Miyerkules, Marso 23, 2022

Ang Ano, Bakit, at Paano ng Paggiging Disipulo (Part 3 of 3)

 


Ang Ano, Bakit, at Paano ng Paggiging Disipulo

Equip To Serve Class

Baliktanaw:
Sa biyaya ng Diyos ay natapos na nating sagutin ang ano ang ibig sabihin ng pagdidisipulo. Natapos nadin natin ang bakit mahalaga ang pagdidisipulo. Dalangin ko sa oras na ito ay naiintindihan na natin at talagang pursigido na tayo na magpadisipulo at magdisipulo. Ibig sabihin na iintindihan natin na ang bawat tunay na disipulo ni Kristo ay nagdidisipulo. Walang hindi kasali. Walang taga-hanga lang sa manlalaro sa upuan, dahil ang lahat ay manlalaro – lahat tayo ay kasali.

Ang tanong lang ay papaano? Iyan ang ating titignan sa huling bahagi ng pag-aaral natin ngayon patungkol sa bagay na ito.

III. Papaano Natin Magagawa ang Magdisipulo?

Matthew 28:18-20
18 And Jesus came and said to them, “All authority in heaven and on earth has been given to me. 19 Go therefore and make disciples of all the nations, baptizing them in the name of the Father and of the Son and of the Holy Spirit, 20 teaching them to observe all that I have commanded you. And behold, I am with you always, to the end of the age.”

Nakaraan nakita natin na ang talatang ito ay may makikitang apat na verb (action word): “
Go”, “make disciple”, “baptizing” at “teaching”. Nalaman natin na tatlo dito ay mga participle verb: “going”, “baptizing” at “teaching” at ang isa naman ay imperative verb o main verb, ang utos na: “make disciple.” Ang pangunahing kaisipan dito ay ang make disciple. Ang mga participle verb ang nagsasabi kung papaano natin magagawa ang main verb: ang humayo, ang mag bautismo at magturo. Hindi natin magagawa ang main verb na mag disipulo kung hindi natin kumpletong gagawin ang mga participle verb.

Ngayon ay tignan natin kung ano ba ang tatlong participle verb na ito para malaman natin papaano ba magdisipulo.

A. Go
Ang unang hakbang para sa pagdidisipulo ay ang “humayo” sa mundo para irepresenta si Kristo sa mga naliligaw at sa mundo. Wala tayong makikita sa Bibliya na nagsasabi na dalhin natin sa loob ng ating simbahan ang ating mga kaibigang hindi pa mananampalataya sa pag-asang sila’y madadala natin kay Kristo pero wala din naman sa Biblia ang pagbabawal nito. Ngunit ang malinaw ay ang sinabi  sa atin na puntahan natin sa kung saan sila naroon upang mag patotoo patungkol kay Kristo sa kanila. Ang buhay ng isang disipulo ay magiging buhay na sulat ng Salita ng Diyos kahit na hindi sila nakakabasa ng Biblia. Importante din na tuwiran nating ibahagi sa kanila ang biblikal gospel.

B. Baptize
Ang pangalawang hakbang para sa pagdidisipulo ay ang pagbautismo sa isang bagong mananampalataya sa “pangalan ng Ama at Anak at ng Espiritu Santo.” Sa salitang griyego ng “baptize” (baptizo) ay literal na ibig sabihin ay ilubog, bagay na pamilyar na sa atin; ganunpaman, sa buong Bagong Tipan ang salitang ito ay nangangahulugan na, “ang makilala sa isang bagay o sa tao.” Ang ibig sabihin nito sa pamamagitan ng ating pananampalataya kay Jesus tayo’y makikilala na sa Kanya tayo - makilala sa Kanyang kamatayan sa krus, at makilala sa Kanyang muling pagkabuhay sa bagong buhay.

Nang sinabi ni Jesus sa lahat ng mga mananampalaya na bautismuhan nyo sila sa pangalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo, inuutusan Nya tayo na turuan natin ang mga naging disipulo ni Jesus na mag-isip na tulad ni Jesus, at mabuhay na may mapupuhay na tulad ni Kristo. Hindi lang ito, tutulungan din natin ang ating mga disipulo na maging bahagi ng lokal na katawan ni Kristo - ang simbahan na makakatuwang sa pagtuturo pa ng mga tamang katotohanan sa Salita ng Diyos.

C. Teach
Ang pangatlong hakbang para sa pagdidisipulo ay ang, “turuan silang sundin ang lahat ng mga bagay na inutos (ni Jesus) sa inyo.” Hindi ito katulad ng pagtuturo sa sunday school na nakatayo ka sa harap at sila ay makikinig sa iyong mga ituturo. Tinuro ni Jesus sa Kanyang mga disipulo kung papaano mamuhay ng kalugod-lugod sa Diyos, at iyan ang utos Niya na dapat nating ituro - kung papaano mamuhay na kalugod-lugod sa Diyos. Bukod sa tuwirang pagsasabi ng mga katuruan kung papaano makapamuhay na kalugod-lugod sa Diyos, malaking bahagi ng pagtuturo sa disipulo natin ang ating buhay - kung papaano natin pinamumuhay ang turo ni Jesus at maging modelo. Ang pagtuturo na sinasabi ni Jesus ng sabihin Niyang, “turuan silang sundin ang lahat ng mga bagay na inutos Ko sa inyo” ay nakakapagbago ng buhay. Ang nabagong buhay ay kung ang isang disipulo ay sumuko ng kanyang buhay kay Jesus.

Ngayon ay ituturo ko naman sa inyo ang tools na gagamitin natin para maging madali sa bawat isa sa atin ang pagdidisipulo. Gagamitin natin ang Discipleship 365. Ano ba ito?

Discipleship 365

Ang discipleship 365 ay binubuo ng serye ng mga booklet na nagtataglay ng Bible lessons na ang pakay ay akayin ang mga hindi pa mananampalataya na sumampalataya kay Jesus bilang kanilang tanging Taga-pagligtas at Panginoon ng kanilang buhay at tulungan din sila na makapamuhay na tulad ni Jesus. Mag tatapos ang bawat isa sa serye ng pag-aaral na ito na siya ay may kakayahang makapagdisipulo din sa iba. Ideal na ituro ito sa one on one o small group setting.

Muli ang layunin ay ang bawat isa ay dumaan sa Discipleship Model na ang end ay magkaroon ng disciple-makers (Great commission) na mahal ang Diyos at ang kapwa tao (Great Commandments).

 





Ito ang mga book series na ating pagdadaanan:

 

DISCIPLESHIP 365 SERIES

 

DISCOVERY SERIES
Booklet 1:  7 Kwento
Booklet 2:  7 Tanong
Booklet 3:  7 Katiyakan

DEVELOPMENT SERIES
Booklet 4:  7 Susi 
Booklet 5:   12 Hakbang A
Booklet 6:   12 Hakbang B

Booklet 7:
   Paglilingkod
Booklet 8:   Pagmimisyon
Booklet 9:   Pagsamba

DOCTRINAL SERIES
Booklet 10:  Ang Biblia
Booklet 11:  Ang Diyos
Booklet 12:  Ang Panginoong Jesus
Booklet 13:  Ang Banal na Espiritu
Booklet 14:  Ang Tao
Bokklet 15:  Ang Kasalanan
Booklet 16:  Ang Kaligtasan
Booklet 17:  Ang mga Anghel
Booklet 18:  Ang Iglesya
Booklet 19:  Ang Huling Kaganapan

DUPLICATION SERIES                      
(Gagawin pa) More on Leadership

Ang
Discovery Series ay evangelistic at initial discipleship para sa bagong mananampalataya. Magsisimula ito sa Booklet 1 - Ang 7 Kwento. Ito ay magandang paraan ng pag present ng gospel dahil hindi ito nakakailang (intimidating) sa tuturuan dahil nga kwentuhan ang approach na hilig nating mga pinoy (Ang ibang paliwanag ay nasa Intro ng Booklet). Sa bawat kwento, ang tinuturuan ay haharap sa isang desisyon kung mananampalataya kay Jesus bilang Tanging Tagapaglitas. May 7 pagkakataon na ma-i-present ang gospel. Kasunod nito ang Booklet 2 - 7 Tanong (Hinati sa A at B para hindi mahaba ang lesson). Ito ay mas pormal at systematic na pag-aaral ng mga katotohanan na dapat maunawaan ng isang bagong mananampalataya. Palalalimin ang pundasyon ng salvation at mauunawaan ang mahahalagang sangkap ng pagiging ligtas. Ang huling tanong sa Booklet 2 ay, “Ano ang pumipigil sa aking upang mabautismuhan?” na magbibigay sa Kanya ng pagkakataon na magdesisyon na sumunod sa tubig ng bautismo. Sa dalawang booklets ay magagampanan na natin ang 2 elemento ng pagdidisipulo na “go” at “baptize”. Ang Booklet 3 - 7 Katiyakan ay magbibigay ng katiyakan sa mahahalagang aspeto ng buhay pananampalataya kagaya ng kaligtasan, kapatawaran, langit, sagot sa panalangin, na kadalasan ay nalilito ang mga bagong mananampalataya, na maaaring kasangkapanin ng kaaway. Pagkatapos ng Discovery Series ang isang mananampalataya ay may matibay na pundasyon upang makapagpatuloy lumago.

Ang
Development Series ay ang discipleship proper ng isang bagong Kristiyano. Dito i-dedevelop ang kanyang spiritual life sa pag-unawa at pagsasagawa ng mga disiplina para maging disipulong gumagawa ng ibang disipulo. Ang Booklet 4 - 7 SUSI ay magpapa-unawa sa kanya kung papaano magiging mabuting kaanib ng isang local na Iglesya (pwede itong gamitin na membership class).  Ang Booklets 5 & 6 ay isang aralin lamang, 12 Hakbang (hinati sa dalawa dahil masyadong makapal na i-booklet), na nagtuturo step by step kung papaano magiging tunay na alagad ni Jesus. Pagkatapos ng Discovery at Development Series, bukod sa sapat na kaalaman, ay marunong na ang isang alagad ni Jesus ng limang basic disciplines na kailangan upang maging tunay na alagad na gumagawa ng alagad din: Pananalangin, Pagdedebosyon, Pagsasaulo ng talata, Pagbabahagi ng gospel at Pagdidisipulo ng iba.  

Ang
Demonstration Series ay para sa mga miyembro ng church na magtuturo sa kanila kung paano makikilahok sa mahahalagang gawin ng church kagaya ng Ministry - Booklet 7; Evangelism - Booklet 8; Worship - Booklet 9. Bagamat pwede rin itong ituro sa one on one o small group, mas angkop itong ituro sa isang class kagaya ng Sunday School o Growth Class. Inaasahan pagkatapos ng demonstration series ay walang miembro na hindi sangkot sa mahahalagang gawain ng church. 

Ang
Doctrinal Series ay espesyal na serye kung saan ituturo ang 10 Fundamental Doctrines of Faith (makikita sa list ang titles ng Booklets 10-19) upang maging matatag sa mga non negotiables of Christian faith. Walang miembro na mababaw sa kaalaman sa doktrina bagkus ay malalim at matibay na hindi matitinag ng maling katuruan.

Isang serye pa ang gagawin, ang
Duplication Series kung saan itutuon ang pag-aaral sa leadership at kung paano ma-i-duduplicate ang sarili sa iba upang magpatuloy ang gawain ni Kristo sa Iglesya. Upang lumawak ang gawain ng Panginoon kailangang dumami rin ang mga leaders ng Iglesya.

Siempre marami pang kailangang ituro at maintindihan ang isang tunay na alagad ni Jesus, subalit ang Discipleship 365 ay isang magandang pundasyon sa pagtupad ng Dakilang Komisyon at mga Dakilang utos.


Groupings:

Pag-isipan:
1. Mahalaga ba ang magpadisipulo?
2. Mahalaga ba ang magdisipulo?

PAGSASABUHAY:
1. Nais mo bang magpadisipulo at makita ang sarili na magdidisipulo rin ng iba?


(Kung nais po ninyo na magkaroon ng kopya ng Discipleship 365 ay i-contact lamang po si Pastor Bayani De Jesus sa Facebook).

 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Name of God: Fortress - "Kapangyarihan ng Imahenasyon" (102 of 366)

Name of God: Fortress Kapangyarihan ng Imahenasyon Basahin: Kawikaan 18:10-16 (102 of 366) “Ang ari-arian ng isang mayaman ay kanyang kanlu...