Name of God: Compassionate
Para sa Kaibigan at Kalaban
Basahin: Jonas 4:1--11
(84 of 366)
“Ako pa kaya ang hindi malulungkot sa kalagayan ng Nineve?” (Jonas 4:11)
Madaling magkaroon ng habag sa mga taong gusto natin. Ang mahirap sa atin ay ang pagkakaroon ng habag sa mga taong hindi natin gusto. Kaya naman nakaka-relate tayo kay propeta Jonas.
Sinabi ng Diyos kay Jonas na ipahayag ang pagsisisi sa mga taga-Ninive. Nagkaroon ng problema si Jonas dito sa dalawang dahilan. Una, ang Nineve ay ang kabisera ng Asiria, isang malupit na bansa na patuloy na nanliligalig at nagmamaltrato sa Israel. Ikalawa, alam ni Jonas na ang Diyos ay mahabagin at ang Kaniyang mga kaaway ay tatanggap ng awa kung makikinig sila sa panawagan ng pagsisisi.
Tumakbo si Jonas sa kabilang direksyon. Sa katunayan, mas nahabag siya sa isang ligaw na halaman kaysa sa isang lungsod na pinaninirahan ng kanyang mga kaaway.
Palagi tayong magiging mas madali na magkaroon ng habag sa mga taong gusto natin, ngunit hindi tayo dapat tumigil doon. Sinasabi sa atin ng Roma 5:10 na ibinuhos ng Diyos ang Kanyang habag sa atin noong tayo ay Kanyang mga kaaway pa. Hinihiling Niya sa atin na gawin din ito para sa ating mga kalaban.
Kung tayo ay tumatanggap ng habag ng Diyos, hindi natin ito maipagkait sa iba.
Pagbulayan:
Paano mo ipapakita at ipaparamdam ang habag sa mga taong laban sayo ngayon?
Panalangin:
Panginoong Diyos, patawarin Mo po ako sa mga pagkakataong namimili ako ng kahahabagan. Tulungan Mo po akong magpahayag ng pakikiramay sa mga nangangailangan nito, anuman ang kanilang ginawa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento