Opposition
and Advancement
Lesson 16
Scripture:
Gawa 12:1-24
1 Nang mga panahon ding iyon,
sinimulang usigin ni Haring Herodes ang ilang kaanib ng iglesya. 2 Ipinapatay
niya sa pamamagitan ng tabak si Santiago na kapatid ni Juan. 3 At nang makita
niyang ito'y ikinalugod ng mga Judio, si Pedro naman ang kanyang ipinadakip.
Nangyari ito noong Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa. 4 Pagkadakip kay
Pedro, siya'y ikinulong at pinabantayan sa apat na pangkat ng tig-aapat na kawal.
Ang balak ni Herodes ay iharap siya sa bayan pagkatapos ng Paskwa, 5 kaya't
nanatiling nakabilanggo si Pedro. Subalit ang iglesya ay taimtim na nanalangin
sa Diyos para sa kanya.
6 Nang gabi bago iharap ni Herodes si Pedro sa
bayan, natutulog ito sa pagitan ng dalawang kawal. Nakagapos siya ng dalawang
tanikala at may mga bantay pa sa harap ng pinto ng bilangguan. 7 Walang
anu-ano'y lumitaw ang isang anghel ng Panginoon at nagliwanag sa silid-piitan.
Tinapik nito si Pedro sa tagiliran at ginising. “Dali, bumangon ka,” sabi ng
anghel. Nakalag ang mga tanikala sa mga kamay ni Pedro. 8 “Magbihis ka't
magsuot ng sandalyas,” sabi ng anghel, at ganoon nga ang kanyang ginawa. Sinabi
pa sa kanya ng anghel, “Magbalabal ka't sumunod sa akin.”
9 Lumabas at sumunod si Pedro sa anghel, ngunit
hindi niya alam kung totoo nga ang nangyayaring iyon. Akala niya'y pangitain
lamang iyon. 10 Nakalampas sila sa una at pangalawang bantay at nakarating sa
pintuang bakal na labasan papunta sa lungsod. Ito'y kusang bumukas at sila'y
lumabas. Pagkaraan nila sa isang kalye, bigla siyang iniwan ng anghel.
11 Noon natauhan si Pedro, kaya't sinabi niya,
“Ngayon ko natiyak na totoo pala ang lahat! Isinugo ng Panginoon ang Kanyang
anghel at iniligtas ako sa kamay ni Herodes at sa inaasahan ng mga Judio na
mangyari sa akin.”
12 Nang maunawaan niya ang nangyari, nagpunta siya
sa bahay ni Maria na ina ni Juan na tinatawag ding Marcos. Maraming
nagkakatipon doon at nananalangin. 13 Nang si Pedro ay kumatok sa pinto,
lumapit si Roda na isang katulong upang tingnan kung sino iyon. 14 Nakilala
niya ang tinig ni Pedro, dahil sa tuwa ay tumakbo siyang papasok ng bahay nang
hindi pa nabubuksan ang pinto, at sinabi sa lahat na si Pedro ay nasa pintuan.
15 “Nahihibang ka!” sabi nila. Ngunit iginiit niyang
naroroon nga si Pedro. Kaya't sinabi nila, “Anghel niya iyon!” 16 Samantala,
patuloy na kumakatok si Pedro.
Nang buksan nila ang pinto, nakita nga nila si Pedro
at hindi sila makapaniwala. 17 Sila ay sinenyasan niyang tumahimik. Pagkatapos,
isinalaysay niya kung paano siya inilabas ng Panginoon mula sa bilangguan.
“Sabihin ninyo ito kay Santiago at sa mga kapatid,” sabi pa niya. Pagkatapos,
umalis siya at nagpunta sa ibang lugar.
18 Kinaumagahan, gulung-gulo ang mga kawal dahil sa
pagkawala ni Pedro, at hindi nila alam kung ano ang nangyari sa kanya. 19
Ipinahanap ni Herodes si Pedro, at nang hindi matagpuan ay ipinasiyasat ang mga
bantay at ipinapatay.
Pagkatapos, umalis si Herodes sa Judea, pumunta sa
Cesarea at nanatili roon.
20 Matagal nang galit si Herodes sa mga taga-Tiro at
mga taga-Sidon. Kaya't sama-samang lumapit sa kanya ang mga taga-Tiro at
taga-Sidon upang makipagkasundo, sapagkat sa lupain ng hari nanggagaling ang
ikinabubuhay ng kanilang bayan. Nakiusap sila kay Blasto, ang tagapamahala sa
palasyo, upang sila'y samahan. 21 Pagsapit ng takdang araw, si Herodes ay
nagsuot ng damit-hari, umupo sa trono, at nagtalumpati. 22 Sumigaw ang mga
taong-bayan, “Isang diyos ang nagsasalita, hindi tao!” 23 At noon din ay
hinampas ng isang anghel ng Panginoon si Herodes, sapagkat inangkin niya ang
karangalang nauukol sa Diyos; at siya'y kinain ng mga uod hanggang sa mamatay.
24 Samantala, patuloy na lumago at lumaganap ang
salita ng Diyos.
Pangunahing ideya ng pag-aaral:
Naglunsad
si Haring Herodes ng pampublikong pag-atake sa mga pinuno ng simbahan sa
Jerusalem, pinatay si Santiago at ikinulong si Pedro, ngunit sa huli ay hindi
niya mapigilan ang pagsulong ng kaharian ni Kristo.
Outline ng ating pag-aaral:
I. Scene 1: The Evil Attack (12:1-5)
A.
Opposition is inevitable
B. God’s
sovereignty is inscrutable
C. Prayer
is effectual
II. Scene 2: The Lord’s Rescue
(12:6-19)
A. The
Lord’s peace is phenomenal
B. The
Lord’s grace is astonishing
C. The
Lord’s power is immeasurable
III. Scene 3: The Final Word
(12:20-24)
A. Herod’s
idolatry
B. Herod’s
obituary
C. A word
of warning and a word of hope
Kahit
saan ay may tunggalian. Sa politika, sa tv network, mga brand ng appliances,
gadget, damit, sa fastfood, at maging sa kaharian ng Diyos, ito ang kaharian ng
kadiliman na sumasalungat sa kaharian ng minamahal na Anak ng Diyos (Col.
1:11-12). Ang mahalaga, partikular sa huling halimbawang ito, ang mga
magkaribal ay hindi pantay. At hindi rin kunti ang lamang.
Sa
kwentong ito ay nagbigay si Lucas ng isang malinaw na halimbawa ng kahangalan
ng paglaban sa Hari ng mga hari. Para sa akin ito ang isa sa nakakatuwa at
nakakaakit na kwento sa lahat sa aklat ng Gawa.
Dito
makikita natin ang misyon ng iglesya na gumagawa ng mahahalagang hakbang sa pasulong.
Bago sabihin ni Lucas ang tungkol sa malaking pagsulong ng ebanghelyo sa unang
paglalakbay ng misyonero sa kabanata 13, binigyan niya tayo ng isang kuwento
tungkol sa lumalaban sa iglesya sa Jerusalem. Ipinapaalala nito sa atin na ang
pagsulong ng kaharian ay merong makabuluhang kapalit.
Ang
nangunguna sa pag-atake sa iglesya ay si Herod Agrippa I, na pumatay kay
apostol Santiago at pagkatapos ay ikinulong si apostol Pedro. Ang ganitong
conflict ay hindi pangkaraniwan. Meron tayong mapapansin na pattern, na
nagbibigay ng malaking pag-asa para sa mga mananampalataya sa gitna ng conflict.
Nang nagsimula ang iglesa ay makikita na ang conflict sa iglesya at sa mga
umuusig. Sa kabila nito may katiyakan tayo na kahit ang kapangyarihan ng
kamatayan at impyerno ay hindi mananaig laban sa iglesya ni Kristo, dahil ito
ay itinayo sa ligtas na bato.
Sa
madaling salita, makakarelate tayo sa kwentong ito. Ang mga Kristiyano sa bawat
panahon ay haharap sa tunggalian kung naghahangad tayo na isulong ang
ebanghelyo. Ngunit maaari nating harapin ang gayong salungatan nang may
katiyakan na mananalo si Kristo!
I. Scene 1: The Evil Attack (12:1-5)
1 Nang mga panahon ding iyon,
sinimulang usigin ni Haring Herodes ang ilang kaanib ng iglesya. 2 Ipinapatay
niya sa pamamagitan ng tabak si Santiago na kapatid ni Juan. 3 At nang makita
niyang ito'y ikinalugod ng mga Judio, si Pedro naman ang kanyang ipinadakip.
Nangyari ito noong Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa. 4 Pagkadakip kay
Pedro, siya'y ikinulong at pinabantayan sa apat na pangkat ng tig-aapat na
kawal. Ang balak ni Herodes ay iharap siya sa bayan pagkatapos ng Paskwa, 5
kaya't nanatiling nakabilanggo si Pedro. Subalit ang iglesya ay taimtim na
nanalangin sa Diyos para sa kanya.
“Nang mga panahon ding iyon” (ito ang panahon nang ihanda ng
iglesya ng Antioch ang handog na tulong na nakita natin sa Gawa 11:27-30)
naglunsad si Haring Herodes (Agrippa I) ng marahas na pag-atake sa iglesya
(tal. 1). Kung pamilyar ka sa Bibliya, malamang na pamilyar ka sa pangalang Herodes,
ngunit madaling tayong malito sa mga Herodes na nabanggit sa Biblia. Ang
dinastiyang Herodian na ito ay kilala sa pag-atake sa bayan ng Diyos.
Pinamunuan nila ang Palestine na may kapangyarihang itinalaga ng Roma. Ang lolo
ni Herodes Agrippa I ay si Herodes the Great, ang nagpapatay sa mga sanggol
pagkatapos ng pagdalaw ng mga pantas (Mateo 1:16-18). Si Herodes Antipas, isang
nakababatang anak ni Herodes the Great, at tiyuhin ni Herodes Agrippa I, ang
nagpapugot sa ulo si Juan na Tagapagbautismo dahil sa sulsol (Mateo 14:1-12).
Dito sa Gawa 12 mababasa naman natin si Herodes Agrippa I. Ang kanyang anak na
si Agripa II ay makikita sa Gawa 25–26.
Si Herodes Agrippa I ang
nagtaglay ng marami sa mga katangian ng kanyang masamang pamilya. Noong bata pa
siya ay ipinadala siya sa Roma at pinalaki sa mga aristokrasya ng Roma.
Nagkaroon siya ng mga kaibigan noong bata pa siya kaya nag karoon siya ng mga
koneksyon na humantong sa kanyang pamumuno sa kaharian ng mga Judio—halos
kapareho ng kanyang lolo. Ang isa sa kaniyang mga kaklase ay ang emperador na
si Claudius, na nagpalawak ng pamamahala ni Herodes. Si Herodes ay isang
political chameleon. Noong kasama ng mga Romano, namuhay siya sa istilong
Romano. Noong nasa paligid ng mga Hudyo, nabuhay siya para sa kanilang pabor.
Siya ay isang taong ang nais ay pasiyahin ang mga tao, isang taong naghahanap
ng papuri, at isang taong napopoot kay Kristo.
Gumamit si Herodes Agrippa ng
paraan na iba sa estilo ni Saulo na bahay-bahay o pa-isa-isang paraan ng
pagbura sa mga tagasunod ni Kristo. Sa halip, pinili ni Herodes na patayin ang
mga pinuno ng iglesya, dahil dito nasira ang moral ng iglesya. Nagsimula siya
kay Santiago (anak ni Zebedeo at kapatid ni Juan, hindi ito ang Santiago na
kapatid sa ama ni Jesus at ang may-akda ng aklat ni Santiago, na naging pinuno
sa iglesya sa Jerusalem). Ang Santiago na ito, kasama sina Pedro at Juan, ay
isang miyembro ng innermost circle ni Jesus. Pinatay ito ni Herodes na isa sa
mahalagang tagapanguna “sa pamamagitan ng
tabak” (tal. 2), at ito’y maaaring sa pamamagitan ng pagpugot ng ulo.
Kaya't kasunod ng marahas na pagkamartir ni Esteban, ang iglesya ay nalungkot
sa unang martir na apostol, na si Santiago.
Ang desisyong ito ay “ikinalugod ng mga Hudyo,” at dahil
nangyari ito, si Herodes ay nagpatuloy din sa pagdakip kay Pedro (tal. 3).
Walang dahilan para patayin si Santiago o arestuhin si Pedro—ang dalawa ay
hindi rebolusyonaryo sa pulitika—ngunit gusto ni Herodes na makipaglaro sa mga
Romano at mga Hudyo. Sa paggawa ng gayong marahas na pagkilos, masisiguro niya
sa mga Romano na ang maliit na sekta na ito na tinatawag na Kristiyanismo ay
hindi lumalabag sa mga paraan ng Roma, at maaari rin siyang umapela sa mga
Hudyo sa pamamagitan ng pagpapakita na siya ay naninindigan para sa kanilang
mga tradisyon (halimbawa, sa templo, sa batas, at paghihiwalay sa mga Hentil).
Gustung-gusto ni Herodes ang kapangyarihan. Gustung-gusto niya ang
kaluwalhatian. Gustung-gusto niyang pasayahin ang mga tao.
Hindi na natin kailangang
tumingin ng malayo para makahanap ng mga modernong halimbawa ng pagpugot ng ulo
sa mga sumasamba sa pangalan ni Kristo. Ang mga larawan ng pagpugot ng ulo ng
ISIS na nag-aangking mananampalataya sa baybayin ng Libya ay hindi mawawala sa
aking isipan ng ito ay aking mapanood. Ngunit ang mga Kristiyano ay maaaring
mamatay nang may kumpiyansa dahil ang ating Hari ay maaaring ibalik ang ulong
pinutol - muli Niyang bubuhayin ang mga namatay alang-alang sa Kanya.
Inuna ni Herodes si Santiago
kaysa kay Pedro, dahil maaaring mas lantad siya sa kanilang dalawa, upang
masukat ang reaksyon ng karamihan sa kanyang kalupitan. Nang natuwa sila sa
pagkamatay ni Santiago, nagpasya si Herodes na itarget ang nasa tuktok ng
pamumuno ng kilusang Kristiyano sa pag-atake kay Pedro. (Ang masama ay laging
gustong atakehin ang mga nasa pamumuno.)
Isang bagay ang humadlang sa
kanyang pagpugot sa pangalawang disipulong ito: ito ay panahon ng Paskuwa (tal.
3). Panahon na para sa taunang pagdiriwang ng exodo ng mga Hudyo, nang palayain
ng Diyos ang Kanyang bayan mula sa paniniil ng Ehipto. Sa panahong ito, hindi
pinahintulutan ang mga paglilitis o ang pagsasagawa ng mga parusa. Kaya
ipinadala ni Herodes si Pedro sa bilangguan na binabantayan ng “apat na pangkat ng apat na kawal” (tal.
4). Maraming bantay iyon para lang sa isang lalaki, na nagmumungkahi na marahil
ay ipinaalam ng Sanhedrin kay Agrippa ang naunang nangyari nang ikinulong ang
mga apostol sa Gawa 5:19. Balak ni Herodes na ilabas si Pedro sa mga tao para
sa isang palabas na paglilitis pagkatapos ng Paskuwa. Walang alinlangan na
inisip ni Herodes na ito ay magbibigay ng malaking pabor sa mga Judio at
magdadala sa kanya ng maraming papuri sa publiko.
Nang si Herodes ay umatake gamit
ang espada, ang iglesya ay sumasalungat sa panalangin (tal. 5). Ito ang dapat
palaging maging tugon ng iglesya sa panahon ng matinding pagsubok at
paghihirap. Una na nating nakita ang pinakaunang mga Kristiyano na gumawa din
nito sa aklat ng Gawa 4:29-31.
Tignan
natin ang tatlong katotohanan.
A. Opposition is inevitable
Ang Bibliya ay nagbibigay ng mga
pangyayari ng mga labanan sa loob ng mas malawak na konteksto ng isang malaking
labanan. Iba't ibang tao ang nangunguna sa pagsalakay sa bayan ng Diyos, gamit
ang iba't ibang paraan ng pakikidigma. Nanjan sila Faraon, Jezebel,
Nebuchadnezzar, at si Herodes. Ang mga tao ng Diyos ay palaging nahaharap sa
pag-uusig. Sa labing-isang kabanata ng aklat ng Gawa, nakita natin ang
pagsalungat sa anyo ng mga pagbabanta, pananakot, pisikal na pananakit, at
pagbato. Ngayon ang tabak naman ang nagamit laban sa bayan ng Diyos. Hindi tayo
dapat magulat kapag nahaharap tayo sa oposisyon habang nabubuhay sa misyon; mas
dapat tayong magulat kapag hindi ito ang nangyayari.
Sinabi ni Jesus sa Kanyang mga
alagad, “Magdaranas kayo ng kapighatian
sa sanlibutang ito, ngunit tibayan ninyo ang inyong loob! Napagtagumpayan Ko na
ang sanlibutan” (Juan 16:33). Habang tinapat ni Hesus ang masamang balitang
ito sa atin, pinaalalahanan din Niya tayo ng magandang balita! Dinurog ni
Kristo ang ulo ng ahas sa krus. Nagtagumpay Siya sa kamatayan nang lisanin Niya
ang libingan. Umakyat Siya sa langit kung saan Siya namamahala at naghahari sa
lahat. At sa lalong madaling panahon si Hesu-Kristo ay babalik upang hatulan
ang mga buhay at ang mga patay. Sa liwanag ng mas malaking kuwentong ito,
maaari nating isabuhay ang ating munting kwentong may pananampalataya, batid na
ang Hari ay laging mananalo. Siya ang may kontrol.
Ang ating Hari ang namahala nang
mamatay si Santiago at ang namamahala nang makalaya si Pedro. Pwede Niya
iligtas si Santiago, ngunit hindi Niya ginawa—para sa sarili Niyang layunin.
(At tandaan natin, sa sandaling namatay si Santiago, naroon si Jesus upang
salubungin siya sa langit.) Maaaring gamitin ng Hari ang mahimalang pagpapalaya
o pagkamartir para sa pagsulong ng ebanghelyo.
Nakikita natin ang mga halimbawa
ng kapangyarihan ng pag-uusig sa buong kasaysayan ng iglesya, gayunpaman,
alinman sa pag-uusig o kamatayan ay hindi makakapigil sa misyon. Pinapalitan
lang ni Jesus ang mga martir ng ibang mga misyonero. Noong si Pablo ay nasa
bilangguan, siya ay nagalak sa mga paraan na ang soberanong Diyos ay gumagawa
sa gitna ng kanyang pagkabilanggo.
Filipos
1:14
“At ang karamihan sa mga kapatid ay lalong tumibay
sa kanilang pananalig sa Panginoon dahil sa aking pagkabilanggo. Hindi lamang
iyon, lalo pang lumakas ang kanilang loob na ipangaral ang salita ng Diyos.”
Ang iglesya ni Kristo ay
itinatag sa pamamagitan ng pagbubuhos ng sarili nitong dugo, hindi ng iba; sa
pamamagitan ng pagtitiis ng kalupitan. Pinalago ng mga pag-uusiga ang iglesya;
kinorona na ito ng mga martir.
Ang pagsalungat ay hindi
maiiwasan, gayunpaman hindi tayo nakikibahagi sa digmaang ito bilang mga
biktima ngunit bilang mga nanalo. Ang ating Hari ay namamahala at naghahari.
B. God’s sovereignty is inscrutable
Ang mga paraan ng Diyos ay hindi
maarok. Hindi natin lubos na mauunawaan ang mga gawa ng Diyos,
“33 Di matarok ang kanyang karunungan at kaalaman!
Sino ang makakapagpaliwanag ng kanyang mga kapasyahan? Sino ang makakaunawa ng
kanyang mga pamamaraan? Gaya ng nasusulat,
34 “Sino ang nakakaalam sa pag-iisip ng Panginoon?
Sino ang
maaaring maging tagapayo niya?
35 Sino ang nakapagbigay ng anuman sa kanya
na dapat
niyang bayaran?” (Roma 11:33-35).
Tandaan natin na ang Diyos ay
gumagawa sa mahiwagang paraan, upang manyari ang Kanyang kalooban. Bakit
namatay si Santiago at nabuhay si Pedro? Muli hindi natin malalaman ang lahat
ng dahilan. Alam natin na ipinangako ni Jesus ang kamatayan ni Santiago sa
Marcos 10:39, “Ang kopang Aking iinuman
ay iinuman nga ninyo, at babautismuhan nga kayo sa bautismong tatanggapin Ko,”
ngunit hindi sinabi kung bakit. Tiyak na ang iglesya ay nananalangin para kay
Santiago, tulad ng ginawa nila kay Pedro, ngunit siya ay namatay parin. Si
Juan, ang kapatid ni Santiago, ay nabuhay hanggang tumanda. Minsan ang mga
mananampalataya ay labis na nagdurusa, at kung minsan ang Diyos ay nagliligtas
sa mahimalang paraan. Hindi natin mahuhulaan ang mga paraan ng Diyos.
Minsan ang mga magiging mahusay
na magulang ay ang syapang hindi magkaroon ng anak. Tapos minsan ang mga
masasamang mga magulang ay patuloy pa na nagkakaroon ng mga sanggol. Minsan
sinasagot ng Diyos ang mga panalangin para sa pagpapagaling, at kung minsan ay
hindi. Minsan ang masama umunlad habang ang matuwid ay nagdurusa. Ito yung
naging tanong ng mang-aawit sa Awit 73.
Bagaman ang gayong mga pagsubok
ay nagdudulot ng hindi maiwasan na labis na kalungkutan at kirot, hindi tayo
dapat magalit sa Diyos. Ang mga pagsubok ay hindi nangangahulugang isang
palatandaan na hindi S iya
nasisiyahan sa atin. Tinatawag tayo ng Diyos na magtiwala sa Kanya, kahit
masakit ang buhay. Ang Kanyang mga paraan ay matalino, mabuti, at makatarungan.
At dapat nating tandaan ito: Ibinigay sa atin ng Diyos ang Kanyang Anak. Hindi
nangangako ang Diyos na bibigyan tayo ng paliwanag para sa lahat, ngunit
ibinigay Niya sa atin ang pangakong nagpapabago ng lahat: bubuhayin Niya tayo
mula sa mga patay. Tayo ay maninirahan kasama Niya sa bagong langit at bagong lupa,
kung saan ang kasalanan at pagdurusa ay hindi maaaring makahawak sa atin. Hindi
ipinaliwanag ng Diyos ang lahat, ngunit sa pamamagitan ni Kristo, pinasok ng
Diyos ang ating pagdurusa, tinanggap ang sukdulang kawalang-katarungan sa krus,
at nabuhay na matagumpay upang ang lahat ng tumatawag sa Kanya ay magkaroon ng
buhay na walang hanggan. Kumapit sa katotohanang ito kapag tayo ay nasa
pagdurusa. Darating ang kaluwalhatian. Wala pa ito, ngunit patuloy na tumingin
sa Diyos nang may pananampalataya. Ibinigay Niya ang Kanyang Anak para sa mga
makasalanang tulad natin, at malapit nang matapos ang lahat ng pagdurusa.
C. Prayer is effectual
Maaaring magtaka ang sinuman
tungkol sa tugon ng iglesya dito. Bakit hindi sila humawak ng armas? Bakit
hindi sila magprotesta? Bagama't ang lakas at pagsigaw ay angkop kung minsan,
ang panalangin ay nararapat na palaging una at pinakamahusay na tugon. Ang
panalangin ay sandata ng iglesya, at ang paggamit nito ay hindi passive. Ang
mga mananampalataya sa talatang ito ay kailangang pumunta sa digmaan sa
pamamagitan ng panalangin. Ang panalangin ay isang gawa ng pagsuway sa
oposisyon. Tayo ay higit pa sa mga mananakop, sa pamamagitan ni Kristo;
Mapagtatagumpayan natin ang mundong ito, ang buhay na ito; Hindi tayo yuyuko sa
kasalanan o sa kahihiyan; tayo ay lumalaban sa pangalan ni Jesus. Sa diwa na
puno ng pag-asa ang iglesya ay nananalangin. Ang panalangin ay hindi pag-urong.
Ito ay isang gawa ng banal na pagsuway. Ito ay isang gawa ng paglalagay ng
umaasa na pagtitiwala sa soberanong Diyos na dinirinig ang mga panalangin ng
Kanyang mga tao at namamahala sa lahat. Ang iglesya ay nasa digmaan, kaya't
tumatawag sila sa kanilang Commander, na nagsasara ng mga bibig ng mga leon,
nagpahiya sa mga pharaoh, pinuputol ang mga tanikala, at nagbubukas ng mga
pintuan ng bilangguan, alam nating kikilos Siya sa anumang paraan na alam
Niyang pinakamahusay na paraan.
Paano mo pinapahalagahan ang
panalangin? Ang paunang tugon mo ba sa salungatan ay isang pagpaplano o
panalangin? Matuto mula sa iglesya sa Jerusalem. Ang kaharian ng kadiliman ay
gumagamit ng mga pisikal na sandata; ginagamit ng iglesya ang sandata ng
panalangin. Hawakan ang iyong armas!
II. Scene 2: The Lord’s Rescue
(12:6-19)
Ang pinakamahabang bahagi ng
kwento ay makikita ang isang magandang pagtakas. Kung paanong iniligtas ng
Panginoon ang Kanyang mga tao mula kay Faraon sa panahon ng Paskuwa, iniligtas
Niya si Pedro mula sa mga kamay ng politikong malupit na ito. Ang talatang ito
ay nagbibigay sa atin ng mataas na konsepto ng presensya, kapangyarihan, at
biyaya ng Panginoon.
Ang kwentong ito ay
kahanga-hanga, mapaghimala, at nakakatawa. Ipinapakita nito ang kapangyarihan
ng Diyos. Madaling basahin ang Bibliya at makaligtaan ang katatawanan, lalo na
sa gitna ng isang seryosong kuwento, kaya sabi ng iba na tila mala-comics ang ilang
pagkakasulat ni Lucas sa mga aklat na sinulat niya.
Habang naghahanda si Herodes na
ilabas si Pedro mula sa bilangguan, si Pedro ay “natutulog sa
pagitan ng dalawang kawal” (tal. 6). Hindi ito yung
normal na makikita natin sa isang taong nahaharap sa tiyak na kamatayan. Papatayin
na siya kinabukasan pero natutulog siya ng mahimbing! Hindi man lang natin
nabasa na nabalisa siya. At ito rin yung makikita nating nangyari sa
pagkakulong kina Pablo at Silas na umaawit pa ng mga himno sa bilangguan.
Makikita natin ang ilang magandang katotohanan.
A. The Lord’s peace is phenomenal
“6 Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay.
Sa halip, hingin ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ng
panalanging may pasasalamat. 7 At ang kapayapaan ng Diyos na hindi kayang maunawaan
ng tao ang siyang mag-iingat sa inyong puso at pag-iisip dahil sa inyong
pakikipag-isa kay Cristo Jesus.” (Filipos 4:6-7)
Si Pedro ay binantayan ng mga
kawal, ngunit ang kanyang puso ay binantayan ng Diyos. Alamin ang kapayapaang
ito. Mamuhay sa kapayapaang ito sa pamamagitan ng Prinsipe ng kapayapaan, na
Siya mismo ay maaaring matulog sa gitna ng isang bagyo.
Sa talata 7 isang anghel ang
pumasok at tumayo sa tabi ni Pedro, at ang liwanag ay nagniningning sa selda,
ngunit hindi iyon nagpagising kay Pedro! Kailangang tapikin pa ng anghel si
Pedro sa tagiliran para magising siya. Naniniwala ako na gustong ikwento ni
Lucas ang kwentong ito. Kinailangan niyang kumuha ng ilang mga detalye mula sa
ilang mga mapagkukunan upang maisulat ito, ngunit sa palagay ko ay habang
kinukwento ito sa kanya ni Pedro ay nakangiti siya. Imagine nyo na lang habang
kinukwento ito ni Pedro kay Lucas, “tinapik ako ng anghel sa tagiliran habang
mahimbing akong natutulog. Hindi ko kasi sya napansin sa sarap ng tulog ko.
Tapos sabi niya, ‘Bumangon ka!’”
Nang magising si Pedro,
natanggal ang mga tanikala. Ang ating Panginoon ay dalubhasa sa pagsira ng mga
tanikala. Sabi nga sa Awit 146:7, “Pinalaya
Niya ang mga nabihag.” Sinunod ni Pedro ang anghel, na iniisip niya na siya ay nananaginip lang. Ang detalyeng ito
ay mahalaga dahil sinasabi nito sa atin na alam ni Pedro na hindi niya maangkin
na ang pagliligtas ay dahil sa anumang nagawa o magagawa niya. Hindi siya
napalaya dahil siya ay malakas o mabilis. Ang lahat ng kanyang iniambag sa
kaganapan ay naglalakad na nakatulala sa lugar ng bilangguan tulad ng sinabi.
Ang “pintuang bakal” ay
bumubukas sa parehong paraan na ang bato ay nagulong: sa pamamagitan ng
makapangyarihang kapangyarihan ng Diyos. Bumukas ito ng "mag-isa."
Paglabas, dumaan si Pedro sa kalye, at umalis na ang anghel, at sa wakas ay
dumating si Pedro at nalaman niya ang dakilang pagliligtas ng Panginoon.
B. The Lord’s grace is astonishing
Gaya ng sinabi ni Moises sa
Israel, “Lakasan ninyo ang inyong loob;
huwag kayong matakot. Tingnan na lang ninyo kung paano kayo ililigtas ngayon ni
Yahweh.” (Exodo 14:13), tatanggap si Pedro ng biyaya habang inilabas siya
ng anghel mula sa bilangguan. Ang kuwentong ito ay hindi tungkol sa pagtakas ni
Pedro sa kanyang sarili; ito ay tungkol sa pagliligtas ng Diyos kay Pedro.
Iniligtas ng Panginoon si Pedro sa pamamagitan ng lubos na biyaya. Siya ang
dakilang Tagapagligtas,
“17 Ngunit sinamahan ako ng Panginoon at binigyan ng
lakas upang makapangaral nang lubusan sa lahat ng Hentil, at ako'y naligtas sa
tiyak na kamatayan. 18 Ang Panginoon ang magliligtas sa akin sa lahat ng
kasamaan at Siya rin ang maghahatid sa akin nang ligtas sa Kanyang kaharian sa
langit. Purihin nawa Siya magpakailanman! Amen.” (2 Tim.
4:17-18).
Gayundin, naligtas tayo sa
simpleng pagtanggap ng biyaya ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya, “8 Sapagkat dahil sa kagandahang-loob ng
Diyos kayo ay naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito'y kaloob ng
Diyos at hindi mula sa inyong sarili; 9 hindi ito bunga ng inyong mga gawa
kaya't walang maipagmamalaki ang sinuman.” (Efeso 2:8-9). Dahil dito, ang
lahat ng kaluwalhatian ay sa Diyos (Rom 3:28). Ang biyaya ng Diyos dito ay
lubhang kahanga-hanga na kahit mga nagdarasal nagdarasal na iglesya ay nahirapang
paniwalaan ito!
Habang naglalakad si Pedro sa
madilim na mga lansangan, ang iglesya ay nagtitipon sa pananalangin sa tahanan
ng isang generous na babaing na nagngangalang Maria. Ang "pagkalito at
masayang katatawanan" ay ang susunod na mangyayari.
Una, nandiyan si Roda. Siya ang
katulong na nagbabantay. Dumating si Pedro at kumatok sa labas ng pintuan na patungo
sa looban. Nakilala ni Roda ang tinig ni Pedro, at sa kanyang pagkamangha ay
bumalik siya upang sabihin sa iglesya ang tungkol sa kanyang pagdating, ngunit
hindi niya muna binuksan ang pinto upang papasukin si Pedro! Ang lugar na
delikado kay Pedro sa oras na ito ay ang nasa gitna ng kalye, na nakalantad sa
posibleng muling pagkuha.
Pagkatapos ang iglesya ay gumawa
ng isang hindi magandang tugon. Hindi sila naniniwala kay Roda. Sinasabi nila
sa kanya na siya ay baliw! Narito ang isang larawan ng isang tao na nagdarasal
ngunit nahihirapang maniwala na ang Diyos ay talagang gumagawa ng mga himala!
Sa palagay ko ay hindi isinama ni Lucas ang pananaw na ito bilang isang
akusasyon sa iglesya. Ang mga kalalakihan at kababaihan na ito ay mga
ordinaryong tao na alam na ang Diyos ay hindi nangangako ng isang himala sa
bawat sandali. Marahil ay konserbatibo silang nananalangin: “Panginoon,
tulungan mo lamang si Pedro na maging matatag sa pagdurusa. Magbigay ng mas
magaan na parusa si Herodes.” Sa anumang kaso, maaari mo isipin na sinasabi
nila sa naguguluhan na katulong na babae, “Oh, tumahimik ka. Stress na kaming
lahat dito. Masisiraan ka ng isip kung hindi ka mag-iingat. Kailangan natin bumalik
sa pagdarasal." Gayunpaman, iginiit ni Roda na talagang nasa labas si
Pedro. At dito, nakakagulat, ang ilan sa mga tagasunod ni Kristo ay naglalaan
ng oras upang pag-isipan ang tungkol sa kung ang tao sa tarangkahan ay
posibleng anghel ni Pedro. Sa madaling salita, nakatayo sila doon at
tinatalakay ang theology habang naghihintay ang sagot nila sa kanilang
panalangin sa labas!
At doon, sa labas sa kadiliman
at nakalantad sa panganib, nakatayo si Pedro. Patuloy lang siyang kumakatok,
marahil ay huminto para bumulong ng mas matindi: “Roda! Papasukin mo na ako!”
Sa kabutihang palad, sa kalaunan
ay binuksan ng iglesya ang pinto, at pumasok si Pedro. Pagkatapos ay hindi sila
makapaniwala sa nakita nila at labis na namangha at kagalakan na kaya
pinatahimik sila ni Pedro. Nang huminahon na sila, nagpatuloy siya sa
pagkukuwento sa iglesya “kung paano siya inilabas ng Panginoon mula sa
bilangguan.” (tal. 17). Sinasabi niya sa kanila ang tungkol sa
biyaya ng Panginoon.
Ang reaksyon ng iglesya kay
Pedro ay nagpapaalala sa atin ng isang mahalagang aral.
C. The Lord’s power is immeasurable
Ang Diyos ay “makakagawa nang higit pa kaysa maaari nating
hilingin at isipin, sa pamamagitan ng Kanyang kapangyarihang kumikilos sa atin;”
(Efeso 3:20), ngunit ang iglesya dito ay nagulat sa kakayahan ng Diyos. Iangat
natin ang ating konsepto sa kung ano ang kaya ng Diyos. Magtiwala ka sa Kanyang
kapangyarihan habang ibinubuhos mo ang iyong puso sa Kanya.
Dalawang iba pang impormasyon ang
pinakita sa huling bahagi ng talata 17. Inutusan ni Pedro ang iglesya na “sabihin ninyo ito kay Santiago at sa mga kapatid.,” Ito ay
isang maliit na detalye, ngunit ito ay tumutukoy sa pamumuno ni Santiago sa
iglesya sa Jerusalem (Gawa 15). Pagkatapos ay “umalis si Pedro at pumunta sa ibang lugar” (tal. 17). Ginagamit ni
Pedro ang praktikal na karunungan dito. Hindi siya laging umaasa sa himala.
Siya ay tumakas mula sa poot ni Agripa. Hindi siya tumakbo pabalik sa mga
guwardiya para siya ay muling huliin. Gumagamit siya ng karunungan.
Si Herodes, siyempre, ay hindi
natuwa sa mga pangyayari. Ipinagpatuloy niya ang pagsusuri sa mga sundalo na
nagbantay, malamang na pinahirapan sila. Kumbinsido siya na isa itong inside
job lamang para
patakasin si Pedro, sa kalaunan ay pinatay niya ang mga kawal (tal. 19)
alinsunod sa batas ng Roma, na tinukoy na ang isang bantay na pinahintulutan
ang isang bilanggo na makatakas ay dapat tumanggap ng parehong parusa na
matatanggap sana ng nakatakas. Pagkatapos ng mga pagbitay na ito, pumunta si
Herodes sa Cesarea.
Hindi ba dapat ipaalala sa atin
ng talatang ito ang pangangailangang mamuhay nang may masayang pagtitiwala sa
ating Hari, sa ilalim ng pangangalaga ng ating dakilang Ama? Kailangan nating
maniwala tulad ng pagtitiwala ng mga bata. Para manalangin na parang mga bata.
Para matulog na parang mga bata. Tayo ay kailangang tumawa na parang mga bata,
na nagtitiwala na ang ating Abba ay ang soberanong Ama sa lahat ng bagay.
Sinisira Niya ang mga tanikala. Pinalaya Niya ang mga bilanggo. Pinahiya Niya
ang mga bully. Mapagkakatiwalaan natin Siya. Dapat tayong magpetisyon sa Kanya.
Dapat tayong magpahinga sa kapayapaang nagmumula Kanya.
Siya ay kahanga-hanga.
III. Scene 3: The Final Word
(12:20-24)
Ano ang nangyari kay Herodes,
itong makalupang hari na sumalungat sa kaharian ni Kristo? Kinain siya ng mga
uod at namatay. O sa ibang paraan, hinatulan siya ng Panginoon. Ang aral dito
ay malinaw: ang mga sumasalungat sa Panginoon ay matatalo. Kapag tutol sila sa
Kanyang kaharian, tiyak na talo sila. Kapag tinutulan nila ang katotohanan, sa
huli ay matatalo sila. Kahit na tila ang Panginoon ay hindi palaging inaayos
agad ang mga sumasalungat sa Kanya agad, pero sa huli gagawin Niya parin ito.
A. Herod’s idolatry
Ang mga baybaying bayan ng Tiro
at Sidon ay nasa loob ng mga lugar na pinamumunuan ni Agripa, at kinokontrol
niya ang kanilang suplay ng pagkain (tal. 20). Isang lalaking nagngangalang
Blasto ang nagsilbing tagapamagitan sa pagitan ni Herodes at ng mga kinatawan mula
sa mga lugar na ito; siya ay tila tumulong sa pakikipag-ayos ng isang kasunduan
na angkop sa lahat. Sa tinakdang araw, kung saan ang kasunduan ay pormal na
ipahayag, si Herodes ay naghanda na gumawa ng engrandeng pagpasok. Isinuot niya
ang kanyang maharlikang damit, umupo sa trono, at nagbigay ng orasyon (tal.
21).
Isinalaysay ng historian na si
Josephus ang pangyayaring ito nang detalyado. Iniharap ni Herodes ang kanyang
sarili sa sikat na arena sa Caesarea at nakasuot ng isang kumikinang na damit
na pilak. Siya ay pinarangalan bilang isang diyos. Syempre ang mga salita ng
karamihan ay walang laman na pambobola, ngunit si Herodes ay masaya paring
tinanggap ang mga papuring ito.
Gustung-gusto ni Herodes ang
pagsamba ng karamihan sa kanya. Nang lumuhod si Cornelio sa harap ni Pedro,
itinaas siya ni Pedro, na sinasabi, “Tumayo
ka! Ako rin ay tao rin” (Gawa 10:26). Nang pinuri ng mga tao sa Listra sina
Pablo at Bernabe bilang mga diyos, tumugon ang dalawa sa pagpunit ng kanilang
damit at sinabi, “Mga tao rin kaming
tulad ninyo!, . . . talikuran ninyo ang mga walang kabuluhang bagay na iyan, at
manumbalik kayo sa Diyos na buháy” (Gawa 14:15). Itinuro nina Pedro at
Pablo ang lahat sa kaluwalhatian ng Diyos, hindi sa kanilang sarili. Ang ginawa
ni Herodes sa buhay niya ay lubos na kabaligtaran. Siya ay isang taong sabik sa
papuri at tinataas ang sarili.
B. Herod’s obituary
Kanina nakita natin na
"tinapik o hinampas" ng anghel si Pedro para gisingin siya (tal. 7);
dito, “hinampas” ng anghel si Herodes para patayin siya. May mga nagsabi na nakaranas
siya ng isang matinding sakit sa tiyan, at pagkalipas ng limang araw ay namatay
siya. Anuman ang tumpak na pagsusuri sa kalagayan ni Herodes, sinabi sa atin ni
Dr. Lucas ang pinakahuling dahilan nito: Hinatulan siya ng Diyos
Kabaligtaran sa pagkamatay ni
Herodes, ibinubuod ni Lucas ang mga pangyayaring nauugnay sa iglesya noong
panahong iyon: “Samantala, patuloy na
lumago at lumaganap ang salita ng Diyos” (tal. 24). Isang dakilang kalaban
sa gawain ni Kristo ang namatay, ngunit ang salita ay nagpapatuloy! Si Hesus ay
patuloy na nagtatayo ng Kanyang iglesya. Ito ay nagpapaalala sa atin na mayroon
lamang isang soberanya.
Ayon sa pambungad na talata ng
kabanata 13, isa sa mga pinuno ng iglesya sa Antioch ay si “Manaen, kababata ni Herodes.” Ang
tinutukoy dito ay si Herodes Antipas, hindi kay Agripa, ngunit sila ay kabilang
sa parehong pamilya. Kahit sa gitna nitong mga taong walang kinikilalang diyos,
at napopoot kay Kristo na sambahayan, ang kaharian ni Kristo ay sumusulong
parin sa kanila. Ito ay kamangha-mangha!
C. A word of warning and a word of
hope
Isang
katotohanan ngayon ang makikita natin sa pag-aaral nating ito, “Kung mananatili
tayo kay Jesus, tagumpay tayo, at kung lalaban naman tayo sa Kanya, tiyak na
matatalo tayo.
Sa
katunayan, mayroong parehong babala at pag-asa dito. Ang babala ay ito: Huwag
maging mapagmataas sa sarili. Maaari mong salungatin si Kristo sa isang
panahon, ngunit ang Diyos ang huling tatawa. Sinabi ni Daniel, “Siya ay nagbabago ng mga panahon at mga
panahon; Tinatanggal [ng Diyos] ang mga hari at itinatatag ang mga hari”
(Daniel 2:21). Nang magyabang si Nebucadnezar tulad ni Herodes Agrippa, “Hindi ba ito ang Dakila ng Babilonya na
aking itinayo upang maging isang maharlikang tahanan sa pamamagitan ng aking
malawak na kapangyarihan at para sa aking maringal na kaluwalhatian?” (Daniel
4:30), isang tinig mula sa langit ang nagsabi, “Kakain ka ng damo tulad ng baka.” (Daniel 4:32), at pinahiya ng
Diyos ang nagtataas ng sarili. Ang masama ay maaaring umunlad sa isang panahon,
ngunit ang paghatol ay tiyak. Ang kaharian ay nagtataglay ng katotohanan: "Sapagkat ang nagmamataas ay ibababa,
at ang nagpapakumbaba ay itataas.” " (Lucas 14:11). Lahat ng lumalaban
sa Hari ay haharap sa Kanyang galit. Aasahan sa kamatayan ni Herodes ang dakila
at huling araw ng paghatol ng Panginoon.
Ang
lahat ng tao ay may puso na gustong laging ang sarili ang maitaas, hindi lamang
ng mga pinuno. Sa ating fallen nature nais nating maging Diyos. At tiyak na
ayaw nating sabihin sa atin ng Diyos kung ano ang gagawin. Ngunit ang tekstong
ito ay nagsisilbing babala: dapat tayong magpakumbaba sa harapan ng Diyos;
hindi natin dapat subukang maging Diyos.
Ang
tekstong ito ay nagbibigay din sa atin ng malaking pag-asa: ang misyon ng Hari
ay hindi mapipigilan. Bagama't hindi maiiwasang makatagpo tayo ng oposisyon
habang hinahangad nating isulong ang ebanghelyo sa pamamagitan ng panalangin at
pagpapahayag, maaari tayong makibahagi sa digmaan nang may katapangan. Ang
ating Hari ay matagumpay. Siya ay nagbayad ng halaga para sa ating mga
kasalanan, at Siya ang dakilang Panginoon ng kaluwalhatian. Hindi tulad ng kay
Haring Herodes, ang katawan ng ating Hari ay hindi kinain ng mga uod dahil
hindi Siya nanatili sa lupa para gawin nila ang kanilang nabubulok na gawain!
Walang sinuman ang makapanaig sa ating Hari, at walang makapaghihiwalay sa
mananampalataya sa Kanyang pag-ibig—hindi ang kapighatian, pagkabalisa, pag-uusig,
taggutom, kahubaran, panganib, o tabak (Roma 8:31-39).
__________________________________________________
Discussion:
(Para
sa grupo o personal na pag-aaral)
Pagbulayan:
1. Bakit dapat asahan ng mga
Kristiyano ang pagsalungat kapag naghahangad na isulong ang ebanghelyo?
2. Paano inilalarawan ng talatang
ito ang kahalagahan ng panalangin?
3. Ano ang itinuturo ng talatang ito
tungkol sa kapayapaan ng Diyos?
4. Ano ang ibig sabihin ng pagiging
mapagmataas sa sarili? Magbigay ng halimbawa ng pagiging mapagmataas sa sarili. Paano natin malalabanan ang tuksong maging katulad nito?
Pagsasabuhay:
1. Kapag ikaw ngayon ay nahaharap sa
oposisyon ng dahil sa pangangaral mo ng ebanghelyo ano ang gagawin mo?
2. Anong pagbabago ang gagawin mo sa
tuwing ikaw ay mananalangin?
3. Paano mo matatagpuan ang
kapayapaan kung ikaw ay haharap sa maraming pagsubok sa pagsunod mo sa Panginoon?
4. Nakita natin na lahat tayo ay may
pusong mayabang ayon sa likas natin bilang makasalanan. Ano ang mga bagay na dapat mong baguhin sa iyong sarili na nagpapakita ng pagiging mapagmataas?
Panalangin:
Ipanalangin ang pagsasabuhay na nagawa na tulungan
tayo ng Diyos na maipamuhay ito.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento