Miyerkules, Hulyo 27, 2022

Apologetics Session 2: Walang Neutralidad (No Neutrality)









Apologetics Session 2: Walang Neutralidad
(No Neutrality)

Neutrality – Ito ay ang walang sinusuportahan o pinapanigan na panig ng isang nagsasalungatan, hindi na pagkakasunduan, atbp; walang kinikilingan.

Itatag ang pangangailangan:
Posible ba ang Religious Neutrality

Layunin:
Titingnan natin ang apat na katotohanan tungkol sa 'mga katotohanan' at sa lahat ng iniisip at ginagawa ng tao, walang sinuman ang makakapagsabi sa anumang paksa na sila ay nasa neutrality sa Diyos. Siyempre, ito ang humuhubog sa ating method sa apologetics.

I. Mga Katangian ng Religious Neutrality

II. Ang mga doktrina sa Bibliya ay hindi nagpapahintulot ng
 Religious Neutrality

III. Ang Religious Neutrality ay hindi etikal sa Biblikal worldview

IV. Ang Religious Neutrality ay pilosopikal na imposible


I. Mga Katangian ng Religious Neutrality

1.
Kahulugan: Ang sa neutralidad, ibig kong sabihin ay nasa isang posisyon na hindi kontra sa isang bagay. Specifically ang religious neutrality ay nangangahulugan na ang isa ay maaaring nasa isang posisyon na hindi kontra sa Diyos ng Kristiyanismo.

2. Sa apologetics, dapat nating panghawakan ang No-Neutrality 
Principle.

3. Ano ang No Neutrality Principle? Ayon kay James Anderson:
  “Ang bawat tao ay nagpapakita ng kinikilingang relihiyon – Kahit ang atheist na hindi Kristiyano, Muslim, at Hindu. Dahil imposible ang religious neutrality, hindi tamang sabihin at kumilos na parang posible o mas mabuti…”[1]

4. Ibig sabihin, sa pagtatanggol sa Kristiyanismong 
pananampalataya, hindi dapat isipin na ang Kristiyanismo ay hindi totoo o sa pag-aakala na ito ay mali.

5. May mga katangian at pag-uugali na lumitaw tungkol sa 
pagtatanggol sa religious neutrality na sumasaklaw sa isa o higit pa sa mga puntong ito:

a. Hindi ako pumapanig para o laban sa isang relihiyon.

b. May mga tao na tila taos-pusong 'neutral' sa mga nakapalibot 
na isyu tungkol sa Diyos. Hindi ba ito nagpapakita na ang isang tao ay maaaring maging neutral sa relihiyon? (Ito ay salungat sa Roma 1:18-22)

18 Nahahayag mula sa langit ang poot ng Diyos laban sa lahat ng kalapastanganan at kasamaan ng mga taong dahil sa kanilang kasamaan ay hinahadlangan ang katotohanan. 19 Sapagkat ang maaaring malaman tungkol sa Diyos ay maliwanag, dahil iyon ay ipinapahayag sa kanila ng Diyos. 20 Mula pa nang likhain ng Diyos ang sanlibutan, ang kanyang likas na hindi nakikita, ang kanyang kapangyarihang walang hanggan at ang kanyang pagka-Diyos, ay maliwanag na inihahayag ng kanyang mga ginawa. Kaya't wala na silang maidadahilan pa. 21 Kahit na kilala nila ang Diyos, siya'y hindi nila pinarangalan bilang Diyos, ni pinasalamatan man. Sa halip, naghaka-haka sila ng mga bagay na walang kabuluhan kaya't nagdilim ang hangal nilang pag-iisip. 22 Sila'y nagmamarunong ngunit lumitaw na sila'y mga hangal.

c. Walang kinalaman ang Diyos sa Sphere ng X at/o Y. 
(Tingnan sa ibaba ang Paglikha)

d. Maaaring itanong ng mga tao, "Kailangan mo ba talagang 
ilabas ang Bibliya kapag nakikitungo tayo sa Heograpiya[2], Psychology[3], Mathematics[4], Economics[5] o relasyon ng tao sa mundo[6]?"


II. Ang mga doktrina sa Bibliya ay hindi 
nagpapahintulot ng Religious Neutrality

Paglikha

Punto:
Lahat ng bagay sa mundong ito ay pag-aari ng Diyos at ito mismo ay hindi neutral tungkol sa pagkakaroon ng Diyos.

1. Saanman pumunta ang tao, nandodoon ang Diyos:
“Kung langit ang puntahan ko, tiyak na naroroon Ka, sa daigdig ng mga patay, humimlay man ako'y Ikaw din ang kasama.” (Awit 139:8) = Ito ay salungat sa ilang worldview na nag-iisip na ang Diyos ay wala sa isang tiyak na lugar, atbp.

2. Walang neutralidad sa liwanag ng awtoridad ng Diyos sa loob 
ng Kanyang nilikha, “Si Yahweh nga ang nagtayo ng trono sa kalangitan; mula doon, sa nilikha'y maghaharing walang hanggan.” (Awit 103:19) = Ang Kanyang trono ay nasa langit, at alam nating nilikha ng Diyos ang langit mula sa Genesis 1:1.

3. Ang paglikha mismo ay hindi neutral ngunit aktwal na 
nagpapatotoo na ang Diyos ng Bibliya ay totoo: “1 Ang kaluwalhatian ng Diyos ay ipinapahayag ng kalangitan! Ang ginawa ng kanyang kamay, ipinapakita ng kalawakan! 2 Sa bawat araw at gabi, pahayag ay walang patlang, patuloy na nagbibigay ng dunong at kaalaman. 3 Wala silang tinig o salitang ginagamit, wala rin silang tunog na ating naririnig; 4 ngunit abot sa lahat ng dako ang kanilang tinig, balita ay umaabot hanggang sa dulo ng daigdig. Gumawa ang Diyos sa langit ng tahanan para sa araw.” (Awit 19:1-4).

a. Pansinin kung paano ginagamit ang terminolohiya ng mga 
komunikasyon upang ipakita kung ano ang ginagawa ng Paglikha:

- “
ipinapahayag ng kalangitan” (tal. 1a)
- “ipinapakita ng kalawakan” (tal. 1b)
- “pahayag ay walang patlang” (tal. 2a)
- “nagbibigay ng dunong at kaalaman” (tal. 2b)

b. Anong katotohanan ang sinasabi sa atin ng paglikha:

- “
Ang kaluwalhatian ng Diyos” (tal. 1a)
- “Ang ginawa ng kanyang kamay” (tal. 1)

c. Ang deklarasyon na ito ay hindi maiiwasan: “
Wala silang tinig o salitang ginagamit, wala rin silang tunog na ating naririnig” (tal. 3) = Ang sabihing hindi ito malinaw o hindi pinakita nito ang Diyos ay hindi pagiging neutral ngunit kontra sa Diyos!

d. Ito ay hindi lamang isang generic (panlahat) na Diyos; 
pansinin na ang Diyos ay ang Isa na nagpahayag ng Kanyang sarili sa Bibliya bilang ayon sa sinasabi sa Awit 19:7-14

4. 1 Corinica 29:11
“Sa Inyo ang kadakilaan, ang kapangyarihan, ang karangalan at ang pagtatagumpay sapagkat Inyo ang lahat ng nasa langit at nasa lupa. Sa Inyo ang kaharian at kayo ang dakila sa lahat.”

Ang Diyos at si Kristo ang pinagmumulan ng karunungan

1. Ang ilan na nagsisikap na maging neutral ay ipinagpapalagay 
na si Kristo at ang Diyos ay hindi ang pinagmumulan ng karunungan. Ito ay salungat sa Kasulatan.

2. Si Kristo ang pinagmulan ng Karunungan at Kaalaman:
“3 Sa pamamagitan Niya nahahayag ang lahat ng nakatagong kayamanan ng karunungan at kaalaman ng Diyos. 4 Sinasabi ko ito upang hindi kayo mailigaw ninuman sa pamamagitan ng mga mapang-akit na pananalita.” (Colosas 2:3-4).

3. Ang Diyos ang Pinagmumulan ng Karunungan: “Ngunit kung 
ang sinuman sa inyo ay kulang sa karunungan, humingi siya sa Diyos at siya'y bibigyan, sapagkat ang Diyos ay nagbibigay nang sagana at hindi nanunumbat.” (Santiago 1:5) = Alinman sa kung ang karunungan ay mula sa Diyos o ito ay hindi; kung hindi ka sumasang-ayon dito, ang ikaw ay hindi neutral kundi kontra sa sinasabi ng Diyos.

Ang pagiging eksklusibo ng Kristiyanismo

Sinasabi ng Kasulatan na ang kaligtasan ay eksklusibo sa pamamagitan ng Biblikal na si Kristo lamang.

1.
“Sumagot si Jesus, ‘Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makakapunta sa Ama kundi sa pamamagitan Ko.’” (Juan 14:6)

2.
“Sa Kanya lamang matatagpuan ang kaligtasan, sapagkat walang ibang pangalan sa buong daigdig na ibinigay ng Diyos sa mga tao upang tayo ay maligtas.” (Gawa 4:2)

3.
“Ang hindi panig sa Akin ay laban sa Akin, at ang hindi Ko kasamang mag-ipon ay nagkakalat.” (Mateo 12:30)

Ang sinomang hindi nagustuhan ang mga talatang ito kung gayon ay hindi na isang neutral.


III. Ang Religious Neutrality ay hindi etikal sa 
Biblikal worldview

Ang layunin ng tao ay luwalhatiin ang Diyos sa lahat ng bagay.

1.
“At anuman ang inyong gagawin o sasabihin, gawin ninyong lahat sa pangalan ng Panginoong Jesus at sa pamamagitan Niya'y magpasalamat kayo sa Diyos Ama.” (Colosas 3:17)

2.
“Kaya nga, kung kayo'y kumakain o umiinom, o anuman ang ginagawa ninyo, gawin ninyo ang lahat sa ikararangal ng Diyos.” (1 Corinto 10:31)

Ang tao ay dapat magpasakop sa sinasabi ng Diyos.

1. Kung hindi, kung gayon siya ay naghihimagsik laban sa Diyos 
at hindi nagpapasakop sa Kanya.

2. Hindi siya nagpapasakop sa Diyos at hindi siya neutral.


IV. Ang Religious Neutrality ay pilosopikal na 
imposible

Ang tao ay hindi maaaring maging malaya sa mga pagpapalagay
(presuppositions).

1. Ayon kay James Anderson: “Sa tuwing ilalapat natin ang ating 
isipan sa isang partikular na paksa, hindi maiiwasang magdadala tayo ng maraming mga pagpapalagay—iyon ay, mga lihim na pilosopikal na mga palagay—tungkol sa kalikasan ng tao, pinagmulan ng tao, katwiran ng tao, ang konstitusyon ng realidad, ang mga batas ng kalikasan, ang pinagmumulan ng mga halaga, layunin, kahulugan, at sa huli ay ang Diyos.”[7]

2. Ang mga presuppositions/philosophical assumption alinman 
sa mga ito – ito man ay kumikilala sa Diyos o hindi kinikilala ang Diyos, wala sa kanila ang neutrality.

Ang pagiging neutral ay anti-theistic

1. Kapag sinabi ng isang tao na Siya ay neutral sa pag-iral ng 
Diyos o Kristiyanismo, siya mismo ay may anti-theistic o hindi-Kristiyanong palagay. Hindi ito neutral.

2. ANALOGY: Kapag may nagsabi na sila ay neutral sa Holocaust 
at kapag ang ilang mga tumakas na Jews ay humingi ng tulong sa iyo, ang iyong 'neutrality' na posisyon patungo sa Holocaust at hindi pagtulong ay isang posisyon at aksyon pa rin laban sa tumakas na mga Hudyo. Gayundin sa Diyos at sa ating moral na obligasyon sa Kanya.

Ang Neutrality ay hindi mismo religious neutral

1. Ang makipagtalo para sa neutralidad, ay ang pakikipagtalo 
para sa isang posisyon, at kung mas maraming ebidensya at argumento na meron sila, mas maliwanag na ang neutralidad mismo ay isang posisyon.

2. Gayunpaman, ang mismong punto ng neutralidad ay hindi na 
neutral. Ito ay isang bagay na pinagtatalunan ngayon at ipagpalagay na ito ay humihingi ng tanong.

[1] James Anderson, “Presuppositionalism and Frame’s Epistemology” in Speaking the Truth in Love: The Theology of John M. Frame, (Phillipsburg, New Jersey: Presbyterian and Reformed Publishing, 2009), 447-48.

[2] See my article “Impossible Neutrality: An Analogy from Humanistic Geography” for Reformed Perspectives Magazine, Volume 9, Number 33, August 12 to August 18, 2007: https://thirdmill.org/newfiles/jim_li/jim_li.impossibleneutrality.html.

[3] I recommend any book on this topic by Jay Adams.

[4] Poythress, Vern. “A Biblical View of Mathematics” in Foundation of Christian Scholarship: Essays in the Van Til Perspective. California: Ross House Books, 1979: Pages 159-188.

[5] North, Gary and DeMar, Gary.
  Christian Reconstruction: What It is, What It Isn’t Texas: Institute for Christian Economics, 1991.

[6] Schaeffer, Francis A. Pollution and the Death of Man: The Christian View of Ecology. Illinois: Tyndale House Publishers, 1970

[7] James Anderson, “Presuppositionalism and Frame’s Epistemology” in Speaking the Truth in Love: The Theology of John M. Frame, (Phillipsburg, New Jersey: Presbyterian and Reformed Publishing, 2009), 447.

 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Name of God: Fortress - "Kapangyarihan ng Imahenasyon" (102 of 366)

Name of God: Fortress Kapangyarihan ng Imahenasyon Basahin: Kawikaan 18:10-16 (102 of 366) “Ang ari-arian ng isang mayaman ay kanyang kanlu...