Huwebes, Abril 7, 2022

Seven Last Words - Nauuhaw Ako (Part 5 of 7)

 


I Thirst
Nauuhaw Ako
Scripture: Juan 28-30
Tinuro ni Pastor Arnel Pinasas
Mula sa aklat ni Warren Wiersbie na Jesus’ Seven Last Words

Intro:

Habang na ririnig natin ang mga salita ni Jesus sa kalbaryo, wala tayong duda na mahal tayo ni Jesus. Itong pag-ibig na ito ay inihayag ni Jesus sa espesyal na paraan dito sa panglimang huling salita

Juan 19:28-30
28 Alam ni Jesus na naganap na ang lahat ng bagay. Kaya‟t upang matupad ang kasulatan ay sinabi Niya, “Naauuhaw Ako!”” 29 May isang mangkok doon na puno maasim na alak. Inilubog nila rito ang isang espongha, ikinabit iyon sa isang tangkay ng hisopo at idinikit sa Kanyang bibig. 30 Nang masipsip na ni Jesus ang alak, sinabi Niya, “Naganap na!” Iniyuko Niya ang Kanyang ulo at nalagot ang Kanyang hininga.

Kung babalikan natin ang huling tatlong salita ni Jesus sa krus 
mapapansin natin na ito ay naka-sentro sa ibang tao; sa Kanyang kaaway, Sa magnanakaw, at kay Juan at Maria. Ngunit sa huling tatlong salita ni Jesus na titignan natin, makikita natin na ang pokus Niya ay sa Kanyang sarili:
a. His Body - “I THIRST” (John 19:28)
b. His Soul – “IT IS FINISHED” (v.30; Isa. 53:10)
c. His Spirit– “FATHER, INTO THY HANDS I COMMEND MY SPIRIT”

Ngayon, ang Body, Soul and Spirit – Lahat ng ito ay inialay ni Jesus sa 
perpektong pagsunod Niya sa Ama. Ang statement na pag-aaralan natin ngayon ang pinaka maiksi sa lahat na sinabi ni Jesus sa krus. – “I Thirst” (Juan 19:28). Ito ang tanging stament ni Jesus patungkol sa Kanyang katawan at physical suffering. Itong mga simpleng salitang ito ang naging daan upang mahayag sa atin ang puso ni Jesus, at mas makita natin ang mas malalim na pag-ibig Niya.

Ngayon para mas maintindihan natin ito titignan natin ang tatlong 
bagay na naglalarawan kay Kristo sa mga Salitang ito – “I THIRST.” Ang Tatlong paglalarawan kay Jesus ay…

I. Ang Paghihirap ni Jesus Bilang Tunay na Tao

Tignan natin ang unang paglalarawan, ang paghihirap bilang tao. Si Jesus ay tunay na tao, at hindi natin ito tinatanggi. At hindi rin natin tinatanggi na si Jesus ay tunay na Diyos. Ang mga Liberal theologians ngayon ay nagtatanggi sa Pagka-Diyos ni Jesus, pero ang mga unang Kristiyano ay walang duda sa pagka Diyos ni Kristo. May mga ilan naman na tinatanggi naman ang Kanyang pagiging tunay na tao. Sabi nila na nag anyong tao lang daw Siya. Ngunit naniniwala tayo na si Jesus ay tunay na tao at tunay na Diyos. Pansinin natin ang ilang bagay na naganap sa buhay ni Jesus:
- Si Jesus ay pinanganak bilang sanggol
- Siya ay lumaki bilang bata at naging binata
- Siya ay kumain at uminom
- Siya ay napagod
- Siya ay natulog
- Nakaranas ng mga pisikal na sakit
- Siya ay umiyak
- at namatay

Lahat ng ito ay naranasan Niya bilang isang taong walang kasalanan. Si 
Jesus ay banal, walang kasalanan ni kapintasan. “Samakatuwid, si Jesus, kung ganoon, ang Pinakapunong Paring nakakatugon sa ating pangangailangan. Siya‟y banal, walang kasalanan ni kapintasan man, inihiwalay sa mga makasalanan at itinaas sa kalangitan” (Hebreo 7:26). Sa naging buhay Niya dito hindi Siya nakakitaan ng kasalanan o pagkasangkot sa kasalanan – Siya ay walang kasalanan. Alam natin ang nangyari. Bagamat Siya’y walang kasalanan Siya ay namatay para sa ating mga kasalanan.

Nang Siya ay nasa krus, naranasan Niya ang bigat ng paghihirap nang 
buo ang physical suffering at spiritual suffering. Noong narinig Siyang tumatawag sa Ama, kumuha sila ng spongha para ibigay sa Kanya upang marinig pa ang mga sasabihin Niya. Sinipsip Niya dahil meron pa Siyang dalawang salitang sasabihin. May binigay din sa Kanya na alak na nilagyan ng Mira. Sa Marco 15:23, “Binigyan Siya ng alak na may kahalong mira, ngunit hindi Niya ininom.” Ngunit bakit tumanggi Siyang inumin ito? Ito ay isang gamot na pampabawas ng sakit – alak na sinamahan ng Myrrh. Ito’y nagpapakita na may kontrol Siya – na may kakayahan Siyang hindi maranasan ang sakit at pag-hihirap na ito. Ngunit tumanggi Siyang maibsan kahit kaunti ang paghihirap Niya sa krus. Buong buo Niyang tinganggap ang pag-hihirap na dapat Niyang maranasan.

Alam nyo ba ang ibig sabihin nito sa atin ngayon? Ibig sabihin nito na 
kung meron mang makaka-intindi at makaka-unawa sa ating mga pinagdadaanang suffering – broken heart, pain, kabiguan, pagtakwil – ito ay walang iba kundi si Jesus. Madalas na sasabihan natin ang mga nais mag comfort sa atin o nais tumulong sa atin na, “hindi mo alam ang nararamdaman ko”, “Hindi mo naiintindihan ang nararamdaman ko”, “Walang makakatulong sa akin.” Ngunit nagkakamali ka kung ito ang iyong iniisip – Si Jesus ay tunay na nakakaunawa sa iyong pinagdaraanan dahil napagdaanan Niya ito.

Noong una nasasabi ng mga tao sa Diyos na, “madali Sayo na iutos Mo 
sa amin na magpatawad; patawarin ang aming mga kaaway, mahalin ang aming mga kaaway, pero hindi Mo alam kung gaano ito kahirap kasi wala ka naman sa kalagayan namin.” Pero ngayon hindi na natin ito masusumbat sa Diyos dahil ang Diyos mismo ay tunay na nakakaunawa sa atin dahil Siya’y pumarito sa pamamagitan ng Kanyang Anak. Sabi sa, Hebreo 4:14-16, “14 Magpakatatag tayo sa ating pananampalataya, yamang mayroon tayong dakilang saserdote na pumasok sa kalangitan sa harapan ng Diyos, walang iba kundi si Jesus na Anak ng Diyos. 15 Ang dakilang saserdote nating ito ay nakakaunawa sa ating mga kahinaan sapagkat sa lahat ng paraa’y tinukso Siyang tulad natin, ngunit hindi nagkasala. 16 Kaya’t huwag na tayong mag-atubiling lumapit sa trono ng mahabaging Diyos at doo’y kakamtan natin ang habag at kalinga sa panahong kailangan natin ito.”

Masarap lumapit sa taong alam mo na nauunawaan ka, naiintindihan ka, 
alam ang eksaktong dala-dala mong kabigatan… ngunit minsan nabibigo tayong makahanap ng ganitong tao sa mga panahon na nahihirapan na tayo. Ngunit nilinaw sa atin ni Jesus sa pamamagitan ng mga pahayag na ito na meron tayong malalapitan na tunay na nakakaunawa, nakaka-intindi at tunay na makakatulong sa atin – sa lahat ng oras at panahon – iyan ay walang iba kundi si Jesus. Sabi sa Talata  “Kaya‟t huwag na tayong mag-atubiling lumapit sa trono ng mahabaging Diyos at doo‟y kakamtan natin ang habag at kalinga sa panahong kailangan natin ito.”

Ito ay nag e-encourage sa akin para manalangin; Ito ang nag encourage 
sa akin para mag patuloy; Ito ang nag-encourage sa akin para hindi sumuko, dahil maaari akong makalapit sa lahat ng oras at panahon sa trono ng biyaya at makasumpong ng biyaya sa panahon ng pangangailangan.

II. Ang Masunuring Lingkod ng Diyos

Ang pangalawang paglalarawan kay Jesus ay, Ang Masunuring Lingkod 
ng Diyos. Bakit ba sinabi ni Jesus na “I thirst” sa Juan 19:28? Upang matupad ang nasa kasulatan. Sumunod Siya ng buong katapatan sa Salita ng Diyos. Sakatunayan kung babalikan natin yung mga napagaralan natin, lahat ng ginawa ni Jesus ay pagsunod sa Salita ng Diyos. Dito tinupad ni Jesus ang nakasaad sa: Awit 69:21-“Suka at di tubig ang ipinainom sa akin.”Awit 69:20 - “Puso ko‟y durog na dahilan sa kutya, kaya naman ako‟y wala nang magawa; Ang inasahan kong habag ay nawala, Ni walang umaliw sa buhay kong aba.”Awit 69:3 - “Ako ay malat na sa aking pagtawag, Ang lalamunan ko, damdam ko‟y may sugat.”Actually kung babasahin ninyo ang Awit 69 makikita ninyo ang paghihirap ng ating taga-pagligtas.

Sabi sa Juan 4:34, “
Sinabi sa kanila ni Jesus, ‘Ang pagkain Ko’y ang tuparin ang kalooban ng nagsugo sa Akin, at ganapin ang ipinagagawa Niya.’” Kung nagbabasa kayo ng Bibliya lalo sa aklat of Mateo – mapapansin natin nanmadalas mababasa natin ang mga salitang: “And this He said (or did) that it might be fulfilled which was spoken by the prophet.” Bakit Siya pinanganak sa Bethelem? Para matupad ang prophecy. Bakit Siya napunta sa Egipto? Para matupad ang prophecy. Bakit Siya at pumunta sa Nazareth? Para matupad ang prophecy. Bakit Niya ginawa ang mga ginawa Niya? Siya ay sumusunod sa Salita ng Diyos.

Sabi sa Filipos 2:8, “
Siya’y nagpakababa at naging masunurin hanggang kamatayan, oo, hanggang kamatayan sa krus.” Tunay na Siya ay isang masunuring lingkod ng Diyos. Kaya sa ngayon kung maririnig natin ang sinabi ni Jesus na “I thirst” – ito’y nag papaalala sa atin na dapat din tayong maging masunurin sa Salita ng Diyos tulad ni Jesus. Ang pinaka-importanteng bagay sa buhay ng mga mananampalataya ay ang malaman ang kalooban ng Diyos at magawa ito. Sabi sa Efeso 6:6, “May nakakikita man o wala, ganyan ang gawin ninyo, hindi upang magbigay-lugod sa mga tao kundi dahil sa kayo’y lingkod ni Kristo at kusang-loob na gumaganap ng kalooban ng Diyos.


III. Ang Mapagmahal na Tagapagligtas ng mga Makasalanan

Nakita na natin ang dalawang paglalarawan sa ating Panginoong Jesus 
sa pahayag na ito: Ang Paghihirap ni Jesus Bilang Tunay na Tao at Ang Masunuring Lingkod ng Diyos. Ngayon, ang pangatlo ay – Ang Mapagmahal na Tagapagligtas ng mga Makasalanan. Si Jesus ay na uhaw syempre dahil sa hirap na pinag-daanan ng Kanyang katawan. Pero naalala nyo yung pinag-aralan natin sa ika-apat na pahayag – na may nangyaring tatlong oras na total darkness (super natural event). Sa mga oras na iyon, iniiyak Niya “My God, my God, why hast Thou forsaken Me?” (Mat. 27:46). Nais kong ipakita muli sa inyo dito nang si Jesus ay ituring na makasalanan, at natapos Niya ang dakilang transaksiyon para sa ating kaligtasan, tiniis Niya ang impyerno para sa atin. Tignan natin ito: Ang impyerno ay isang lugar ng pagka-uhaw. Sa Lucas 16, kung naalala nyo yung kwento na kinuwento ni Jesus patungkol sa isang mayaman na napunta sa lugar ng paghuhukom. Sa lugar na iyon siya ay na-uuhaw. Ang mga tao na nasa lugar ng paghuhukom ay nagsasabi na “I thirst,” “na-uuhaw ako.” Nang si Jesus ay namatay para sa atin at itinuring makasalanan para sa atin, Siya ay na-uhaw. Pansinin natin ito: marami tayong makikitang kopa sa Kalbaryo.

A. Kopa ng Kawanggawa
Binigyan Siya ng alak na nilagyan ng myrrh o mira para kahit paano mabawasan ang sakit pero tinanggihan Niya ito. “Binigyan Siya ng alak na may kahalong mira, ngunit hindi Niya ininom” (Mateo 15:23).

B. Kopa ng Pangungutya
Sa Lucas 23:36, “Nilait din Siya ng mga kawal. Nilapitan at inalok ng maasim na alak.”

C. Kopa ng Simpatya
May kumuha ng spongha na nilagyan ng suka at binasa ang Kanyang tuyong labi (Juan 19:29). Pero ang dakilang kopa sa lahat ay…

D. Kopa ng Kasalanan
(Malaking kasalanan)
Sinabi ni Jesus kay Pedro sa Juan 18:11, “Isalong mo ang iyong tabak! Dapat Kong inumin ang saro ng paghihirap na ibinigay sa Akin ng Ama.” Naalala nyo yung unang himala ni Jesus sa Juan 2? Na kung saan ginawa Niyang alak ang tubig. Naubusan sila ng alak, dahil lahat ng bagay na makukuha dito sa mundo ay nauubos. Hindi kayang ibigay ng mundo ang lahat ng iyong pangangailangan. Tanging si Jesus lang ang makakapag bigay ng walang-hanggang kasiyahan sa atin.

Ano sabi ni Jesus sa Samaritana doon sa balon sa Juan 4:13, 14,
“13 Sumagot si Jesus, 'Ang bawat uminom ng tubig na ito'y muling mauuhaw, 14 ngunit ang sinumang uminom ng tubig na ibibigay Ko sa kanya ay hindi na muling mauuhaw kailanman. Ang tubig na ibibigay Ko ay magiging batis sa loob niya, at patuloy na bubukal at magbibigay sa kanya ng buhay na walang hanggan.'”

Ang kasalanan ay kailanman hindi makakapatid ng uhaw; lalo lang nya 
palalakihin ang paghahangad mo, pero yung kaligayahang naibibigay ay maliit lang at panandalian lamang. Ano sabi ni Jesus sa Juan 7:37, “Sa kahuli-hulihan at pinakatanging araw ng pista (feast of tabernacle), tumayo si Jesus at nagsalita nang malakas, ‘Kayoong mga nauuhaw ay lumapit sa Akin’

Sabi sa Bibliya walang pagkauhaw sa langit: “Hindi na sila magugutom ni mauuhaw man” (Pahayag 7:16). Sa katunayan sa huling imbitasyon sa Bibliya sa Pahayag 22:17, “Sinasabi ng Espiritu at ng babaing ikakasal, ‘Halikayo!’ Lumapit ang sinumang nauuhaw; kumuha ang may gusto ng tubig na nagbibigay-buhay; ito’y walang bayad.” Ang tanong ngaun ay hindi, “Do you thirst?” - “Nauuhaw kaba?” Dahil lahat ng tao sa reyalidad ay uhaw sa Diyos, uhaw sa pagpapatawad. Ang tunay na tanong ay, “Hanggang kailan ka magtitiis sa pagkauhaw? Kung tunay na ikaw ay nagtiwala at sumampalataya kay Jesus bilang iyong Panginoon at Tagapagligtas, hindi kana kailanman mauuhaw - ibigsabihin masusumpungan mo na ang tunay na kaligayahang walang-hanggan.

Nauhaw si Jesus sa Krus para tayo ay hindi na muling mauhaw. Kaya 
kapag sumampalataya tayo sa Kanya, bibigyan Ka Niya ng kasiyahan at kailanman hindi kana mauuhaw.

________________________________________________________________

Pondering the Principles

1. Bakit mahalaga na si Jesus ay tao? Ano ang mabuting bagay para sa 
atin na tanggapin ni Jesus nang buo ang paghihirap sa krus? Basahin ang: Gawa 14:22; 1 Pedro 2:21. Katulad ni Jesus na tinanggap nang buo ang kahirapang tatanggapin dahil sa pagsunod sa Ama, ikaw ba ay nakahanda ding magtiis bilang taga-sunod ni Kristo?

2. Basahin ang Filipos 2:8. Anong magandang halimbawa ang iniwan ni 
Jesus sa Kanyang mga taga-sunod na dapat gawin? Makikita natin na lahat ng mga nangyayari sa buhay ni Jesus ay ayon sa mga plano at kalooban ng Diyos, kung susuriin mo ang iyong buhay, masasabi mo ba na ang lahat ng nangyayari sayo ay ayon sa plano at kalooban ng Diyos? Bakit? Papaano mo ba malalaman ang kalooban ng Diyos? Ginagawa mo ba ito? Nalalaman ni Jesus ang kalooban ng Diyos dahil ang lahat ng ito ay nahayag sa Kanyang Salita. Madaling magsabi na ito ang kalooban ng Diyos, ngunit malalaman iyan sa pagpapahalaga mo sa Kanyang Salita. Ipanalangin na ilagay sa puso mo ng Diyos ang pagkauhaw at pananabik sa Kanyang Salita upang alamin ang Kanyang kalooban at ito’y ipamuhay tulad ni Jesus.

3. Sinabi ni Jesus sa Juan 4:13, na ang sinumang uminom ng tubig na 
Kanyang inaalok ay hindi na muling mauuhaw pa, ano ang ibig sabihin nito patungkol sa mga makamundong alok ng sanlibutan? May pagkakataon ba na umiinom ka pa rin sa mga alok na kopa ng sanlibutan? Ano ang mga bagay na ito? Ano ang desisyon mo sa mga bagay na ito ngayon? Gumawa ng commitment sa Panginoon. Gawin mo ang mga commitment na ito. Lumapit sa Diyos at magpakumbabang magsisi sa pagbibigay ng hilig ng laman at ipanalangin ang mga commitment na iyong maisabuhay sa tulong at gabay ng Espiritu.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Name of God: Fortress - "Kapangyarihan ng Imahenasyon" (102 of 366)

Name of God: Fortress Kapangyarihan ng Imahenasyon Basahin: Kawikaan 18:10-16 (102 of 366) “Ang ari-arian ng isang mayaman ay kanyang kanlu...