hindi.
Sakatunawayan ang taong tutulungan niya ay isang Judiong namumuhi sa lahi nila
ng sobra. Kung baga bakit natin tutulungan ang taong kaaway natin? Pero hindi
ito naging hadlang sa lalaking Samaritano para tulungan ang lalaking ito.
2. Paano s’ya naiiba sa mga naunang nakakita sa
lalaking ninakawan at
sinaktan?
Syempre
siya lang ang tumulong. Pero kung titignan natin kung meron mang dapat tumulong
sa taong ito, ito ay sila dahil nagtuturo ang mga taong ito ng kahalagahan ng
pagtulong sa mga nangangailangan at ito ay kababayan din nila. Ngunit tila ang
hindi nila pagtulong at pagbale-wala sa lalaking nangangailangan ay taliwas sa
kung ano ang pinaniniwalaan nila at tinuturo nila.
3. Sapat ba ang ginawang pagtulong ng Samaritano o
higit pa sa kinakailangan?
Hindi
lang siya basta tumulong sa lalaking ito, higit pa ang kanyang ginawa.
Nagsakripisyo siya ng oras, lakas, at sarili niyang pera sa pagtulong dito.
__________________________________________________________
Discussion:
Pagbulayan:
1. Ano ang
itinuturo sa ating ng kwentong ito patungkol sa kung sino ang
ating kapwa?
2. Paano
nagtuturo sa atin ang kwentong ito patungkol sa kung paano natin
ipapakita ang ating pag-ibig sa ating kapwa?
Pagsasabuhay:
1. Isipin mo ang mga taong lagi mong nakikita. Ano ang
isang bagay na
iyong magagawa para sa isa sa kanila?
Panalangin:
Ipanalangin na tulungan tayo ng Diyos na ipamuhay ang
pagsasabuhay na nagawa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento