Tinuro ni Pastor Arnel Pinasas
Mula sa CCF – GLC 3
Grouping (3-4)
1. Bakit mahirap sa tao na maniwala sa Bible?
2. Ano ang kadalasang tinatanong patungkol sa Bible?
Pagpapatuloy:
B. Internal Evidence Test
Ano naman itong internal evidence test na ito?
“Tukuyin kung totoo man o hindi ang dokumento, bilang isang nakasulat na talaan, ay kapani-paniwala (tumpak/totoo) sa pamamagitan ng pag-aaral ng kakayahan ng manunulat o ng saksi na sabihin ang totoo.”
Papaano ko malalaman kung ito ay totoo?
a. Eyewitnesses accounts
b. Includes embarrassing details about themselves
c. Includes events about Jesus’ burial and resurrection that they would not have invented
d. Did not deny their testimony under persecution
So, sa pagtingin sa internal evidence maingat nating titignan ang nilalaman ng Biblia tapos ikaw ay magdedesisyon.
Halimbawa:
Authors claimed to be inspired
• David (2 Samuel 23:2) - “The Spirit of the Lord spoke through me…”
• Jeremiah (Jeremiah 2:1-2) - “The word of the Lord came to me…”
• Paul (1 Thessalonians 4:1-2) - “For you know that what instruction we gave you by the authority of the Lord Jesus.”
• John (Revelation 1:1) - “The revelation from Jesus Christ…to His servant John”
Sa madaling salita sinasabi ng mga sumulat na ang sinasabi nila ay hindi mula sa kanilang sarili lang kundi galing sa Diyos. Marami pang mga evidence na maaari nating makita. Tignan natin ang una…
a. Eyewitnesses accounts
Lucas 1:1-2
“1 Kagalang-galang na Teofilo, marami na po ang nagsikap na sumulat tungkol sa mga bagay na naganap sa kalagitnaan namin. 2 Ang kanilang isinulat ay ayon sa itinuro sa amin ng mga taong buhat pa sa simula ay mga saksi at mga tagapangaral ng Salita ng Diyos.”
Tandaan natin na ang sumulat ay si Lucas na isang doctor. Siya ay wasto kung magsalaysay.
Lucas 1:3
“Kaya't matapos kong suriin nang buong ingat ang lahat ng pangyayari buhat pa sa pasimula, minabuti ko pong sumulat din ng isang maayos na salaysay para sa inyo.”
Gawa 2:32
“Ang Jesus na ito ay muling binuhay ng Diyos at saksi kaming lahat sa pangyayaring iyon.”
So, ang mga sumulat ay ang mga eyewitness mismo sa kanilang mga sinulat.
2 Pedro 1:16
“Ang ipinahayag namin sa inyo tungkol sa kapangyarihan at muling pagparito ng ating Panginoong Jesu-Kristo ay hindi namin ibinatay sa mga alamat na katha lamang ng tao. Nasaksihan ng aming mga mata ang Kanyang kadakilaan.”
Sa madaling salita ang internal evidence na ang mga sumulat mismo sa Bible ay mga saksing nagpapatotoo sa kanilang isinalaysay at maniwala man kayo o hindi, hindi ito katulad ng ibang religious book. At ang tinutukoy ko ay ang mga major religion ngayon.
Gawa 3:15
“Pinatay ninyo ang Pinagmumulan ng buhay, ngunit Siya'y muling binuhay ng Diyos, at saksi kami sa pangyayaring ito.”
1 Juan 1:1-2
“Sumusulat kami sa inyo tungkol sa Kanya na sa simula pa'y Siya na, ang Salitang nagbibigay-buhay. Siya ay aming narinig at nakita, napagmasdan at nahawakan. 2 Nahayag ang buhay na ito, nakita namin Siya, at pinapatotohanan namin at ipinapangaral sa inyo ang buhay na walang hanggan na kasama ng Ama, at nahayag sa amin.”
Ito yung ibig sabihin ng living witnesses. At marami pang talatang tulad nito na ating mababasa.
b. Includes embarrassing details about themselves
Kung ikaw ay gagawa ng religion hindi mo ilalagay ang ilang pangyayari sa buhay mo na nakakahiya at ikasisira ng iyong pagkatao.
Pero sa Bible nakalagay ang mga ito. Halimbawa:
• Quarrelling about positions
• Failed to understand what Christ was saying to them about His death and resurrection.
• Fell asleep in the garden of Gethsemane
• Ran away like cowards
• Denied Jesus
Ibig sabihin lang nito ng sinusulat nila ang Bible sinasabi nila kung ano talaga ang nangyari, kung ano talaga ang totoo kahit na ikasisira nila ito. Bakit ka mag-iimbento ng istorya na tulad ng mga iyan para ipaniwala ang mga tao sayo, maliban kung ito ay totoo.
c. Includes events about Jesus’ burial and resurrection that they would not have invented
•
Who buried Jesus?
Ang mga naglibing kay Jesus ay mga hindi
nga mismo naniniwala sa kahulugan ng death at resurrection. Meron ding mga
saksi
•
Women were the first witnesses
Again, kung magsisimula ka ng religion
hindi mo dapat sasabihin na ang mga saksi sa muling pagkabuhay ay ang mga
babae. Dahil sa panahon nila ang mga babae ay hindi pinaniniwalaan kahit
hanggang sa korte.
•
Apostles did not believe at first
Kaya bakit ka mag-iimbento patungkol sa mga
bagay na ito? Ngayon, pwede parin silang akusahan na nagkaka-isang
magsinungaling. Tignan natin ang isa pang Internal Evidence
d.
Did not deny their testimony under persecution
•
Everyone of the apostles suffered and/or martyred for his belief that Jesus
died, was buried, and rose again on the third day.
•
Nothing to gain - money, power, position.
Hindi lang wala silang napala sa patotoo
nila, nawalan din sila ng pera at lahat ng kung anong meron sila. Alam nyo
pwedeng mag sinungaling ang isang tao kung bibigyan mo sila ng pera, power,
position pero sa mga apostle wala silang nakuha na mga ganyan. Kung sinasabi
man nila na nagsisinungaling lang sila, walang nagsisinungaling ang handang
mamatay para sa isang kasinungalingan. At hindi lang basta kamatayan kundi
brutal na kamatayan. Alam nyo ba kung papaano sila namatay?
How
the Apostle Died
• James (Son of Zebedee) - Beheaded
• Bartholomew (Nathanael) - Crucified, Armenia
• Matthew - Killed
by a sword, Ethiopia
• Andrew - Crucified
on an X-shaped cross, Greece
• Thomas - Thrust
through with pine spears, India
• Philip - Crucified,
Turkey
• Peter - Crucified
upside down, Rome
• Jude (Thaddaeus) - Crucified,
Edessa
• James (son of Alphaeus) - Beaten,
stoned, hit in the head with a club, Jerusalem
• Simon the Zealot - Crucified, England
• Paul - Beheaded,
Rome
Si Paul ay hindi na crucified. Alam nyo
kung bakit? Dahil siya ay Roman citizen; at ang mga Roman citizen ay hindi
pinapako. Ang tanong, bakit naranasan nila ang ganitong kamatayan? Bakit handa
silang mamatay para sa pagpapatotoo nila kay Jesus? Maliban kung ang kanilang
sinasabi ay totoo.
C.
External Evidence Test
Ano naman ang ibig sabihin nito?
“Kung
paano nakahanay ang dokumento sa mga katotohanan, petsa, tao mula sa sarili
nitong napapanahong mundo.”
Ibigsabihin ay mga ebidensya na labas sa
Bible na makikita sa ating panahon.
Luke 3:1
“Now
in the fifteenth year of the reign of Tiberius Caesar, when Pontius
Pilate was governor of Judea, and Herod was tetrarch of Galilee, and
his brother Philip was tetrarch of the region of Ituraea and
Trachonitis, and Lysanias was tetrarch of Abilene.”
Tignan nyo po yung mga detalye ng mga
pangalan at lugar na nabanggit. Ang nakakamangha dito ay lahat ng ito ay tama.
Kung may mali sa kahit ano sa mga ito, something wrong sa ating Bible - hindi
siya accurate.
Luke 3:2
“In
the high priesthood of Annas and Caiaphas the world of God came
to John, the son of Zacharias, in the wilderness.”
Nakita nyo yung mga pangalan? See the
external evidence. Hindi makikipagsapalaran ang mga disciples para magsalita ng
hindi tama dahil madali lang ito pasinungalingan ng mga tunay na nakakaalam ng
mga detalyeng pangalan at lugar na nabanggit. Kaya maingat sila sa facts. That’s
what we call External evidence.
Ang External Evidence ay supported by:
a.
Secular sources
b.
Church fathers
Example: Ito ay non-Christians book
Secular sources: Josephus
“At
that time there was a wise man who was called Jesus…Pilate ordered Him to be
condemned and to die. And those who had become His disciples did not abandon
His discipleship. They reported that He had appeared to them three days after
His crucifixion and that He was alive.”
Again, ito ay mula sa sercular Historian.
Isa pang halimbawa:
Secular
Sources: Tacitus
“Christus,
from whom they got their name, had been executed by sentence of the procurator
Pontius Pilate when Tiberius was emperor; and the pernicious superstition was
checked for a short time, only to break out afresh…”
Sa madaling salita he discover kung papaano
itong mga Christian ay lumago. Ang gusto kong sabihin sa inyo na si Jesus ay
historical person, Christian are very true and they talked about Jesus.
Nakakatawang isipin na may mga taong hindi naniniwala na si Jesus ay hindi daw
tunay at hindi daw nabuhay kailanman sa mundong ito, na Siya daw ay
kathang-isip lang daw. Pero ang kalendaryo natin ay nagpapatunay din na tayo ay
nasa 2020 A.D. na - ito ay dahil kay Kristo.
Secular
sources: Tacitus
“Therefore
to scotch the rumor, Nero substituted as culprits and punished with the utmost
refinements of cruelty, a class of men loathed for their vices whom the crowd
styled Christians.”
Iniisip nila noong panahon na iyon na ang
mga Kristiyano doon ay mga masasamang mga tao. Dahil ang mga lalake at babae ay
nagsasama-sama dahil mahal nila ang isa’t isa bilang magkakapatid sa Panginoon
pero iniisip nila na may sexual things or rituals na nangyayari doon. Dahil
silay ay nagtutulungan at nag-aalaga ng mga mahihirap. Nakita nyo iyon, hindi
maunawaan ng mga taga-sanlibutan kung bakit natin tinutulungan ang isa’t isa,
bakit natin tinutulungan ang mga bata, balo, may mga kapansanan, mga mahihirap.
Secular
Sources: Pliny
“…they
were in the habit of meeting on a certain fixed day before it was light, when
they sang an anthem to Christ as God, and bound themselves by a solemn oath not
to commit any wicked deed, but to abstain from all fraud, theft and adultery,
never to break their word…”
Nakita nyo? Nakilala ang mga
early Christian sa kanilang lifestyle.
Letters of Church
Fathers
Ito yung mga sulat ng mga
church fathers sa kanilang mga member, churches, mga kaibigan. Yung mga numbers
na makikita natin dito ay ang mga quotation o pagbanggit o paggamit ng mga
verse sa Bible sa kanilang mga sulat. Sa dami ng mga Bible verse na nagamit
dito, kung wala kang Bible pwede mong mabuo ang New Testament sa mga sulat
nila.
D. Archaeology
The discovery of the past
Ano ang Ebla Tablet? Ito ang isa sa pinaka
oldest library sa buong mundo. 15,000 tablets ito at nadiskubre sa Syria noong
1974. Bakit ito importante? Bago dumating ang pagkakadiskumbre nito noong 1974
ang lahat ng mga scholars ay hindi naniniwala na totoo ang Bible. Ang book of
Genesis ay hindi daw totoo dahil sa Genesis makikita doon ang lugar na
tinatawag na the Sodom and Gomorah na hindi daw nag e-exist. Tapos hindi rin
daw nag e-exist yung mga pangalan ng mga lugar na nakalagay doon na, Admah, Zeboiim,
at Bela. Pero noong nadiskubre nila ang Ebla Tablets nakita nila na isa sa mga
tablet nakita nila ang eksaktong sequence describing business traiding ng mga
lugar na Sodom, Gomorrah, Admah, Zeboiim at Bela sa eksaktong
pagkakasunod-sunod ng pagbanggit din ng mga pangalan ng lugar na ito sa
Genesis.
Genesis 14:8
“And
the king of Sodom and the king of Gomorrah and the king of Admah and the king
of Zeboiim ang the king of Bela (that is, Zoar) came out; and they arrayed for
battle against them in the valley of Siddim.”
Kaya nakumpirma nila na ang Bible ay
correct. Isa pang halimbawa:
Ano itong Taylor Prism? Ito ay nadiskubre
noong 1830 in Mosul, Nineveh in Iraq. Yung makikita nating mga ukit sa bato ay
mga sulat patungkol sa historical events. Ang sulat dito maniwala man kayo o
hindi ay nilalarawan ang mga kaganapan sa book of 2 King patungkol kay Haring
Hezekiah. Dito nabasa nila na ang hari ng Asyria at ang kanilang general ay
hindi inatake ang Jerusalem kahit na pinalibutan na nila ang Jerusalem. At sinabi
doon na ang kanilang hari ay bumalik sa kanilang
bansa na hindi nasakop ang Jerusalem. Hindi nakalagay sa sulat sa Taylor Prism
kung bakit unless mabasa mo yung Bible. Sabi rin sa sulat na ang hari na iyon
ay nakarinig ng usapan dahilan para siya’y umalis at hindi atakihin ang
Jerusalem.
Sa mga nakadiskubre ng Taylor
Prism at nakabasa ng nakalagay doon hindi nila alam kung ano ang nangyayari
doon. Sa kaduluhan ng sulat sa Taylor Prism na ang hari daw na iyon ay pinatay
ng kanyang anak. At hindi rin nila alam kung bakit pinatay ng anak ang kanilang
amang hari. Pero sa mga nakabasa ng Bible
alam nila ang lahat ng nangyayari.
2 Hari 19:6-7
“sinabi ni Isaias sa mga
ito, ‘Sabihin ninyo sa inyong hari na ipinapasabi ni Yahweh na huwag siyang matakot
sa mga panlalait ng hari ng Asiria. 7 Magpapadala si Yahweh ng masamang
balita sa hari ng Asiria at ito'y babalik sa kanyang lupain at doon na siya
ipapapatay ni Yahweh.’”
Ito ay prophecy.
2 Hari 19:8-9
“Umuwi na ang opisyal ng
Asiria (Rabshakeh -General) nang mabalitaan niya na umalis na sa Laquis ang hari
ng Asiria. Nang siya'y makabalik, nadatnan niya na sinasalakay nito ang
Libna. 9 Dumating noon ang balita sa hari ng Asiria na sila'y lulusubin ni
Haring Tirhaka ng Etiopia kaya nagsugo siya uli kay Ezequias at ipinasabi
ang ganito:”
Si King Tirhakah ay king ng
Northern Africa ay nanguna at nagsimula ng rebellion sa hari ng Asyria at nang
marinig ng hari ito ng Asyria tinigil niya ang pag-atake sa Jerusalem.
2 Hari 19:32-33
“Ito naman ang sinasabi ni
Yahweh tungkol sa hari ng Asiria: ‘Hindi siya makakapasok sa lunsod na ito ni
makakatudla kahit isang palaso. Hindi niya ito malulusob ni mapapaligiran. 33
Kung paano siya dumating, ganoon din siya aalis. Hindi niya masasakop ang
lunsod na ito.’”
Dito ay pinapangakuan ng Diyos
si Haring Hezekiah ng pag-iingat at pagliligtas. Alam nyo ba na dalawang beses
na bumalik dito ang Hari ng Asyria: una yung may narinig na masamang balita ang
hari kaya ito bumalik sa kanila para protektahan ang kanilang bansa at ito ay
ayon lahat sa sinabi ng Diyos bago pa man ito mangyari. At pagkatapos niyang
maayos yung problema bumalik siya sa Jerusalem at dito na sinabi ito ng Diyos.
Alam nyo kung anong nangyari? Hindi na ito nakalagay sa Taylor Prism pero
nakalagay sa Bible
2 Hari 19:35-36
“Nang gabing iyon, pinasok
ng anghel ni Yahweh ang kampo ng mga taga-Asiria at 185,000 kawal ang pinatay
nito. Kinabukasan, nang bumangon ang mga hindi napatay, nakita nilang naghambalang
ang mga bangkay. Kaya nagmamadaling umuwi sa Nineve si Haring Senaquerib.”
At ano ang sunod na nangyari?
2 Hari 19:37
“Minsan, nang si Senaquerib
ay nananalangin sa templo ng diyos niyang si Nisroc, pinatay siya sa
pamamagitan ng tabak ng dalawa niyang anak na sina Adramelec at Sarezer.
Pagkatapos, nagtago ang mga ito sa lupain ng Ararat. At si Ezarhadon ang
humalili sa kanyang amang si Haring Senaquerib.”
Itong Taylor Prism na ito
ay makikita sa British Museum. Isa pa na tigtignan natin.
Ito ay nadiskubre nang 1900 early at nakita
nila na ang pader nito ay bumagsak palabas at hindi paloob. Kung nagbabasa ka
ng Bible alam mo kung bakit. Isa pa na makikita natin ay…
Ito naman ay makikita sa Israel. May
nagsasabi na si Pilate ng Tiberius ay hindi nag exist. Pero ito ay nakita at
nagpatunay na siya ay tunay na minsang nabuhay dito. Isa pang hindi nila
pinaniniwalaan noon na nag-e-exist ay si Erastus…
Sabi din nila na walang ganitong lugar na
gawa-gawa lang daw ng Bible ito. Nang ang Rome ay sinakop ang Jerusalem noong
70 AD, sinira ng Rome ang lahat hindi lang ang templo. Tapos 120 AD ay inatake
nila ulit ang Jerusalem kaya walang natira kaya hindi nila mahanap ang pool of
Bethesda. Pero ngayon yan nakita na nila iyan sa Israel. Isa pa…
Kung maalala nyo yung John 9:7, yung sinabi
ni Jesus sa isang bulag na pumunta siya sa Siloam para maghugas para makakita
syang muli. At ito daw ay hindi nag e-exist ang lugar na iyon. Pero nung 2004
na diskubre nila ang Pool of Siloam.
Ang punto ko sa lahat ng ito, ang mga tao
patuloy nilang aatakihin ang Bible pero ang lahat ng mga archeological
discovery ay kailanman ay hindi naging dahilan para sabihing hindi totoo ang
Bible. Ito pa…
Ito ay nadiskubre noong 1946.
Ito rin ang oldest surviving manuscript na nadiskubre ng modern man. Ito ay
nakalagay sa jar sa driest part ng Israel malapit sa Dead Sea. Ang hangin doon
ay sobrang dry walang hamog kaya yung document na ito ay nakasurvive sa mahabang
panahon. At nang ito ay kanilang nadiskubre na halos 2000 yrs old na, ang lahat
ng mga skeptics at ang mga unbelievers ay excited dahil ngayon ay maikukumpara
na nila ang Old Testament na meron tayo ngayon na kopya lang daw na kinopya din
na kinopya… at ng nakalagay doon na halos 2000 yrs old na nga. Pero hindi nila
alam yung napag-aralan natin kung papaano nila kinokopya ang Bible noon.
So, nakita nila dito ang lahat
ng Book ng Old Testament maliban sa Book of Esther. Ang book Isaiah na nakita
nila dito ay may habang 20 feet. Ngayon nung ito ay kanilang
kinumpara nakita nila na? Sa book of Isaiah sa isang chapter lang sa chapter
53, ito ay mayroong 166 letters at out of 166 letters may nakita silang 17
letters na naiiba. Bakit sila naiiba? Sampo dito ay dahil sa
spelling. Halimbaw yung ann pwede ding anne. Apat naman ay dahil sa writing
style. At tatlong letters lang ang naiiba. Pero hindi nito na bago
ang major theme ng Isaiah 53. Ano ba ang Isaiah 53? Ito ay
patungkol sa suffering Messiah - ang pinaka prophetic chapter sa buong book ng
Isaiah. Pinakita dito kung papaano maghihirap si Jesus, mamatay at ililibing sa
richman tomb. After makita ng mga skeptics ang mga evidence na iyon wala na
kailanman na self respecting scholar will ever ague again against the accuracy
of our present Bible. Ang hawak nating Bible ay pareho lang sa Bible libong
taon na ang nakakaraan.
__________________________________________________
Groupings:
In groups of 3-4, share your responses to
the following:
PAG-ISIPAN:
Ano ang mga nalaman mo ngayon patungkol sa
Biblia na nakatulong para mas paniwalaan mo ito?
PAG-SASABUHAY:
Matapos mo malaman ang mga katotohanan na
pinag-aralan natin, papaano ito makakaapekto sa paglakad
bilang mananampalataya?
PANANALANGIN:
Ipanalangin sa Diyos na tulungan kang
maipamuhay ang iyong nagawang pagsasabuhay.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento