Name of God: The LORD of Host (Yahweh Sabaoth)
Espirituwal na RealidadBasahin: 2 Hari 6:8-17
(47 of 366)
“Si Yahweh nga ay purihin ng buong sangkalangitan, kayong mga lingkod Niyang masunurin kailanman.” (Awit 103:21)
Kung manonood ka ng 3-D na pelikula na wala kang suot na 3-D glasses ay ang magiging dahilan para hindi natin matamasa ang buong epekto ng pelikula. Gayundin sa buhay, kapag naniniwala tayo na kung ano ang nakikita natin ay naroon na lahat, hindi natin natamasa ang mga pagkakataon na ma-enjoy ang buong sukatan ng biyaya at kapangyarihan ng Diyos. Ang resulta ay madalas may pakiramdam tayo ng pagkatalo at labis na nasasaktan ng mga tao at mga pangyayari.
Ang lingkod ni Eliseo ay maaaring ang nakikita lamang niya ay ang hukbo ng kaaway na nakapaligid sa lungsod na may mga kabayo at karo. Malang na natatakot ang kanyang reaksyon. Hindi tinangka ni Eliseo na kumbinsihin ang kanyang lingkod na isuko ang kanyang takot. Sa halip, ipinagdasal niya na buksan ng Panginoon ang mga mata ng kanyang alipin sa hindi nakikitang katotohanan. Ang kaaway ay maaaring nakapaligid sa lungsod, ngunit ang mga hukbo ni Yahweh ay nakapaligid sa kaaway-at ang buong bundok!
Sa Efeso 6:12, nagbabala si apostol Pablo na, “hindi tayo nakikipaglaban sa mga tao, kundi sa mga pinuno, sa mga maykapangyarihan, sa mga tagapamahala ng kadilimang umiiral sa sanlibutang ito, sa mga hukbong espirituwal ng kasamaan sa himpapawid.” Hindi dahil sa hindi natin nakikita ang espirituwal na mundo na ito ay hindi nangangahulugan na hindi ito totoo. Kahit na ang ating kaaway ay maaaring makapangloko at umatake, ay hindi tayo dapat matakot dahil kabilang tayo kay Yahweh Sabaoth. Siya ang nakikipaglaban sa ating mga laban at binibigyan tayo ng tagumpay.
Pagbulayan:
Paano mo babaguhin ang iyong pananaw upang walang humarang sa iyong pananaw kay Yahweh Sabaoth?
Panalangin:
Yahweh Sabaoth, buksan Mo po ang aking mga mata sa mga espirituwal na katotohanan sa paligid ko.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento