Linggo, Enero 22, 2023

Name of God: Consuming Fire - "Hiningang Apoy" (87 of 366)


Name of God: Consuming Fire
Hiningang Apoy
Basahin: Deuteronomio 9:1-6
(87 of 366)

“ang Kanyang  hinga ay apoy na pupugnaw sa inyo.”
(Isaias 33:11)

Minsan may mga pagkakataon ang marami sa atin na nakakagawa ng hindi pinag-isipan na desisyon. Kapag nabigla tayo sa isang matinding reaksyon tayo ay palaban na sumasagot at humihinga ng apoy sa ating kalaban. Gayunpaman, Nang ang Isaias 33:11 ay nagsasalita tungkol sa isang tumutupok na apoy, ito ay tumutukoy sa hininga ng Diyos, hindi sa hininga ng mga tao. Sa mga ilang pagkakataon na pinagtatanggol natin ang atin sarili, minsan ay inagaw natin ang tungkulin ng Diyos bilang ating tagapagtanggol. Ang kinalabasan ay pareho tayong nasunog at ang ibang tao.

Hindi ito nangangahulugan na hindi na natin ipagtanggol ang ating sarili. Sa Deuteronomio 9, hindi sinabi ng Diyos sa Israel na huwag makipaglaban sa mga Canaanita. Sa kabaligtaran, iniutos ng Diyos sa kanila na lumipat sa lupain at “lipolin sila kaagad” (Deut. 9:3). Magagawa nila ito, gayunpaman, sa pamamagitan ng pag-asa sa tumutupok na apoy ni Yahweh na mauuna sa kanila. Sasakupin Niya ang kanilang mga kaaway, at ang Israel ay lalaban sa kaalaman na ang kanilang tagumpay ay naipanalo na.

May mga pagkakataon na kailangan nating ipagtanggol ang ating sarili. Kapag nangyari ang mga panahong iyon, siguraduhin nating hindi tayo malito sa job description natin sa job description ng Diyos. Siya ang tumutupok na apoy; hindi tayo. Sa kabila ng ating kalikuan, nauuna Siya sa atin alang-alang sa Kanyang pangalan.

Pagbulayan:
Kanino tayo madalas na humihinga ng apoy sa halip na hayaan na ang Diyos ang maunang gumawa ng pagtatanggol sayo? 

Panalangin:
Panginoon, huminga ako ng apoy sa sarili kong pagtatanggol at nasunog sa proseso. Tulungan Mo po akong magtiwala sa Iyo na mauuna sa akin at ayusin ang lahat ng bagay.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Name of God: Fortress - "Kapangyarihan ng Imahenasyon" (102 of 366)

Name of God: Fortress Kapangyarihan ng Imahenasyon Basahin: Kawikaan 18:10-16 (102 of 366) “Ang ari-arian ng isang mayaman ay kanyang kanlu...