Martes, Enero 3, 2023

Name of God: Accessible "Lubos na Kumpiyansa" (68 of 366)


Name of God: Accessible
Lubos na Kumpiyansa
Basahin: Lucas 18:1-5
(68 of 366)

“Kaya't huwag tayong mag-atubiling lumapit sa trono ng mahabaging Diyos”
(Hebreo 4:16)

Kapag nagdarasal tayo, hindi tayo magkakaroon ng busy signal o makakarinig ng, "Cannot be reach." Walang bad sigal, napuoutol na
tawag, at hindi na natin kailangang itanong, "Naririnig mo na ba ako ngayon?"

Sa Lucas 18, sinabi ni Jesus ang isang talinghaga upang ilarawan ang ilang mahahalagang aral tungkol sa panalangin. Alam ng balo sa Kanyang kuwento kung sino ang kailangan niyang lapitan, nanatili siyang matiyaga sa kanyang kahilingan, at hindi siya nag-alinlangan na matatanggap niya ang kanyang hinihiling. Ang ating walang limitasyong paglapit sa Diyos ng lahat ng nilikha ay tumitiyak na maririnig Niya tayo at tutugon Siya. Ang Kanyang mga tugon ay maaaring hindi palaging kung ano ang gusto natin, ngunit ito ay palaging kung ano ang kailangan natin at mas mabuti sa atin.

Hinihimok tayo ng Kasulatan na manalangin sa lahat ng oras (Lucas 18:1), manalangin nang walang tigil (1 Tes. 5:17), at manalangin saanman tayo naroroon (1 Tim. 2:8). Kapag ginawa natin ito, palagi tayong nakakaharap at nakakalapit sa Diyos ng kalawakan.

Walang busy na signal, walang voicemail, at naririnig Niya tayo saanman at kailan man tayo tumawag. Iyon ay walang limitasyong pag-access nang may lubos na kumpiyansa.

Pagbulayan:
Paano nagbibigay sayo ng kompiyansa sa panalangin mo ngayon ang katotohanangang Diyos ay tiyak na laging maaabot sa panalangin?

Panalangin:
Amang Diyos, salamat sa katiyakan na lagi Mo akong dinirinig kapag tumatawag ako sa Iyo.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Name of God: Fortress - "Kapangyarihan ng Imahenasyon" (102 of 366)

Name of God: Fortress Kapangyarihan ng Imahenasyon Basahin: Kawikaan 18:10-16 (102 of 366) “Ang ari-arian ng isang mayaman ay kanyang kanlu...