Name of God: Architect
Pagdidisensyo ng Aking Araw
Basahin: Marcos 5:21-43
(72 of 366)
“Naramdaman agad ni Jesus na may kapangyarihang lumabas sa Kanya, kaya't bumaling Siya sa mga tao at nagtanong, ‘Sino ang humipo sa Aking damit?’” (Marcos 5:30)
Lahat tayo ay masasabi na ayaw natin na may gagambala sa atin, lalo na kapag may mga importante tayong dapat tapusin. Minsan nasasabi natin sa ating sarili na, “hindi ba nila nakikita na busy ako?”
Si Jesus ay palaging may abalang araw. Ang anak na babae ng isang opisyal ng sinagoga ay namamatay, at nakiusap siya kay Jesus na pagalingin siya. Napakalaking pagkakataon para kay Jesus na mapagtagumpayan ito laban sa mga lider ng relihiyon! Tiyak na dapat talagang sumama siya sa importanteng opisyal na ito nang nagmamadali at may iisang determinasyon.
Hindi pinahintulutan ni Jesus ang pressure ng isang namamatay na bata na makagambala sa isa pang banal na paghirang na isinaayos ng Kanyang makalangit na Ama. Naiisip mo ba ang opisyal na nagbibilang ng mga minuto nang huminto si Jesus upang tanungin ang karamihan? Ngunit si Jesus ay may panahon para sa parehong pangangailangan, at ang anak ng opisyal ay nakinabang sa isang mas maluwalhating pagpapagaling kaysa sa nauna na nangyari sa kanya.
Kung paanong si Jesus ay nagtiwala sa Kanyang makalangit na Ama upang ayusin ang Kanyang iskedyul, dapat din tayong magtiwala sa Arkitekto ng ating mga araw.
Pagbulayan:
Paano ka makakapaghanda na mapagtanto ang mga banal na pagtatalaga ng Diyos para sayo ngayon?
Panalangin:
Mahal na Panginoon, patawarin Mo po ako sa mga panahong hindi ko pinansin ang Iyong mga banal na paghirang. Tulungan akong Mo po akong panatilihing flexible ang aking iskedyul upang tumugon sa Iyong mga pahiwatig.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento