Biyernes, Hulyo 1, 2022

Name of God: The LORD My Banner (Yahweh Nissi) - "Itaas ang Krus" (44 of 366)

Name of God: The LORD My Banner (Yahweh Nissi) 

Itaas ang Krus
Basahin: Bilang 21:4-9
(44 of 366)

“14 At kung paanong itinaas ni Moises ang tansong ahas doon sa ilang, gayundin naman, kailangang itaas ang Anak ng Tao, 15 upang ang sinumang sumampalataya sa Kanya ay magkaroon ng buhay na walang hanggan.”
(Juan 3:14-15)

Isang brutal na paraan ang pagpatay ang pagpako sa tao sa krus. Ngunit ngayon, milyon-milyong mga Kristiyano ang nagsusuot ng krus upang ipahiwatig kung sino sila at kung ano ang kanilang pinaniniwalaan. Para sa mundo ng mga hindi naniniwala, walang saysay ang pagsuot ng munting electric chair na nakakwintas sa kanilang leeg.

Malamang na ganoon din ang iniisip ng mga Israelita noong una nilang marinig ang pagpapagaling ng Diyos sa salot ng mga makamandag na ahas. Sinabi ng Diyos kay Moises na gumawa ng isang tansong ahas, ang larawan ng dahilan ng kanilang pagdurusa, at ilagay ito sa isang pamantayan upang makita ng mga tao. Kapag tinignan nila ito nang may pananampalataya, sila ay gagaling. Mayroon silang pagpipilian: tumingin at mabuhay, o maghanap ng ibang lunas at mamatay.

Sa pamamagitan ng Kanyang pagkapako sa krus, kinuha ni Hesu-Kristo ang kasalanan ng mundo sa Kanyang sarili. Sa pagtingin sa krus, nakikita natin ang Kanyang kabayaran para sa ating kasalanan. Siya ang tanging pag-asa natin sa kaligtasan. Mayroon tayong pagpipilian: tumingin sa krus at mabuhay, o maghanap ng ibang lunas at mamatay.

Ang Aking Panginoon na Watawat ay tinaas ang Kanyang pamantayan: ang krus ay itinaas nang mataas. Ito ay nagpapahiwatig na tayo ay kay Jesus, ang ating Yahweh Nissi.

Pagbulayan:
Minsan ka na bang tumingin sa krus bilang ang natatanging lunas sa iyong kasalanan? Kung oo, paano nito mababago ang buhay mo sa pagharap sa mga pagsubok sa buhay na ito?

Panalangin:
Yahweh Nissi, salamat po sa pag-taas Mo sa Iyong Anak na si Jesus sa Krus upang maging lunas naming sa aming mga kasalanan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Name of God: Fortress - "Kapangyarihan ng Imahenasyon" (102 of 366)

Name of God: Fortress Kapangyarihan ng Imahenasyon Basahin: Kawikaan 18:10-16 (102 of 366) “Ang ari-arian ng isang mayaman ay kanyang kanlu...