Miyerkules, Abril 6, 2022

The Reliability of the Bible (Part 2 of 4)

The Reliability of the Bible (Part 2 of 4)
Tinuro ni Pastor Arnel Pinasas
Mula sa CCF – GLC 3

1 Pedro 3:15
“Igalang ninyo si Kristo mula sa inyong puso bilang Panginoon. Lagi kayong maging handang sumagot sa sinumang humihingi ng paliwanag sa inyo tungkol sa pag-asang nasa inyo.”

Kaya ang unang tanong:
Why we believe the Bible?

Bakit kayo naniniwala sa pinaniniwalaan nyo? Ready na ba kayo sa ating pag-aaralan?

The uniqueness of the Bible
Dahil ang ating pananampalataya ay nakaangkla sa Biblia, kailangan ninyong masagot sa mga taong nagtatanong kung bakit totoo ang Bible. Kung ang Bible ay hindi kapanipaniwala merong tayong malaking problema. Narito ang ilang bagay na dapat nating malaman patungkol sa Biblia:

• Written over a 1,600-year span.
• Written by more than 40 writers from every walk of life (from king to peasant, philosopher to fisherman).
• Written in different places (from Africa, Asia, and Europe; from the wilderness, to a comfortable room, to a dungeon).
• 28% prophecy.
• No error on its original form

Pag sinabing
original ito ay sa kung saan ito talaga isinulat na language. At sa pagsalin ay merong minor errors pero hindi nabago nito ang katotohanan. Pakita kayo ng libro ng tulad na ganyan. Sobrang unique o naiiba ito sa lahat.

One Central Theme:
God’s redemption of man – Jesus the Coming Messiah

Iyan ang kabuoang tema ng Bible, ang pagtubos ng Diyos sa tao at ang si Jesus na Mesayang darating. Nagsimula ito sa book ng Genesis hanggang book of Revelation. Pag-aralan nyong makita si Kristo sa bawat aklat sa Bibliya. Muli bakit kayo naniniwala sa inyong pinaniniwalaan? Bibigyan ko kayo ng ilang dahilan. May walo tayong titignan:

A. Bibliographical Test
B. Internal Evidence Test
C. External Evidence Test
D. Archaeology
E. Prophecy
F. Israel
G. Jesus Christ
H. Resurrection

Bakit ako naniniwala sa Bible? Ito ang mga pangunahing dahilan. Magsisimula tayo sa…

A. Bibliographical Test

Anong ibig sabihin ng Bibliographical Test?
“Isang pagsusuri sa paghahatid ng tekstuwal sa kung saan ay naabot ng mga dokumento ang kasalukuyan.”

Sa madaling salita susubukan natin kung ang Bible ba ay accurate, tumpak na tumpak, at tama. Ano ang mga tanong na dapat nating itanong? Ito ang mga tanong na maitatanong natin:

1. Ito ba ay nakopya o naihatid nang wasto?
2. Ang mga dokumentong naisulat ba ay sapat na malapit sa naitala na historical view?

Parang ganito yan, kung may magsulat ng libro patungkol sa pagkamatay ni Ninoy, sino ang mas kapani-paniwala? Ang nagsulat nung mismong panahon na nangyari iyon at nandoon nang panahon na iyon o yung taong nagsulat pagkatapos ng isang daang tao’t kalahati? Sino ang mas kapani-paniwala na magsusulat? Syempre ang una. Ganun din sa Bible.

3. Ang agwat ba ng oras sa pagitan ng orihinal na dokumento 
at ng mga kumopya nito ay makabuluhan? Alam nyo kung bakit? Wala na tayong original na kopya ng Bible. Ang original ay kinopya, at kinopya ang kinopyahan, at kinopyahan din ito. Kaya ang tanong papaano ko malalaman na ang kopya ay kinopya ng tama? Kapag hindi ninyo ito alam kung papaano ang mga dokumentong ito ay na isalin masasabi nyo na hindi kataka-taka na hindi natin mapaniniwalaan ang Bible. Pero malalaman natin ngayon iyan. Kaya ano ang unang test? Bibliographical Test. Ngayon, alamin natin kung papaano nila kinokopya ang Bible

The Process of Copying:
The scribes were not allowed to copy sentence for sentence or even world for word. They had to copy letter for letter.

Para ipakita sa atin kung gaano ka tumpak ang pagsalin ng 
Bible mula sa original. Ito ang practice by the Jewish Rabi.

After the page was copied, someone would check to see what the middle letter was on the copy  and the original.

So, papaano ito? Hindi nila kinokopya sentence by sentence, 
o word by word kundi letter by letter. At ang pagkopya ay row by row. Bibilangin kung ilang letter sa unang row at eksatong gagayahin ito. Bibilangin din kung ilang letra per column. Sa madaling salita parang manual photo copy machine ang ginawa ng mga nagsasalin. Kapag may nakita silang kahit kaunting pagkaka-iba, sinisira nila ito. Kopya ulit kahit doon na sa dulo ang kaunting pagkakamali, ulit mula sa umpisa. Ngayon alam na ninyo kung papaano ang mga Jewish people preserve the scripture. At kapag natapos na nilang kopyahin ang original manuscripts ito’y kanilang sisirain dahil ang bagong kopya ay 100% accurate.

After a page was copied and checked, still a third person would check to see that the middle word was on the page.

Talagang tinitignan kung saktong sakto ang pagkakakopya
mula sa orihinal. Ganyan sila ka sobrang mabusisi at ganyan kasalimuot ang pagkokopya ng mga Jewish people sa Salita ng Diyos. Para mas makita nyo pa kung gaano kasalimuot ang ginagawa nila tignan pa natin ito.

When the word GOD was encountered, the scribe’s pen had to be wiped clean. When the word YHWY was encountered, the scribe had to wash his body before he could write it.

Kapag daw isusulat ang salitang GOD ang panulat nila ay
pinapalitan. At kapag ang YHWY naman, yung personal name ng Diyos, halimbawa ako Pastor, pag yun ang lumabas papalitan nila ang panulat na ginamit pero kapag yung personal name ko na na Arnel, kailangan nilang maligo. Same dito na kapag personal name na ng Diyos na Kanyang binigay, YHWY, kailangan muna nilang maglinis ng katawan o maligo bago ito isulat. Imagine nyo yung isang talata na maraming God at YHWY, kung gaanong palit ng panulat at ligo ang gagawin nila.

If a single error is found, the entire manuscript was destroyed.

Kaya bago sila muna magsulat ay talagang sinisigurado muna 
nila.

We have over 5, 800 partial or complete Greek copies and more than 19,000 other copies in different languages.

No other ancient writing has anywhere near this abundance of existing manuscript evidence.

The interval of time between the composition of the New Testament books and the date of the earliest existing manuscripts is the shortest of many work of antiquity.

Wala na kayong makikita na sinaunang o ancient manuscript
ang makikita nyo na may ganito ring karaming nagawang kopya. Sa katunayan ang New Testament ang may pinaka maikling panahon na nakapag kopya sila.



Ito yung mga famous different author. Tandaan nyo na wala na ang mga original copy ng mga ancient book na ito dahil ang ginamit na pinagsulatan o papel ay parchment o papyrus lang, hindi ito tatagal ng matagal na panahon. Ngayon ikumpara natin sa Bible sa New testament. Kailan namatay si Jesus? 33 AD - So ibig sabihin ay ang mga nagsulat ay mga living witnesses.

“The interval between the dates of original composition and the earliest extant (existing) evidence becomes so small as to be in fact negligible, and the last foundation for any doubt that the Scriptures have come down to us substantially as they were written has now been removed. Both the authenticity and the general integrity of the books of the New Testament may be regarded as finally established.”
- Sir Frederick G. Kenyon

(Sa tagalog)
“Ang agwat sa pagitan ng mga petsa ng orihinal na komposisyon at ang pinakamaagang buhay pa (mayroon) na ebidensya ay nagpapaliit ng pagbale-wala sa katotohanan, at ang huling pundasyon para sa anumang pag-aalinlangan na ang Banal na Kasulatan na meron tayo ngayon sa kung papaano ito isinulat ay tinanggal na. Parehong ang pagiging tunay at ang pangkalahatang integridad ng mga libro ng Bagong Tipan ay maaaring ituring na matatag na sa wakas.”

Sa mahabang panahon ay inatake nila ang New Testament. Pati ang Old Testament ay inatake din pero sasabihin ko sa inyo mamaya kung papaano ito dinipensahan. Ngayon, ang Bible natin ngayon ay may 66 na books. Ang tanong papaano nila kinulekta ito?

Tests of Canonicity
A. Authoritative - apostles?
B. Eye witness account?
C. Consistent?
D. Date of writings
E. Recognized and received by early church fathers?

Sa madaling salita, kapag may narinig kayo na nagsasabi na ang Bible ay naging Bible noong 300 A.D., ipaliwanag ninyo sa kanila na noong 300 A.D. ang Bible ay dineklara na officially. Sa madaling salita hindi ginawa ang Bible na Bible, ito’y kanila lang kinilala. Na itong mga librong ito ay kinilala ng mga early father, meron namang iba na hindi. So gumawa sila ng standard sa kung anong libro yung kikilalanin na inspired Word of God. Kapag hindi ito pumasok sa nagawang pamantayan hindi nila isasama ang librong iyon. So may ilang mga books na hindi na isama gaya ng gospel of Thomas at gospel of Judas. Sasabihin ko sa inyo maya kung anong mali sa mga ito at bakit ito hindi naisama sa Bible para makita natin kung gagaano tayo kasigurado sa kung ano ang meron tayo sa Bible. May mga taong nagsasabi na may mga mali sa Bible natin. Bigay ko sa inyo ang ilang mali na sinasabi nila.

Examples of “Types of Error”:
- Spelling, grammar, or punctuation that was changed or updated
- Out-of-date phrases updated or words divided differently
- A letter or a word that was omitted or was copied twice.

Ito yung mga halimbawa na sobrang minor error lang pero napakalaking issue na sa kanila:

- Similar letters that were confused (ex. Solomon’s stables hold 
4,000 or 12,000 horses?)

Ito ay dahil sa kung papaano ang Hebrew word ay naisulat pero nabago ba nito ang katotohanan na merong taong tinatawag na Solomon? Na siya ay may mga kabayo? Pagdedebatihin pa ba natin yan?

- Some texts refer to the “Lord Jesus Christ,” others the “Lord 
Jesus”

Sasabihin ng mga skeptics, “O, kita mo, mali yan eh mali!”

- Some texts refer to “the twelve,” others “the twelve disciples”

Ganyan nila sinasabi sa kung anong mali ang nasa Bible. Alam nyo ba kung papaano nila binibilang ang mali sa Bible kaya nasabi nila na sobrang daming mali? Kapag may 3,000 na kopya ang Bible at nakita nila na may isang maling spelling, ilan ang mali? Isa? Hindi 3,000 error para sa kanila. Ganyan nila binibilang ang mali. Kaya huwag kayong magulat kapag may nagsabi nito na ganyan kadaming mali ang Bible, pero hindi nabago nitong mga maling ito ang katotohanan. 
Sa katunayan yung author na umatake sa Bible gamit itong mga nakita nating ito na method na yung sarili niyang libro na may 100k na kopya ay nakitaan ng 12 error. So, kung gagamitin natin ang method niya meron siyang 1.2m errors. Maniniwala kaba sa libro na may 1.2m errors? Pero wala sa mga tinatawag nilang “errors” ang nakaapekto sa patotoo na si Jesus ay Diyos, na pinanganak ng isang birhen, gumawa ng mga himala, namuhay na walang kasalanan, namatay sa krus para sa ating mga kasalanan, nabuhay mula sa mga patay, umakyat sa langit, o na Siya’y babalik muli. Ito ang mga basic doctrine ng New Testament at wala sa mga sinasabi nilang mali na iyon ang nakaapekto sa mga iyan.

Ngayon, ikumpara natin sa ibang pinagkukuhaan na katotohanan ng ibang relihiyon – Quran

Examples of Historical Errors (Quran)

Surah 12:20
“[Joseph’s] bretheren sold him for a miserable price, for a few dirhams counted out: in such low estimation did they hold him!”

The dirham (derivative (nagmula) of Greek drachma) didn’t exist prior to the 12th century BC.

Yung panahon ni Joseph ay napakalayo sa panahon pa na nagsimula ang salitang ito. Sa Bible hindi mo makikitaan ng ganyang mali dahil kung may maling makikita historically bakit pa tayo maniniwala sa ibang aspect ng Bible? Isa pang halimbawa:

According to Surah 12:41 and 20:71, the method of execution by crucifixion was practiced, during the time of Joseph (19th century BC) and Moses (15th century BC), by the Egyptians.

This mode of execution, however, was first invented by the Persians in the 6th century BC.

According to Surah 20:35-88, 95, a Samaritan led the people of Israel to create the golden calf during the time of Moses.

The city of Samaria did not exist until several centuries after the Exodus. The Samaritans did not come to existence until an even later stage when the Northern kingdom was invaded by Assyria.

Isa pang example:
Apocypha -The Roman Catholic Church old testament

Hindi ito na sama sa kung anong Bible meron tayo. Ito ay nasulat 100 years later after Christ. Sa kasaysayan maraming taon na ang nakakaraan ang Roman Catholic church ay kapareho ng Bible na meron tayo pero pagkalipas ng ilang taon dinagdag nila ang apocrypha. Sa sunod na session sasabihin ko sa inyo kung bakit hindi ito nasama pero bibigyan ko kayo ng ilang dahilan ngayon.

Examples of Historical Errors (Apocrypha)
• The book of Judith incorrectly says that Nebuchadnezzar was the king of the Assyrians. (the correct is he is the king of Babylon)

• Baruch says the Jews would serve in Babylon for 7 
generations where Jeremiah 25:11 says it was for 70 years.



Bakit hindi sinama ito ng ating mga early father ang mga books na ito? Sasabihin ko pa ang isa pang dahilan sa inyo kung bakit. Tignan ninyo kung kailan ito naisulat? Malayong taon pagkatapos ni Kristo. Alam nyo ba kung papaano ang isang kwento na bubuo? Ang kwento hindi yan nabubuo sa panahon na buhay pa ang mga taong nakasaksi. Halimbawa, papaano namatay si Ninoy? – Binaril. Kung magsusulat ako ngayon ng libro ng kasaysayan at nilagay ko doon na si Ninoy ay namatay sa pagkalunod ano ang mangyayari? Hindi mabebenta iyon bakit? Dahil sobrang daming mga buhay pa na magpapatotoo o nakaaalam ng tunay na nangyari. Kaya ang kwento hindi yan mabubuo sa unang isangdaang taon dahil ang mga taong nakasaksi ay buhay pa. Bigyan ko pa kayo ng ilang mga maling nakita sa gospel of Thomas

THE GOSPEL OF THOMAS
• Simon Peter said to them ‘Let Mary leave us, for women are not worthy of life.’ Jesus said ‘I myself shall lead her in order to make her male, so that she too may become a living spirit resembling you males. for every woman who will make herself male will enter into the kingdom of heaven.’

Sino ang maniniwala na nakabasa na ng Bible na ito ay turo ni Jesus? So, pag nakita ito ng mga early fathers na sumasalungat sa iba pang books binabasura nila ito. Dahil noong panahon na iyon maraming mga false teacher na gusto lang nilang maging sikat kaya sinisigurado nila na ang pamagat ng kanilang mga sulat ay sikat din.

“These ‘other gospels’ tend to date from later times. The Gospel of the New Testament, of course, were all written in the first century. The non-canonical Gospels start appearing in the 2nd century and they extend down through the Middle Ages (5th-15th century) and on until today.”
- Bart Ehrman

Kaya mag-ingat tayo ngayon. Natuklasan ko na kung ayaw maniwala ng mga tao paniniwalaan nila ang lahat. Kaya yang Bible na meron tayo ngayon sobrang nakakamangha ito.

May papakita ako sa inyong larawan. Ang tawag natin dito ay
“The canonicity of the scripture.” May papakita ako sa inyo kung bakit ang mga libro sa Bible ay nasa kaayusan.



Ang isapang tawag natin dito ay “The integration and integrity of the Bible.” Ito yung Bible Cross Reference chart na ginawa ni Chris Harrision. Pinapakita nito na ang bawat salita na nasa iba’t ibang libro ay nag susuportahan. Kaya pagsinamahan ito ng ibang libro mapuputol at masisira ang pagkakaayos nito. Magkakaroon ng salungatan ang mga talatang nahayag.

__________________________________________________

Groupings:
In groups of 3-4, share your responses to the following:

PAG-ISIPAN:

1. Papaano nabago ang tingin mo sa Bible na hawak mo 
matapos mong malaman kung papaano kinopya ng mga skriba ang Kasulatan mula sa orihinal?

2. Sa saklaw ng pinag-aralan natin, bakit natin masasabi na 
ang ating Bibliya ay naiiba sa lahat?

PAG-SASABUHAY:
1. Matapos mo malaman ang mga katotohanan na pinag-aralan natin, papaano ito makakaapekto sa paglakad bilang mananampalataya?

2. Papaano ang patungkol sa the Bibliographical Test ay 
makakatulong sayo sa pagtugon sa mga katanungan patungkol sa reliability (talaga bang maaasahan at totoo ito?) of the Bible bilang Salita ng Diyos?

PANANALANGIN:
Ipanalangin sa Diyos na tulungan kang maipamuhay ang iyong nagawang pagsasabuhay.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Name of God: Fortress - "Kapangyarihan ng Imahenasyon" (102 of 366)

Name of God: Fortress Kapangyarihan ng Imahenasyon Basahin: Kawikaan 18:10-16 (102 of 366) “Ang ari-arian ng isang mayaman ay kanyang kanlu...