Huwebes, Hunyo 30, 2022

Name of God: The LORD My Banner (Yahweh Nissi) - "Ang Watawat ng Depensa" (43 of 366)

Name of God: The LORD My Banner (Yahweh Nissi) 

Ang Watawat ng Depensa
Basahin: Exodo 17:8-16
(43 of 366)

“Nagtayo si Moises ng isang altar at tinawag niya itong, ‘Si Yahweh ang aking Watawat.’
” (Exodo 17:15)

Noong sinaunang panahon, ang mga pinuno ng military ay buong pagmamalaking nagmamartsa sa ilalim ng kanilang watawat o sa isang makintab na palamuting metal na nakakabit sa isang mataas na poste para makita ng lahat. Ang watawat na ito, o pamantayan, ay ang siyang laging kasama ng hukbo sa labanan at nagmamartsa ang mga sundalo upang ipaglaban ang kanilang layunin. Kapag nahulog ang kanilang watawat, ganoon din ang pag-asa nila para sa tagumpay.

Itinaguyod ni Yahweh ang Israel sa pamamagitan ng mga salot, inilabas sila sa pagkaalipin sa Egipto, at pinrotektahan sila sa Dagat na Pula. Pagkatapos ay nagdulot ng bagong panganib ang mga Amalekita.

Habang buong tapang na pinangunahan ni Josue ang mga Israelita sa labanan, si Moises ay nakatayo sa isang burol, hawak ang tungkod na ginamit ng Diyos para gumawa ng mga himala para sa kanila. Hangga't itinaas ni Moises ang tungkod, nanaig ang mga Israelita. Nang ibinaba niya ang kanyang mga braso dahil sa pangangalay, bumaling ang labanan laban sa kanila. Ang itinaas na tungkod ay nagpahayag ng kanilang pag-asa kay Yahweh Nissi, ang Panginoong Aking Watawat. Hindi nila naipanalo ang kanilang tagumpay sa larangan ng digmaan sa sarili nilang lakas. Ang tagumpay ay nakamit nila sa ilalim ng bandila na kumakatawan sa kanilang Panginoon.

Pinangungunahan pa rin ni Yahweh Nissi ang daan para sa Kanyang bayan ngayon. Siya ang ating depensa, ang Isa na nagpoprotekta sa atin sa ilalim ng bandila ng Kanyang banal na pangalan. Bagama't hinahanap ng ating espirituwal na kalaban ang ating pagkatalo, ang ating tagumpay ay natitiyak dahil tayo ay kay Yahweh Nissi.

Pagbulayan:
Paano ipinahayag ng Diyos ang Kanyang sarili sayo bilang Yahweh Nissi, Ang Panginoon na ating Watawat, sa linggong ito?

Panalangin:
Yahweh Nissi, salamat po sa pagiging kalasag at tagapagtanggol ko sa lahat ng pagkakataon.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Name of God: Fortress - "Kapangyarihan ng Imahenasyon" (102 of 366)

Name of God: Fortress Kapangyarihan ng Imahenasyon Basahin: Kawikaan 18:10-16 (102 of 366) “Ang ari-arian ng isang mayaman ay kanyang kanlu...