Lunes, Disyembre 5, 2022

Name of God: The LORD Who Sanctifies (Yahweh Mekoddishkem) - "Perpektong Iglesya" (57 of 366)


Name of God: The LORD Who Sanctifies (Yahweh Mekoddishkem)
Perpektong Iglesya
Basahin: Hebreo 2:11-18
(57 of 366)

“Sapagka't ang nagpapagingbanal at ang mga pinapagingbanal ay pawang sa isa,”
(Hebreo 2:11-18)

May isang mag-asawa ang naghahanap ng perpektong iglesya, ngunit wala silang nakitang pasok sa kanilang pamantayan. Ang mga iglesya nanakita nila may masyadong malaki, masyadong maliit, masyadong tahimik, masyadong maingay, masyadong tradisyonal, o masyadong kontemporaryo.
 

Ang mga pagkakaibang ito ay hindi makakaabala kay Hesus, hangga't ang mga tao ay nagtitiwala sa Kanya para sa kaligtasan at parangalan si Yahweh Mekoddishkem. Siya ay "hindi nahihiya" (Heb. 2:11) na tawagin ang mga Kristiyano bilang Kanyang mga kapatid dahil idineklara Niya tayong matuwid at ibinukod para sa papuri ng ating Ama sa langit.

Madali tayong magkaroon ng kritikal na pakiramdam habang inihahambing natin ang ating sarili sa ibang mga mananampalataya o sa ating simbahan sa ibang mga simbahan. Nakatuon tayo sa hindi mahalaga at nakakalimutan na si Yahweh Mekoddishkem ay nagpapabanal sa lahat ng mananampalataya sa pamamagitan ni Jesu-Kristo. Bawat isa sa atin ay maaaring nasa iba't ibang lugar sa ating espirituwal na paglalakbay, ngunit kung tayo ay nagtiwala kay Kristo bilang Panginoon at Tagapagligtas, tayo ay nasa parehong espirituwal na daan.

Kapag hindi tayo nasisiyahan sa sarili nating simbahan o kritikal sa iba, tandaan natin ang isang maliit na punto: kahit na natagpuan natin ang perpektong simbahan, hindi na ito magiging perpekto sa sandaling pumasok tayo sa pintuan nito.

Pagbulayan:
May pagkakataon ba na tila maynakikita kang hindi pasok sa pamantayan mo sa simabahang dinadaluhan mo? Ano ang gagawin mo upang mapagtagumpayan ito?

Panalangin:
Yahweh Mekoddishkem, patawarin Mo ako sa mga bagay na aking sinabi na sumisira sa ibang mananampalataya.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Name of God: Fortress - "Kapangyarihan ng Imahenasyon" (102 of 366)

Name of God: Fortress Kapangyarihan ng Imahenasyon Basahin: Kawikaan 18:10-16 (102 of 366) “Ang ari-arian ng isang mayaman ay kanyang kanlu...