Huwebes, Disyembre 1, 2022

Name of God: The LORD Our Righteousness (Yahweh Tsidkenu) - "Bagong Damit" (53 of 366)


Name of God: The LORD Our Righteousness (Yahweh Tsidkenu)
Bagong Damit
Basahin: Mateo 23:25-33
(53 of 366)

“kung hindi hihigit ang inyong katuwiran sa katuwiran ng mga eskriba at mga Fariseo, sa anomang paraan ay hindi kayo magsisipasok sa kaharian ng langit.”
(Mateo 5:20)

Sa kuwento ni Hans Christian Andersen, "The Emperor's New Clothes," naniniwala ang isang mapanlinlang na pinuno na may suot siyang mamahaling damit, at natuklasan na lamang na wala siyang suot.

Binalaan ni Jesus ang Kanyang mga tagasunod na mag-ingat laban sa isang katulad na maling akala. Ang mga Pariseo ay nagbihis ng ritwal, na kumbinsido na ang kanilang matataas at matuwid na mga pamantayan ang dahilan para matamo nila ang pagsang-ayon ng Diyos.

Gayunpaman, isinulat ni propeta Isaias, "ang lahat naming katuwiran ay naging parang basahang marumi" (Isa. 64:6). Tinawag ni Jesus ang mga Pariseo na "mga mapagkunwari" (Mat. 23:25). Sinabi Niya na ang ating katuwiran ay dapat na hihigit sa kanila upang makapasok sa langit. Ang mga salitang ito ay tiyak na nagpagulat sa Kanyang mga tagapakinig. Kung ang mga Pariseo, kasama ang lahat ng kanilang kaalaman sa relihiyon, ay hindi makakapasok sa langit, anong pagkakataon ang mayroon ang karaniwang tao?

Ang mga relihiyosong ritwal ay walang kahulugan kung walang pagbabago ng puso. Ang paglampas sa katuwiran ng mga Pariseo ay magsisimula sa katuwirang ibinibigay sa atin ni Yahweh Tsidkenu sa pamamagitan ni Jesu-Kristo. Saka lamang tayo magiging tunay na malinis sa sa loob. Ang anumang bagay ay wala kundi isang maduming basahan lamang. Kapag ibinigay sa atin ni Hesus ang Kanyang katuwiran, ipinagpapalit natin ang ating mga basahan sa kayamanan ng Kanyang mga bagong damit.

Pagbulayan:
May pagkakataon ba sa buhay mo na iniisip mo na napapahanga mo ang Diyos sa sarili mong katuwiran? Paano mo mapapahanga ang Diyos sa katuwiran?

Panalangin:
Yahweh Tsidkenu, bigyan mo ako ng kagutuman at pagkauhaw sa Iyong katuwiran lamang.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Name of God: Fortress - "Kapangyarihan ng Imahenasyon" (102 of 366)

Name of God: Fortress Kapangyarihan ng Imahenasyon Basahin: Kawikaan 18:10-16 (102 of 366) “Ang ari-arian ng isang mayaman ay kanyang kanlu...