Miyerkules, Enero 4, 2023

Name of God: Architect - "Pagdidisenyo ng Kasaysayan" (70 of 366)


Name of God: Architect
Pagdidisensyo ng Kasaysayan
Basahin: Awit 22:1-24
(70 of 366)

“Sapagkat umasa si Abraham ng isang lungsod na may matatag na pundasyon at ang Diyos mismo ang nagplano at nagtayo.”
(Hebreo 11:10)

Isipin mo yung mga eksaktong nanyari sa buhay mo na nillob ng Diyos para dalhin ka sa sandaling ito: ang mga detalyeng kinakailangan upang mangyari ang pagtatagpo mo nang iyong asawa, o ang iyong mga magulang o lolo't lola. Ano kaya ang mag-iiba sa buhay natin kung may mabago kahit sa pinakamaliit na pangyayari sa nakaraan.

Ang Diyos ang Arkitekto ng kasaysayan, inaayos ito upang maisakatuparan ang Kanyang mga layunin. Idinisenyo Niya ito sa lahat ng mga kaganapan sa mundo at mga indibidwal na karanasan sa buhay-upang magtulungan upang ipakita ang Kanyang kaluwalhatian.

Ang Awit 22 ay isang halimbawa ng ilang daang propesiya sa Lumang Tipan na nagpapahayag ng mga detalye ng kapanganakan, buhay, at kamatayan ng Mesiyas. Napatunayan ng mga statistician ang halos imposibilidad ng sinumang tao na tumupad sa bawat propesiya, ngunit iyon mismo ang ginawa ni Jesu-Kristo. Dinisenyo ng Diyos ang mga detalye ng buhay ni Jesus at inilarawan ang mga ito nang maaga upang walang pag-aalinlangan sa bisa ng mga pag-aangkin at mga kredensyal ni Jesus.

Hindi natin kailangang matakot sa mga pangyayari sa mundo o maging sa mga pangyayari sa ating indibidwal na buhay. Ang Arkitekto ng kasaysayan ang nagdisenyo nito at nasa kontrol pa rin hanggang ngayon.

Pagbulayan:
Paano ka natutulungan ng mga natupad na mga propesiya ng unang pagdating ni Jesus para magtiwala sa disenyo ng Diyos ngayon?

Panalangin:
Panginoong Diyos, salamat na mapagkakatiwalaan ko ang Iyong disenyo para sa kasaysayan at ang Iyong disenyo para sa akin.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Name of God: Fortress - "Kapangyarihan ng Imahenasyon" (102 of 366)

Name of God: Fortress Kapangyarihan ng Imahenasyon Basahin: Kawikaan 18:10-16 (102 of 366) “Ang ari-arian ng isang mayaman ay kanyang kanlu...