Miyerkules, Abril 27, 2022

The Reliability of the Bible (Part 4 of 4)

The Reliability of the Bible (Part 4 of 4)

Tinuro ni Pastor Arnel Pinasas
Mula sa CCF – GLC 3


E. Prophecy

Isaias 46:9-10
9 “Alalahanin ninyo ang mga nakaraang pangyayari. Inyong kilalaning Ako lamang ang Diyos, at maliban sa Akin ay wala nang iba. 10 Sa simula pa'y itinakda Ko na, at Aking inihayag kung ano ang magaganap. Sinabi Kong tiyak na magaganap ang lahat ng balak Ko, at gagawin Ko ang lahat ng gusto Kong gawin.”

Parang sinasabi dito ng Diyos na “para mapatunayan Ko na Ako ang natatanging Diyos sasabihin Ko na sa inyo ang mga mangyayari.” Para pag nangyari ito alam natin na Siya ang tunay na Diyos. Kung kilala ninyo si Nostradamus, kilala siya sa pag prophesy ng mga mangyayari at marami ang naniniwala sa kanya. Sa Bible malinaw na sa sampung prophecy at isa doon ay mali ikaw ay false prophet. At siya ay maraming prophecy na hindi nagkatotoo pero marami parin ang mas nagtitiwala at na niniwala kaysa sa mga prophecy sa Bible na lahat ay nagkatotoo. At wala na tayong makikitang ibang religious book na katulad ng Bible sa daming prophecy at 100 percent ay nagkatotoo. Tignan natin ang ilang halimbawa:

1. Tyre

Ezekiel 26:4 (Tyre)
“Iguguho nila ang iyong (Tyre) kuta at ibabagsak ang iyong mga toreng bantayan. Kakalkalin Ko ang iyong lupa hanggang sa bato ang matira.”

Ezekiel 26:12 (Tyre)
“12 Sasamsamin niya ang iyong ari-arian. Iguguho niya ang iyong mga tanggulan, gigibain ang iyong magagarang bahay, at itatambak sa dagat ang mga bato at kahoy na gumuho.”

Kung hindi ninyo alam ang history hindi ninyo ito ma-appreciate. Ang Tyre ay ang major commerce center. Parang sinasabi ng Bible na yung China ay totally wipe-out. So, anong nangyari sa Tyre? Nangyari ba ito?

Ang Tyre ay unang inatake ng Babylon tapos si Alexander the Great ay napasama din. Gustong pumasok ni Alexander the Great sa loob ng templo pero hindi siya pinapasok. Yung mga tao pumunta sila sa baybayin at si Alexander the Great naman ay nasa mainland. Mayroon doong island at may mga nakatira doon sa island na iyon. Alam nyo ba ginawa ni Alexander? Winasak niya ang lumang lunsod ng Tyre para kunin ang lahat ng kanilang mga bato at kahoy at ginamit ito para gumawa ng tulay. Ito ang kauna-unahang land reclamation project. Ang lahat ay nagiba doon para mangyari at matupad ang nakakamanghang prophecy.

Si Alexander the Great ay papunta sana ng India pero nabaling ang lakas niya dahil ininsulto siya ng mga tao sa Tyre. Mga kapatid tandaan ninyo ito, kapag may sinabi ang Diyos na isang bagay ito’y tiyak na mangyayari.

2. Medo-Persia At Greece

Daniel 8:20-22 (Medo-Persia & Greece)
“20 Ang dalawang sungay ng barakong tupa na nakita mo ay ang mga hari ng Media at Persia. 21 Ang barakong kambing ay ang hari ng Grecia at ang malaking sungay sa pagitan ng kanyang mga mata ay ang unang hari. 22 Tungkol naman sa apat na sungay na humalili sa unang sungay, nangangahulugan itong mahahati sa apat ang kaharian ngunit hindi magiging makapangyarihang tulad noong una.”

Muli, hindi natin ito mauunawaan maliban kung aalamin natin ang history.

Daniel 11:3-4
“Pagkatapos, lilitaw ang isa na namang makapangyarihang hari. Ito ay maghahari sa isang malawak na nasasakupan at gagawin niya ang anumang kanyang maibigan. 4 Kapag naghahari na siya, mahahati sa apat ang kanyang kaharian ngunit isa ma'y walang mauuwi sa kanyang mga kaanak. Ang kaharian niya'y masasakop ng mga taga-ibang bayan, ngunit sinuman sa kanila'y hindi magkakaroon ng kapangyarihang mamahala tulad ng sa kanya.”

Ang gustong sabihin dito ng Diyos na itong great king ay bigla nalang mahahati ang kanyang kingdom hindi dahil sa gusto niya ito at ito’y labas sa kanyang kontrol. At hindi daw mamamana ng kahit na sinoman daw sa kanyang kamag-anak ang kanyang trono at alam naman natin na sa panahon nila na ang trono ay dapat napapasa sa anak o sa kamag-anak. So, nung sinasabi ito ni Daniel wala silang idea sa kung ano ang sinasabi ng Bible hanggang sa ang prophesy ay magkatotoo.

Sino ang tinutukoy dito ng Bible? Kay Alexander the Great. Siya ay namatay sa kasagsagan ng kanyang kagitingan at namatay siya ng bata pa. Pagkatapos niyang mamatay nahati ang kanyang kingdom sa apat na general niya.


Nangyari ito lahat sa panahon na tinatawag natin na the 400 years of silent bago dumating si Jesus. Sinabi na ito ng Bible bago pa ito mangyari. Wala na kayong makikita na ibang book na may prophecy katulad ng Bible na natupad - tulad ng historical events, places.

3. Egypt
Isa pang nakakamanhang prophecy na titignan natin ay ang sa bansang Egypt. Ang Egypt ay super advance at super power na bansa. They invented so many things. Before pa kay Abraham ay meron ng Pyramid.

Pero ngayon ang Egypt ano na sila ngayon? Mas angat pa nga ang Philippines sa bansa nila. Bakit nagkaganito? Ano ang nangyari?

Ezekiel 29:9 (Egypt)
“Ang buong Egipto ay matitiwangwang at mawawalan ng kabuluhan. Sa gayon makikilala ninyong ako si Yahweh. ‘Sinabi mong iyo ang Ilog Nilo sapagkat ikaw ang gumawa niyon.’”

Ezekiel 29:15 (Egypt)
“Siya'y magiging pinakamahina sa lahat ng kaharian, at kailanma'y hindi siya makahihigit sa iba, pagkat pananatilihin Ko silang kakaunti.”

Tandaan nyo ang Egypt noong panahon nila ay parang America sa panahon natin ngayon. Ang mga Israelita ay pumupunta doon for protection. Pero ngayon pumunta ka sa Egypt, nakakalungkot, di kapanipaniwala ang nangyari sa kanila, malayong-malayo sa dating Egypt na makikita natin sa Bible. Marami patayong makikita na Kingdom na bumagsak pero muling nakabanggon gaya ng China pero ang Egypt hindi na naka-recover. Bakit? Dahil ang Diyos kapag may sinabi nangyayari

4. Edomites

Obadias 4 (Edomites)
“Kasintaas man ng pugad ng agila ang iyong bahay, o maging ang mga bituin man ay iyong kapantay, hahatakin kitang pababa at ikaw ay babagsak.”

Obadias 3 (Edomites)
“Nilinlang ka ng iyong kayabangan; dahil ang kapitolyo mo'y nakatayo sa batong buháy; dahil ang tahanan mo'y nasa matataas na kabundukan. Kaya't sinasabi mo, ‘Sinong makakapagpabagsak sa akin?’”

Pero anong sinabi ng Diyos sa mga taga-Edom?

Obadias 10 (Edomites)
“Dahil sa ginawa mong karahasan sa angkan ng kapatid mong si Jacob, sa kahihiya'y malalagay ka, at mahihiwalay sa Akin magpakailanman.”

Pag pumunta ka ngayon sa Edom pagtinanong mo mga tao doon kung ano ang kanilang citizenship walang magsasami na sila’y Edomites.

Ngayon, wala kahit sino na magsasabi na sila’y Edomites. Ang Edomites ay nabura sa buong sanlibutan. Merong lugar na tinatawag na Edom pero wala ng Edomites. Dako naman tayo sa mga Moabites

5. Moabites

Jeremias 48:42 (Moabites)
“Gayon mawawasak ang Moab, at hindi na siya kikilalaning isang bansa; sapagkat naghimagsik siya laban kay Yahweh.”

Ngayon, wala na kayong makikitang bansang Moab ayon sa sinabi ng prophecy.


F. Israel

Ang Israel ay nawala sa buong sanlibutan noong 70 AD nang sila ay totally winasak ng Roma at ang kanilang templo dahil sa kanilang rebellion. At dahil sa tindi ng galit ng Roma sa Israel ang bansa nila ay pinalitan ng pangalan na Palestina. Ang Palestina ay naimbento lamang ng Roman empire para hamakin ang Jewish People. Nag karoon din minsan sa kasaysayan nila na nag utos ang Roman empire na bawal tumira sa Jerusalem ang Jewish people bilang parusa. Wala ng Jews, wala ng Israel kaya nagkalat sila sa buong mundo. Pero ano ang nangyari?

Ezekiel 36:24, 34
“24 Titipunin Ko kayo mula sa iba't ibang bansa upang ibalik sa inyong bayan. 34 Ang mga ilang na dako ay muling bubungkalin. “

Alam nyo ba na ang Israel ang food capital ng Europe. Fruit Capital at kahit na ang Philippnes nag-aangkat ng buto ng saging mula sa Israel.

Ezekiel 37:21-22
“21 habang sinasabi mong ito ang ipinapasabi ni Yahweh: Titipunin Ko ang mga Israelita mula sa mga dakong kinatapunan nila upang ibalik sila sa sarili nilang bayan. 22 Sila'y pag-iisahin Ko na lamang. Isa lamang ang magiging hari nila; hindi na sila mahahati, sila'y gagawin Kong isa na lamang kaharian.”

For 2,000 year wala silang flag, walang nation anthem, walang real estate, wala lahat. Ngayon sino ang makakapag paliwanag kung papaano sila magiging bansa muli? Maraming mga Pilipino kapag napunta sila sa America ilang taon lang hindi na nagtatagalog o hirap na magtagalog. Ito imagine 2,000 years na nagkalat sila. Ngayon tanungin nyo ako kung bakit dapat maniwala ang tao sa Bible? Tignan ninyo ang bansang Israel ngayon. Ngayon ang Israel ay palakas ng palakas. Alam nyo ba na merong malaking parte ang Philippines sa prophecy na ito?

Isaias 66:8
“May nabalitaan na ba kayo o nakitang ganyan? Isang bansang biglang isinilang? Ang Zion ay hindi maghihirap nang matagal upang ang isang bansa ay kanyang isilang.”

Kailan nangyari na ang isang bansa ay biglang isinilang?
May 14, 1948 nang maging bansa ang Israel muli. Nagkaroon po ng tie sa voting sa tutol at sa pabor at ang Philippnes na lang ang hindi bumubuto. Ang Philippines ay bumuto pabor sa Israel at nangyari nga ang kanilang inaasam. Bumuto ang Philippines sa pangunguna ni Carlos P. Romulo na under instruction ni president na si Manuel Roxas, under instruction by U.S. President Truman, under instruction by God in favor sa UN Resolution 181 ng pagrekomenda ng pagkahati ng Palestine at ma-establish ang Jewish State.

Ang Pilipinas ay kasama sa 33 bansang bumutong pabor sa Israel at ang kaisa-isang Asian country na bumuto pabor sa kanila. Kaya ang Israel ay naging bansa dahil sa Philippines kaya nga nakakapunta ang Pinoy doon ng walang Visa.

After ilang taon, 1967 nagkaroon ng Arab-Israeli war, or Third Arab-Israeli war. Sila’y pinagtulungan ng mga bansang nakapalibot sa maliit nilang bansa - Ang Egypt, Iraq, Syria, at Jordan. Sino sa tingin nyo ang mananalo? Apat laban sa isang maliit na bagong bansa? Siyempre ang Israel - at maniwala man kayo o hindi tumagal lang ang labanan nila ng 6 na araw. June 5, 1967- June 10, 1967. Kaya tinawag itong the six days war. Bakit ito nangyari? Dahil meron Diyos na buhay na tapat sa Kanyang pangako. Kung gusto nyo malaman ang detalye sa kung papaano nangyari iyon mapapanood nyo yan sa mga documentary sa youtube - you will amaze.


G. Jesus-Christ


Meron halos 400 prophecy patungkol kay Jesus at ibabahagi ko sa inyo ang tinatawag na “the law of probability” na ginawa ng Mathematics & Astronomy Professor Peter W. Stoner. Makikita natin dito kung gaano ka-imposible na mangyari ang lahat ng prophecy kay Jesus maliban kung ang Diyos ay tunay na gagawa sa mga bagay na ito.

Sabi niya na ang chance para mangyari ang 8 lang sa halos 400 na prophecy sa isang tao ay mangyayari lang sa chance na 1 in 10
17 (100,000,000,000,000,000). Ganito yan, yung buong Luzon punoon natin ng 5 pesos coin hanggang kumapal ito ng 2 feet na lalim na barya. Tapos yung isang limang piso lalagyan natin ng x tapos itatapon sa kahit saang lugar sa buong Luzon. Tapos sasakay ka ng helicopter tapos lalagyan ka ng piring sa mata tapos ikaw ang magdedesisyon kung saan kayo titigil.

Ang unang baryang makukuha mo ay dapat yung may x na barya. Ganoon ang chance para mangyari ang 8 prophecy sa isang tao. At kapag mas tumataas pa ang bilang ng prophecy na dapat mangyari sa isang tao mas tumataas din ang probability para makuha iyon. Halimbawa dagdagan pa na 8 ulit bale may total na 16 prophecy ang probability ngayon para mangyari iyon ay magiging 1x1028x1017 or 1 in 10
45  (1, 000, 000, 000, 000, 000, 000, 000, 000, 000, 000, 000, 000, 000, 000, 000).

Pano nila nakuha ang number na iyon? Halimbawa, pinanganak sa Bethlehem - ilan sa mga tao doon ang pinanganak sa Bethlehem? So, tanggal na ang mga hindi pinanganak sa Bethlehem. llan ang pinangak ng isang birhen? So, tanggal na ang mga hindi pinanganak na birhen. So, noong panahon ni Jesus gaano karami ang naroon sa Bethlehem halimbawa 5,000. So, 1 out of 5,000, at ilan naman doon ang mapapako sa krus? Ganon nila binilang iyon. Tandaan natin ito na ang pinag-uusapan natin ay almost 400 prophecy sa isang tao na dapat mangyari at sino iyon? Jesus Christ is our Messiah. He fulfilled ang lahat ng prophecy


H. Resurrection

1 Corinto 15:3-4
“3 Sapagkat ibinigay ko sa inyo bilang pinakamahalaga sa lahat ang tinanggap ko rin: na si Kristo'y namatay dahil sa ating mga kasalanan, tulad ng sinasabi sa Kasulatan; 4 inilibing Siya at muling nabuhay sa ikatlong araw, tulad din ng sinasabi sa Kasulatan”

Sino sa inyo dito ang may kilala na isang Religious leader o political leader ang nagsasabi na siya ang Messiah at siya ay mamatay at pagkatapos ng tatlong araw siya ay mabubuhay? May kilala kayong ganon? Meron tayong tinatawag na the reality of doubts - “talaga bang ang Bible ay tunay” at lahat tayo ay maaaring dumaan sa ganito. Alam natin na si Jesus ay naniniwala sa Bible. Marami Siyang ginamit na mga verse sa Old Testament at wala Siyang ginamit sa apocrypha. Lahat ng apostle ay saksi kay Jesus at lahat ng sulat nila ay tinutukoy Siya. Kaya dapat tayong tumingin kay Jesus, dahil kung talagang namatay Siya sa krus at muli Siyang nabuhay mula sa mga patay iyan ang mag-aalis sa atin ng lahat ng ating pagdududa. Tama?

Kaya tignan natin ito:

 Si Jesus ba ay Historical man? Yes
 Namatay ba Siya sa krus

Ito ay walang problema dahil ito ay historical facts. Mababasa natin labas sa Bible. Pero ang problema at tanging tanong, “talaga bang Siya’y muling nabuhay?” Kaya merong debate sa bagay na ito kaya sinulat ito ni apostle Paul:

1 Corinto 15:5-6
“5 at Siya'y nagpakita kay Pedro, at saka sa Labindalawa. 6 Pagkatapos, nagpakita Siya sa mahigit na limandaang kapatid na nagkakatipon. Marami sa kanila'y buháy pa hanggang ngayon, subalit patay na ang ilan.”

Ang gustong sabihin dito ni Paul na “kung hindi kayo naniniwala na si Jesus ay muling nabuhay papakita ko sa inyo na maraming saksi sa muli Niyang pagkabuhay. Kung gusto nyo’y tanungin nyo sila at marami sa kanila ay buhay pa” Ang tanong, ito ba’y totoo o hindi totoo? Nag patuloy pa si Paul…

1 Corinto 15:7-8
“7 At nagpakita rin Siya kay Santiago at pagkatapos ay sa lahat ng mga apostol. 8 Sa kahuli-huliha'y nagpakita rin Siya sa akin, kahit na ako'y tulad ng isang batang ipinanganak nang wala sa panahon.”

Nauunawaan nyo kung sino ba itong si apostle Paul? Siya ay unang lumalaban sa mga nananampalataya kay Jesus. Tapos sinasalaysay niya na siya ay naging taga-sunod ni Kristo dahil sa resurrection.



Siya ay nakakamanghang tao ang problema lang hindi siya Kristiyano. Isang araw may nag challenge sa kanya para imbistigahan si Jesus kung talagang Siya’y muling nabuhay. Madali lang na pabagsakin si Jesus, patunayan mo lang na hindi totoo ang resurrection. So, inimbistigahan ng lawyer na ito ang resurrection ni Jesus Christ Ano ang kanyang naging conclusion?

“I say unequivocally that the evidence for the resurrection of Jesus Christ is so overwhelming that it comples acceptance by proof which leaves absolutely no room for doubt.”
- Sir Lionel Luckhoo

Nakita nyo? Ang problema sa mga hindi naniniwala ay hindi sila nagkaroon ng oras para imbestigahan ang facts. Sino naman ang nakakakilala kay…

Nag bigay siya sa atin ng 4 important rule sa evidence…

Dr. Simon Greenleaf’s standards for a witness
• Are the witnesses hones? Are they telling the truth?
• Are the witnesses believable?
• Are there enough witnesses?
• Are the witnesses consistent?

Nauunawaan ng lalaking ito ang logic ng legal method. Ang scientific method ay iba sa legal method. Ang scientific method ay naka dipende sa repetition. Halimbawa, papaano ninyo malalaman ang law of gravity? Papaano ninyo iyon mapapatunayan? Simple lang, maghulog ka ng kahit ano at ito’y mahuhulog at ito’y mauulit-ulit mo. So, mapapatunayan mo ang law of gravity using scientific method na tinatawag nating repetition.

“Alam nyo ba na nandoon ako sa panunumpa ni Presedent Duterte?” Papaano ko mapapatunayan? Hindi ko pwedeng gamitin ang scientific method dahil hindi ko na mauulit ang event. Kaya hahanapan nyo ako ng legal method. Dapat may mapakita akong ticket sa barko o sa plane na ako’y lumuwas pa Manila. Dapat may mapakita akong kaibigan na nakasama ko doon. Dapat may mapakita akong invitation o program. 
Dapat may mapakita akong picture. Ang tawag natin dito ay legal method.

Ngayon, papaano natin mapapatunayan na si Jesus ay namatay at muling nabuhay? Hindi scientific method dahil hindi na natin mauulit ang event. Pero pwede nating gamitin ang legal method. At according sa famous lawyer na ito…

“The resurrection is one of the best documented events in the history of man.”
- Dr. Simon Greenleaf

Ngayon masasabi ko sa inyo na taos sa aking puso na naniniwala ako na si Jesus ay namatay at muling nabuhay at ngayon Siya ay buhay na taga-pagligtas. Ang lahat ng pinag-aralan natin ang dahilan kung bakit ako naniniwala sa Bible. Sa pagtatapos natin, bilang challenge sa inyo.

“You must make your choice. Either this man was, and is, the Son of God, or else a madman or something worse. You can shut Him up for a fool… or you can fall at His feet and call Him Lord and God.”
- C.S. Lewis

"Dapat pumili ka. Alinman sa Siya man ay Anak ng Diyos, o kung hindi man ay isang baliw o isang mas masahol pa. Maaari mo Siyang patahimikin para sa isang tanga ... o maaari kang mahulog sa Kanyang paanan at tawagan Siya na Panginoon at Diyos.”
- C. S. Lewis

Nawa maalis nito ngayon ang anumang pagdududa natin kay Jesus at sa Bible. Tanungin ko kayo naniniwala ba kayo na ang Bible ay totoo

Yes, dahil sa 8 evidence na meron tayo.
A. Bibliographical Test
B. Internal Evidence Test
C. External Evidence Test
D. Archaeology
E. Prophecy
F. Israel
G. Jesus Christ
H. Resurrection

Maging totoo kayo? Ilan sa atin ang nakabasa na ng Bible from cover to cover? Marahil karamihan sa atin na nagsasabi na tayo ay mananampalataya ay hindi pa natatapos basahin ang Bible ng buo. Narito ang ilang bagay na dapat natin malaman patungkol sa bagay na ito para tayo ay muling mahamon sa pagbabasa nito.

May ginawang pagsusuri kung ilang oras ang mauubos mo sa pagbabasa ng Biblia. Narito ang kanilang nakita…
  




Groupings:
In groups of 3-4, share your responses to the following:

PAG-ISIPAN:
Ano ang mga nalaman mo ngayon patungkol sa Biblia na nakatulong para mas paniwalaan mo ito?

PAG-SASABUHAY:
Matapos mo malaman ang mga katotohanan na pinag-aralan natin, papaano ito makakaapekto sa paglakad bilang mananampalataya?

PANANALANGIN:
Ipanalangin sa Diyos na tulungan kang maipamuhay ang iyong nagawang pagsasabuhay.

Activity:

Group by two
1. Humanap ng kapareha at mag-assign ng mga sumusunod na role:
a. isang skeptics na hindi naniniwala na ang bible ay reliable
b. isang naniniwala na mag babahagi kung bakit siya naniniwala na ang bible ay accurate at reliable (tumpak at maaasahan).

2. Magsasalitan sila ng role at may tig 10 mins ang naniniwalang role para sabihin ang dahilan kung bakit siya naniniwala na ang bible ay accurate at reliable.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Name of God: Fortress - "Kapangyarihan ng Imahenasyon" (102 of 366)

Name of God: Fortress Kapangyarihan ng Imahenasyon Basahin: Kawikaan 18:10-16 (102 of 366) “Ang ari-arian ng isang mayaman ay kanyang kanlu...