Biyernes, Marso 11, 2022

Clay Ground Youth - Our Mission and Vision

Clay Ground Youth ministry – Our Mission is to M.O.L.D. and our Vision is to see C.L.A.Y.

 


Isaias 64:8

“Gayunman, O Yahweh, ikaw pa rin ang aming Ama. Kami ang putik at ikaw ang magpapalayok. Ikaw ang sa ami'y humubog.”

 


Ang clay o putik ay isang nakakamanghang bagay. Kapag ito ay mamasa-masa at malambot, ito ay madaling mahulma at magawan ng maraming hugis. Ang isang magaling na magpapalayok ay nagagawang magandang mga palayok, plato, baso, dekorasyon, larawan, rebulto at marami pang iba ang putik.

Ang magpapalayok ay umuubos ng maraming oras sa paggawa ng isang bagay mula sa putik. Pinapanatili niyang mamasa-masa ang putik para mapanatili niyang madaling mahulma ito. Kapag ito ay nagsimulang matuyo, hindi na ito mahuhulma ng magpapalayok sa kung anong gusto nitong gawin. At kapag ito ay natuyo ng sobra at hindi parin nasa tamang hugis nito, ito ay nagiging walang kwenta at dapat nang itapon.

Ang tao ay parang putik, tayo ay ginawa mula sa alabok ng sanlibutang ito, at binigyan ng buhay at layunin. Ngunit dahil sa ang kasalanan ay pumasok sa sangkatauhan tayo ay naging tuyo at nabuo sa anyo kung ano ang di nais ng Diyos para sa atin. Ang sanlibutan ang humulma sa atin sa huwangis ni Satanas na kumakalaban sa Diyos. Ang tanda nito ay ginagawa natin ang nais ni Satanas. Sabi sa Juan 8:44,
“Ang diyablo ang inyong ama! At ang gusto ninyong gawin ay kung ano ang gusto niya.”

Ngunit ano ang gagawin natin upang muli tayong mahulma sa kung ano ang nais at layunin ng Diyos sa atin? At ano ang larawan nito kung mangyayari ito sa ating buhay? Nais nating muling mahulma ng Diyos bilang ating Amang magpapalayok. Iyan ang layunin ng Clay Ground Youth ministry ang tulungan ang mga kabataan na maging sa kung ano ang nais ng Diyos sa buhay nila. Kaya gagamitin natin ang M.O.L.D. sa ating mission. At mula rito ay nais din natin makitang tayo’y maging putik na patuloy na nahuhulma kaya gagamitin naman natin ang C.L.A.Y.

Una nating titignan ay, ano ba ang ating mission?

Our Mission is to…
M.O.L.D.

I. Make Jesus our Lord and Savior

Gaya ng nakita natin kanina na talata sa Juan 8:44, ang ating sinusunod ay ang ating ama na si Satanas. Kung ano ang gusto niyang gawain natin iyon ang ating ginagawa. Ginagamit niya ang anumang bagay sa mundong ito para hulmahin tayo sa huwangis na karumaldumal sa pangin ng Pangioon. Sabi nga sa Awit 5:5,
”Ang mga palalo'y di makakatagal sa Iyong harapan,

mga gumagawa ng kasamaa'y Iyong kinasusuklaman.” At ano ang naging bunga nito?

a. Pagkahiwalay sa Diyos
Roma 3:23
“Sapagkat ang lahat ay nagkasala, at walang sinumang nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos.”

b. Kamatayan
Roma 6:23
“Sapagkat kamatayan ang kabayaran ng kasalanan”

c. Walang hanggang buhay sa impyerno
Hebreo 21:8
“…ang magiging bahagi nila'y sa lawa ng nagliliyab na apoy at asupre. Ito ang pangalawang kamatayan.”

At hindi ito hinayaan ng Diyos kaya ibinigay Niya ang kaisa-isa Niyang anak upang ang tao ay magkaroon ng pag-asa na mapawalang-sala sa tiyak na kapahamakan sa impyerno.

Juan 3:16
“Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't ibinigay Niya ang Kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa Kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.”

Kaya mission namin sa inyong mga kabataan na nakikinig ngayon na maging tunay sa inyo ang kaligtasan. Titiyakin naming maririnig ninyo ang katotohanan at sa pagkilos ng Panginoon ay makagawa kayo ng personal na desisyong si Jesus ang kilalanin ninyong tanging Taga-pagligtas at gawin Siyang Panginoon at Hari ng inyong buhay.

II. Obey the Word of God

Ang pangalawang mission namin sa inyong mga kabataan para tayo ay muling mahulma ng Diyos ay ang maturuan tayong laging manangan, magnilay at mamuhay sa Salita ng Diyos. Ang Salita ng Diyos ay buhay at aktibo at maaari itong tumagos sa ating kaluluwa at maingat na makakapagpabago sa ating kalooban at magbubunga ng mga magagandang bagay sa ating buhay. Sabi sa...

Josue 1:8
“Huwag mong kaliligtaang basahin ang aklat ng kautusan. Pagbulay-bulayan mo iyon araw at gabi upang matupad mo ang lahat ng nakasaad doon. Sa ganoon, magiging masagana at matagumpay ang iyong pamumuhay.”

Mangyayari lamang ito kung una nating naranasan ang pagbabagong espirituwal sa pamamagitan ng pagsisi at pananampalataya kay Jesus. Kung ang pagbabagong ito ay tunay sa atin tayo ay magkakaroon ng pananabik sa Kanyang Salita dahil pinalitan na ng Diyos ang ating patay na pusong suwail sa Kanya.

Ezekiel 36:26-27
“26 Bibigyan Ko kayo ng bagong puso at bagong espiritu. Ang masuwayin ninyong puso ay gagawin Kong pusong masunurin. 27 Bibigyan Ko kayo ng Aking Espiritu upang makalakad kayo ayon sa Aking mga tuntunin at masunod ninyong mabuti ang Aking mga utos.”

Dahil dito masasabi natin na isa sa mga tanda na totoo ang ating kaligtasan ay kung meron tayong pananabik na basahin, pagbulayan at pag-aralan ang Kanyang Salita. Dahil kung wala sa atin ang Banal na Espiritu hindi natin mauunawaan at hindi natin ito papahalagahan sa ating buhay. Iyan ang sinasabi sa 1 Corinto 2:14,
“Sapagkat ang taong hindi nagtataglay ng Espiritu ay hindi kayang tumanggap ng mga kaloob mula sa Espiritu ng Diyos. Para sa kanila, kahangalan ang mga iyon at di nila nauunawaan, sapagkat ang mga bagay na espirituwal ay mauunawaan lamang sa paraang espirituwal.”

III. Lead others to become committed young 
followers by Discipling them

Kung babasahin at susundin natin ang Salita ng Diyos ito ang magtutulak sa atin na mamuhay ng tulad ni Jesus. Ngunit hindi dinisenyo ng Diyos na mangyari ito sa sarili lang natin. Kailangan na merong magdidisipulo sayo na magtuturo at gagabay sayo sa pamumuhay na tulad ni Jesus. Ito ang inutos ni Jesus sa lahat ng Kanyang taga-sunod sa Mateo 28:19,
“Kaya't humayo kayo, gawin ninyong alagad Ko ang mga tao sa lahat ng mga bansa.” Mararanasan nyo dito na meron kayong discipler o mag didisipulo sa inyo na syang tutulong sa inyo para mas makilala si Jesus at mahuhay tulad Niya.

At mula rito ay lalabas ang larawan na nais naming makita sa mga dinadala ng Panginoon na mga kabataan sa Clay Ground Youth ministry. Ito ay ang makita kayong maging C.L.A.Y.

To see… C.L.A.Y.
Committed young followers who will Lead others to Christ and who will not be Ashamed to share the Gospel to other Young people.

Bilang mga kabataang binago, nais naming makita kayo na tapat na taga-sunod ni Kristo na gumagabay din sa ibang mga kabataan na hindi kinahihiya ang pagbabahagi ng Magandang Balita. Nawa tulungan kami ng Diyos sa bagay na ito.

Hindi tayo dapat sumuway at lumayo sa disenyo na ginawa na sa atin ng Diyos. Nawa'y lagi nating tandaan na Siya ang ating Magpapalayok, samakatuwid Siya ang namamahala sa atin. Dapat tayong kusang-loob na magpasakop sa Kanya at manatili sa Kanya. Nawa'y gamitin tayo ng mabuting Panginoon para sa kanyang kaharian habang patuloy Niya tayong hinuhubog araw-araw ng Kanyang salita at ng pagmamahal, pagpapatawad at biyayang ipinakita sa atin ni Hesus. Amen.




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Name of God: Fortress - "Kapangyarihan ng Imahenasyon" (102 of 366)

Name of God: Fortress Kapangyarihan ng Imahenasyon Basahin: Kawikaan 18:10-16 (102 of 366) “Ang ari-arian ng isang mayaman ay kanyang kanlu...