Name of God: The LORD of Host (Yahweh Sabaoth)
MaipagtatanggolBasahin: Isaias 54:11-17
(48 of 366)
“Ipagtatanggol kayo ni Yahweh, pumanatag lamang kayo.” (Exodo 14:14)
May mga pagkakataon na tayo ay nag gumaganti ng sobra kapag tayo ay inakusahan ng mali o inatake. Tayo ay sabik na igiit na tayo ay walang kasalanan at iginigiit ang mga karapatan habang nagpoprotesta tayo sa kawalan ng katarungan.
Ngunit tinuturuan tayo ni Yahweh Sabaoth na tumugon nang iba. Kung tayo ay sa Kanya, tayo ay higit na magtiwala sa Kanya na Siya ang lalaban sa atin at magtatanggol. Bagama’t alam nating iingatan ng Diyos ang Kanyang Salita, may pagkakataon na tayo ay nababalisa sa kung kailan at paano Niya tutuparin ang Kanyang mga pangako. Kailan tayo bibigyan ng katarungan ng Diyos? Paano Niya ito gagawin? Magkakaroon ba tayo ng kasiyahang makita ang mga nagpapahirap sa atin na magdusa gaya ng ating pagdurusa?
Matapos ipropesiya ni Isaias ang paghuhukom sa Israel, pinagtibay niya ang pagtatanggol ng Panginoon sa kanila. Gayunpaman, ang paghihintay kay Yahweh Sabaoth na kumilos sa Kanyang panahon at sa Kanyang paraan ay nangangahulugan na marami ang mamamatay bago nila makita ang Kanyang pagtatanggol laban sa kanilang mga nang-aapi. Mukhang hindi ito patas, ngunit gagawin ng Diyos ang Kanyang perpektong kalooban para sa kanilang kabutihan at para sa Kanyang kaluwalhatian.
May sinabi din si Jesus tungkol sa kung ano ang gagawin kapag tayo ay napagbintangan o inuusig nang dahil sa Kanya. Sinasabi sa atin ng Lucas 21:14-15 na huwag mag-alala tungkol sa ating pagtatanggol. Kapag kailangan natin ito, bibigyan Niya tayo ng mga tamang salita sa tamang panahon, dahil Si Yahweh Sabaoth ang ating tiyak na tagapagtanggol.
Pagbulayan:
Paano ikaw tutugon kapag ikaw ay inakusahan ng mali? Sa tingin mo ba na ang tugon na ito ay makakatulong?
Panalangin:
Panginoon ng mga Hukbo, tulungan mo akong tumahimik at magtiwala sa Iyo habang lumalaban Ka para sa akin.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento