Huwebes, Marso 31, 2022

Be W.A.T.C.H.ful – in Your Action (Part 2 of 5)


Be W.A.T.C.H.ful – in Your Action
Theme verse: 2 Timothy 4:5 (NKJV)


2 Timothy 4:5 (NKJV)
“But you be watchful in all things…”




Isa sa mga Pastor na guro ko sa Bible School ang nag kwento patungkol sa isa nilang kasamahan sa kwarto noong nag-aaral pa sila sa Bible School. Kwento niya na lagi daw nila inaasar at binu-bully ang ka-roomate nila na ito. Isang araw ng ito ay mapuno ay sinabi nito sa kanila na, “kapag ako naging Pastor hinding-hindi ko kayo iimbitahan para mag preach sa pulpito ko dahil kilala ko mga tunay nyong ugali!”

Ang kwentong ito ay nag-iiwan ng mensahe sa atin na marami ang nag-oobserba sa buhay natin kung nakikita ba sa buhay natin ang sinasabi natin na tayo ay mga taga-sunod ni Kristo. Maraming mga tao ang ayaw yakapin ang Kristiyanismo dahil natitisod sa mga nagsasabing sila ay Kristiyano ngunit hindi nakikita sa buhay nila. Marami naman ang mga tao ang nadala sa Panginoong Jesus dahil nakita nila ang binagong buhay sa kanilang kaibigan na dahilan para sila ay mahikayat na yakapin din ang pananampalataya kay Kristo. Ito ang paalala ni apostol Pedro sa kanyang unang sulat, “
sa mga hinirang ng Diyos sa lalawigan ng Ponto, Galacia, Capadocia, Asia, at Bitinia” (1 Pedro 1:1), na ang mga tao ay nanonood sa bawat galaw natin para makita kung ano ang pagbabago sa ating buhay dahil sa ating sinasampalatayanan. Ang mga tao na hindi mananampalataya ay nasa paligid natin, sabi ni Pedro sa, 1 Pedro 2:12, “Mamuhay kayo nang maayos sa gitna ng mga Hentil upang kahit na paratangan nila kayo ng masama, makikita nila ang inyong mabubuting gawa at magpupuri sila sa Diyos sa Araw ng Kanyang pagdating.

Iyan ang ating titignan ngayon bilang pangalawang bahagi sa serye na ating nasimulan nakaraan. Tinitignan natin ang payo ni apostol Pablo ay Timoteo sa, 2 Timothy 4:5 (NKJV),
“But you be watchful in all things…” Mula dito ay tinitignan natin kung saang area ng buhay natin ang dapat nating bantayan. Kaya ginamit natin ang salitang “WATCH.” Meron tayong limang bahagi sa pag-aaral na ito:

Be watchful in your…
Word
Action
Thought
Company
Heart

Nasimulan na natin nakaraan ang “Word,” ngayon naman ay dako tayo sa pangalawa, “be watchful in your…

II. Action

Basahin natin muli ang 1 Pedro 2:12:
Mamuhay kayo nang maayos sa gitna ng mga Hentil upang kahit na paratangan nila kayo ng masama, makikita nila ang inyong mabubuting gawa at magpupuri sila sa Diyos sa Araw ng Kanyang pagdating.

Ang ibig sabihin dito ng salitang “
makikita,” ay hindi lang isang sulyap na tingin lang kundi ito ay konsentradong pag-oobserba. Ang mga tao sa paligid natin ay nag tatala sa kanilang isip patungkol sa na-obserbahan nila sa atin. May isang Pastor na nakapagsabi sa akin na ingatan ko lagi ang kilos ko sa bawat lugar na pinupuntahan ko dahil normal sa tao at hindi maiiwasan na pag-alis mo ay pag-uusapan ka nila. Pag-uusapan nila ang kani-kanilang obserbasyon sayo. Ang tanong lang sa atin ay ano ang pinag-uusapan nila sa atin? Magandang bagay ba o hindi magandang bagay? Sa ayaw man natin o hindi ay pinagmamasdan tayo ng mga tao sa ating paligid, lalo na kung tayo ay nagsasabi na tayo ay mananampalataya.

What do they watch? Ano ba ang pinapanood nila sa atin? Tinitignan nila kung ang ating pag-uugali ba ay tumutugma sa ating mga paniniwala, kung ang ating paglalakad ba ay tumutugma sa lahat ng ating kinikilos. Ito ba ay tuloy-tuloy na naipapamuhay natin sa buong linggo. Sa madaling salita ay tinigtignan nila kung tayo ba ay may integridad.

Ang tanda ng buhay Kristiyano ay integridad. Iyan ang titignan natin natin sa pag-aaral na ito: Ang kahulungan ng integridad; ang modelo ng integridad; at ang pagpapakita ng integridad. Una nating tignan ay…

I. Ang Kahulugan ng Integridad

Sa Lumang Tipan, ang salitang Hebreo na isinalin sa salitang "integridad" ay nangangahulugang "isang kundisyon na pagiging walang kapintasan, pagiging ganap, perpeksyon, sinseridad, pagiging marangal, katapatan, kabutihan." Ang integridad sa Bagong Tipan ay nangangahulugan ng "katapatan at pagsunod sa isang pamantayan ng mabubuting gawa." Ang sabi sa Kawikaan 10:9,
“Ang namumuhay nang tapat ay pinaghaharian ng kapayapaan, ngunit ang may likong landas ay malalantad balang araw.” Ang buhay ng may integridad ay parang bukas na libro. Tumutugma sa pag-uugali nila ang kanilang paniniwala. Ang kanilang paglakad ay tumutugma sa kanilang pananalita. Ang kanilang karakter ay tumutugma sa kanilang inaamin. Kung sino sila pag aral ng Linggo ay iyon din sila kapag araw ng Lunes at sa buong linggo.

II. Ang Modelo ng Integridad

Si Jesus ang perpektong halimbawa ng isang lalaki ng integridad. Pagkatapos na bautismuhan, pumunta Siya sa ilang para mag-ayuno sa loob ng apatnapung araw at apatnapung gabi kung kailan dumating si Satanas sa Kanyang pinakamahinang sandali para subukang sirain ang Kanyang integridad. Si Jesus ay tunay na tao at tunay na Diyos sa parehong panahon, at tinukso Siya sa lahat ng paraan ngunit hindi nagkasala kailanman (Hebreo 4:15); ito ang kahulugan ng integridad. Si Jesus lamang ang nag-iisang walang dungis, perpekto, ganap ang katapatan, at laging nagpapakita ng mabubuting gawa.

Pinatunayan ng Kanyang buhay ang Kanyang kadalisayan at mahusay na pagkatao, na ang kahit ang Kanyang mga kaaway ay nakakapagsabi na lamang sa Kanya ng,
“nalalaman po naming Kayo'y tapat at walang kinikilingan. Pantay-pantay ang pagtingin ninyo sa lahat ng tao at itinuturo ninyo ang tunay na kalooban ng Diyos para sa tao,” (Marcos 12:14). Sa ibang salin ng Biblia ay ganito ang pagkakasabi, “nalalaman po naming Kayo’y taong may integridad.” Kahit na sa pagtatapos ng Kanyang buhay dito sa lupa habang Siya ay nakatayo sa harap ni Pilato sa panunuya ng isang paglilitis, sinabi ng pinuno, “Wala akong makitang kasalanan sa taong ito,” (Lucas 23:4). Walang batayan para sa pagkakasala, walang katibayan ng kasalanan, na natagpuan kay Jesus. Sa madaling salita, ang Kanyang pag-uugali ay tumutugma sa Kanyang paniniwala, ang Kanyang paglalakad ay tumutugma sa Kanyang pananalita, ang Kanyang pagkatao ay tumutugma sa Kanyang pag-amin.

Dahil sa mga kadahilanang ito kung bakit sinabi ni Pedro sa mga mananampalataya na, “
Ang pagtitiis ng hirap ay bahagi ng pagkatawag sa inyo ng Diyos, sapagkat nang si Cristo ay magtiis para sa inyo, nag-iwan Siya sa inyo ng isang halimbawa na dapat ninyong lubos na tularan,” (1 Pedro 2:21). Ibinigay sa atin ni Pedro ang halimbawa, ang modelo ng integridad na dapat nating sundin. Kung pinagmamasdan tayo ng mundo, dapat ay pinagmamasdan natin si Kristo. Dapat nating tularan ang Kanyang halimbawa. Dapat nating gawin ang ginawa Niya.

Makakatulong sa atin na kung tayo ay gagawa ng desisyon sa buhay natin o nahaharap sa isang sitwasyon at may pagpipilian tayong dapat gawin ay mainam na tanungin muna natin ang tanong na ito sa ating sarili: “Ano kaya ang gagawin ni Jesus kung sakaling Siya ang nasa kalagayan ko?” Ito ay simple pero makakatulong na malaki sa atin para maging intensyonal na maipamuhay natin ang pamumuhay na tulad ni Jesus na may integridad.

III. Ang Pagpapakita Ng Integridad

Ngunit paano ba natin maisasanay ang ating sarili sa pamumuhay na may integridad bilang pang-araw-araw na pamumuhay? Saan tayo mas napapanood ng mga tao? Sinagot ni Pedro ang mga tanong na ito. Tinukoy niya ang ilang area kung saan sinusubok ang integridad ng mga nagmamasid na sankibutan sa ating mga galaw at kilos. Nagbigay din siya ng ilang praktikal na solusyon na dapat gawin sa mga area na iyon para mapanatili ang ating integridad.

A. Lumayo sa mga mapang-akit na mga 
sitwasyon.

“Mga minamahal, nakikiusap ako sa inyo, bilang mga dayuhan at pansamantalang naninirahan lamang sa daigdig na ito, talikuran na ninyo ang mga pagnanasa ng laman na nakikidigma sa inyong mga sarili.”
(1 Pedro 2:11).

Noong ako ay nagtatrabaho pa sa Makati, kada darating ang aming company outing ay hindi na ako sumasama dahil puno ng tukso na pinipilit ko nang talikuran gaya ng pag-iinom ng alak. Dahil kapag nakakaamoy ako ng alak ay baka mahulog na naman ako sa pagkakasala.

Sa mga nakakatuksong sitwasyon ay dapat tayong tumakas, lalo na kung alam natin na ito ang ating kahinaan para mahulog sa pagkakasala. Takbuhan natin ito. Lumayo tayo. Kung ang kahinaan natin ay ang panonood ng porno ay huwag tayong magdala ng cellphone sa banyo o huwag tayong hahawak ng cellphone kapag tayo lang ang mag-isa. Huwag kayong pupunta sa isang lugar na ikaw lang at ang kaiba mo ng kasariaan. Maaarin ding pag-iwas sa mga kaibigan o grupo ng mga tao na maaaring mag-udyok sa atin na magkasala.

B. Magpakita ng respeto sa mga may awtoridad 
na sitwasyon.

“13 Alang-alang sa Panginoon, pasakop kayo sa lahat ng may kapangyarihan sa bayan, sa Emperador, na siyang pinakamataas na kapangyarihan, 14 at sa mga gobernador, na isinugo Niya upang magparusa sa mga gumagawa ng masama at magparangal sa mga gumagawa ng mabuti…17 Igalang ninyo ang lahat ng tao at mahalin ang mga kapatid kay Cristo. Mamuhay kayo nang may takot sa Diyos. Igalang ninyo ang Emperador.”
(1 Pedro 2:13-14, 17).

Nagpaalala si Pedro sa atin na igalang ang gobyerno at ang mga nagpapatupad ng mga batas para sa gobyerno. Dapat tayong pasakop, o manangan sa kanila. Ito ay tanda ng isang mananampalataya. Ang pagpapasakop ay hindi tanda ng kahinaan; ito ay tanda ng pagpipigil sa sarili. Sinasabi nito sa atin na hindi lagi ang gusto ko ang masusunod sa lahat ng oras.

Ang sinasabi ng integridad na maaaring hindi ko gusto ang batas, pero susundin ko ito. Sinasabi ng integidad na maaaring hindi ko gusto ang tao sa gobyerno o yung nasa awtoridad, pero gagalangin ko ang nasa posisyon. Sinasabi ng integridad na maaaring hindi ko gusto ang direksyon na pupuntahan ng bansa, pero mananalangin ako para sa interbensyon ng Diyos. Sinasabi ng integridad na susundin ko muna ang Diyos, kahit na nangangahulugan ito na dumaranas ako ng parusa sa paggawa ng tama.

C. Sa kapaligiran ng trabaho, panindigan kung 
ano ang tama.

“Mga alipin, magpasakop kayo sa inyong mga amo at igalang ninyo sila, hindi lamang ang mababait at mapagbigay kundi pati ang malulupit.”
(1 Pedro 2:18)

Ang pang-aalipin ay laganap sa Imperyo ng Roma. Mga 60 milyong tao ang naging alipin sa panahon nila. Hindi sila itinuturing na mga tao, ngunit sila ay pagmamay-ari ng kanilang amo. Bagama’t wala tayong ganitong pang-aalipin sa ating bansa at panahon ngayon, naaangkop pa rin ang talatang ito. Hayaan nyo kong baguhin ang dalawang salita na angkop sa panahon natin ngayon, “Mga empleyado, magpasakop kayo sa inyong mga employer at igalang ninyo sila
, hindi lamang ang mababait at mapagbigay kundi pati ang malulupit.”

Bilang mga mananampalataya kay Kristo, ang ating integridad ay dapat gumagawa din sa atin. Ito ay nakikita mismo sa paraan ng pagtrato naitn sa ating mga boss, sa aitng kliyente, at sa mga kapwa empleyado. Ito rin ay nakikita sa paraan ng pagtugon natin sa mga pamamaraan at patakaran ng kumpanya, sa mahirap at kung minsan ay hindi makatarungang mga pagtatalaga, at sa lugar ng trabaho, mismo. Mas nakikita ito sa ating saloobin at paninindigan at katapatan na ipinapakita natin sa lugar kung saan tayo nag tatrabaho. Tandaan natin na ang mga tao sa paligid natin ay nanonood at nag-o-obserba.

Hinihingi ng integridad na manindigan tayo sa kung ano ang tama at matuwid na dapat gawin sa lahat ng oras.

D. Sa pagdurusa, hanapin ang Diyos.

“Sapagkat kapuri-puri ang nagtitiis ng parusa kahit walang kasalanan, bilang pagsang-ayon sa kalooban ng Diyos.”
(1 Pedro 2:19).

Ang pinakamalaking pagsubok sa integridad ay kung paano tayo tumugon sa pagdurusa. Walang mas mabilis na paraan para makita ang pagkatao ng isang tao kaysa sa mga problema at sakit. Iyan ang isa sa mga dahilan kung bakit ito ay pinahihintulutan ng Diyos. Kapag dumaan tayo sa pagdurusa, talagang ipinapakita nito kung ano tayo. Nadidiskubre natin ang problema natin at nakikita natin kung sino talaga tayo.

May nakapagsabi na, ”Ang mga Kristiyano ay parang tea bags, hindi malalaman kung ano ang nasa loob hanggat hindi nailalagay sa mainit na tubig.”

Habang tayo ay nabubuhay sa mundong ito, lagi tayong makakaranas ng pagdurusa. Tayo ay laging may mga problema. Magkakaroon tayo ng sakit. Ang tanong lang ay: papaano tayo tumutugon sa mga ito? Isa ito sa mga tinitignan ng mga tao sa atin kung papaano tayo tumutugon sa mga ito.

Sa gitna ng ating pagdurusa hanapin natin ang Diyos. Ang tanong nating ay hindi dapat, “bakit ito nangyayari sa akin?” Sa halip ay, “Ano ang Iyong tinuturo sa akin dito?”

Konklusyon:
Narito ang mga katotohanan: Ang ating integridad ay sinusubok araw-araw, sa halos lahat ng sitwasyon. Pinagmamasdan tayo ng maigi ng mga tao sa ating paligid para makita kung paano tayo tutugon. Ang pagpili ng ating lakad na tumutugma sa ating pananalita, sa ating pag-uugali na tumutugma sa ating mga paniniwala, sa ating pagkatao na tumutugma sa ating pag-amin ay iniiwan na sa atin. Ano ang gagawin natin?

_______________________________________________________ 

PAG-ISIPAN:
1. Bakit mahalaga ang integridad sa buhay ng isang Kristiyano?
2. Ano ang mangyayari kung wala tayong integridad sa ating kinikilos at pananalita?
3. Ano naman ang magandang maidudulot kung tayo ay mamumuhay na may interidad?

PAGSASABUHAY:
1. Saang area ng buhay mo kailangan mo ang integridad?
2. Ano ang mga iiwasan mo (grupo ng mga tao, kaibigan, lugar, gawa) para makapamuhay na may integridad?
3. Kabisaduhin ang talatang ito:

1 Pedro 2:12:
Mamuhay kayo nang maayos sa gitna ng mga Hentil upang kahit na paratangan nila kayo ng masama, makikita nila ang inyong mabubuting gawa at magpupuri sila sa Diyos sa Araw ng Kanyang pagdating.

PANANALANGIN:
Ipanalangin sa Panginoon na tulungan tayong maisabuhay ang ating nagawang pagsasabuhay.

 

 

 

Miyerkules, Marso 30, 2022

The Reliability of the Bible (Part 1 of 4)


The Reliability of the Bible (Part 1 of 4)
Tinuro ni Pastor Arnel Pinasas
Mula sa CCF – GLC 3

Grouping (3-4)
1. Ano ang pinaniniwalaan mo patungkol sa Bible?
2. Bakit ka naniniwala sa pinaniniwalaan mo patungkol sa Bible?



Introduction:
Gusto kong talakayin natin ang apat na basic na tanong:

1. Ano ang iyong pinaniniwalaan?
May isang tao ang tinanong na, “ano ang pinaniniwalaan mo?” Sabi niya, “Ang pinaniniwalaan ko ay kung ano ang pinaniniwalaan ng aming simbahan.” Muli siyang tinanong, “eh ano ang pinaniniwalaan ng inyong simbahan?” Sumagot siyang muli, “ang pinaniniwalaan ng aming simbahan ay kung ano ang aking pinaniniwalaan.” Huwag tayong maging katulad ng taong ito. So, ano ang inyong pinaniniwalaan?

2. Bakit ka naniniwala sa pinaniniwalaan mo?
Hindi ba isa itong magandang tanong sa atin? May pastor na nagsabi na 90% ng mga kabataan sa Amerika ang hindi na bumabalik sa church pagkatapos nilang iwan ang kanilang tahanan para pumasok sa kolehiyo. Nag sisimba lang sila kapag sila’y nasa mga magulang pa, pero kapag sila’y malaya na eh hindi na sila nag sisimba. Alam nyo kung bakit hindi na sila bumabalik sa simbahan? Dahil hindi daw tinuturuan ng kanilang mga magulang ang kanilang mga anak kung bakit nila pinaniniwalaan ang kanilang mga pinaniniwalaan.

Kung hindi ninyo alam bakit kayo naniniwala sa Bibliya, kung hindi ninyo alam bakit kayo naniniwala kay Jesus, magkakaroon ka ng problema. Naisip nyo na ba minsan itong tanong na ito? O naitanong nyo na ba ito minsan sa inyong sarili?

3. Bakit importante na maniwala sa kung ano ang totoo?
Alam nyo kung bakit ito importante? Hayaan nyong sabihin ko sa inyo kung bakit. Lahat kayo ay mga theologian. Ayaw nyo lang ito aminin. Ang tanong lang sa inyo ay, kayo ba ay good theologian o bad theologian? Ang ibig kong sabihin ay ito, lahat tayo ay may pinaniniwalaan. May pinapaniwalaan tayong isang bagay; ang mga kaibigan natin ay may mga pinapaniwalaang isang bagay; ang mga tao sa paligid natin ay may pinaniniwalaang isang bagay. Kung totoo man o hindi ang pinaniniwalaang iyon iyan ay ibang usapan pa.

Para patunayan sa inyo na kayo ay produkto ng inyong pinaniniwalaan ay sobrang dali lang…Kung ang isang politician ay nagnakaw ng malaki sa kabang yaman ng Pilipinas at nagbigay ng tulong sa mga mahihirap. Tumulong siya sa mga mahihirap dahil iyon yung nasa isip niya. Tanungin ko kayo, bakit siya tumulong matapos siyang magnakaw? Ano ang kanyang pinaniniwalaan? Maaaring dahil naniniwala siya na mababawasan ang kasalanan niya kapag tumulong siya.

Nakita nyo? Kung ano ka, o ang isang tao iyan ay dahil bunga ito ng kanya-kanya nating pinaniniwalaan. Tanungin ko kayo, mangangalunya ba kayo sa isang magandang babae, kung alam mo na kinabukasan makikita ang ginawa ninyo sa youtube, kakalat sa facebook, at mapapalabas ka sa tulfo? Mangangalunya ba kayo kapag ganito? Bakit hindi? Mga kapatid, maaaring karamihan sa mga tao ay gagawin iyon dahil wala naman silang pananagutan kanino man, o wala namang may paki-alam sa gagawin niya… pero tayo bilang theologians, ang sabi ng theology natin na nakikita ng Diyos ang lahat ng ating ginagawa. Sabi ng theology natin na balang araw ang lahat ng ginawa natin sa kadiliman ay mahahayag sa liwanag. Iyan ang sinabi ng Bibliya. Pero sinabi din ng aking theology na kung ako ay lalapit sa Diyos at magpapakumbaba, aaminin ang nagawang kasalanan at magsisisi ako’y Kanyang patatawarin sa aking mga nagawang kasalanan at buburahin ito. At nagpapatuloy pa ang aking theology… magpapatuloy ba dapat ako sa kasalanan? Nakita nyo? Ang aking theology nagsasabi sa akin na “Hindi!” Dahil ang biyaya ay hindi nagtuturo ng ganyang klaseng pag-iisip… na dahil ako ay napatawad na ay pwede na akong magkasala ng magkasala. So, nakikita ninyo na lahat ng aking ginawa ay naka base sa aking belief system… sa kung ano ang aking pinaniniwalaan.

Ito ang tanong sa ating lahat, saan nagmumula ang ating belief system? Kaya huwag nating husgahan ang tao o huwag tayong maging kritikal sa mga tao kung makita natin silang gumagawa ng maraming maling gawa dahil sila ay theologians. Ang tanging problema lang ay sila ay bad theologians. Dahil ang kanilang pananampalataya ay nakaangkla sa isang bagay na hindi totoo. Pero naniniwala sila na ito ay totoo. So, ulitin ko ang tanong: Bakit importante na maniwala sa kung ano ang totoo? Dahil ang iyong gawa at kilos ay bunga ng inyong pinaniniwalaan. Tandaan natin ito: Hindi natin mababago ang ugali ng isang tao kung hindi natin muna mababago ang pag-iisip ng taong iyon. Kailangan muna nating mabago ang mind system. Kaya kailangan natin ituro muna ang katotohanan at hayaan na ang Panginoon ang magbago ng pag-iisip, puso, at ugali ng taong tinuruan.

4. Bakit mahalaga ang katotohanan?
Dahil ngayon kung pupunta ka sa school, o sa university hindi mahalaga sa kanila kung ano ang iyong pinaniniwalaan dahil para sa kanila walang absolute truth o tiyak na katotohanan. Ang lahat ay relative. Ibig sabihin maaaring si Marcos ay masama sayo, pero si Marcos naman ay mabuti sa iba. Ang importante taos ito sa iyong puso. Narinig nyo na iyang ganyang argument? “Kung ano ang totoo sayo ay totoo sayo, at kung ano ang totoo sa akin ay totoo sa akin. Mag respetuhan nalang tayo ng kung ano ang pinaniniwalaan natin. Mahalin nalang natin ang isa’t isa, tanggapin nalang natin ang kanya kanya nating pinaniniwalaan.” Iyan ang sikat na argument ngayon ng marami. So, bakit muli mahalaga ang katotohanan? Hayaan nyong sabihin ko sa inyo ang dalawang major reasons.

Why is truth important?

1. It matters - It affects your life
Marami tayong halimbawa dito pero tignan lang natin ang ilan:

a. Medicine
Isang araw pumunta ka sa doctor para magpacheck up. Bakit tayo nag papa-checkup? Kasi mahalaga sa atin ang ating katawan. Ngayon sabi ng doctor sayo na huwag kang mag-alala, na siya ang bahala sayo. Tapos lumabas na ang resulta sayo, tinanong mo kung may sakit ka. Ang sabi ng doctor, “depende, depende sa kung ano ang pinaniniwalaan mo, kung naniniwala ka na may cancer ka may cancer ka, kung pinaniniwalaan mo na wala kang cancer wala kang cancer. Basta taos sa puso mo ang iyong pininiwalaan.” Tanungin ko kayo, ano ang iisipin nyo sa doctor na iyon? Nakita nyo iyon, ganyan ang kalagayan ng marami pag dating naman sa kanilang mga kaluluwa. Dahil naniniwala sila sa ganitong kabaliwan na pag-iisip

b. physical laws
Sa pagtatayo ngayon ng mga nagtataasang mga building, sila ay sobrang concern at maingat sa structural integrity ng kanilang tinatayong building. Concern sila ngayon sa mga earthquakes kaya kailangan nila sumunod sa building code. Bakit ito importante? Dahil sa kaligtasan ng mga tao. Sa engineering merong absolute truth. Ang tawag dito ay structural integrity. Kailangan nilang sundan ang math, kailangan nilang sundan ang science, kailangan nilang i-compute ang lahat. Merong truth sa structural engineering.

2. It affects your future and eternal destiny
Halimbawa: Mayroon bang Diyos?
May mga tao na hindi naniniwala, kaya namumuhay sila sa ibang daan, at ang mga naniniwala naman ay namumuhay sa ibang daan.

Isa pang halimbawa: Si Jesus lang ba ang tanging daan?
Tulad kanina, may mga tao ding hindi naniniwala na si Jesus lang ang tanging daan para sa ikaliligtas ng isang tao. Ngayon, kung hindi sila naniniwala, ito ang pwede nating sabihin, “hindi kita pipilitin na maniwala, pero gusto ko lang sana na isaalang-alang mo ang mga ebidensya, hinihiling ko lang na magpakumbaba ka muna, at aralin mo ito sa iyong sarili kung sino si Jesus. Maniwala Kaman o hindi ka maniwala ikaw ay kaibigan ko pa rin.”

Iyan ang ibig sabihin ng tolerance, tinatanggap natin ang isa’t isa. Pero tolerance ay hindi nangangahulugan na ang pinaniniwalaan mo ay pinaniniwalaan ko na rin. Hindi ibig sabihin nito na sumasang-ayon ako sayong paniniwala kahit na ito ay mali. Ang ibig sabihin ng tolerance ay hindi ako sumasang-ayon sayo pero ikaw ay kaibigan ko parin.

SOME TRUTHS ABOUT TRUTHS
1. Truth does not cease to exist even if you don’t believe it.
Ang katotohanan ay hindi tumitigil sa pag-iral kahit na hindi ka maniniwala.

2. Truth is not invented; it is discovered
Ang katotohanan ay hindi naimbento; ito ay natuklasan. Si Magellan naniniwala sila noong una na ang mundo ay flat at kapag nagdere-deretso ka sa paglalayag ay mahuhulog kayo. Kaya naglayag sila hanggang makarating sa Pilipinas at natuklasan nila ang katotohanan na ang mundo ay hindi flat kundi sphere. Maraming katotohanan dito sa mundo na hindi ito na imbento kundi nadiskumbre.

3. Truth is not truth just because the majority believes it.
Ang katotohanan ay hindi katotohanan dahil lamang sa karamihan ay naniniwala. Pwedeng sabihin ng lahat na ito ay mali pero hindi nito mababago ang katotohanan dahil ang katotohanan ay katotohanan.

4. Truth does not depend on our feelings
Ang katotohanan ay hindi nakasalalay sa ating damdamin.

5. Truth must correspond with facts
Ang katotohanan ay dapat na tumutugma sa mga katunayan o facts.

Law of Non-contradiction
Two contradictory or opposite truth claims cannot both be true at the same time and in the same sense.

Ang dalawang magkasalungat o kabaligtaran na mga naghahabol sa katotohanan ay hindi maaaring parehong katotohanan sa parehong oras at sa parehong kahulugan. Ibig sabihin kapag sinabi mo na walang Diyos at sinabi ko na merong Diyos hindi pwedeng sabihin na pareho tayong tama.

Kaya mahirap maunawaan kung bakit maraming tao ang tinatanggap ang kaisipan na basta taos sa puso mo kung ano ang pinaniniwalaan mo walang magiging problema. Na marami ang tumatanggap sa mindset na ang katotohanan ay relative.

Isa pa yung si Jesus ang tanging daan? Alam na natin na si Jesus ang tanging daan pero maraming naniniwala na maraming daan. Na ang bawat relihiyon ay pare-pareho lang at lahat ay tama basta ikaw ay taos pusong naniniwala sa iyong pinaniniwalaan. Mga kapatid ito ang dahilan kung bakit naniniwala ako na maraming mapupunta sa impyerno na mababait. Kaya hindi pwedeng sabihin na naniniwala ako kay Jesus pero naniniwala din ako sa iba at alam ko na wala namang mawawala sa akin kung gagawin ko ito. Kung naniniwala tayo na tanging si Jesus lang ang nag-iisang daan sa kaligtasan maaapektuhan nito ang lahat sa ating buhay. Si Jesus ang gagawin nating sentro sa lahat ng area sa ating buhay

The truth about true faith:
• True faith is not based on feelings.
• True faith is anchored on truth.
• True faith is only as good as its object.

Ang tunay na pananampataya ay mabuti lang sa kung anong bagay ang sinasampalatayanan. Kaya pag sinabi natin na, “naniniwala ako sa…, nagtitiwala ako sa…, ang pananampalataya ko ay nasa…,” ang object ang pinaka importante. Hindi ito pwede maging isang damdamin lang dahil ang damdamin ay pwedeng mawala. Kaya kung ang iyong pinaniniwalaan ay nakaangkla sa damdamin ikaw ay maloloko o mapapahamak. Halimbawa umakyat ikaw sa mataas na lugar at gumawa ka ng pakpak na gawa sa papel. Naniniwala ka na makakalipad ka gamit ang ginawa mo. Kahit gaano pa kalaki ang pananampalataya at paniniwala mo kung base lang ito sa iyong damdamin at hindi ayon sa katotohanan mapapahamak ka.

Pero kung ang pananampalataya ko naman ay kasing laki lang ng buto ng mustasa pero ayon naman sa katotohanan na ang gagamitin mo ay hang glider ikaw ay hindi mapapahamak. Iyan ang sinasabi sa Matthew 17:20. Kaya ang dalangin ko pagkatapos natin ito mapag-aralan na ang ating pananampalataya ay naka angkla kay Jesus at sa Kanyang Salita at hindi sa ating damdamin at sa sinasabi at pinaniniwalaan ng marami o opinyon ng marami. Kaya dapat maging malinaw sa bawat isa sa atin dito kung bakit natin pinaniniwalaan kung ano ang pinaniniwalaan natin. Kaya tayo nandidito kasi ituturo ninyo sa inyong mga anak, sa inyong mga disciple kung ano ang truth.

Kaya ito dapat ang ating panghawakan at masunod:
1 Pedro 3:15
“Igalang ninyo si Kristo mula sa inyong puso bilang Panginoon. Lagi kayong maging handang sumagot sa sinumang humihingi ng paliwanag sa inyo tungkol sa pag-asang nasa inyo.”

Kaya ang unang tanong:

Why we believe the Bible?
Bakit kayo naniniwala sa pinaniniwalaan nyo? Iyan ang titignan natin sa mga susunod na pag-aaral natin.

__________________________________________________

Groupings:
In groups of 3-4, share your responses to the following:

PAG-ISIPAN:

1. Sa iyong sariling salita, bakit mahalaga ang katotohanan?
2. Ano ang (mga) natuklasan mo sa kung ano ang hindi patungkol sa katotohanan?
    “Ang katotohanan ay hindi pala…”
3. Ano naman ang (mga) natuklasan mo sa kung ano ang patungkol sa 
    katotohanan?
    “Ang katotohanan pala ay…”


PAG-SASABUHAY:
1. 1 Pedro 3:15
“Igalang ninyo si Kristo mula sa inyong puso bilang Panginoon. Lagi kayong maging handang sumagot sa sinumang humihingi ng paliwanag sa inyo tungkol sa pag-asang nasa inyo.”

Ano ang hamong binibigay ng talatang ito sayo?

2. Ano ang napagtanto ng pag-aaral nating ito na dapat mong 
gawin patungkol sa mga     
    pinaniniwalaan mo?

PANANALANGIN:
Ipanalangin sa Diyos na tulungan kang maipamuhay ang iyong nagawang pagsasabuhay.

 

Linggo, Marso 27, 2022

The Church in Prophetic Perspective - Part 3 of 8


The Poor Rich Church (Part 3 of 8)
Scripture: Pahayag 2:8-11
Isiniayos at tinuro ni Pastor Arnel Pinasas
Mula sa Aklat ni John MacArthur – The Church in Prophetic Perspective


Pahayag 2:8-11
8 “Isulat mo sa anghel ng iglesya sa Esmirna: “Ito ang ipinapasabi sa iyo ng simula at wakas, ang namatay at muling nabuhay. 9 Nalalaman Ko ang mga kapighatian na dinaranas mo. Alam Kong mahirap ka, ngunit ang totoo'y mayaman ka. Nalalaman Ko rin ang mga paninirang-puri sa iyo ng mga hindi tunay na Judio; ngunit ang totoo, sila'y mga kampon ni Satanas. 10 Huwag kang matakot sa mga pag-uusig na malapit mo nang danasin. Makinig ka! Ipabibilanggo ng diyablo ang ilan sa inyo bilang pagsubok; magtitiis kayo sa loob ng sampung araw. Manatili kang tapat hanggang kamatayan, at gagantimpalaan kita ng korona ng buhay. 11 “Anglahat ng may pandinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya! “Ang magtatagumpay ay hindi makakaranas ng pangalawang kamatayan.”

Introduction
Ang book ng Revelation ay nahulog sa tatlong categories: Chapter 1 is the vision of Christ; chapter 2 and 3 are the letters to the seven churches; at chapter 4 to 22 ang mga prophetic view na mga mangyayari. Iyan ang outline ng book na ipinahayag sa Revelation 1:19: “Kaya't isulat mo ang iyong nakikita (the vision of Christ), ang nangyayari ngayon (the churches) at ang mangyayari pa pagkatapos nito (the prophecy of the things to come).” At tayo ngayon ay naka pokus sa pangalawang category - ang the seven churches. Ngayon tayo ay nasa pangalawang bahagi patungkol sa mga sulat sa mga church-specially sa church sa Smyrna para sa pag-aaral natin ngayon.

A. The Elements of Smyrna
Ang church sa Smyrna ay kumakatawan sa persecuted church. It was…

1. AN HISTORICAL CHURCH
Ito ay matatagpuan sa tatlumpu't limang milya sa hilaga ng Ephesus sa Asia Minor. Ang mga grupo ng mga mananampalataya sa church na iyon ay pinag-uusig noong 95 A.D. at the time na sinulat ito ni Juan. It was also…

2. A SYMBOLIC CHURCH
Ang church sa Smyrna ay kumakatawan sa bawat persecuted church sa bawat panahon. Ito rin ay kumakatawan sa bawat persecuted believer. Ang church sa Smyrna ay historical dahil ito ay tunay na nag exist. Again, it is symbolic dahil kumakatawan ito sa lahat ng persecuted church.

B. The Exception of Symrna
Gaya ng sinabi ko nakaraan, most of the letters ay may pitong basic parts: the correspondent, the church, the city, the commendation, the condemnation, the command, and the counsel. Pero may mga ilang exception, at ang Smyrna ay isa doon dahil sa sulat sa kanila meron lang itong anim na bahagi.

1. THE ABSENCE OF CONDEMNATION
Ang bahagi na wala sa sulat ay ang the condemnation. Walang masama na nabanggit sa church sa Smyrna.

2. THE ABSENCE OF HYPOCRISY
Yamang ang iglesya sa Smyrna ay dumaranas ng maraming pagdurusa, sa kadahilanang ito magiging napakadali upang mabilis na mawala ang mga tao. Maaari silang sumuko, at ang church ay maaaring mamatay sa ilalim ng persecution. Ngunit ang pag-uusig ay may paraan ng paglilinis ng mga antas. Ang mga taong hindi namumuhay para kay Jesu-Kristo ay hindi nila aangkinin na sila’y mga Kristiyano dahil maaari silang mamatay. Kaya ang persecuted church ay walang mga mapagkunwari. Naalala ko yung kwento na may isang persecuted church sa isang bansa na bawal ang mga Christian. Kaya sila ay palihim na nagtitipon. Isang araw ng kanilang pagtitipon may malakas na katok at sigaw silang narinig sa kanilang pintuan sa kanilang secret church. Sabi ng sumisigaw, “Buksan ninyo ito, kundi mamatay kayong lahat dyan na nasa loob!” Kaya nagsimulang mag iyakan ang mga tao sa loob. Pagkabukas ng pinto habang hawak ng mga lalaki ang kanilang mga baril sumigaw ulit ang lalaki at sinabi, “kung sino ang hindi tunay na mananampalataya dito ni Kristo ay maaari ng lumabas at maiwan ang mga tunay na mananampalataya!” At nakakalungkot na halos naubos ang laman ng mga sumasamba doon. Muli nagtanong ang lalaki, “wala na bang hindi tunay na kristiyano dito? Isara na ang pinto!” Pagkasara ng pinto bilang nag bago ang boses ng lalaki at ang mga kasamahan niya ay binitawan ang mga baril nila at sinabi nila, “Kami din ay mga tunay na mananampalataya katulad ninyo. Gusto lang namin na sumamba kasama ang mga totoong mga Kristiyano. Sige tawagin nyo na si pastor para mag simula na tayo.” Bilang nag iyakan ulit ang mga kristiyanong naiwan at nag taka ang mga lalaki, “O, bakit kayo nag-iiyakan?” tanong ng mga lalaki. “Eh kasi si pastor ang unang tumakbo sa kanila palabas!”- Iyan ang maaaring nangyari sa church sa Smyrna kaya blessing din yung persecution. Halos naubos ang mga hypocrite sa kanilang kalagitnaan. Kasi ang taong hindi tunay na mananampalataya ay hindi handang mamatay para sa isang bagay na hindi nila pinaniniwalaan. Ang persecuted church ay pure church. Dahil dito, walang pagkondena (condemnation) na ibinigay sa simbahan sa Smyrna. Tignan muna natin ang…

I. THE CORRESPONDENT (v.8)
“Isulat mo sa anghel ng iglesya sa Esmirna: ‘Ito ang sinasabi sa iyo ng simula at wakas, ang namatay at muling nabuhay.’”

Sinabihan si Juan na isulat kung ano ang sinabi ng "ang una at ang huli, na namatay at buhay.” Sino Siya? Si Jesu-Kristo.

A. Christ Sole Authorship
Hindi nagsusulat si Juan sa Smyrna sa sarili lang niyang kaisipan; iniuugnay niya ang direktang impormasyon mula sa bibig ni Kristo. Sa Revelation 1:13, si Kristo ay nilalarawan na naglilingkod sa pitong lampstad, na nag-re-represent sa church. Bilang Siya na naglilingkod sa lampstands, Siya ay nakadamit na tulad ng Anak ng Tao, “na nakasuot ng mahabang damit, at may gintong pamigkis sa kanyang dibdib.” (Pahayag 1:13). Kaya si Kristo ay sumusulat ng mga liham habang Siya ay naglilingkod sa mga simbahan. Si Kristo ang may-akda.

B. Christ’s Self-Portrait
Sabi ni Jesus Siya’y namatay pero muling nabuhay. Bakit ganito ang pagtawag Niya sa kanyang sarili? Dahil sa ganitong daan Niya tinawag ang Kanyang sarili sa Pahayag 1:17b-18a: “…Ako ang simula at ang wakas, at ang nabubuhay! Namatay Ako ngunit tingnan mo, Ako'y buháy ngayon at mananatiling buháy magpakailanman…” Kinikilala lamang ni Juan si Jesu-Kristo mula sa isang naunang paglalarawan.

1. EXPRESSING SYMPATHY
Isa pa sa mga dahilan kung bakit ganito ang ginamit na paglalalarawan sa Kanya sa sulat Niya sa church sa Smyrna ay dahil Siya ay nagsusulat sa suffering church. Parang sinasabi Niya sa kanila na, “Alam ko ang inyong pinagdadaanan. Ako rin ay minsang naghirap at namatay. Nag-aalala kayo sa pagkamatay bilang isang martyr—galing na Ako diyan.” So, Jesus is expressing sympathy

2. ENCOURAGING VICTORY
Hindi lang iyon, mayroong pambihirang encouragement sa sinabi Niya. Sa paglalarawan Niya sa church sa Smyrna na namatay at muling nabuhay, parang sinasabi ni Kristo na, “Nakikiramay Ako sayo. Pero mayroon pang higit pa dito, maibibigay Ko sayo ang katagumpayan. Maaari kang mamatay dahil sa Akin, pero ikaw ay tiyak na mabubuhay.” Ano sabi ni Jesus sa Juan 14:19? “…sapagkat buháy Ako, mabubuhay rin kayo.” Nilarawan ni Jesus ang Kanyang sarili ayon sa sitwasyon na umiiral sa Smyrna. Ang mga mananampalataya ay nag su-suffer; at maaari silang mamatay. Kaya pinaalala Niya sa kanila kung ano ang pinagdaanan din Niya. Sympathy at victory ay parehong nahayag sa title na ginamit ni Jesus para sa Kanyang sarili. Sunod na titignan natin…

II. THE CHURCH (v.8)
“Isulat mo sa anghel ng iglesya sa Esmirna…”

A. Its Pastor
Si Kristo ay nagsusulat sa pastor ng Smyrna. According sa history, ang Pastor sa Smyrna ay si Polycarp. Nanatili siyang Pastor hanggang sa kanyang kamatayan ng mga 155 A.D. Gusto ni Kristo na maipabatid niya ang Kanyang mensahe sa buong kapulungan.

B. Its Beginning
Ayon muli sa history, hindi malaman kung kailan nagsimula ang church sa Smyrna. Wala rin tayong idea sa laki o maging sa kung sino ang nagsimula nito. Ngunit tila may posibilidad na nagsimula ito bilang isang outreach ng iglesya sa Ephesus sapagkat tatlumpu't limang milya lamang ang layo nito. Si Apostle Paul ay naglaan ng tatlong taon sa Ephesus na nagtatag ng malakas na iglesya (Acts 20:31). According sa Acts 19:10, na ang Salita ng Diyos na nagsimula sa church sa Ephesus ay lumaganap sa buong Asia Minor (cf. Acts 19:26). Kaya maaaring ang church sa Smyrna ay nagsimula bilang resulta ng paglaganap ng Salita ng Diyos mula sa Ephesus. Kung babalikan natin sa background ng Ephesus na sila ay merong mga excellent teachers: Paul, Timothy, Aquila, Priscilla, at Apollos. Gayunpaman, ang punto dito ay hindi kung kailan ito nag simula; ang mahalaga ang katotohanan na ito ay nagsimula. Hindi nabanggit ang pangalan ng church na ito sa book of Acts, kaya marahil hindi kailanman nakarating si Paul sa anumang missionary journeys niya sa lugar ng Smyrna.

The Meaning of Smyrna
Ang Smyrna ay isang interesanteng salita dahil ang salitang Griego na “smurna” ay isinalin bilang "mira o myrrh.” Ito ay isang sangkap na kinuha mula sa isang punong-kahoy na matinik.

1. ITS USE IN HISTORY
Ang Myrrh ay ginagamit sa maraming bagay:

a. Perfume
b. Holy Ointment


Ginagamit ito para ipahid sa mga tao sa kanilang pagan religious ceremonies.

2. ITS USE IN THE NEW TESTAMENTS
Ang Greek word ng Myrrh na Murna ay tatlong beses lang ginamit sa New Testament. Sa bawat pagkaktaon sinasalin itong “myrrh”—except kapag ito ay lumitaw bilang pangalan ng lunsod.

a. At Christ Birth
Sa Matthew 2:11, makikita natin na isa ito sa mga dala ng mga wise men mula sa silangan bilang handog kay Jesus - gold, frankincense at myrrh. Bagamat dumating sila na bata na si Jesus dahil sa layong kanilang nilakbay, originally ito’y handog para sa Kanyang kapanganakan.

b. At Christ’s Crucifixion
According sa Mark 15:23, habang si Jesus ay nakabitin sa krus, Siya ay inalok ng alak na may halong myrrh. Nagsilbi itong anesthetic-para maibsan ang sakit na Kanyang nararamdaman.

c. At Christ Burial
According sa Juan 19:39, “mga tatlumpung kilong pinaghalong mira at aloe.” ang ginamit para ihanda ang katawan ni Jesu-Kristo para sa paglilibing pagkatapos Niyang mamatay.

Ang Myrrh ay present sa kapanganakan ni Kristo, kamatayan, at libing. Myrrh also refers to suffering. Habang si Jesus ay nag hihirap sa krus, inalok Siya ng myrrh. Nang Siya ay mamatay, Siya ay inimbalsamo na may myrrh.

C. Its Suffering

1. A FITTING NAME

Since myrrh can refer to suffering, naaangkop na ang suffering church ay naka-locate sa Smyrna. Daang taon bago simulan ng Diyos ang church sa lunsod na ito, inihanda na Niya ang tamang pangalan: Smyrna. Sinasabing natanggap ng lungsod ang pangalan nito mula sa katotohanan na mayroon itong isang napaka pinakinabangang kalakalan sa mira. Tinawag din ang Smyrna na, “The Port of Fragrance.”

2. A FITTING PICTURE
Nagbibigay ang Myrrh ng isang magandang larawan ng pagdurusa. Nang si Kristo ay dumating sa mundong ito bilang isang munting sanggol, dumating Siya na nagdurusa. Nang Siya ay mamatay sa krus, Siya ay nagdurusa. Nang makita ang katapusan ng Kanyang pagdurusa, Siya ay inimbalsamo na may myrrh.

a. Releasing the Fragrance
Ang isang interesting na bagay patungkol sa myrrh ay dapat muna itong durugin bago ito magbigay halimuyak. The more na ito ay dinudurog, the more na hahalimuyak ito. The same thing na totoo sa church ng Smyrna. The more na ito ay dinudurog, ito’y nagiging mabangong samyo. The more na sila ay inaapakan, the more na nahuhuli ng mundo ang halimuyak ng kanilang pananampalataya at pag-ibig. Ang durog na church ay isang mabangong church. Pinahintulutan ng Diyos na durugin ni Satan ang church; the more na malala ang pagdurog, the more na nagbibigay ito ng halimuyak ng biyaya at patotoo.

b. Running to Jesus
Interesting na makita kung ano ang nangyayari sa mga mananampalataya o sa iglesya sa persecution. Ang mga ito ay tulad ng isang bata. Kapag ang bata ay nasaktan, normal na makita natin na ito ay tumatakbo sa kanyang nanay at sinusumbong yung sakit na nararamdaman nila. Ang church na persecuted ay tumutugon din katulad ng ganoon. The more na tayo ay durog, the more na tumatakbo tayo kay Jesus. Instead na mawasak nila ang church, ang persecution pa ang mas nag dala sa church papalapit kay Jesus. Napansin nyo ba ang nangyayari sa inyong buhay? Kailan nyo nakita ang sarili niyo na lumapit kay Jesus? Kapag may mga hindi magandang bagay na nangyari sa inyo? Ngayon naiintindihan na natin ang Diyos kung bakit minsan hinahayaan ng Diyos na maranasan natin ang kahirapan. Itong nangyari sa ating pandemic dahil sa COVID-19? Nakikita ito ng marami ngayon na hindi magandang pangyayari, pero subukan ninyon pansinin ang mas malalim na naging dulot nito sa mga tao? Diba kapansin pansin na mas naghahanap ngayon ang tao sa Diyos, mas nagiging seryoso sila ngayon sa kanilang pananampalataya. Alam ng Diyos kung ano ang kailangan mo para ikaw ay lumapit sa Kanya. Ang church sa Smyrna ay nadurog nang dahil sa pagmamahal nito kay Kristo; the more na sila’y dinudurog, the more na sila’y nagmamahal. Tignan natin ang kaibahan nito sa nakaraang church na pinag-aralan natin - ang church sa Ephesus. Sila ay walang naranasang persecution. Pero ano yung nawala sa kanila? Love. Iniwan nila ang unang pag-ibig. Ang church sa Smyrna ay hindi. The more na kinamumuhihan sila ng sanlibutan, the more na minamahal nila si Jesus; the more na sila ay inaapakan, the more na sila ay sumasandal kay Kristo. Ang mga mapagmahal na banal ni Kristo sa maliit na simbahan sa Smyrna ay dukha, durog, walang kapangyarihan, at naghihirap. Ganunpaman, sila ay inaaliw sa mainit na kamay ni Jesu-Kristo at tumatagas ang halimuyak na nababatid ng sanlibutan.

III. THE CITY (v.8)

Anong uri ng lunsod ang Smyrna? Marahil ito ang pinakamagandang lunsod sa Asia Minor. Ito ay tinawag na, “The Crown of Asia.” Ngunit sigurado ako na ang kagandahan nito ay tila naging parang sa mahirap dahil sa kabayaran ng kapabayaan ng mga arkitekto na nagplano ng lunsod: Walang mga drains na ginawa, kaya lahat ng dumi sa imburnal ay bumagsak sa mga kalye. Mas lumalala ang problema doon kapag tag-ulan.

A. Its Continuation
Ang Smyrna ay isang matandang lunsod. Dumaan ito sa iba’t ibang pangalan. Ngayon, ang Smyrna ay ang pinaka malaking lunsod sa Asia Minor, na ngayon ay tinatawag na “Izmir,” which is the Turkish name sa Smyrna. Hanggang ngayon ay nag-e-exist parin ngayon doon ang mga mananampalataya na nagmamahal kay Jesu-Kristo. Naaalala ninyo ang nangyari ngayon sa Ephesus sa nakaraang pinag-aralan natin? Sabi ni Jesus, “Kapag hindi ka nagsisi at nagbalik sa iyong unang pag-ibig, pupunta Ako diyan at aalisin Ko sa kinalalagyan ang iyong ilawan.” Kaya ngayon wala kang makikitang church ngayon sa Ephesus. Pero thrithy-five miles north merong church sa Smyrna. Mula noon hindi nila iniwan ang kanilang unang pag-ibig. Kumapit sila kay Jesu-Kristo. Muli, the more na ang church ay dinudurog, the more na kakapit ito sa Kanya.

B. Its Characteristics
Sa panahon ng Romano, ang Smyrna ay isang dakilang lunsod. Bakit?

1. SMYRNA HAD A GREAT HARBOR
Merong natural na magandang daungan dito kung saan ang mga pandigmang barko ay maaaring kumubli mula sa pag-atake sa labas.

2. SMYRNA WAS A BEAUTIFUL CITY
Sabi ni Aristide, na Athenian statesman at general ng fifth century B.C., “The wind blows through every part of the city, and makes it as fresh as grove of trees.” Gayunpaman, merong problema sa hangin galing kanluran: Kapag yung kanal sa lunsod ay dumeretso sa kalsada papuntang dagat, ang mabahong hangin mula sa mga duming ito ay babalik sa kanila. Pero sa kabila ng mga problema, ang kinalalagyan ng lungsod ay napakaganda.

3. SMYRNA WAS A FREE CITY
Ang Smyrna ay isang makabayang lunsod. In fact, at one time in history, anim na lungsod ang nakipagkumpitensya upang makita kung sino ang magkakaroon ng pagkakataon na magkapagtayo ng isang templo sa Roma. Ang Smyrna ang napili sa iba pa dahil sa kanilang pagiging makabayan. Sa tuwing may civil war sa Roma, sila ay kumakampi sa right side. Tulad ng Ephesus, sila’y ginawa ring free city. Walang Roman garrison ang nakatayo dito. May kalayaan ang mga tao dito sa kung ano ang gusto nilang gawin.

4. SMYRNA WAS A PAGAN WORSHIP CENTER
Kung sa Ephesus makikita ang temple ni Diana, dito naman makikita ang mga templo nila Cybele, Apollo, Asclepius, Aphrodite, at kay Zeus. Meron din ditong nakakamanghang monument sa dakilang si Homer, na pinanganak sa Smyrna. It rin ay lugar ng pagsamba sa emperor. Si Caesar ang isa sa mga sinasamba doon. Nakaukit ang larawan niya doon na may burning incense na nakatirik. Sa kalagitnaan ng lunsod na ito may isang maliit na grupo ng mga taong nagmamahal kay Jesus. Silay ay pinahihirapan at pinapatay. 

Nakita na natin ang the correspondent, the city, the church, at ngayon tignan naman natin ang…

IV. THE COMENDATION (v.9)
“Nalalaman Ko ang iyong kapighatian, at ang iyong kadukhaan (datapuwa’t ikaw ay mayaman), at ang pamumusong ng mga nagsasabing sila’y mga Judio, at hindi sila gayon, kundi isang sinagoga ni Satanas.”

A. Their Teacher
Merong dalawang importanteng salita sa verse 9: “Nalalaman Ko.” Maririnig natin na parang sinasabi ni Jesus na, “Alam Ko—nanggaling Ako sa ganyan. Alam Kong mahirap.” Si Jesus ay isang Taga-pagligtas na laging nakikiramay. Sabi Niya, “Alam Ko ang iyong mga ginawa. Alam Ko ang iyong kapighatian. Alam Ko ang iyong paghihirap. Natatandaan mo Ako? Ako man din ay pinahirapan tulad mo.” Sa English ang ginamit na salita ay “I know your tribulation”- ang greek word sa salitang tribulation ay “thlipsis.” Gustong sabihin ni Jesus, “Alam Ko ang pressure at paghihirap hanggang kamatayan. Alam Ko yung persecution mo. Alam Ko ang iyong kadukhaan. Alam Ko ang lahat ng paninirang-puri at poot na meron ang maraming Judio sayo.”

Ang greek word sa “know” ay “oida.” Ibig sabihin, “Alam Ko ang iyong pinagdadaanan dahil nanggaling Ako diyan. Ako ay pinahirapan, dukha, sinampal at pinatay.” Minsang sinabi ni Jesus sa Mateo 8:20, “May mga lungga ang mga asong-gubat at may mga pugad ang mga ibon, ngunit wala man lamang matulugan o mapagpahingahan ang Anak ng Tao.” Si Jesus ay hindi nasa malayong distansya; Siya ay tunay at nakikiramay.

B. Their Tests

1. TRIBULATION
Ang statement na, “Nalalaman Ko ang iyong gawa…” ay general. Ito ay hindi sinasama sa ilang manuscript. Maaaring maisip ng mga mananampalatayang naghihirap sa Smyrna kung ang Panginoon ay nasa Kanila pa ba talaga.

a. The Result of their Persecution
Sabi ni Jesus, “Alam Ko ang…pagdurusa (tribulation)…” Muli galing ito sa greek word na “thlipsis” na ang ibig sabihin ay, “constant aggressive persecution” (Tuloy –tuloy na matinding paghihirap). In fact, ang literal na ibig sabihin ng thlipsis ay “to be crushed.” Nakikita nyo yung kahulugan? Ang munting church sa Smyrna ay dinurog.

b. The Reasons for their Persecution
Ano yung dahilan kung bakit sila pinahihirapan? Ang ang church sa Smyrna ay tutol sa tatlong bagay:

1) Emperor Worship
Two hundred years before Christ was born, mga 195 B.C., Ang “Dea Roma” (Rome personified as a goddess) ay naitayo sa Smyrna. Ang lunsod ay naging sentro ng emperor worship: Ang mga tao ay nagsimulang sumamba sa Rome at sa kalaunan sa pagsamba kay Caesar. Ang pagsamba sa emperor ay naging sanga ng kung ano ang orihinal na pagsamba sa Rome. Ang mga Kristiyano sa Smyrna ay nakatira sa kalagitnaan ng pagsamba sa emperor: Si Caesar ay diyos sa mga tao. Ang mga Kristiyano ay hindi nagtitirik ng insenso sa mga rebulto ni Caesar. Dahil dito, sila’y inakusahan na sila ay hindi makabayan. Kaya ang lahat ng sambahayan nila ay boycott ng mga tao.

2) Pagan Worship
Hindi rin angkop ang mga Kristiyano sa kumunidad na sangkot sa pagan worship. Merong mga templo, festivals, at mga libong mga diyus-diyosan. Merong mga diyus-diyosan na makikita sa kanilang mga kalsada. Kahit saan naroon ang mga ito. Ang mahalay na pagsamba ay makikita rin sa Smyrna. Syempre, hindi sumusunod ang mga Kristiyano sa kanila, kaya't sila ay natanggal mula sa lipunan. Pero ang totoong persecution ay hindi nagmula sa mga sumasamba sa emperor at sa mga diyus-diyosan, kundi sa…

3) The Jews
Pahayag 2:9, “Nalalaman Ko ang iyong kapighatian, at ang iyong kadukhaan (datapuwa’t ikaw ay mayaman), at ang pamumusong ng mga nagsasabing sila’y mga Judio,at hindi sila gayon, kundi isang sinagoga ni Satanas.”

a) The Synagogue of Satan
Tinawag ni Jesus itong partikular na mga Judio na “isang sinagoga ni Satanas.” Anong ibig sabihin niyon? Ang mga Judio ay minsang pumupunta sa sinagoga ng Diyos. Pero ang parehong synagogue na iyon ay hindi na synagogue ng Diyos; kundi ito ay naging synagogue ni Satanas. Bakit? Karamihan sa mga Judio ay tinakwil ang Messiah ng Diyos. Kung wala si Jesus sa iyong buhay, ang Diyos ay hindi mo Diyos, ang panginoon mo ay si Satanas - whether ikaw man ay Judio o Hentil. So, sabi ni Jesus, “Nalalaman Ko… ang pamumusong ng mga nagsasabing sila’y mga Judio,at hindi sila gayon, kundi isang sinagoga ni Satanas” (v. 9). Parehong lugar lang sa mga taong nagsasabing sila’y kabilang sa Diyos pero kabilang talaga kay Satanas.

b) The Blasphemy towards Christians
Sabi ni Jesus, “Nalalaman Ko… ang pamumusong (blasphemy)…” Ano ang ibig sabihin ng blasphemy? Ang salitang iyon ay karaniwang nauugnay sa isang taong lumalapastangan sa Diyos. Pero sa kasong ito, ang ilang mga Judio ay literal na naninirang-puri sa mga Kristiyano. Hinamak nila ang Kristiyanismo. Sa mga unang panahon ng iglesya, maraming taga-sunod ng Judaism ang galit sa mga Kristiyano. Halimbawa si Apostle Paul na isang Judio na minsang humamak sa mga Kristiyano. Bago siya maligtas, nilalaan niya ang maraming oras niya sa pagtangkang patayin sila. Since ang Jewish system hated Christianity, madalas na sinisiraang-puri ang mga Kristiyano ng mga Judio. Kapag ang isang Kristiyano ay siniaraang–puri, ang Kristiyanismo ang siniraang-puri. Kapag ang Kristiyanismo ay siniraang-puri, then si Kristo ang siniraang-puri. Finally, kapag si Kristo ay siniraang-puri, then ang Diyos ang nalapastangan. Ang mga Kristyiano sa Smyrna ay walang awang sinisiraan ng puri ng mga Judio. Nakikiisa sila sa mga pagano sa pagpatay sa mga Kristiyano.

(1) INSIGHTS FROM ACTS
Totoo ba talaga ito? Abosutely. Ang book of Acts ay puno ng mga insidente na makikita ang poot ng ilang mga Judio sa mga mananampalataya. In fact, nang dumating si Jesus, ang mga punong Judio ay galit kay Jesus at sa lahat ng Kanyang mga ginagawa. Ang galit na iyan ay nagpatuloy sa book of Acts. For example:

(a) In Antioch
Gawa 13:50
"Ngunit ang mga pinuno ng lungsod at ang mga debotong babae na kilala sa lipunan ay sinulsulan ng mga Judio upang usigin sina Pablo at Bernabe at palayasin sa lupaing iyon."

Inuusig ng mga Judio ang mga Kristiyano sa Antioquia.

(b) In Iconium
Gawa 14:2
"Gayunman, may ilang Judiong ayaw sumampalataya. Sinulsulan pa nila ang mga Hentil at nilason ang isip ng mga ito laban sa mga kapatid."

Lumikha sila ng malaking kaguluhan.

(c) In Lystra
Gawa 14:19
"Ngunit may mga Judiong dumating doon mula sa Antioquia at Iconio. Sinulsulan nila ang mga taga-Listra laban kay Pablo, kaya't siya'y pinagbabato nila. Pagkatapos, siya ay kinaladkad nila sa labas ng bayan, sa pag-aakalang siya'y patay na."

Hindi ito ginawa ng mga pinuno ng mga Judio; ginawa lamang nila ang pakikipag-usap at panghihikayat: Sila ay karaniwang kumukuha ng ibang tao na gawin ang kanilang maruming gawain para sa kanila.

(d) In Thessalonians
Gawa 17:5
"Ngunit nainggit ang mga Judio, kaya't tinipon nila ang mga palaboy sa lansangan at sila'y gumawa ng gulo sa lungsod. Nilusob nila ang bahay ni Jason at pilit na hinanap sina Pablo at Silas upang iharap sa bayan."

Sa kasong ito, ang mga hindi naniniwala na Judio ay nag-upa ng isang pulutong ng mga kawatan upang usigin ang mga Kristiyano. May passion yung galit ng mga Judio sa mga Kristiyano, ginagastusan. Nagpatuloy sila sa pagsusumikap na sirain ang mga Kristiyano. Bago mo sisihin at magalit sa mga Judio, tandaan na sa pangkalahatan sila ay nasa kadiliman - ang diyos ng sanlibutang ito ang bumulag sa kanilang kai-isipan (2 Cor. 4:4).

At iyan ang sitwasyon nang magsimula ang Kristiyanismo. Pero hindi nagtagal pagkatapos nito, ang sitwasyon ay nabaligtad. Ang mga Judio ay na-persecute sa mga kamay ng tinatawag na mga bansang Kristiyano. Ang lupain kung saan nagsimula ang Reformation kay Martin Luther ang parehong lupain na sumira ng anim na milyong mga Judio sa attempted genocide. Ngunit hindi ito palaging ganito. Sa simula, maraming mga Judio ang kinasusuklaman ang Kristiyanismo. Sila ang gumagawa ng pag-uusig.

(2) INSIGHT FROM HISTORY
Sa panahon ng Roman Empire, mayroong ilang mga mayayamang Judiong proselyte na mayroong tainga ng mga awtoridad. Ang ilan sa mga importanteng tao sa Roman Empire ay mga Jewish proselyte-ito yung mga taong na convert sa Judaism at galit sila sa Kristiyanismo. Naiulat na ang unang Roman emperor na pumatay sa mga Kristiyano ay si Nero. Bakit niya ito ginawa? Isa ang dahilan: Si Nero ay merong dalawang mahal na kaibigan, si Alituris, at ang lover ni Nero na si Poppaea (Na naging asawa din niya). Silang dalawa ay mga Jewish proselytes. Hinikayat nila si Nero laban sa mga Kristiyano.

c) The Claim of the Jewish Population
Mayroong isang malaking populasyon ng mga Judio na naroroon sa Smyrna na walang alinlangan na nilason ang isipan ng mga tao laban sa mga Kristiyano. Sabi sa Pahayag 2:9 na ang mga naninirang-puri sa mga Kristiyano ay ang mga nagsasabing sila’y mga Judio. Ngunit hindi sila Judio. Anong ibig sabihin nito? Ito ang sabi sa Roma 2:28-29, “Sapagkat ang pagiging isang tunay na Judio ay hindi dahil sa panlabas na kaanyuan o dahil sa pagtutuli sa laman. Ang tunay na Judio ay ang taong nabago sa puso't kalooban ayon sa Espiritu at hindi ayon sa Kautusang nasusulat. Ang papuri sa taong iyon ay mula sa Diyos at hindi mula sa mga tao.” Sabi pa ni Pablo sa Roman 9:6, “…hindi lahat ng mga Israelita ay kabilang sa bayang pinili Niya.” So, ang tunay na Judio ay isang panloob, hindi palabas. Kaya sinabi ng Diyos dito na, “Inaangkin nila na sila’y Aking bayan, ngunit hindi sila. Hindi sila kabilang sa sinagoga ng Panginoon, kundi sa sinagoga ni Satanas dahil sa kanilang paglapastangan laban sa Akin.”

Ang mga Judio sa Smyrna ay nilapastangan at inuusig ang mga Kristiyano. Iyon ay hindi lamang haka-haka dahil ang kasaysayan ay nag iwan satin ng isang account ng pagkamatay ng isa sa mga Smyrnaean Christian: Si Polycarp, ang pastor ng simbahan sa Smyrna. Sa sulat na mula sa church ng Smyrna para sa mga church sa Christian world, sinabi nila na ang mga Judio ay nakipag-isa sa mga pagano upang hikayatin na si Polycarp ay kailangang itapon sa mga lion o sunugin ng buhay. Basahin ko sa inyo yung tinagalog ko na parte sa libro ni William Barclay, The Revelation of John, vol. 1 [Philadelphia: The Westminister Press, 1976], pp. 76-77:

“Ito ang oras ng mga pampubli-kong laro; ang lungsod ay masikip; at nananabik ang mga tao. Nang biglang may sumigaw: ‘Lumayo kayo sa mga atheist; hayaang hanapin si Polycarp.’ Walang duda na hindi makakatakas si Polycarp; pero meron na siyang pangitain sa kanyang panaginip kung saan nakita niya na ang unan sa kanyang ulunan ay nag aapoy, at siya ay nagising para sabihin sa kanyang mga disipulo: ‘Dapat akong masunog ng buhay.’ Ang kanyang kinaroroonan ay nalaman dahil sa pinahirapang alipin para mag salita kung saan siya naroroon. Dumating sila para arestuhin siya… Hindi man gusto ng kapitan ng pulisya na makitang mamatay si Polycarp. Sa maikling paglalakbay patungo sa lungsod, nakiusap siya sa matanda: ‘Hindi ka masasaktan kung sabihin mo, ”Caesar is Lord” at mag alay ka ng sacrifice upang maligtas ka.’ Pero matatag parin si Polycarp na para sa kanya si Jesu-Kristo lamang ang kanyang Panginoon. Nang siya ay makapasok na sa arena…ang proconsul ay nagbigay sa kanya ng pagpipilian; susumpain niya ang pangalan ni Kristo at mabibigay ng sacrifice kay Caesar o kamatayan. ‘Eighty and six years akong naglingkod sa Kanya,’ sabi ni Polycarp, ‘at kailanman ay wala Siyang ginawang masama sa akin. Bakit ko lalapastanganan ang aking Hari na nagligtas sa akin?’ Nagbanta sa kanya ang proconsul na siya’y susunugin, at tumugon si Polycarp: ‘Tinatakot mo ako sa apoy na panandalian lamang, at madaling mawala, hindi ninyo alam ang apoy na naghihintay sa mga masasama sa paghuhukom na darating at ito’y walang hanggang kaparusahan. Ano pa ang hinihintay ninyo? Lapit, at gawin na ninyo ang gusto nyong gawin.’ Kaya yung mga tao kahit na yung mga Judio na kahit sila ay makakalabag sa Sabbath law dahil sa pagbubuhat at pagdadala ng mga kahoy para sa pangsusunog kay Polycarp ay nagpatuloy sila. Siya ay tinali nila. ‘Iwan nyo na ako,’ sabi niya, ‘Dahil ang Diyos na magbibigay sa akin ng kapangyarihan para magtiis sa apoy, ay magbibigay-daan sa akin upang manatili sa apoy na hindi gumagalaw.’ Kaya, iniwan nila itong nasusunog sa apoy.’” Namatay si Polycarp para kay Kristo. Iyan ang isa sa mga insidente sa buhay ng Smyrnaean church. Nakita na natin yung tribulation o pagdurusa nila. Sunod na titignan natin ay…

2. POVERTY
Sa Pahayag 2:9 sinabi din ni Kristo na, “Nalalaman Ko…ang inyong kahirapan (poverty).” Anong klaseng poverty ito?

a. The Words for Poor
Merong dalawang Greek word sa salitang poor. Ang isa ay…

1) Penia
Ang kanyang term ay tumutukoy sa isang tao na may napakakaunti - na kailangang magsikap upang makakuha ng anupaman. Pero hindi ito yung ginamit sa verse 9. Ang ginamit ay…

2) Ptocheia
Ang ibig sabihin ng salitang ito ay “abosulute, complete destitution o paghihikahos.” Sila ay hindi makakuha ng trabaho. Sila ay ninakawan at kinuha ang mga bagay na meron sila. Ang mga Christian sa Smyrna ay nabubuhay sa despiradong sitwasyon. Wala sila kahit ano.

b. The Worship of Christ.
Mula sa pananaw ng tao, Ang mga Kristiyano sa maliit na simbahan sa Smyrna ay may karapatan na sumpain ang Diyos at bumagsak, ngunit hindi nila ginawa. Gaya ng sinabi ko kanina, mas nagiging mahirap ang sitwasyon nila, mas sumasandal sila kay Jesus. Iyon ang dahilan kung bakit ang nag-iisang simbahan na pinaparangalan ng Diyos ay ang totoo sa Salita ng Diyos at ni Jesu-Kristo. Ang purpose ng church ay hindi para maghikayat ng mga hypocrite; kundi para sila ay alisin. Ang kaluwalhatian ng church ay ang kadalisayan nito. At kung kinakailangan dumaan sila sa maliit na pag-uusig at pagdurusa upang pinuhin ito, then papahintulutin ito ng Diyos. Anong mangyayari kapag ikaw ay nag-su-suffer? Ano ang ginawa ng mga Christian sa Smyrna? Sila ay kumapit at sumandal sa Diyos. Inalis nila ang mga mapagkunwari. Sinimulan nila ang pamumuhay ayon sa nararapat at hindi makisalamuha sa mundo. Iyon ang paraan ng pamumuhay dapat ng mga Kristiyano. Kahit na sila ay inusig, at mahirap, nanatili silang tapat sa Diyos.

C. Their Treasure
Kung titignan natin talagang napakahirap ng munting church na ito. Pero may dagdag sa verse 9 tayong makikita, “…datapuwa’t ikaw ay mayaman…” Bakit sila tinawag na mayaman? Anong meron sila para sila ay tawaging mayaman? Sinasabi ng Laodicea na sila ay mayaman, pero ano ang sabi ng Diyos sa kanila? Pahayag 3:17, “Sinasabi mong ikaw ay mayaman, sagana sa lahat ng bagay at wala nang kailangan pa, ngunit hindi mo nalalamang ikaw ay kawawa, kahabag-habag, dukha, bulag at hubad.” Mapag-aaralan natin ito sa sunod. Sa Smyrna naman sabi nila, “Kami ay mahirap,” pero sabi ng Diyos,” Kayo’y mayaman.” Bakit sila naging mayaman para sa Diyos? Love, joy, peace, grace, fellowship. Ito yung mga bagay na wala sa Laodicea-sila ay mahirap. Ang Smyrna lahat yan ay meron sila - sila ay mayaman. Ang pagiging mayaman ay ang pagkakaroon ng lahat na maibibigay ng Diyos. Ang mga Christian sa Smyrna ay wala ng mga bagay na binibigay ng mundo pero meron sila ng lahat ng binibigay ng Diyos. At iyan ang pagiging mayaman. Tignan natin ang sunod…

V. THE COMMAND (v.10)

A. The Periods
(v.10a)
“Huwag kang matakot sa mga pag-uusig na malapit mo nang danasin. Makinig ka! Ipabibilanggo ng diyablo ang ilan sa inyo bilang pagsubok; magdurusa kayo sa loob ng sampung araw…”

Sinasabi ni Jesus sa kanila na wala kayong dapat na ikatakot sa pagdurusang darating. Sabi ni Pedro sa 1 Pedro 2:21, “Ang pagtitiis ng hirap ay bahagi ng pagkatawag sa inyo ng Diyos, sapagkat nang si Kristo ay magtiis para sa inyo, nag-iwan Siya sa inyo ng isang halimbawa na dapat ninyong lubos na tularan.” Ang mga mananampalataya sa Smyrna ay dapat na maging matapat sapagka't ang diyablo ipapatapon sila sa bilangguan, at magdulot ng matinding kapighatian ng higit sampung beses.

B. The Promise (v.10b)
“Manatili kang tapat hanggang kamatayan, at gagantimpalaan kita ng korona ng buhay.”

Iyan ang pangako hindi lang sa kanila kundi sa lahat ng mga Christian. Sinasabi Niya na, “Gagantimpalaan Ko kayo ng korona ng buhay kung mananatili kayong tapat, ipahayag ang Aking pangalan, at hindi kailanman mahuhulog kay Satanas.” Isa lang ito sa limang koronang pinangako sa New Testament na pinangako sa mga Christian.

Finally, tignan natin ang…

VI. THE COUNSEL (v.11)
“Ang lahat ng may pandinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya! ‘Ang magtatagumpay ay hindi masasaktan ng pangalawang kamatayan.’”

Alam natin na ang unang kamatayan ay ang physical death. Ang pangalawang kamatayan ay ang eternal death sa impyerno. Nag dagdag ng salita si Jesus sa mga hindi pa mananampalataya sa huling bahagi ng sulat sa Smyrna. Sabi Niya, “Kung hindi kayo magiging overcomer, ilalaan ninyo ang walang hanggang buhay ninyo sa impyerno.” Paano tayo magiging overcomer? Sabi sa 1 Juan 5:5, “Sino ang nagtatagumpay (overcomer) laban sa sanlibutan? Ang sumasampalataya na si Jesus ang Anak ng Diyos.” Magiging overcomer tayo sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesus. Dalangin ko sa bawat isa sa atin na naririto na talagang siguraduhin natin ang relasyon natin sa Diyos.

Tandaan natin ito, kung tayo man ngayon ay nahaharap sa pag-uusig sa anumang paraan o nahaharap sa kahirapan ng dahil sa pagtatapat natin sa pagsunod kay Jesus, o makaranas man tayo na tayo ay dinudurog ng ibang tao, hayaan lang natin, kasi minsan lumalaban tayo at sinusubukang magpaliwanag para hindi ka masira, hayaan mo lang at matuto tayo sa tugon ng mga mananampalataya sa Smyrna, na sa Diyos lang sila kumapit, dahil alam na natin ngayon na habang mas dinudurog tayo ay mas nagiging mabagong samyo tayo sa Diyos. Huwag kayo mag taka kung bakit minsan sa paggawa mo ng tama sa church eh bakit may mga minsan na kapatiran mo pa na humahadlang sayo. Kung sa mga oras na ito ay nakikita mo ang sarili mo bilang Smyrna, tandaan mo lang ang sinabi ni Jesus, “Huwag kang mag-alala, huwag kang matakot, manatili ka lang matapat, at gagantimpalaan Kita.” Sa Pahayag 22:12 sabi ni Jesus, “At sinabi ni Jesus, ‘Makinig kayo! Darating na Ako! Dala Ko ang mga gantimpalang ibibigay sa bawat isa ayon sa kanyang ginawa!’”

____________________________________________________________________________

Pondering the Principles

1. Kailan ka mas nagdedepende kay Jesus—kung nasa ayos ang lahat, o kung nasa hindi magandang mga pangyayari? Ano ang dahilan ng pagsubok na dumarating sa iyong buhay? Tignan mo ang mga sumusunod na mga talata: Mateo 5:10-12; Roma 5:3-5; Santiago 1:2-4; 1 Pedro 1:6-7. Ayon sa mga talatang ito, anong pag-uugali ang dapat na meron ka sa gitna ng mga pagsubok? Bakit? Ano ang gustong mangyari ng Diyos sa iyong buhay bilang resulta ng mga pagsubok na ito? Suriin mo ang iyong buhay. Ano ang kasalukuyang pag-uugali mo ngayon sa gitna ng pagsubok? Papaano ka tumutugon sa mga pagsubok na iyon? Simulan mo ngayon na tignan ang mga pagsubok mula sa God’s perspective. Magkaroon ka ng tamang pag-uugali sa pagharap mo sa mga pagsubok na dumarating sa iyong buhay.

2. Basahin ang Hebreo 4:15. Sa anong paraan ka tinutukso gaya ni Jesus? Isulat mo ang mga tuksong iyon. Papaano pinakitunguhan ni Jesus ang mga tuksong iyon? Papaano mo naman pinakikitunguhan ang mga tuksong sinulat mo? Tiyak na wala sa atin ang naging matagumpay sa pangangasiwa sa tukso katulad ng ginawa ni Jesus, kaya ano ngayon ang ating gagawin? Basahin ang Hebreo 4:16 at magkaroon ng oras na gawin kung ano ang sinasabi nito. Aminin mo ang iyong kasalanan sa Diyos, at hilingin mo na tulungan ka Niya sa oras ng mga tukso. Sauluhin ang Hebreo 4:15-16.

3. Ikaw ba ay mayaman na Kristiyano o mahirap na Kristiyano? Papaano naging mayaman ang mga Kristiyano sa iglesya ng Smyrna? Ano ang mas marami na meron ka: ang mga inaalok ng sanlibutan, o ang mga inaalok ng Diyos? Isulat mo ang lahat ng mga inaalok sayo ng Diyos. Basahin ang Efeso 1:3-14. Ayon sa mga talata, ano ang mga bagay na dapat mong idagdag sa iyong listahan? Bilang Kristiyano, ikaw ay pinagpala ng lahat na meron ang Diyos. Magkaroon ng oras na pasalamatan Siya sa lahat ng binigay Niya sayo. Siguraduhin mo lang na iwasan ang mga hindi tiyak na kayamanan na inaalok ng sanlibutan.



Aralin sa Kaligtasan (Part 3 of 4) - ANG KASINUNGALINGAN AT ANG KATOTOHANAN SA DAAN


Daan sa Kaligtasan (Part 3 of 4)
ANG KASINUNGALINGAN AT ANG KATOTOHANAN SA DAAN


Sa krus, matagumpay na isinigaw ni Jesu-Kristo, “
Naganap na!” (Juan 19:30) Ganap na ang kaligtasan. Natapos ni Kristo ang kinakailangang gawin para sa kaligtasan. Ngayon, inaalok ng Diyos ang ganap at sakdal na gawa ni Kristo bilang Kanyang kaloob sa atin. Inaalok Niya ang kaligtasan bilang Kanyang biyaya na matatanggap sa pamamagitan ng pananampalataya. Ngayon sa ating pag-aaral ay titignan natin ang pagsusumikap ng kaaway na baguhin ang Daan sa kaligtasan sa paglalagay ng mga kasinugalingan dito. Tignan natin ang ilang sa mga ito.

I. PANANAMPALATAYA LABAN SA GAWA

Marahil ay isa kayo o minsang naniwala na ang kaligtasan ay makakamit din sa pamamagitan ng mga gawa – paggawa ng mabuti at pagsunod sa mga utos ng Diyos. Isa sa mga pamilyar ngayon ay ang salitang, “minus o dadag points sa langit.” Ito ay dahil sa paniniwala ng marami na ang kaligtasan ay magiging posible sa performance mo, mas maraming ginawang mabuti mas maraming dagdag points at kapag mas maraming ginawang mali maraming bawas points para makapasok sa langit. Maraming mga politikong kurakot ang namimigay ng pera at tulong sa ibang mahihirap sa paniniwalang kahit na sila ay nagnakaw dahil sa dami ng kanilang ginawang kabutihan ay mataas ang tyansa nila sa langit. Naalala ko nang bata ako ay sinusulat ko sa notebook ko ang mali at tama kong ginawa para malaman ko kung mas lamang ang puntos ko papuntang langit. Kaya binabantayan ko ito palagi.

Maraming tao ang naniniwala na mapapatawad sila sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng paggawa ng mga mabubuting gawa, pero ano ba ang sinasabi ng Salita ng Diyos? Sabi sa Roma 3:19-20,
“Alam natin na anumang sinasabi ng Kautusan ay sinasabi sa mga nasasakop nito upang walang maidahilan ang sinuman, at dahil dito'y mananagot ang lahat sa Diyos. Walang taong mapapawalang-sala sa paningin ng Diyos sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan, dahil ang gawain ng Kautusan ay ang ipamukha sa tao na siya'y nagkasala.” Iyan ang layunin at tulong sa atin ng kautusan para makita at malaman natin ang hindi natin makita na napag-aralan natin noong una - na tayo ay makasalanan at kailangan natin ng Taga-pagligtas.

Bakit isinantabi ng Diyos ang paggawa ng mabuti para maligtas kundi sa pamamagitan ng pananampalataya lamang kay Jesus? Sabi sa Roma 3:27-28,
“Kaya't ano ngayon ang ating maipagmamalaki? Wala! At bakit naman tayo magmamalaki? Dahil ba sa ating pagsunod sa Kautusan? Hindi! Kundi dahil sa ating pananampala-taya kay Kristo.Kung gayon, maliwanag na sa pama-magitan lamang ng pananampalataya mapapawalang-sala ang tao, at hindi sa pamamagitan ng pagtupad sa Kautusan.” Isinantabi ng Diyos ang pagpapatawad sa tao sa pamamagitan ng gawa dahil ayaw Niya na tayo ay makapagmalaki sa sarili nating gawa. Kasi kung iyon nga ang naging batayan pagdating ng mga tao sa langit ay magyayabangan sila sa kung bakit sila pinapasok sa langit. Ngunit alalahanin natin na isa sa dahilan kung bakit pinatapon si Lucifer sa impyerno ay dahil siya’y nagmalaki sa kanyang sarili sa langit.

II. KALOOB LABAN SA MGA GAWA

Bukod sa ayaw ng Diyos ang pagmamalaki sa langit kaya hindi sa pamamagitan ng gawa ang tao ay maligtas, isa pa sa dahilan kung bakit hindi pwede sa pamamagitan ng gawa ay dahil sa ang kaligtasan ay kaloob ng Diyos. Sabi sa Roma 6:23, “
Sapagkat kamatayan ang kabayaran ng kasalanan, ngunit ang libreng kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggan, sa pamamagitan ni Kristo Jesus na ating Panginoon.” Malinaw na ang kaligtasan ay libreng kaloob ng Diyos. Ano ang ibig sabihin nito? Roma 4:4, “Ang ibinibigay sa taong gumagawa ay hindi itinuturing na kaloob, kundi kabayaran.” Sabi ni Pablo na kung ang kaligtasan ay sa pamamagitan ng sariling gawa natin ang kaligtasan ng tao ay magiging kabayaran ng Diyos at hindi matatawag na libreng kaloob. Nakay Jesu-Kristo ang kaloob ng Diyos na buhay na walang hanggan. Kaya ano ang dapat nating gawin upang matanggap ang kaloob na ito ng Diyos?

Juan 1:12 –
“Subalit ang lahat ng tumanggap at sumampalataya sa Kanya ay binigyan Niya ng karapatang maging mga anak ng Diyos.”

1 Juan 5:11-12 –
“At ito ang patotoo: ipinagkaloob sa atin ng Diyos ang buhay na walang hanggan at ito'y makakamtan natin sa pamamagitan ng Kanyang Anak. Ang sinumang pinapanahanan ng Anak ng Diyos ay mayroong buhay na walang hanggan, ngunit ang hindi pinapanahanan ng Anak ng Diyos ay hindi makakaranas ng buhay na walang hanggan.”

Muli malinaw na tanging sa pamamagitan lamang ng pananampalataya kay Jesus upang matanggap ng tao ang libreng kaloob ng Diyos na kaligtasan.

III. BIYAYA LABAN SA MGA GAWA

Ang libreng kaloob na ito ng Diyos ay inalok sa lahat ng tao, anoman ang iyong kalagayan, lahi, at kulay. Iyan ang sabi sa 1 Timoteo 2:4,
“Ibig Niyang ang lahat ng tao ay maligtas at makaalam ng katotohanang ito.”  Dahil dito malinaw na ang kaligtasang matatanggap ng mga sasampalataya kay Jesus ay isang biyaya. Ano ang ibig sabihin ng biyaya? Ang biyaya ay pagpapala at kabutihang ibinigay na walang bayad ng Diyos sa mga hindi karapat-dapat. Kalakip ng biyayang ito ay ang gawin tayong matuwid sa harap ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang kagandahang-loob. Iyan ang sabi sa Tito 3:7, “Upang tayo'y gawing matuwid sa pamamagitan ng Kanyang kagandahang-loob, at tayo'y maging tagapagmana ayon sa ipinangakong buhay na walang hanggan.” Yamang ang kaligtasan ay batay sa biyaya at kagandahang-loob ng Diyos, ano ang huwag nating dapat isama rito? Roma 11:6, “At kung iyon ay dahil sa Kanyang kagandahang-loob, maliwanag na iyon ay hindi dahil sa gawa, sapagkat kung ang ginawa ng tao ang siyang batayan, hindi na iyon masasabing kagandahang-loob.” Kung pipilitin ng tao o ng isang sekta ng relihiyon na ang tao ay maliligtas sa pamamagitan ng mga gawa ng tao, winawalang kabuluhan nila ang kamatayan ni Jesus sa krus.

Galacia 2:21
“Hindi Ko maaaring tanggihan ang kagandahang-loob ng Diyos. Kung ang tao'y mapapawalang-sala sa pamamagitan ng Kautusan, walang kabuluhan ang pagkamatay ni Kristo!”

Galacia 5:2, 4
“… binabale-wala ninyo si Kristo. Kayong nagsisikap na maging matuwid sa pamamagitan ng pagtupad sa Kautusan, inihiwalay ninyo ang inyong sarili kay Kristo at tinanggihan ninyo ang kagandahang-loob ng Diyos.”

Ang buod ng ating pinag-aralan ay makikita natin sa Efeso 2:8-9,
“Sapagkat dahil sa kagandahang-loob ng Diyos kayo ay naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ang kaligtasang ito'y kaloob ng Diyos at hindi sa pamamagitan ng inyong sarili; hindi ito bunga ng inyong mga gawa kaya't walang dapat ipagmalaki ang sinuman.”

Muli ang kaligtasan ay makakamit hindi sa pamamagitan ng gawa: paggawa ng mabuti, pagsunod sa kautusan, pag-anib sa isang relihiyon, pagpapabautismo, at anumang mga kulturang gawaing panrelihiyon.

Galacia 2:16
“Gayunman, alam naming ang tao'y pinapawalang-sala dahil sa pananampalataya kay Jesu-Kristo, at hindi dahil sa pagsunod sa Kautusan. Kaya't kami rin ay sumasampalataya kay Kristo Jesus upang mapawalang-sala sa pamamagitan ng pananampalataya sa Kanya, at hindi sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan. Sapagkat ang tao'y hindi pinapawalang-sala dahil sa pagsunod sa Kautusan.”

PAGSISISI AT PANANAMPALATAYA

Ano ang tanging gawa para tayo’y maging matuwid sa harapan ng Diyos?

A. Minasan makikita natin na ang kaligtasan ay sa 
pamamagitan lang ng 
    pananampalataya:

Gawa 11:17
“Kung ibinigay nga sa kanila ng Diyos ang gayon ding kaloob na gaya naman ng Kaniyang ibinigay sa atin, nang tayo'y nagsisisampalataya sa Panginoong Jesu-Kristo, sino baga ako, na makahahadlang sa Diyos?”

Gawa 14:23
“At nang makapaglagay na sa kanila ng mga matanda sa bawa't iglesya, at nang makapanalanging may pag-aayuno, ay ipinagtagubilin sila sa Panginoong kanilang sinampalatayanan.”

Gawa 16:31
“At kanilang sinabi, Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka, ikaw at ang iyong sangbahayan.”

B. Minsan makikita naman natin na ang kaligtasan 
ay sa pamamagitan 
    lang ng pagsisisi:

Gawa 2:38
“At sinabi sa kanila ni Pedro, Mangagsisi kayo, at mangagbautismo ang bawa't isa sa inyo sa pangalan ni Jesu-Kristo sa ikapagpapatawad ng inyong mga kasalanan; at tatanggapin ninyo ang kaloob ng Espiritu Santo.”

Gawa 3:19
“Kaya nga mangagsisi kayo, at mangagbalik-loob, upang mangapawi ang inyong mga kasalanan, upang kung magkagayon ay magsidating ang mga panahon ng kaginhawahang mula sa harapan ng Panginoon.”

Gawa 8:22
“Pagsisihan mo ang kasamaan mong ito at manalangain ka sa Panginoon, na nawa’y patawarin ka Niya sa iyong hangarin.”

Gawa 17:30
“Ang mga panahon ng kahangalan ay pinalipas na nga ng Diyos; datapuwa't ngayo'y ipinaguutos Niya sa mga tao na mangagsisi silang lahat sa lahat ng dako”

Gawa 26:20
“Kundi nangaral akong unang-una sa mga taga Damasco, at sa Jerusalem din naman, at sa buong lupain ng Judea, at gayon din sa mga Gentil, na sila'y mangagsisi at mangagbalik-loob sa Diyos, na mangagsigawa ng mga gawang karapatdapat sa pagsisisi.”

C. Minsan makikita namn natin na ang kaligtasan ay 
sa pamamagitan ng 
    pagsisisi at pananampalataya:

Gawa 20:21
“Na sinasaksihan ko sa mga Judio at gayon din sa mga Griego ang pagsisisi sa Diyos, at ang pananampalataya sa ating Panginoong Jesu-Kristo.”

Marcos 1:14-15
“Pagkatapos ngang madakip si Juan, ay napasa Galilea si Jesus na ipinangangaral ang evangelio ng Diyos, At sinasabi, Naganap na ang panahon, at malapit na ang kaharian ng Diyos: kayo'y mangagsisi, at magsisampalataya sa evangelio.”

Mula sa mga talatang ito makikita natin na hindi natin dapat paghiwalayin ang pagsisisi at pananampalataya. Sabi ni John Murray, "Imposible na paghiwalayin ang pananampalataya at pagsisisi. Ang ligtas na pananampalataya ay napuno ng pagsisisi, at ang pagsisisi ay napapuno ng pananampalataya.”

Papaano natin mapapakita ang ating pagsisisi?

A. Ang pagsisisi ay may nakapaloob na pagkilala ng 
ating kasalanan at 
    pagiging makasalanan

Awit 51:4-5
4 Sa Iyo lang ako nagkasalang tunay, at ang ginawa ko'y di Mo kinalugdan; kaya may katuwiran Ka na ako'y hatulan, marapat na ako'y Iyong parusahan. 5 Ako'y masama na buhat nang isilang, makasalanan na nang ako'y iluwal.”

B. Ang pagsisisi ay nakikitaan ng emosyonal na 
kalungkutan laban sa
    kasalanan

2 Corinto 7:9-10
“9 Ngayon ay nagagalak na ako sapagkat ang kalungkutang iyon ang ginamit ng Diyos para akayin kayo na pagsisihan at talikuran ang inyong pagkakasala, kaya't hindi kayo napinsala dahil sa amin. 10 Sapagkat ang kalungkutang buhat sa Diyos ay nagbubunga ng pagsisisi at pagbabago tungo sa kaligtasan. Ngunit ang kalungkutang dulot ng mundo ay humahantong sa kamatayan.”

C. Ang pagsisisi ay may nakapaloob na 
pagdedesisyong lumayo at  
    tumalikod na sa kasalanan

2 Corinto 12:21
“Nangangamba ako na pagpunta kong muli riyan, hiyain ako ng aking Diyos sa harapan ninyo, at itatangis ko ang karumihan, pakikiapid at kahalayang hindi pa pinagsisihan at tinatalikuran ng marami sa inyo.”

Papaano naman natin mapapakita ang ating pananampalataya?

A. Ang pananampalataya ay may nakapaloob na 
pasang-ayon kay Kristo

Juan 20:31
“Ngunit ang mga nakasulat dito ay isinulat upang kayo'y sumampalataya na si Jesus ang Kristo, ang Anak ng Diyos, at sa pagsampalatayang iyon ay magkaroon kayo ng buhay sa pamamagitan Niya.”

B. Ang pananampalataya ay may nakapaloob na 
kaalaman tungkol kay 
     Kristo

1 Corinto 15:1-4
“1 Mga kapatid, ngayo'y ipinapaalala ko sa inyo ang Magandang Balitang ipinangaral ko sa inyo. Iyan ang Magandang Balitang inyong tinanggap at naging saligan ng inyong pananampalataya. 2 Naliligtas kayo sa pamamagitan nito, kung matatag ninyong pinanghahawakan ang salitang ipinangaral ko sa inyo; maliban na lamang kung walang kabuluhan ang inyong pagsampalataya. 3 Sapagkat ibinigay ko sa inyo bilang pinakamahalaga sa lahat ang tinanggap ko rin: na si Kristo'y namatay dahil sa ating mga kasalanan, tulad ng sinasabi sa Kasulatan; 4 inilibing Siya at muling nabuhay sa ikatlong araw, tulad din ng sinasabi sa Kasulatan”

C. Ang pananampalataya ay may nakapaloob na pagtitiwala kay Kristo

Juan 1:12
“Subalit ang lahat ng tumanggap at sumampalataya sa kanya ay binigyan niya ng karapatang maging mga anak ng Diyos”

Papaano naman natin maipapaliwanag ang sinasabi sa Santiago 2:14-20?

14 Mga kapatid, ano ang pakinabang kung sabihin ng isang tao na siya'y may pananampalataya, ngunit hindi naman niya ito pinapatunayan sa gawa? Maililigtas ba siya ng ganoong uri ng pananampalataya? 15 Halimbawa, may isang kapatid na walang maisuot at walang makain. 16 Kung sasabihin ninyo sa kanya, “Patnubayan ka nawa ng Diyos; magbihis ka't magpakabusog,” ngunit hindi naman ninyo siya binibigyan ng kanyang kailangan, ano ang silbi niyon? 17 Gayundin naman, patay ang pananampalatayang walang kalakip na gawa. 18 Ngunit may nagsasabi, “May pananampalataya ka at may gawa naman ako.” Ipakita mo sa akin kung paano maaaring magkaroon ng pananampalataya nang walang mga gawa, at ipapakita ko naman sa iyo ang aking pananampalataya sa pamamagitan ng aking mga gawa. 19 Sumasampalataya ka na ang Diyos ay iisa, di ba? Mabuti naman! Ang mga demonyo man ay sumasampalataya rin, at nanginginig pa. 20 Isa kang hangal! Nais mo pa bang patunayan ko sa iyo na walang kabuluhan ang pananampalatayang walang kasamang gawa?

Kinokontra ba nito ang turo ni Pablo na tanging sa pananampalataya lang at hindi sa pamamagitan ng gawa ang kaligtasan? Tinuturo ba nito na maliligtas ang tao hindi lang sa pamamagitan ng pananampalataya kundi sa pamamagitan din ng gawa? Para masagot natin iyan ay tignan natin kung sino ang sinulatan ni Santiago sa 1:1-2, “1 Mula kay Santiago, lingcod ng Diyos at ng Panginoong Jesu-Cristo: Ipinapaabot ko ang aking pagbati sa lahat ng mga hinirang ng Diyos na nakikipamayan sa iba't ibang bansa. 2 Mga kapatid, magalak kayo kapag kayo'y dumaranas ng iba't ibang uri ng pagsubok.” Dito makikita natin na tinawag ni Santiago ang kanyang mga sinulatan na mga kapatid at binati na mga hinirang ng Diyos. Nakarating sa kaniya na hindi nakikita sa buhay nila ang pagiging taga-sunod ni Kristo. Kaya sinulatan niya sila para paalalahanan na bilang mga mananampalataya ay dapat nakikita ang bunga nito – ang bunga ng pananampalataya ay ang mabubuting gawa. Kung ikaw ay sumampalataya ngunit hindi nakikita sa buhay mo ang bunga ang pananampalataya mo ay sa nguso lang, hindi ikaw tunay na ligtas. Kaya ang gawa ay bunga hindi daan sa kaligtasan.

______________________________________________

PAG-ISIPAN:
1. Bakit hindi sa pamamagitan ng sariling gawa maliligtas ang tao?
2. Maliligtas ba ang tao sa pamamagitan ng pag-anib sa isang iglesya, pagsunod  
    sa utos ng Diyos? Bakit?
3. Kailang nagiging mahalag ang mabuting gawa?

PAGSASABUHAY:
1. Ano ang magiging epekto sayo matapos mong malaman na ang kaligtasan ay 
    pwede mong makamit o nakamit sa pamamagitan ng kagandahang-loob 
    at biyaya ng Diyos?

2. Papaano mo maipapakita ang mabuting gawa sa linggong ito sa mga tao
    sa iyong paligid?

PANANALANGIN:
Ipanalangin ang pagsasabuhay na nagawa na tulungan tayo ng Diyos na maipamuhay ito.

 

Name of God: Fortress - "Kapangyarihan ng Imahenasyon" (102 of 366)

Name of God: Fortress Kapangyarihan ng Imahenasyon Basahin: Kawikaan 18:10-16 (102 of 366) “Ang ari-arian ng isang mayaman ay kanyang kanlu...