Huwebes, Disyembre 22, 2022

Name of God: The LORD My Shepherd (Yahweh Rohi) - "Ang Mga Pastol" (60 of 366)


Name of God: The LORD My Shepherd (Yahweh Rohi)
Ang Mga Pastol
Basahin: 1 Corinto 9:7-14
(60 of 366)
“Simon, anak ni Juan, iniibig mo ba ako… Alagaan mo ang aking mga tupa” (Juan 21:6)

Ang full-time ministry ay hindi isang magandang choice kung ang goal mo lang ay katanyagan at kayamanan. Daan-daang libong mga lingkod ng Diyos sa malaki at maliit na simbahan ang hindi kilala. Ginagawa nila ito dahil tinawag sila ni Yahweh Rohi na pagpastulan ang Kanyang mga tupa.

Ang pagsagot sa panawagan ni Yahweh Rohi na magpastol ay nangangahulugan ng pag-aako sa mga hindi pangkaraniwang responsibilidad at panggigipit. Ang mga pastor ay may natatanging tungkulin sa pagbabantay at pagpapaunlad ng espirituwal na kalusugan ng kanilang kawan. Kahit na ginagawa nila ito, sila at ang kanilang mga pamilya ay inaasahang mamuhay ayon sa pamantayan na sa karamihan ay hindi tatanggapin. Sa kabila ng lahat ng ito, sinusunod nila ang tinig ng kanilang Pastol.

Ang mga pastol ay may pananagutan sa kanilang mga kawan, ngunit ang mga kawan ay may pananagutan din sa kanilang mga pastol. Maaari tayong manalangin para sa ating mga pastol, pasiglahin sila sa salita o sa pamamagitan ng card, at suportahan ang kanilang ministeryo sa pananalapi at sa ating panahon at pagsisikap. Maaari din tayong maging bukas-palad sa papuri at matipid sa pamimintas. Higit sa lahat, maaari nating mahalin at pahalagahan sila sa kanilang pagsunod sa Dakilang Pastol para sa atin.

Ang ating mga pastol ay may trabahong dapat gawin-at gayundin ang mga tupa.

Pagbulayan:
Paano ko maipapakita ang pagpapahalaga sa aking pastor at sa pamilya ng aking pastor ngayon?

Panalangin:
Yahweh Rohi, tulungan Mo akong mag suporta sa mga pastol na inilagay Mo sa Iyong kawan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Name of God: Fortress - "Kapangyarihan ng Imahenasyon" (102 of 366)

Name of God: Fortress Kapangyarihan ng Imahenasyon Basahin: Kawikaan 18:10-16 (102 of 366) “Ang ari-arian ng isang mayaman ay kanyang kanlu...