Lunes, Hulyo 4, 2022

Name of God: The LORD of Host (Yahweh Sabaoth) - "Ang Kampeon" (46 of 366)

Name of God: The LORD of Host (Yahweh Sabaoth) 

Ang Kampeon
Basahin: 1 Samuel 17:1-9, 32-51
(46 of 366)

“Sumagot si David, ‘Ang dala mo'y tabak, sibat at pantusok, ngunit lalabanan kita sa pangalan ni Yahweh, ang Makapangyarihang Diyos ng Israel na iyong hinahamak.’”
(1 Samuel 17:45)

Karamihan siguro sa atin ay may naaalala na mga bully sa paaralan. Kapag hindi sila napapansin, kawawa ang kanilang mapagtitripan. Ang mga biktima ng isang bully ay lahat nagnanais na magkaroon ng kampeon na makakatapat ang bully na iyon upang pabagsakin ang dahilan ng kanilang paghihirap.

Isipin natin kung ano ang nadarama ng hukbo ng Israel sa harap ng mga panunuya ni Goliat. Ang Israel ay pag-aari ni Yahweh, ngunit walang may lakas ng loob na harapin ang higanteng Filisteo. Kailngan nila ng kampeon na lalaban para sa kanila.

Naunawaan ng isang batang pastol ang hindi nakuha ng iba. Ang mga panunuya ni Goliat ay hindi lamang laban sa Israel, sila ay laban sa “
mga hukbo ng buhay na Diyos” (1 Samuel 17:36). Ang pagtuya sa Israel ay pag-aalipusta sa Diyos ng Israel.

Sa lakas ng loob na pinalakas ng karanasan, naghanda si David na lumaban. Si Yahweh Sabaoth, ang Panginoon ng mga Hukbo, ay nakipaglaban para sa kanya noon. Nagtiwala si David sa Panginoon na muling bibigyan siya ng tagumpay.

Bagama't ang hukbo ng Israel ay nagmartsa sa ilalim ng bandila ni Yahweh, nag-alinlangan sila sa kapangyarihan ng Panginoon ng mga Hukbo. Ngunit ang Panginoon ay naghintay para sa isang tao na sumulong sa pananampalataya. Ginamit Niya si David upang ipakita ang Kanyang sarili na makapangyarihan sa labanan alang-alang sa Kanyang bayan at alang-alang sa Kanyang sariling Pangalan.

Pagbulayan:
Paanong ang pagkaalam na ikaw ay kay Yahweh Sabaoth ay nagbabago sa paraan ng pagtingin mo sa iyong kinatatakutan?

Panalangin:
Yahweh Sabaoth, ipakita Mo po ang Iyong sarili na makapangyarihan para sa Iyong kaluwalhatian sa paghakbang ko nang may pananampalataya ngayon.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Name of God: Fortress - "Kapangyarihan ng Imahenasyon" (102 of 366)

Name of God: Fortress Kapangyarihan ng Imahenasyon Basahin: Kawikaan 18:10-16 (102 of 366) “Ang ari-arian ng isang mayaman ay kanyang kanlu...