Huwebes, Marso 10, 2022

The Church in Prophetic Perspective - Part 1 of 8

 

The Church in Prophetic Perspective (Part 1 of 8)
Scripture: Pahayag 2-3 
Tinuro at tinagalog ni Pastor Arnel Pinasas Mula sa Aklat ni John MacArthur – The Church in Prophetic Perspective

Introduction

Ang book of Revelation ay isang pahayag--ng pag-alis ng talukbong at pagpapakita kay Jesu-Kristo sa Kanyang buong kaluwalhatian. Yung mga bagay na hindi pa nila masyado naunawaan sa kung sino si Jesus noong kasa-kasama pa nila ito, dito ay nahayag na. Ito ay ang aklat na kung saan tinutukoy ang magiging wakas ng lahat. Nahayag din dito ang mga bagay tungkol sa langit, mga mangyayari sa ating mundo, at patungkol sa mga bagay sa ilalim ng lupa. Makikita din dito ang tungkol sa mga angels, demons, war in heaven, Armageddon, the judgment of God, the breaking of seals, the sounding of trumpets, and the pouring out of bowls at higit sa lahat mga bagay patungkol kay Jesus. Makikita din dito ang new heaven and new earth. Inihahayag nito ang pagkawasak ng libingan o ng kamatayan, impyerno, at mga kaaway ni Kristo. Makikita din natin ang ating mga kapalaran dahil sinasabi dito kung saan natin ilalagi ang ating buhay na walang hanggan. 

Sabi ni Juan, “…malapit na itong maganap,” (Pahayag 1:3). Nang tumingin si Juan kay Jesus sa Kanyang eternal deity, para siyang patay na bumagsak sa Kanyang paanan (Pahayag 1:17). Iyan ang simula ng book of Revelation o Pahayag. Sa Pahayag 1:13-16, si Kristo ay nilalarawan na kumikilos sa pitong kandelero (lampstand), o sa pitong iglesya. Sa Pahayag 2-3, makikita ang pagkakakilanlan ng mga iglesyang iyon-- maging yung mga nangyayari sa kanila, history at prophecy ay nahayag sa atin. 

A. An Outline of Revelation (Pahayag 1:19) 
“Isulat mo nga ang mga bagay na nakita mo, at ang mga bagay ngayon, at ang mga bagay na mangyayari sa darating” 

1. THE VISION OF CHRIST 
Sa Pahayag 1:19, sinabi ni Jesus kay Juan na “isulat (niya) ang (kanyang) nakikita…” Ang nakikita niya na isusulat niya ay ang nakita niya sa Pahayag 1:1-18. Ano ang nakita niya? The vision of the glorified son.  

2. THE LETTERS TO THE CHURCHES 
Sinabi din ni Jesus kay Juan sa Pahayag 1:19 na isulat hindi lang ang nakikita niya kundi maging ang, “nangyayari ngayon.” Iyon ang mga naisulat niya sa mga letter sa churches na nag e-exist sa panahon na iyon. Makikita sila sa Pahayag 2-3. 

3. THE EVENTS OF THE END TIMES 
Finaly sa Pahayag 1:19 ay sinabi din ni Jesus na isulat ni Juan ang, “mangyayari pa pagkatapos nito.” Ang mga bagay naman na iyon ay magsisimulang mabasa sa Pahayag 4 at patuloy hanggang sa katapusan ng book. 

So, ang talata 19 ay naglalaman ng outline ng aklat ng Pahayag: Ang bagay na kanyang nakikita, ang bagay na nangyayari, at ang mga bagay na mangyayari. Nakita niya ang vision ni Kristo. Magsusulat siya sa seven churches na existed sa panahon na iyon, at ire-record ang lahat ng mga pangyayari sa katapusan ng mundo na nagtapos sa pagluwalhati kay Kristo sa Kanyang ikalawang pagparito. |

B. An Overview of the Churches
 
Ang pag-aaral natin ngayon ay maco-cover ang section ng the seven churches na makikita sa Pahayag 2:1-3:22. Ang mga church na iyon ay nag exist sa panahon na sinulat ito ni Juan, about 96 A.D. (Year of our Lord). Sila po ay tunay na mga iglesya sa totoong mga bayan sa totoong lugar sa Asia Minor (ngayon ay Turkey). Gayunpaman, ang kanilang kahalagahan ay nakasalalay sa kanilang prophetic implications. 

1. A PERSONAL MESSAGE 
Sa section na ito, nagbigay si Juan ng personal na mensahe sa bawat pitong iglesya. Sila ay nakalista ayon sa pagkasunod-sunod kung pupunta kayo sa Asia Minor kung susundin ninyo yung counter-clockwise circle pag-alis sa Ephesus. 

2. A PROPHETIC PERSPECTIVE
Titignan natin ang overview ng seven churches para ma-discover natin kung ano ang tinuturo nito sa atin. Sasagutin natin ang tanong na ito:  What is their prophetic perspective? Na malaman natin sa pamamagitan ng pitong iglesyang ito kung anong klase o uri ng iglesya ang mga bawat iglesya sa lahat ng iglesya sa kasaysayan hanggang sa muling pagbalik ni Jesus. Ang mga iglesya ay inilarawan ang apat na area ng mga katotohanan patungkol sa lahat ng iglesya, at dahil dito, patungkol ito sa lahat ng mga mananampalataya. Ang apat na katotohanan na nilalarawan ng mga iglesya ay: The Persecution of the Churches, The Prophecy of the Churches, The Problem of the Churches, and The Purpose of the Churches. Una, titignan natin ang… 

I. THE PERSECUTION OF THE CHURHCES 

A. The Reign of Persecution 
Ang lahat ng iglesyang ito ay under ng persecution ng Roman Emperor na si Domitian (who reigned from +A.D. 81-96). Sa panahon na iyon ang ilang paraan ng persecution ay na develop: niluluto sila sa kumukulong mantika (at isa nga sa nakaranas nito ay si Juan pero walang nangyari sa kanya kaya naging dahilan ito kung bakit marami ang na-convert that time sa mga naka saksi), tinatanggal yung mga kuko nila, at may mga bagay na tinutulak sa ilalim ng kanilang kuko. Tapos papatayin sila. Ang lahat ng pitong iglesyang iyon ay nag-e-exist sa gitna ng ganitong katinding uri na mga persecution o pagpapahirap. 

B. The Reasons for Persecution 
Masasabi natin ngayon na, “bakit sila pinapahirapan? Ano yung maling ginawa nila para maranasan nila iyon?” Ang mga tao sa mga iglesya ng panahon ni Domitian ay mga second generation Christian (Karamihan sa mga 1st generation ay mga patay na). May limang dahilan kung bakit sila na pe-persecute: 

1. THEY HAD MISSIONARY ZEAL 
Ang nature ng Christianity ay missionary--Ang mga Christian sa panahon nila ay patuloy na nagbabahagi ng Magandang Balita saan man sila naroroon at ano man ang nangyayari. Makikita natin ang nakakamanghang panalangin nila sa gitna ng banta ng panganib at ganito ang kanilang panalangin, “At ngayon, Panginoon, tingnan ninyo, pinagbabantaan nila kami. Bigyan Ninyo ng katapangan ang inyong mga alipin upang ipangaral ang inyong salita,” (Gawa 4:29). Imbes na ang ipanalangin nila ay alisin ang mga nagpapahirap sa kanila, ang pinanalangin nila ay bigyan sila ng katapangan para ipangaral ang Salita ng Diyos. Ito pa, “Samantala, sinikap ni Saulo na wasakin ang iglesya; pinasok niya ang mga bahay-bahay at kanyang kinaladkad at ibinilanggo ang mga sumasampalataya, maging lalaki o babae. Ipinangaral ng mga mananampalatayang nagkawatakwatak sa iba't ibang lugar ang Salita saan man sila magpunta,” (Gawa 8:3-4). Hindi sila tumitigil sa pangangaral kahit na sila ay nahaharap sa matinding persecution o banta. At iyan ang dahilan kung bakit sila nape-persecute. 

2. THEY DEMANDED OBEDIENCE TO THE KING OF KINGS 
Ang mga Kristiyano ay inuusig dahil sila ay kailangang sumunod ng buong puso sa Hari ng mga hari, at hindi kay Caesar. Hindi iyon pinapaburan ni Caesar. Rebellion iyon kay Caesar ayon sa mga Romano.

3. THEY REFUSED TO BOW TO HEATHEN IDOLS 
Kapag ang emperor ay nag issue ng proclamation na ang lahat ay dapat sumamba sa certain god, kailangan nilang lumuhod-kung hindi, alam na. Pero ang mga Christian doon hindi nila ginagawa iyon. 

4. THEY WERE THOUGHT TO BE CANNIBALS 
Ang mga tao sa Roman Empire ay naniniwala na ang mga Kristiyano ay mga cannibals o kumakain ng laman ng tao dahil narinig nila ang patungkol sa, “the Lord Supper,” “Communion.” o “the breaking of bread.” Nang marinig nila iyon na ang mga Kristiyano ay kumakain ng katawan at dugo ng Panginoon, they assume na sila ay mga cannibals. Kalaunan kumalat ang tsismis na ang mga Kristiyano ay kumakain ng mga baby. Later, ang dahilang iyan ang naging pakunwaring dahilan para sila ay i-persecute. 

5. THEY WERE LOOKED DOWN ON 
Ang lahat ay may mababang pagtingin sa mga Kristiyano sa panahon nila. Itinuturing silang mga basura sa mundo. At dahil ang mga Kristiyano ay hindi lumuluhod sa kanilang mga hiling, sinimulan ni Domitian na lipunin sila. Ito ang bagay na patuloy at sinubukang ginawa ng maraming tao at mga makapangyarihang tao sa sumunod na mga panahon-pero walang nagtagumpay. 

C. The Reflection of Persecution 
Ang tunay na mga iglesya na ino-honor si Kristo ay ang mga iglesyang kinamumuhian ng sanlibutan. Ito ay kinamumuhian sa panahon ng paghahari ni Domitian at patuloy na kinamumuhian sa panahon natin ngayon. Ang best commentary sa anumang Church ay kung ano ang iniisip ng sanlibutan tungkol dito. Walang awa na inuusig ni Domitian ang pitong iglesya. Prophetically, sila ay sumasalamin sa pag-uusig ng totoong iglesya sa lahat ng panahon.

1. Gawa 14:22 – sabi ni Pablo, “Daranas muna tayo ng maraming kapighatian upang makapasok sa kaharian ng Diyos.

2. 1 Pedro 2:21 – “Ang pagtitiis ng hirap ay bahagi ng pagkatawag sa inyo ng Diyos, sapagkat nang si Kristo ay magtiis para sa inyo, nag-iwan Siya sa inyo ng isang halimbawa na dapat ninyong lubos na tularan.” 

Iyan ang badge ng iyong katapatan. Ang anumang totoong iglesya-kung ito ay namumuhay at lumakad Kay Kristo-ito ay kamumuhian ng sanlibutan at uusigin. Bakit? The more na namumuhay kayo sa kung papaano namumuhay si Jesus, “Kapopootan kayo ng lahat dahil sa pagsunod sa Akin…Walang alagad na nakakahigit sa kanyang guro at walang aliping nakakahigit sa kanyang panginoon. Sapat nang matulad ang alagad sa kanyang guro, at ang alipin sa kanyang panginoon. Kung ang ama ng sambahayan ay tinawag nilang Beelzebul, lalo nang lalaitin nila ang Kanyang mga kasambahay,” (Mateo 10:22a-24-25). Kung hindi mo nararanasan ang anumang pag-uusig ito ay dahil hindi ka namumuhay kung papaano namuhay si Jesus. Ang tunay na namumuhay na tulad ni Jesus ay kinamumuhian ng sanlibutan. Ang pangalawang katotohanan na titignan natin ay… 

II. THE PROPHECY OF THE CHURCHES 

Papaano naaangkop ang mga iglesyang ito sa prophetic book? Si Juan ay sumusulat sa mga minister o pastor ng mga iglesyang ito with instructions. (Ang salitang “Angels” sa text literally means “messengers.”) Ano ang kinalaman nito sa prophecy? Hindi niya sinasabi sa kanila ang mangyayari. Pero ang instruction ay mayroong prophetic importance sa tatlong paraan. First, ang mga church na iyon ay may prophetic importance dahil maaari silang makita bilang… 

A. Representing All Churches 
Anong ibig sabihin ko dito? Seven ay God’s sacred number. It symbolizes completion, perfection, totality. Sa pagpili Niya sa seven churches, He is saying in effect na, “This is My message to the total church.” Although ang mga church na ito ay aktuwal na umiiral sa Asia Minor, sila ay kumakatawan sa kumpletong larawan ng kabuuang iglesya. So, nang si Jesus ay nagsasalita sa mga iglesyang ito, Siya ay nagsasalita sa lahat ng mga iglesya sa lahat ng panahon. Although ang mensahe sa Pahayag2-3 ay madalas nakaliligtaan ng mga Kristiyano, meron itong napakalaking kahulugan sa iglesya ngayon. Ito ang dahilan kung bakit si Juan ay nag tatapos sa lahat ng seven letters sa parehong salita na: “Ang lahat ng may pandinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya…” (Pahayag 2:7, 11, 17, 29; 3:6, 13, 22). Sa ibang salita, anumang panahon ka nabubuhay, ang mga mensaheng ito ay para sa iyo. Muli, may napakalaking prophetic importance sa mga iglesyang iyon dahil ang mensahe sa kanila ay kumakatawan sa total message sa total church.

Pangalawa, the churches have prophetic importance because they can be seen as… 

B. Representing Different Churches 
Sa buong kasaysayan ng church, merong mga iba’t ibang uri ng mga church. Ang Ephesian church ay isang uri ng church at ganundin sa Smyrnaean church, ang Laodicean church, at ang Pergamene church. Sila ay kumakatawan sa pitong ibat ibang uri ng mga iglesya. Basically, ang lahat ng church ay nahuhulog sa isa sa pitong ibat-bang katigorya, na may ilang kumbinasyon ng mga characteristic. Each of those types ay existed sa panahon ni Juan. 

1. DETERMING THE DIFFERENCES 
Bakit kaya pinili ang pitong iglesyang iyon kung meron namang iba pang iglesya sa panahon na iyon? Ang pitong iglesyang iyon ay eksaktong kumakatawan sa pitong magkakaibang uri. The same seven types na nag e-exist ngayon. Although ang bawat individual church ay magkakaiba, nahuhulog parin ang mga iglesya sa mga katigorya na dahilan kung bakit sila naiiba sa ibang iglesya. Pwede kang pumunta sa isang iglesya na totally different kaysa ibang iglesya. Ang mixture ng mga tao sa loob ng iglesya ang dahilan kung bakit sila magkakaiba, pero nahuhulog parin sila sa isa sa mga pitong katigorya. Kaya pwedeng ang church nyo ay Ephesian-type church kung ang karamihan sa mga tao doon ay mga Ephesian –type church. Kung karamihan naman sa mga kasama mo sa church ay mga Laodicean-type of church then kayo ay Laodicean-type of church. Kung sino ang nangunguna sa church ang magsasabi sa kung anong uri ito. 

2. DESCRIBING THE DIFFERENCES 
Inilarawan ni Juan ang ibat-ibang uri ng iglesya sa Pahayag 2-3. Nagsimula siya sa…  

a. The Church at Ephesus 
Pahayag 2:4 
“Subalit may isang bagay na ayaw Ko sa iyo: iniwan mo na ang pag-ibig mo noong una.” 

Ang church ng Ephesus ay nahulog sa pagkawala ng pag-ibig nila kay Jesus. Ang init nila ay nawala. Ang apoy at init nila ay humina. Ito ang church na doctrinally correct, pero nanlamig. Pwede kang maging tama theologically, pero kung nawala ang iyong first love kay Jesu-Kristo, then ang theology mo ay nothing but cold academics. Ang ganda ng combination ng sound doctrine at pag-ibig kay Kristo para ang isang church ay maging sa kung ano talaga siya. Ang Ephesian church ay kumakatawan sa church na doctrinally pure, pero cold. Nawala ang kanilang pag-ibig dahil ang mga tao ay kusang loob na lumakad palayo mula rito.

b. The Church at Smyrna
Ito naman ay kumakatawan sa suffering, persecuted church.

Pahayag 2:10
“Huwag kang matakot sa mga pag-uusig na malapit mo nang danasin. Makinig ka! Ipabibilanggo ng diyablo ang ilan sa inyo bilang pagsubok; magdurusa kayo sa loob ng sampung araw. Manatili kang tapat hanggang kamatayan, at gagantimpalaan Kita ng korona ng buhay.”

Sabi ni Kristo na ang iglesya sa Smyrna ay daranas ng paghihirap. Pwede nating sabihin na, “wala akong alam na church ngayon na suffering church.” Pero what about yung mga church sa China? Sila ay naghihirap. Walang nakaka-alam kung paano ang maraming sampung libong mga Christian ay naging martyred sa Communist China. Kahit sa mga missionary na nag su-suffer ng abuse sa South America. Kung aware lang tayo marami tayong maririnig ng mga nag su-suffer na mga Christian sa ibat-ibang lugar sa mundo ng dahil sa pagsunod kay Jesus. Si Jesus mismo ay walang makitang mali sa church sa Smyrna dahil ang labi nila ay nasunog ng ang church ay nag suffer dahil kay Jesu-Kristo. 

c. The Church at Pergamum
Ang iglesyang ito ang nagpakasal sa sanlibutan.

Pahayag 2:13
“Alam Ko kung saan ka nakatira, sa kinaroroonan ng trono ni Satanas…”

Saan ba ang trono ni Satanas? Siya ang prinsipe ng sanlibutan. Ang church na nakasal sa sanlibutan ay nailalarawan bilang country club atmosphere na walang standards. Ito ay socially oriented-na gagawin ang lahat alang-alang sa pagpapanatili ng social. Ito ay compromising never taking a true stand. Kamakailan lang ay may nabasa ako sa Fb na may church sa ibang bansa na naglagay ng bar at free beer para sa mga unbeliever na papasok sa church nila. Kanya kanyang gimik para mas maging kaakit-akit ang church nila. Parang isang babae na makaluma na sa mata ng marami at wala nang naaakit kaya ang ginawa ng tatay ay nilagyan siya ng make-up, tapos binawasan ang damit na halos kita na lahat para maging kaakit-akit sa marami. Ganyan ang ginagawa ng maraming church ngayon. Binababa nila ang standards nila just to cater ang mga compromising people. Mas concern sila sa mga fashion ng mundo kaysa mga bagay na tungkol sa Diyos.

d. The Church at Thyatira
Pahayag 2:20
“Ngunit ito ang ayaw Ko sa iyo: pinapayagan mo si Jezebel, ang babaing nagpapanggap na propeta, na turuan at linlangin ang Aking mga lingkod upang makiapid at kumain ng pagkaing inihandog sa mga diyus-diyosan.”

Ito ang makasalanang church na nagtuturo ng false doctrine

1. Tolerating False Doctrine, sin and false doctrine always appear together.
Tuwing ang maling katuruan ay makapasok sa Iglesya, susunod na dito ang kasalanan. Halimbawa nito yung church sa Corinth kung saan nahulog sa mga false teacher. At ang naging resulta, kumalat sa buong church ang kasalanan. Mababasa nyo iyan kung titignan nyo sa 1 Corinthians kung ano ang ginawa nila. Ang church sa Thyatira ay kumakatawan sa iglesya by sin and false doctrine. Kapag ang false doctrine ay pinahintulutan, theological liberalism ay magsisimulang gumapang at ang Gospel ay mababalewala. That’s how Satan brings about sin.

2. Teaching the Social Gospel
Kapag ang true gospel ay napalitan na ng social gospel, ang kasalanan ay lumalaganap. Nangyayari ito kasi ang false doctrine ay inalis ang doctrine ni Christ na tinuro ng Salita ng Diyos. Nagtuturo ito ng ibang doctrine about the inspiration of Scripture, the deity of Jesus Christ, His blood atonement, at ang Kanyang second coming. Kapag ang totoong gospel ay lumabnaw dahil sa false doctrine at sa social gospel, ang kasalanan ang natural na resulta. May isang pangyayari sa Glendale nakung saan ang sayawan sa isang Methodist church doon ay pinatrolyahan ng mga pulis pagkatapos na ang mga sponsors sa na unang sayawan ay lumahok sa nude dancing. Nakakahiyang balita ito. Ang pangalan ni Jesus Christ ay nilapastangan ng iglesya na nagpakita ng Cross sa labas. False doctrine opens the door to sin.

e. The Church at Sardis
Pahayag 3:1
“Alam Ko ang ginagawa mo; ang alam ng marami, ikaw ay buháy, ngunit ang totoo, ikaw ay patay.”

Sa King James version ang ginamit sa huling bahagi ay, “and art dead.” Ang salitang, “and” sa greek ay, “kai.” Pwede itong isalin na “and” o “but.” Pero ang better translation ay “but” –“but art dead.” Ang Sardian– type church, meron kang makikita dito na naglilinis, nag aayos ng upuan, nag p-prints para sa bulletin, at may tumatayo sa pulpit. Pero ang iglesyang ito ay hindi buhay; ito’y patay. Ang Church sa Sardis ay dead church. May isang church na nakakaranas ng mabilis na paglago sa bilang, at ang bagong pastor doon ay excited patungkol dito. Isang araw lumapit sa kanya ang mga board at sinabi sa kanya na, “Kami ay sapat na sa paglago natin sa bilang. Kaming mga mas matagal na dito sa church ay naiwawalang bahala na. Mas gusto namin noong kami-kami lang kahit kakaunti.” Umalis ang pastor doon. Ngayon nandoon parin ang church na iyon, pero ito ay patay.

f. The Church at Philadelphia
Ito ay isang napakagandang iglesya.

Pahayag 3:8
“Alam Ko ang mga ginagawa mo. Alam Kong kaunti lamang ang iyong kakayahan ngunit sinunod mo ang Aking salita, at naging tapat ka sa Akin. Kaya't binuksan Ko para sa iyo ang isang pinto na hindi maisasara ninuman.”

Ang Diyos ay nag bukas ng pinto sa mundo sa iglesyang ito. Ang mga tao ay pwedeng dumaan dito para maabot ang salita na may Magandang Balita. Ito rin ay isang church na kung saan si Jesus ay hindi ikinaila. Ang kalakasan nila ay sa Diyos, na nagsabi, “…lubusang nahahayag ang Aking kapangyarihan kapag ikaw ay mahina,” (2 Corinto 2:19). Ito ang faithful, Christ-honoring, zealous, missionary-minded church na nag bibigay ng kaluwalhatian sa Diyos. Masasabi natin na, Sila ba ay perpektong church?” Hindi po. Ayon sa talata 9, meron din silang problema. Dahil wala namang perpektong church talaga. Pero kung meron mang perpektong church sila yung pinaka malapit dito. Lumayo sila sa kasalanan, sa false teaching at compromise at nanatili silang buhay.

g. The church at Laodicea
Ito ay apostate church, tumalikod sila. Dito nananahan si Satanas. Hindi ito church; kabaligtaran ito nito.

Pahayag 3:15-16
“Alam Ko ang mga ginagawa mo. Alam Kong hindi ka malamig ni mainit. Mabuti pa sana kung ikaw ay malamig o mainit. Ngunit dahil ikaw ay maligamgam, hindi mainit ni malamig, isusuka Kita!”

Ito ang church na nagpapasakit sa Diyos. Impyerno ang tungo nito. Ito ay liberal church na pinapalakad ng mga kulto that denies the true gospel. Sila ay sinumpa at sira, pero magbabago pagdating ng tribulation.  

With the exception of Smyrna at Philadelphia, ang mga church ay nag progress from bad to worst. Ephesus was cold, pero yung last two ay dead at apostate.

C. Representing Different Chuch Members
Hindi lang may pitong uring ng mga church, pero meron ding pitong uri ng mga church member.

1. THE MAKE-UP OF THE MEMBERS

a. In Ephesus (falling out of love with Jesus)

Marami na akong nakitang Ephesian-type member, maging ako ay dumating sa ganitong uri na member. Ilan na ang nakita ninyong nang umpisa ay grabe ang init na pinapakita sa pagsunod kay Jesus? Pero nang nagtagal ay nanlalamig na at naging madalang na sa gawain sa iglesya. Ilan sa inyo dito yung sinasabi na mahal si Jesus pero kung tatanungin kung nag dedevotion araw at gabi ay wala? O ni hindi pa nga natapos ang pagbasa sa buong Bible pero pag kumanta ng, “mahal na mahal kita Panginoon,” na may iyak pa pero walang oras sa Panginoon? Kayo po masasabi nyo po ba na mahal ng lalaki ang asawa nya kung araw-araw nag sasabi naman sya na mahal niya ito pero hindi naman nagbibigay ng oras dito, masasabi ba natin na nagmamahal talaga ang lalaki sa asawa niya? O ilan pa sa atin ang sumusunod at namumuhay ng katulad ni Jesus sa pag-ibig? At ang pagiging Kristiyano niya ay routine nalang at nakabase nalang sa schedule sa mga gawain sa church?

b. In Smyrna (the poor-rich church)
Meron namang mga Symrna-type members sa mga church. Binayaran nila ang kanilang katapangan para kay Kristo sa pamamagitan ng paghihirap. Nagpapahayag sila ng patotoo kay Kristo at sila ay nag dudusa ng pang-aabuso ng mga tao dahil sa ginagawa niyang ito. Alam kong may mga tao na patuloy na nagbabahagi ng patungkol kay Jesus kahit ano man ang sabihing masama laban sa kanila ng mga tao sa paligid niya. Nagpapasalamat ako sa Diyos sa mga Smyrna-type members.

c. In Pergamum (The church at Satan’s throne)
Ito ang mga member na kasal sa sanlibutan; mga na-inlove sa sanlibutan. Sila ay mga abalang-abala sa kanilang pera, trabaho, fashion, at sa kanilang sarili. Concern sila kung papaano makakasabay o makakarelate sa mundo, pero sila ay nag co-compromise kay Satan. Hindi sila willing to pay the price bilang true disciple, kaya ni-lower nila ang kanilang standards at sinisira ang pangalan ni Kristo. Parte naman sila ng mission sa church. Sila ay parte ng konsomission (konsomisyon) sa church habang ang iba ay part ng great commission. Sila ay pabigat at pinapahina ang church at useless sa Panginoon.

d. In Thyatira (The disaster of the church that tolerates sin)
Ang church ng Thyatira ay puno ng false doctrine at kasalanan. Alam kong walang church na walang member na namumuhay sa kasalanan. Bakit ko nasabi iyan? Kasi sabi iyan ng Bible na walang church na walang ganito. Sabi ng Bible kung saan nagtatanim ng mabuting binhi ang Diyos, si Satanas ay maghahasik ng masamang binhi. Ang mga taong namumuhay sa kasalanan ay ang mga taong binibigyang-katwiran nila ito ng maling doctrine. Naalala ko may kilala ako na young people na ang sabi nya sa akin ay ok lang daw na mag karoon ng kasintahan na unbeliever kasi sabi daw ni Pablo na baka sakaling sila ay maging mananampalataya. Pero iyon ay isinulat ni Pablo para sa mga nasa ganoon ng relasyon. Pero sinabi naman niya sa mga wala pa sa ganoon na, “do not be unequally yoked.” May isa naman ang sabi sa akin na ok lang daw muna na mag inom at mambabae at gumawa ng mga masasamang bagay para pag tatanggapin mo na si Jesus eh may maganda kang testimony kung papaano ka binago. Meron naman na pwede kang makipag-inuman para maabot mo ang mga lasenggo. Marami pa akong na encounter na namuhay sa kasalanan at binibigyan-katwiran nila ito ng mga maling doktrina. May ilan naman na may tinatagong kasalanan sa church, pero hayag sa Diyos. May magsasabi na, “kung ang kasalanan ko naman ay walang nakakaalam, wala naman akong nasasaktan na kahit sino.” Akala mo lang wala, pero meron, meron! Sabi sa Bible, “Napapaalsa ng kaunting pampaalsa ang buong masa ng harina,” (Galacia 5:9). Kailangan maalis natin ang bagay na ito sa ating church. Makakatulong ang pagkaka-roon ng mga accountability partner o discipleship group para dito.

e. In Sardis (The dead church)
Ito ang mga member na spiritually dead. Hindi sila exicited kay Jesus kahit na anong mangyari. Sila ay mga manhid spiritually-walang nangyari sa buhay nila.

f. In Philadelphia (The faithful church)
Purihin ang Panginoon na meron mga member na Philadelphia-type members sa church. Ito yung mga missionary-minded. Nananatili sila sa sound doctrine at hindi kinatwa ang pangalan ni Jesus. Sila ay in-love kay Kristo at may pananabik at masigasig sila na ibahagi si Kristo sa iba.

g. In Laodicea (The apostate church)
Imagine ninyo kung may Laodicean-type members sa church nyo. Hindi nga nila kilala si Jesus; pero pumupunta sila sa church. Nakakasabay sila sa mga spiritual na gawain sa church pero sila ay mga false believer. Sa huli sila yung mag sasabi na, “Panginoon, Panginoon…kami ito.” Pero sasabihin ng Panginoon, “Hindi Ko kayo kilala. Lumayo kayo sa Akin,” (Mateo 7:23).

2. THE MOTION FOR THE MEMBERS
Anong uri ng member ka? Maaari nyong sabihin na, “Pwede pa ba ako magbago kung ano ako?” Opo pwede. Merong binigay ang Panginoon na mga motivational message para mabago kung ano tayo ngayon.

a. For Ephesian
Sasabihin mo na, “ako ito kasi ang pag-ibig ko ay nanlamig” 

Pahayag 2:7
“Sa magtatagumpay ay ibibigay Ko ang karapatang kumain ng bunga ng punongkahoy ng buhay na nasa Paraiso ng Diyos.”

b. For Smyrnaean
Sasabihin mo, “ako ito at naghihirap ako ngayon, at hindi ko na halos ma-mahandle ang pressure.”

Pahayag 2:11
“Ang magtatagumpay ay hindi masasaktan ng pangalawang kamatayan.”

c. For the Pergamene
Pahayag 2:17
“Ang magtatagumpay ay bibigyan Ko ng nakatagong pagkain. Bibigyan Ko rin siya ng batong puti na kinasusulatan ng isang bagong pangalan, na walang sinumang nakakaalam maliban sa tatanggap niyon.”

d. For the Thyatiran
Pahayag 2:26
“Sa magtatagumpay at tutupad ng ipinapagawa Ko hanggang wakas, ibibigay Ko sa kanya ang pamamahala sa mga bansa.”

e. For the Sardian
Pahayag 3:5
"Ang magtatagumpay ay dadamitan ng puti, at hindi Ko kailanman buburahin sa aklat ng buhay ang kanyang pangalan. Kikilalanin Ko siya sa harap ng Aking Ama at ng Kanyang mga anghel."

f. For the Philadelphian
Pahayag 3:12
“Ang magtatagumpay ay gagawin Kong isang haligi sa templo ng Aking Diyos, at hinding-hindi na siya lalabas doon. Isusulat Ko sa kanya ang pangalan ng Aking Diyos, at ang pangalan ng Kanyang lungsod. Ito ang bagong Jerusalem na bumababa mula sa langit buhat sa Aking Diyos. Isusulat Ko rin sa kanya ang Aking bagong pangalan.”

g. For the Laodicean
Pahayag 3:21
“Ang magtatagumpay ay bibigyan Ko ng karapatang umupo na katabi Ko sa Aking trono, tulad Ko na nagtagumpay at nakaupo ngayon katabi ng Aking Ama sa Kanyang trono.”

Ito ay napakalaking motivation. Parang sinabi na lakarin mo Manila to Baguio at bibigyan ka ng isang 500 Billion Dollar. Natitiyak ko na buong tiyaga nating lalakarin ito. Pero kung nauunawaan natin ang mga binigay ng Panginoon na mga motivational message na ito, walang makahihigit o papantay man sa mga bagay na ito. At kung talagang na uunawaan natin ito, mag kakaroon ito ng matinding pagbabago sa iyong buhay. Ngayon, gusto kong makita nyo ang…


III. THE PROBLEM OF THE CHURCHES
Ang problema sa church ay ang mixture ng good at evil. Sabi ni Jesus na sa church age ay nailalarawan sa combination ng damo at trigu (Mateo 13:24-25) - the good and the bad, the true and the false.

A. The Sowing of Evil (paghasik ng kasamaan)

1. IN THE CHURCH
May mga ilang tao na nagsasabi na, “Kung tayo lang sana ay makabalik sa panahon ng apostolic church, wala sanang problema.” Pero ang apostolic church ay meron ding parehong problema sa atin. Maaaring may magsabi na, “Ibig mong sabihin na ang church na under ng shepherdly care at guidance ng mga Apostle ay puno parin ng mga maling pananampalataya, pagkakahati, maling doktrina, katiwalian at kasalanan?” Exactly. Hindi na iyan bago. Laging may damo sa triguhan. Iyan ang sinabi ni Jesus na walang perfect church, at wala kailanmanwala kahit sa panahon ng mga Apostle. Ang bawat pitong iglesya ay may problema: Ang presensya ng kasamaan. Pwede nating sabihin na, “bakit ang church ng Philadelphia-Yung faithful church? Sila din ay subject sa presence ng evil, pero hindi ito nagkaroon ng kahit anong epekto. Pwede din nating sabhin na, “Pano din yung church sa Smyrna - ang the poor-rich church? Ang kasamaan ay present din doon. Ang bawat church ay may problema.

a. Ephesus
Ang church ba sa Ephesus ay may mixture ng good at evil? Yes.

Pahayag 2:2
“Alam Ko ang mga ginagawa mo, ang iyong mga pagpapagal at matiyagang pagtitiis. Alam Kong hindi mo kinukunsinti ang masasamang tao. Sinubok mo ang mga nagsasabing sila'y apostol, at napatunayan mong sila'y huwad.”

Sa madaling salita, meron silang conflict sa mga false teacher; pero naaangkop ang kanilang pakikitungo sa kanila. Kaya lang sa talata 4 sabi ni Kristo, “iniwan mo na ang pag-ibig mo noong una.”

b. Smyrna
Pahayag 2:9
“Alam Ko ang mga kapighatian na dinaranas mo. Alam Kong mahirap ka, ngunit ang totoo'y mayaman ka. Nalalaman Ko rin ang mga paninirang-puri sa iyo ng mga nagpapanggap na mga Judio; ngunit ang totoo, sila'y mga kampon ni Satanas.”

Meron din silang conflict.

c. Pergamum
Pahayag 2:13 “Alam Ko kung saan ka nakatira, sa kinaroroonan ng trono ni Satanas…”

d. Thyatira
Pahayag 2:19-20
“Alam Ko ang mga ginagawa mo: ang iyong pag-ibig, katapatan, paglilingkod at pagtitiyaga. Nalalaman Kong ang mga ginagawa mo ngayon ay higit kaysa noong una. Ngunit ito ang ayaw Ko sa iyo: pinapayagan mo si Jezebel, ang babaing nagpapanggap na propeta, na turuan at linlangin ang Aking mga lingkod upang makiapid at kumain ng pagkaing inihandog sa mga diyus-diyosan.”

Yung good at bad influence ay nasa isang congregation.

e. Sardis
Pahayag 3:4
“Ngunit may ilan sa inyo diyan sa Sardis na napanatiling walang dungis ang kanilang damit, kaya't kasama Ko silang maglalakad na nakasuot ng puting damit sapagkat sila'y karapat-dapat.”

May ilang nanatiling tapat. Pero sabi sa tatalata 1, “Alam Ko ang ginagawa mo; ang alam ng marami, ikaw ay buháy, ngunit ang totoo, ikaw ay patay.” Good and bad people ay present sa Sardis.

f. Philadelphia
Pahayag 3:8-9
“Alam Ko ang mga ginagawa mo. Alam kong kaunti lamang ang iyong kakayahan ngunit sinunod mo ang Aking salita, at naging tapat ka sa Akin. Kaya't binuksan Ko para sa iyo ang isang pinto na hindi maisasara ninuman. Tingnan mo! Palalapitin Ko sa iyo at paluluhurin ang mga kampon ni Satanas na nagpapanggap na mga Judio ngunit hindi naman, at sa halip ay nagsisinungaling. Malalaman nilang minamahal Kita.”

Ang synagogue ni Satan ay present din sa Philadelphia.

g. Laodicea
Sa Laodicean ang patungkol sa kanila ay karamihan masama. Kaunti lang ang mabuting bagay sa kanila.

Kung titignan natin ang bawat church ay may larawan ng combination ng mabuti at masama-iyan ang laging daan ng church hanggang sa muling pagdating ni Jesus.

2. BY SATAN
Muli, walang perfect church. In every case na naghahasik ang Diyos ng mabuting binhi, lagi ding naghahasik ng masamang binhi si Satanas. Kaya minsan hindi solusyon ang pag-alis sa church na nakitaan mong may problema. Kasi sa lilipatan mo meron pa rin yan. Satan is a reality, at gusto niyang maghasik ng masama sa church. Kailangan natin siyang labanan sa tulong at biyaya ng Diyos.

a. In Heaven
Ang Diyos ay naghahasik ng mabuting binhi sa langit. Ngunit ng dumating ang anihan, ang mga anghel ay iniwan ang kanilang kalagayan at ang kanilang trono sa paghihimagsik (Ezekiel 28:1-10).

b. At Man’s First Offering
Naghasik ang Diyos ng mabuting binhi sa handog na iyon, pero naghasik si Satan ng pagpatay nang patayin ni Cain si Abel (Genesis 4:3- 8). |

c. At the Flood
May mga anak ang Diyos bago ang great flood, pero mas marami ang anak ng kasamaan (Genesis 6:4-5).  

d. Among the Apostles

Ang Diyos ay naghasik ng mabuting binhi sa kanilang buhay, pero isa sa kanila ay si Judas (Mateo 26:20-25).

e. Among the Early Converts
Nag hasik ng mabuting binhi ang Diyos sa mga converts sa early church, pero isa sa kanila ay si Ananias, Sapphira at Simon Magus (Gawa 5:1-10; 8:9-24).

Si Kristo ay lalabanan ng mga Antichrist, ang templo ng Diyos ay pananahanan ng mga makasalanang tao, at ang mga missionary mapagtatanto nila na kahit saan sila pumunta at maghasik ng Salita ng Diyos, si Satanas ay laging susubukang maghasik ng kasamaan. Walang perfect church-wala kahit kailan, at wala hanggang sa tayo ay maredeemed at ma-glorified.

B. The Suppression of Evil (Ang pagsupo sa kasamaan)

1. CHRIST’S FUTURE JUDGMENT

Sa parable sa Matthew 13:24-30, tinuro ni Jesus na ang damo at ang trigo ay sabay na lalago. Ipinaliwanag Niya na hindi natin malalaman kung sino ang damo at sino ang trigo. Hindi rin niya tatangkain na anihin sila. Pero sa takdang panahon kapag bumalik na si Jesus as a righteous harvester and judge, ihihiwalay Niya ang damo sa trigo. Ihihiwalay ang mga false Christian sa true Christian. Ang problema ng church ay inilarawan sa pitong iglesya dahil lahat ay nararansan ang conflict between good and evil.

2. CHRIST’S PRESENT SERVICE
Maaaaring sabihin ng iba na, “si Kristo ba ay sumuko sa church dahil ito ay pinagsama na mabuti at masama?” Hindi. Sa Pahayag 1:13-16, makikita na si Jesus ay gumagalaw sa mga iglesya at naglilingkod sa kanila. Hindi Niya tayo iniwan. Alam Niya na ang church ay nasa ganong kondisyon dahil ang kasalanan ay reality. Pangwakas, let’s look at…

IV. THE PURPOSE OF THE CHURCHES

A. The Perspective of the World
May mga tao na nag sasabi na, “Nakakalungkot na ang iglesya ay nabigo. Wala itong nagawa sa kahit na sino. Si Kristo ay failure. Tignan mo ang mundo. May mga giyera, may hatred, disease, injustices, at mga terrible disaster. Tapos may isa sa inyo na mag sasabi na God loves the world. Anong klaseng love iyan? Ang mga tao sa church ni hindi man lang mapagaling ang mga sakit. Wala nga silang paki sa mga mahihirap.”

B. The Plan of God
Has the church failed? Sasabihin ng mundo, “yes.” Pero sasabihin ko, “no.” Ang purpose ng church ay hindi para gawing golden age ang panahon ngayon, o para tubusin ang mundo. In fact, ang church ay nandito na dalawang libong taon na ang nakakaraan at ang mundo ay mas naging masama. Pero ang church kailanman hindi nag failed. Ang plano ng Diyos ay nasa perfect schedule. Sabi ni Jesus, “Lalapit sa Akin ang lahat ng ibinibigay sa Akin ng Ama…” (Juan 6:37). Ang purpose ay kailanman hindi para magkaroon ng golden age sa pagtubos o gawing perpekto ang mundo.

1. 1 Corinto 9:22
“Sa piling ng mahihina, ako'y naging parang mahina rin upang mahikayat ko sila. Ako'y nakibagay sa lahat ng tao upang sa lahat ng paraan ay makapagligtas ako ng kahit ilan man lamang.”

Ayon kay Pablo ang purpose ng church ay laging, “makapagligtas…ng kahit ilan man lamang.” Ang karamihan ay hindi makikinig. Ang church ay laging may mixture, pero hindi failure. Muli sabi ng Diyos na ang mabuti ay hindi umiiral kung walang masama. Kaya ang resulta ay tinawag Niya tayo para ipangaral at ipamuhay ang Kanyang Salita. Iyan ang purpose ng church.

2. Gawa 15:13-15
“Pagkatapos, si Santiago naman ang nagsalita, “Mga kapatid, makinig kayo sa akin. Katatapos pa lamang isalaysay ni Simon kung paano unang ipinamalas ng Diyos ang kanyang pagkalinga sa mga Hentil upang mula sa kanila ay may mga mapabilang sa Kanyang bayan. Ito ay sumasang-ayon sa ipinahayag ng mga propeta, tulad ng nasusulat”

Sa madaling salita, Ang Diyos ay pumunta sa mundo sa anyo ni Kristo para lang hanapin ang mga naliligaw for His name. Ang Greek word ng church ay “ekklesia” which means, “the called-out ones.” Ang majority ay kailanman hindi lalapit kay Kristo. Ang church ang called-out group- mga nalalabi.  

3. Lucas 12:32
Huwag kayong matakot, munting kawan, sapagkat ikinalulugod ng inyong Ama na ibigay sa inyo ang kaharian.”

Ang layunin ng Diyos ay patuloy na tawagin ang mga nalalabi sa bawat panahon para sa Kanyang pangalan. Again, ang purpose ng church ay hindi para dalhin ang mundo sa golden age, but to be God’s vehicle for calling out a people for His name. At sa Roma 8:30 sabi ni Pablo, “…ang mga tinawag ay Kanya ring pinawalang-sala…” Kahit saan ang isang mananampalataya ay mangaral patungkol kay Kristo, marami ang ibababa Siya. Kahit gaano pa kataas itaas ang cross o kahit madalas na ipahayag ang biyaya ng Diyos, maraming tao parin ang ire-reject si Kristo. Pero laging merong mga maliit na mga nalalabi ang tutupad sa purpose ng church. God will continue to call out His little flock. Maaaring magsama ang mabuti at masama gaya ng damo at trigo, pero ang plano ng Diyos ay hindi mabibigo.

Nakita natin ngayon ang church in prophetic perspective. We have seen its persecution, prophecy, problem, and purpose. Ang tanong sa ating lahat, ikaw ba ay bahagi ng iglesya? At kung ikaw ay bahagi, anong uri ka ng iglesya na naaangkop sayo?
___________________________________________________________________________________

Pondering the Principles
1. Sa iyong sariling obserba, anong uri ng iglesya ang iyong iglesya? Ano ang ilang mga katangian ng iba’t ibang uri ng mga iglesya na nakikita mo na umiiral sa inyong iglesya? Alin doon ang pinaka laganap? Anong uri ng iglesya ang inyong iglesya na nanganganib na maging? Ipanalangin mo na ang iglesya mo ay naising mabigyang karangalan si Jesu-Kristo at hindi sumunod sa landas ni Satanas patungo sa kapahamakan.

2. Anong uri ng miyembro ikaw? Ano ang mga katangian ng ibang uri ng miyembro sa iglesya (ayon sa pitong iglesya) na nakikita mo sa iyong sarili? Alin dito ang pinaka laganap? Anong uri ng miyembro sa iglesya na nanganganib na maging ikaw? Anong pangganyak (motivation) ang kailangan mo para ikaw ay magbago sa kung sino ikaw? Gumawa ng commitment para gawin ang pagbabago.

3. Ano ang ilang mga conflict na sa kasalunkuyang nakikita sa inyong iglesya? Sa mga conflict na iyon, alamin mo kung saang area pwedeng makapaghasik si Satanas ng kasamaan? Alin ang mga ilang opsyon mo para labanan si Satanas sa conflict na iyon? Yamang si Jesus ay naglilingkod sa mga iglesya, maglaan ng oras para ipanalangin ang mga conflict na iyon. Manalangin ka sa Kanya na tulungan ang mga taong sangkot sa conflict para malaman ang problema. Ipanalangin mo na tulungan kayo na maalis ang kasamaang naitanim ni Satanas sa inyong iglesya sa tulong at gabay ng Panginoon. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Name of God: Fortress - "Kapangyarihan ng Imahenasyon" (102 of 366)

Name of God: Fortress Kapangyarihan ng Imahenasyon Basahin: Kawikaan 18:10-16 (102 of 366) “Ang ari-arian ng isang mayaman ay kanyang kanlu...