Name of God: The LORD My Banner (Yahweh Nissi)
Sa Ilalim ng Kanyang WatawatBasahin: 1 Corinto 9:19-23
(45 of 366)
“Hindi ko ikinahihiya ang Magandang Balita, sapagkat ito ang kapangyarihan ng Diyos para sa kaligtasan ng bawat sumasampalataya, una'y sa mga Judio at gayundin sa mga Griego.” (Roma 1:16).
Natural sa atin ang magkaroon ng pagnanais na tayo ay magustuhan ng iba. Ang mga taong naiiba ay may posibilidad na maakaakit ng negatibong atensyon. Gayunpaman, sa ating kagustuhan na magustuhan ng iba, ay magdala sa atin para maitulak natin si Jesus palabas.
Nakaugalian ni apostol Pablo ang pakikipag-ugnayan sa iba ayon sa kanilang mga kondisyon, ngunit hindi niya kailanman nakalimutan ang kanyang layunin na mahikayat ang mga tao kay Kristo. Hindi ikinahihiya ni Paul na mamuhay sa ilalim ng bandila ni Yahweh.
Sa ngayon, ang ating pagnanais na tanggapin ng iba ay maaaring higitian ang ating pagnanais na magpatotoo para kay Kristo. Sa halip na mamuhay sa ilalim ng bandila ni Yahweh, itinatago natin ang krus ni Kristo sa ilalim ng kumot.
Alam ba ng ating mga katrabaho kung kanino tayo kabilang? Habang nagsusumikap tayong umunlad, ikokompromiso ba natin ang ating patotoo para kay Kristo? Alam ba ng ating mga kapitbahay na tayo ay kay Yahweh Nissi? Sumasali ba tayo sa mga tsismis sa kapitbahayan, o ibinabahagi ba natin ang pag-ibig ng Diyos upang pasiglahin ang mga nasasaktan?
Ang pamumuhay sa ilalim ng bandila ni Yahweh Nissi ay nangangahulugan ng pamamahinga sa Isa na ating kinabibilangan, nagtitiwala na Siya ang ating tiyak na pagtatanggol, at pamumuhay ng isang buhay na nagtuturo sa mga tao sa Kanya.
Pagbulayan:
Paano mo itinatago ang iyong katapatan kay Yahweh Nissi sa halip na mamuhay sa ilalim ng Kanyang bandila?
Panalangin:
Yahweh Nissi, ipinagtatapat ko po na hindi ko laging naipapamuhay sa paraang dinadala ko ang mga tao sa Iyo. Tulungan Mo po akong hindi ikahiya ang krus habang ako ay nabubuhay sa ilalim ng Iyong bandila.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento