Tinuro at tinagalog ni Pastor Arnel Pinasas
Mula sa Aklat ni John MacArthur – The Church in Prophetic Perspective
Pahayag 2:1-7
1“Isulat mo sa anghel ng iglesya sa Efeso: “Ito ang ipinapasabi ng may hawak ng pitong bituin sa Kanyang kanang kamay at lumalakad sa gitna ng pitong ilawang ginto. 2 Nalalaman Ko ang mga ginagawa mo, ang iyong mga pagpapakahirap at pagtitiyaga. Alam Kong hindi mo kinukunsinti ang masasama. Sinubok mo ang mga huwad na apostol, at napatunayan mong sila'y nagsisinungaling. 3 Alam Ko ring matiyaga ka, nagtiis ng maraming hirap alang-alang sa Akin at hindi ka sumuko. 4 Subalit may isang bagay na ayaw Ko sa iyo: ang pag-ibig mo noong una kang sumampalataya ay nanlalamig na. 5 Alalahanin mo ang dati mong kalagayan; pagsisihan mo at talikuran ang iyong masasamang gawa, at gawin mong muli ang mga ginagawa mo noong una. Kapag hindi ka nagsisi, pupunta Ako diyan at aalisin Ko sa kinalalagyan ang iyong ilawan. 6 Ngunit ito naman ang napupuri Ko sa iyo; kinapopootan mo ring tulad Ko ang mga ginagawa ng mga Nicolaita. 7“Anglahat ng may pandinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya! “Ibibigay Ko sa magtatagumpay ang karapatang kumain ng bunga ng punongkahoy na nagbibigay-buhay na nasa paraiso ng Diyos.”
Review
Sa Pahayag 2-3, habang si Apostle Juan ay pinatapon sa isla ng Patmos, sumulat siya ng pitong magkaka-ibang sulat sa pitong magkaka-ibang iglesya sa Asia Minor para ipaalam sa kanila kung ano ang inaasahan ng Diyos. Sa pag-aaral natin sa pitong iglesyang ito, isasa-alang-alang natin kung ano ang inaasahan ng Diyos sa kung ano dapat ang iglesya. Una sa lahat ang dalawang chapters na iyon sa Pahayag ay pakikitungo ni Kristo sa paglilingkod sa Kanyang mga iglesya. Ang vision sa Revelation 1:12-16 ay nagpapakita ng pagkilos at paglilingkod ni Kristo sa Kanyang mga iglesya. Bawat iglesya ay inilalarawan bilang lampstand. Sa pitong sulat na ito, Christ ministers sa church.
Bawat isa sa pitong iglesya ay kumakatawan sa partikular na iglesya sa totoong lugar sa Asia Minor. Sila rin ay kumakatawan sa bawat magkaka-ibang uri ng iglesya sa buong kasaysayan ng iglesya. Isa sa mga iglesya ay patay na iglesya. Maraming dead church ang nag-e-exist ngayon. Ang isa namang iglesya ay missionary church. Iyan sana ang maraming mag exist ngayon. Isang pang iglesya na kung saan ang pag-ibig nila ay nanlamig. Ito marami ring mga church ngayon ang nakalimot na sa unang pag-ibig. Ang bawat iglesyang iyon ay katangian ng isang partikular na uri ng iglesya sa kahit anong kapanahunan. At hindi lang sa mga church kundi sa katangian din sa partikular na uri ng mga Kristiano o miyembro. May mga Kristiyano na ang kanilang pag-ibig ay nanlalamig na, and—as far as God is concerned—maaari din itong patay since wala naman silang ginagawa. Also, meron din namang mga Kristiyano na masigasig na missionaries.
Ang pitong mga iglesya ay historical, pero sila ay may napakalaking importansya sa iglesya ni Jesu-Kristo ngayon dahil pinapakita nila ang mga katangian na mag-aayos sa church. They represent all types of churches and Christians.
Ngayon sa ating pagpapatuloy, we are going to begin our study sa seven churches sa church sa Ephesus sa Revelation 2:1-7. Sa higit na usapin, hahanapin natin ang pitong aspeto ng bawat iglesya dahil karamihan sa mga sulat na ito ay magdadala lang sa kaparehong mga katangian nila. Merong pitong sangkap ang sulat sa church sa Ephesus: The Correspondent, ang taong sumulat ng sulat; The Church, ang sinusulatan; The City, kung saan ang church ay nakatayo; The Commendation, kung ano ang mabuti sa church na ito; The Condemnation, kung ano naman ang masama sa church na ito; The Command, kung ano ang dapat gawin ng church; and The Counsel, instruction sa kung sino ang makikinig ng mabuti. Una, sisimulan natin sa…
I. THE CORRESPONDENT (v. 1)
A. His Introduction
Sino ang writer? Maaaaring may magsabi na si, “Apostle John.” Hindi po, Si Juan ay scribe lang-ang sumulat ng mga salita. Ang writer sa mensahe ay hindi binanggit sa pangalan, pero pinakilala sa verse 1: “Sa anghel ng iglesya sa Efeso ay isulat mo: Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng may hawak ng pitong bituin sa Kaniyang kanang kamay, na yaong lumalakad sa gitna ng pitong kandelerong ginto.” Ang Kanyang paglalarawan ay maikukumpara din sa Pahayag 1:12-13: “At ako’y lumingon upang makita ang tinig na nagsasalita sa akin. At nang ako’y lumingon ay nakita ko ang pitong kandelerong ginto: At sa gitna ng mga kandelero ay may isang katulad ng isang anak ng tao, na may suot na damit hanggang sa paa, at may bigkis ang dibdib na isang pamigkis na ginto. " Ang writer sa church sa Ephesus ay ang Anak ng tao-si Jesus-Kristo.
The Pattern of Introduction
Sa unang limang sulat sa mga iglesya sa Revelation 2:1-3:6, ang writer ay pinakilala ayon sa reference sa Pahayag 1:12-18, na parte ng paglalarawan din kay Kristo.
1. THE LETTER TO SMYRNA
Ganito ang pagpapakilala sa Pahayag 2:8, sa writer sa sulat sa Smyrna: “Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng una at ng huli, na namatay, at muling nabuhay.” Ikumpara natin ito sa Revelation 1:18: “At ang Nabubuhay; at Ako’y namatay, at narito, Ako’y nabubuhay magpakailan man…” Ang mga katangian ni Kristo ay naitala sa Pahayag 1 ay ginamit sa karamihan ng introductions sa mga letter.
2. THE LETTER TO PERGAMUM
Ganito ang pagpapakilala sa Pahayag 2:12, sa writer sa sulat sa Pergamum: “Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng mga matalas na tabak na may dalawang talim.” Iyan ay nag reflect sa Pahayag 1:16, “…at sa Kaniyang bibig ay lumabas ang isang matalas na tabak na may dalawang talim…”
3. THE LETTER TO THYATIRA
Ang mensahe sa Thyatira ay nagsimula sa Pahayag 2:18: “Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng Anak ng Diyos, na may mga matang gaya ng ningas ng apoy, at ang Kaniyang mga paa ay gaya ng tansong binuli.” Nag reflect naman ito sa Pahayag 1:15: “At ang Kaniyang mga paa ay katulad ng tansong binuli, na gaya ng dinalisay sa isang lutuang bakal.”
B. His Glory
Ang description ng writer sa church sa Ephesus ay kinuha sa Pahayag 1:12-18, kung saan si Juan ay nagbigay ng glorious description sa Anak ng Diyos: Jesus Christ. Sa buong book ng Revelation, ipinakilala ni Juan ang Anak ng Diyos na nasa Kanya ang lahat ng kaluwalhatian. Yung unang pagdating ni Kristo, Siya ay nagpababa: Siya ay dinuraan, pinako sa krus, hinamak at kinamuhian ng mga tao. Pero sa Kanyang pangalawang pagbalik, Siya ay darating na naluwalhati. Sa pag lalarawan kay Kristo, hindi sinabi ni Juan na, “Gusto kong malaman ninyo na ang Author ay may butas sa kamay, at ang noo Niya ay durog sa tinik.” He is the glorified Christ. Sabi ni Juan, “Ang Author ay may hawak ng pitong bituwin sa Kanyang mga kamay.” Ang seven stars ay kumakatawan sa mga minister sa mga church. Si Kristo ay may kontrol sa mga tunay na naglilingkod sa Kanya. Naglakad Siya sa gitna ng pitong lampstands, kung saan ito ang mga iglesya. Iyan ang larawan ng pagpapakilala kay Kristo sa paglilingkod sa Kanyang iglesya sa Revelation.
The correspondent is Christ. Since ang letter ay naglalaman ng Kanyang salita sa church, it demand our attention. Ang salita ay mula sa Isang nangunguna sa iglesya: si Jesu-Kristo, the glorified Son of God and the head of the body of Christ. Siya lang mismo ang may kapangyarihan at authority na magsalita. Kapag nagsalita Siya, kailangan nating makinig.
Pangalawa, tignan natin ang…
II. THE CHURCH (v.1)
Sabi sa Pahayag 2:1, “Isulat mo sa anghel (ministro o pastor) ng iglesya sa
Efeso…” Si Juan ay sumusulat sa iglesya sa lungsod ng Efeso.
A. Its Features
1. SPIRITUAL STRENGTH
Ang church na ito ay itinatag ni Apostle Paul at nagturo ng solidong
doktrina. Ang kanilang unang pastor after ni Paul ay si Timothy. Ang
iba pang mga kilalang Kristiyano na naglingkod sa kapulungan na ito ay
sina Apollos, at Aquila at Priscilla. Ang pagsasama-sama sa paglilingkod
ng mga taong ito sa church ng Ephesus ang naging dahilan kung bakit
napakalakas ng church na ito. It was a Christ-honoring church.
2. ZEAL
Tulad ng karamihan sa mga simbahan sa panahon nito, ang Ephesus ay
nangingibabaw sa isang bagay, masigasig sila na may pagsisikap para sa
pag-e-ebanghelyo. Sila ay agresibo.
B. Its Foundation
Muli ang church sa Ephesus ay itinatag ni Paul on his third missionary
journey. Sa Acts 19 nilarawan kung ano ang nangyari sa church na iyon
ng ito ay itinatag:
1. THE REJECTION OF PAUL’S PREACHING
Meron nang small group na mga disciple na present sa Ephesus na
mahal si Jesus ng si Pablo ay dumating. Sabi sa verse 1, “Habang nasa
Corinto si Apolos, tinahak naman ni Pablo ang iba't ibang dako ng lalawigan
hanggang sa siya'y makarating sa Efeso. May natagpuan siya roon na ilang
alagad.” Then sa verses 8-9 sabi, “Sa loob ng tatlong buwan, si Pablo'y
pumapasok sa sinagoga at buong tapang na nagpapaliwanag sa mga naroon at
hinihikayat sila tungkol sa kaharian ng Diyos. Ngunit may ilan sa kanila na
nagmatigas at ayaw sumampalataya, at nagsalita pa ng masama laban sa
Daan…” Anong “daan” ang tinutukoy dito ni Pablo? Sabi ni Jesus, “Ako
ang daan…” (Juan 14:6). Iyan ang mensahe ni Pablo, pero may mga tao na
hindi nila ito gusto. Sabi sa Gawa 19:9, “Ngunit may ilan sa kanila na
nagmatigas at ayaw sumampalataya, at nagsalita pa ng masama laban sa Daan
sa harap ng kapulungan. Kaya't iniwan ni Pablo ang sinagoga kasama ang mga
mananampalataya at nagpatuloy ng kanyang pangangaral araw-araw sa
bulwagan ni Tirano.” Dahil dito si Pablo ay tinaboy palabas sa synagogue.
Dagdag pa sa verse 10, “Tumagal siya roon nang dalawang taon…”
Dalawang taon nanatili si Pablo sa Ephesus para mas maipatatag ang
church na iyon.
2. THE RESULT OF PAUL’S PREACHING
a. Receptivity
Ang naging resulta ng napakalaking ministry na ito ni Paul ay, “maging
Judio o Griego ay nakarinig ng salita ng Panginoon.” (verse 10b). Ito’y isang
napakagandang simula.
b. Reinforcement
Sabi sa verse 11, “Gumawa ang Diyos ng mga pambihirang himala sa
pamamagitan ni Pablo.” Gumawa ang Diyos ng mga himala sa pagtatatag
ng gawain sa Ephesus.
c. Revival
Sabi sa verse 18, “Marami sa mga sumampalataya ang dumating at
nagpahayag ng mga dati nilang gawain.” Ang revival ay naganap.
d. Repentance
Sabi sa verse 19, “Marami sa mga dating gumagamit ng mahika ang nagtipon
ng kanilang mga aklat at sinunog ang mga ito sa harap ng madla. Sa kabuuan,
ang halaga ng mga ito ay umabot sa limampung libong salaping pilak.” Iyan
ang halaga ng mga librong tinapon sa apoy ng ang mga taong iyon na lumapit kay Jesu-Kristo. Ang susi sa lahat ng ito sa church ng Ephesus
ay makikita sa verse 20: “Sa ganitong makapangyarihang paraan ay
lumaganap at nagtagumpay ang salita ng Panginoon.” Iyan ang foundation
at strength ng anumang church na tumutupad sa nais ng Diyos. Lumago
ito at nanaig sapagkat ang Salita ng Diyos ang naging pundasyon nito - hindi ang kaisipan ng iba, kundi ang solidong katuruan ng Salita ng
Diyos lamang.
e. Revolution
Ang Kristiyanismo ay may paraan ng paglikha ng kaguluhan. Dumarami ang mga
tao na umibig kay Jesu-Kristo. Ang buong Asia ay nagkagulo dahil sa
nangyayari sa Ephesus. Sabi sa verse 23, “Nang panahong iyon ay
nagkaroon ng isang malaking kaguluhan dahil sa Daan ng Panginoon.” Ang
Kristiyanismo ay naging isang malaking problema sa kanila. Ang
pagtitinda sa mga inukit na mga diyus-diyosan nila ang isa sa mga major
business nila sa Ephesus. Ngunit ang mga pagbabagong ito ay
nagpaputol sa mga negosyong iyon. Ang mga panday ng tanso ay
nagsimula ng rebolusyon dahil wala nang bumibili ng kanilang mga
diyus-diyosan. Ang Kristiyanismo ay nagkaroon ng kontrobersyal na
simula sa Ephesus. Nagdala ito ng pagkalito sa buong lungsod.
III. THE CITY (v. 1)
Anong uri ng lunsod ang Ephesus? Kung bibigyan kayo ng pagkakataon
na mabuhay sa panahon ni Jesus at gusto nyo ang great challenge sa
pag-abot sa mga tao kay Kristo, nire-recommend ko ang Ephesus.
Nadala ni Pablo ang marami sa Panginoon sa Thessalonica sa loob
lamang ng tatlong Sabbaths (tatlong linggo) at ito’y sapat para ang Salita
ng Diyos ay kumalat sa halos kanilang lahat kaagad. Pero nang si Pablo
ay pumunta sa Ephesus, kailangan niyang manatili doon ng tatlong
buong taon (Acts 20:31).
A. The Prominence of Ephesus
Ang Pergamum
Ang Pergamum ang official capital ng Asia Minor, pero ang Ephesus ang
greatest city. Ang mga Roman writer ay tinawag itong “Lumen Asiae,”
na ang ibig sabihin ay, “the light of Asia.” Ito ay tanyag sa maraming mga
kadahilanan.
1. EPHESUS HAD THE GREATEST HARBOR IN ASIA MINOR
Meron silang pinakamagandang daungan ng barko sa Asia Minor.
a. The Center of Commerce
Ang Ephesus ay matatagpuan sa Cayster River, na dumaloy nang diretso sa Dagat Aegean. Tatlong milya sa ilog ay ang lambak ng Cayster River. Matatagpuan sa mga dalisdis (slope) ng libis na iyon ang dakilang lungsod ng Efeso. Mayroong napaka maayos na mga sistema ng mga pantalan at antas na matatagpuan sa ilog kaya ang mga barko ay maaaring maglakbay patungo sa lambak at pagkatapos ay umikot at bumalik sa dagat. Ito ay isang napaka mahalagang lugar para sa kalakalan. Ang ilang mga kalakal ay nagmula sa silangan at lumabas mula sa Ephesus sa dagat. Ang ilang mga kalakal ay dumadating sa Ephesus mula sa dagat, at ipinakakalat sa buong mga kilalang lugar sa mundo.
b. The Hub of Four Main Roads
Sa karagdagan, ang Ephesus ay isang mahalagang daungan dahil apat
na mahahalagang daanan ang humantong sa Ephesus. Ang isa ay mula
sa Pergamum at Smyrna sa norte. Ang isa naman ay mula sa Sardis,
Galatia, at Phrygia sa hilagang-silangan. Ang isa naman ay mula sa
silangan - ito ang mahusay na ruta ng kalakalan na nagdala ng
kayamanan mula sa lambak ng Eufrates hanggang sa Colosse at
Laodicea. May isa pang mahalagang daan na tumakbo nang diretso sa
Ephesus mula sa lambak ng Maeander sa timog.
c. A City of Many Names
Ang Epehesus ay tinawag na “The Marketplace of Asia” ng mga
historian. Sa mga huling panahon, kapag ang mga martyr ay dinala
mula sa Asia upang itapon sa mga leon sa arena sa Roma,
karaniwang sa Ephesus ang una nilang bagsak palakbay sa Roma. Dahil
dito isa pa sa tinawag sa Epehesus ay “The Highway of Martyrs.”
2. EPHESUS HAD POLITICAL FREEDOM
Politically speaking, ang Ephesus ay tinukoy sa Rome bilang “a free
city.” Karamihan sa mga lungsod sa Rome ay hindi malaya; sila ay
sinakop ng mga garrison ng Rome. Iyon ay maaaring lubos na
nakakatakot. Ngunit ang Ephesus ay isang free city na walang garrison o
sundalo. Naniniwala ang Rome sa Ephesus na kaya nitong pamahalaan
ang sarili nang walang anumang tulong. Ito ay isang lungsod na may
malayang pag-iisip at aktibidad.
Bawat taon, ang mga laro ay ginanap sa Ephesus na maihahambing sa
Olympics. Ang mga atleta ay galing sa iba’t ibang lugar para dito mag
laro ng ilang uri ng sports sa panahon nila. Sa karagdagan sa sports
event, meron ding mga pambihirang parada, drama at mga patimpalak.
Ang mga laro ay karaniwang naganap tuwing buwan ng Mayo, at
nagdala ito ng maraming tao sa lungsod mula sa mga kalapit na lugar.
3. EPHESUS WAS THE CENTER OF THE WORSHIP OF DIANA
a. Characteristics of the Temple
Ang Romanong pangalan para sa salitang Griego na Artemis ay si Diana.
Si Diana ay isa sa pinakabanal na diyosa sa sinaunang sibilisasyong
Greco-Romano. Ang kanyang templo ay matatagpuan sa Ephesus. Gawa
ito sa kumikinang na marmol ng Persian. Ito ay may apat na raan at
dalawampu't limang talampakan ang haba (isa at kalahating bloke), at
dalawang daan at anim napung lapad. Ang isang daan at tatlumpung
mga larawang inukit ng kamay ay nakatayo na may animnapung
talampakan na taas. Tatlumpu't pito sa kanila ay pinahiran ng mga
hiyas at ginto. Ang dambana sa loob ng templo ng Artemis higit pa sa
salita ang ganda. Ito ay nilikha ng sikat na Greek sculptor na si
Praxiteles.
1) Ito ay isang Museum Collections ng mahusay na mga gawa ng sining
mula sa buong mundo na dinala sa Templo ni Diana.
2) Ito ay isang Sanktuwaryo para sa mga Kriminal. Ang sino man na
nasa loob ng templo ay libre mula sa parusa ng batas. Hindi siya
maaaring maakusahan. Kapansin-pansin ang napakaraming mga
kriminal na ang mga hangganan ng templo ay kailangang palawakin. Sa
pagdaan ng mga taon, kung ang isang kriminal ay natagpuan sa distrito
ng Ephesus, ligtas siya.
3) Ito ay Isang Bangko. Ang panloob na santuwaryo ng templo ng
Artemis ay napaka banal at walang sinumang nangahas na lumabag
dito. Nagdeposito ang mga tao doon ng pera dahil nga sa ito ay ligtas.
4) Ito ay isang Center of Commerce. Ang templo ay sentro ng negosyo
dahil sa idolatrous system ng kanilang relihiyon. Sa Acts 19, Si
Demetrius na platero (silversmith) ay gumawa ng isang fortune making
little gods na maaaring mailagay sa anumang lugar. Iyon ang dahilan
kung bakit ang ekonomiya ay nagkagulo nang dumating si Pablo
B. The Proclamation of Christ
Sa lungsod na ito ng Ephesus ay may isang pangkat ng mga taong
nagmamahal kay Jesu-Kristo, na nagpapahayag ng Kanyang mensahe sa
bakuran ni Satanas. Ito ay tulad ng biyaya ng Diyos na makapasok sa
bakuran ni Satanas at manalo ng pinakadakilang tagumpay - at iyon ang
nangyari! Ang pangaral ni Jesu-Kristo ay labis na nakaapekto sa
pagsamba na ang ekonomiya ay nagkagulo at nagsimula ang isang
pagbabagong-buhay, at ang simbahan sa Ephesus ay nagsimulang
lumago. Ang maliit na kawan na iyon ay lumakas para kay Jesu-Kristo.
Sinuko nila ang kanilang dating buhay - sinunog nila ang lahat ng
kanilang mga libro tungkol sa mahika, itinapon ang kanilang mga idolo
o diyus-diyosan, at nagsimulang mabuhay para sa Panginoong Jesu-Kristo. Ito ay isang buong bagong buhay para sa kanila.
Ang sunod na titignan natin ay ang katangian ng bawat sulat na
ipapadala…
IV. THE COMMENDATION (vv. 2-3, 6)
A. The Manifestation of the Work (vv. 2, 6)
1. THE GENERAL COMMENDATION (v. 2a)
“Alam Ko ang mga ginagawa mo…”
Sinabi ni Jesus sa pamamagitan ni Juan, "Alam Ko na nakagawa ka ng maraming magagandang bagay." Pagkatapos ay pinangalanan Niya ang kanilang ginawa: paglilingkod, pagtitiyaga, pagsugpo sa kasamaan, at espirituwal na pag-unawa (vv. 2-3).
Sinabi ni Jesus sa pamamagitan ni Juan, "Alam Ko na nakagawa ka ng maraming magagandang bagay." Pagkatapos ay pinangalanan Niya ang kanilang ginawa: paglilingkod, pagtitiyaga, pagsugpo sa kasamaan, at espirituwal na pag-unawa (vv. 2-3).
2. THE SPECIFIC COMMENDATIONS (vv. 2b-e, 6)
Ano ba yung mabuti sa church na ito? Jesus commends them first for…
a. Their Service (v. 2b)
“…ang iyong mga pagpapagal…”
1) The Toil of Exhaustion
Ang Greek word ng “service” ay ‘kopos,” which means “toil” (Mabigat na
trabaho, gawain o paggawa). Ang Ephesians ay pinuri sa kanilang pawis
sa paglilingkod kay Kristo. Makikita ba ngayon sa mga Kristiyano ang
ganitong pagod dahil sa paglilingkod kay Kristo? Ngunit dito ay pinuri
ni Kristo ang simbahan sa Ephesus dahil sa buong paglilingkod sa
Kanya. Ang katangian ng salitang kopos (service) ay nagpapakita ng
paglilingkod to the point ng kapaguran. Ito yung uri ng hirap na hindi
lang katawan ang pagod pati isip. Ang paglilingkod ng mga Kristiyano
para kay Kristo ay hindi para sa mga baguhan. Kung ang paglilingkod
mo kay Kristo ay parang addition mo lang sa buhay mo, then ito ay
walang kabuluhan. Ang mga Kristiyano ay nilalaan nila ang kanilang
buhay kay Kristo, hindi yung parang extra lang Siya sa buhay mo.
Kailangan nating maghirap para kay Kristo. Ang paglilingkod sa Kanya
ay hindi madali. Sasabihin nyo, “That sounds like legalism.” Pero
walang legalism dito: Kung sobrang mahal mo si Kristo wala kang paki-alam sa kung ano man ang magiging kabayaran nito. Mararanasan mo
ito kung ginagawa mo ang ginagawa Niya, isa na dito ang
pagdidisipulo. May mga pagkakataon na ipapahinga mo nalang eh
kailangan mo pang makipagkita sa mga disipulo mo o tulungan sila - naglalaan ka ng oras, kayamanan, at lakas sa kanila.
2) The Toil of the Ephesians
Ito yung mga bagay na makikita sa mga mananampalataya sa Ephesus
na nakita ni Jesus. Busy sila sa paglilingkod kay Jesus. Sa ngayon sa
nakikita ko na ang maraming mga Christian ang mas gustong ma-entertained sa church—ayaw nilang mag work. Kaya marami
naglilipatan sa mas malalaking church at ayaw sa maliit na church kasi
umiiwas sa work. Gusto nila yung simba’t uwi at mag pa aircon lang, ok
na sila sa ganoon. Mapapansin mo pa yan sila sa church na sila yung
maraming puna sa mga nagpapagod sa paglilingkod sa Diyos. Marami
silang nakikitang mali at ayaw, bakit? Marami kasi silang time na
magmasid kasi hindi sila busy sa paglilingkod sa Diyos. Hindi ganito
ang nakita ni Jesus sa mga mananamapalataya sa Ephesus. They were
working, planning, sharing Christ, and helping people who had physical
needs as well as spiritual needs. Hindi sila ang iglesya na nag bibigay ng
lingguhang aliw sa mga naiinip na sa buhay. Sila ay nasa ilalim ng
pamatok at nag-aararo-at mahal nila ang ginagawa nila sa bawat minuto
nito. Service to Christ is the greatest thrill in the world!
b Their Steadfastness (v. 2c)
“…at matiyagang pagtitiis…”
Ang salitang “patience” sa Greek text ay “hupomone.” It means “steadfast
endurance”--Katatagan, matibay. Sila yung nagtitiis ng paghihirap sa
persecution. Sila ay walang ugali na nagtitiis sa hirap at pagkatapos ay
kinamumuhian nila yung nangyayari sa kanila o nagsisisi sila dahil sa
paglilingkod nila kay Kristo; sa katunayan dumating sa buhay ng mga
taong ito na masaya sila na kapag ang kamatayan nila ay pagpapahirap
nang dahil sa paglilingkod nila kay Jesus. Pero sa atin ngayon,
napakadali sa atin ang sumuko, sumuko sa paglilingkod kay Kristo at
sasabihin natin na, “Pagod na ako.” Kaya tignan ninyo ang inyong mga
sarili sa oras na ito at huwag tumingin sa paglilingkod ng
iba…nararanasan mo ba itong mga kahirapan na ito nang dahil sa
paglilingkod mo kay Jesus? Tandaan natin ito, na ang church sa Ephesus
ay nag-e-exist sa gitna ng pagan city pero sila ay nananatili pa ring
matatag.
c. Their Suppression of Evil (v. 2d)
“…Alam Kong hindi mo kinukunsinti ang masasamang tao…”
Hindi sila nag papaubaya sa kasalanan. Kapag ang kasalanan ay
lumitaw, agad nila itong inaalis sa church. Ang pagiging sensitibo sa
kasalanan ay mahalaga para sa isang simbahan dahil ang mga Kristiyano
ay may matamis na pagsasama. Nais nating isama ang iba na maabot
natin sa atin ating fellowship. Nais nating ang bawat isa na maabot natin
ay makilala si Kristo. Nais nating mapanatili ang uri ng pakikisama na
mayroong patotoo sa mundo. Ngunit ibig ni Satanas na sirain ang ating
patotoo sa pamamagitan ng paglalagay ng kasalanan sa fellowship
upang mapunit ito. Sinabi ni Pablo sa mga taga-Corinto na bantayan nila
ang kasalanan dahil “Napapaalsa ng kaunting pampaalsa ang buong masa” (1
Corinto 5:6). Kapag ang kasalanan ay lumitaw dapat agad itong alisin.
Iyan ang ginagawa ng Ephesians, kaya sabi ni Jesus na, “Alam Ko…hindi
mo kinukunsinti ang masasamang tao…” (verse 2).
Sinusunod ng Ephesians ang instruction ni Pablo. Sa Efeso 4:27, ang sabi
ni Pablo, “Huwag ninyong bigyan ng pagkakataon ang diyablo.” Nang iwan
ni Pablo ang Ephesus at nakipag kita siya sa mga elder sa huling
pagkakataon, ang sabi niya, “Ingatan ninyo ang inyong sarili at ang buong
kawan, na inilagay ng Espiritu Santo sa inyong pangangasiwa. Pangalagaan
ninyo ang iglesya ng Diyos na kanyang tinubos sa pamamagitan ng dugo ng Kanyang Anak. Alam kong pagkaalis ko'y magsisipasok ang mababangis na
asong-gubat at walang patawad nilang lalapain ang kawan.” Ang lahat ng
ginagawa ng Diyos, lagi itong gustong sirain ni Satanas. Kinamumuhian
ng mga taga-Efeso ang kasamaan sa moralidad, at tinanggal nila ito.
d. Their Spiritual Discernment (v.2e)
“…Sinubok mo ang mga nagsasabing sila'y apostol, at napatunayan mong
sila'y huwad…”
Kapag may nagsalita sa kanila at nag sabi na, “Ako ay isang apostle.
Meron akong mensahe,” ang sasabihin ng Ephesians, “Gusto ka naming
maka-usap kung ang sasabihin mo ba ay totoo.” Dumating ang mga
false teacher sa Ephesus gaya ng sinabi ni Pablo, pero alam ng Ephesian
kung papaano sila haharapin. Ang tanging daan para manatiling
matatatag laban sa mga maling katuruan ay ang malaman ang
katotohanan. Iyan ang dahilan kung bakit ang totoong iglesya ay may
pundasyon sa doktrina. Kapag ang isang Kristiyano ay alam kung ano
ang tinuturo ng Diyos, pwede nya iyon maikumpara sa anumang
katuruan sa liwanag ng kung ano ang tinuturo ng Bibliya. Ang simbahan
sa Ephesus ay nanatiling totoo sa kabila ng mga masasamang
kalalakihan na sumubok na sirain ito: Ang mga sugo ng legalism ay
dumating at sinubukan na mailagay ang Ephesians sa pagkaalipin; Ang
mga hayok sa kamunduhan ay nag sabi sa kanila na pwede nilang gawin
kung ano man ang gusto nilang gawin; at ang mga bihasa na pulubi sa
pagnanakaw ay sinubukan na alisin ang lahat ng kanilang mga
mapagkukunan. Pero ang mga Ephesian ay sinubukan muna silang lahat
para malaman kung sino sa kanila ang sa Diyos.
e. Their Stand Against the Nicolaitans (v.6)
“…Ngunit ito naman ang napupuri Ko sa iyo; kinapopootan mo ring tulad Ko
ang mga ginagawa ng mga Nicolaita…”
Kinamumuhian ni Jesus ang mga Nicolaitans. Sino ba sila?
1) The Characteristics of the Nicolaitans
Ang mga Nicolaitan ay grupo ng mga heretics o mga naniniwala sa
maling paniniwala na naging involve din sa church ng Pergamum.
Posible na sila ay magpakita sa maraming lugar. Isa sa mga deacon na
nag simula sa Acts 6, ay nag ngangalang Nicolas. Si Nicolas ay naging
isang heretic (naniwala siya sa maling paniniwala). Itinulak niya ang
kalayaan to an extreme na pwede mong gawin ang anumang gusto mong gawin at ang sekta niya ay kinilala sa matinding pagpapalayaw at
karumihan. May mga tao na nag sasabi na si Nicolas ang nagsimula ng
heresy; ang iba naman ay nag sasabi na si Nicolas ay gumawa ng
statement na ang ilang tao ay na misinterpret ito at ginamit ito bilang
basis sa kanilang kulto. Si Clement of Alexandria, na nabubuhay ng
panahon na iyon, sabi niya na ang Nicolaitans "abandon themselves to
pleasure like goats...leading a life of self-indulgence” (The Miscellanies
2:20). Pinalitan nila ang kalayaan ng lisensya at baluktot na biyaya. Kaya
sabi ni Pablo sa mga taga Galacia na, “Mga kapatid, tinawag kayo upang
maging malaya. Ngunit huwag naman ninyong gamitin ang inyong kalayaan
upang masunod ang hilig ng laman.” (Glacia 5:13).
2) The Confrontation by the Ephesians
Maliwanag na ang mga Nicolaitans ay dumating sa Ephesus, ngunit
nakita sila ng mga taga-Ephesus at pinalayas sila sapagkat kinapootan
nila ang kanilang mga gawa. Hindi nila madala ang kasalanan o ang
maling doktrinang ipinagkaloob ng Nicolaitans. Ang tanging paraan na
malalaman mo ang maling doktrina ay ang malaman ang totoong
doktrina. Kaya iyan ang dahilan kung bakit sinabi ni Peter na, “Lagi
kayong maging handang sumagot sa sinumang humihingi ng paliwanag sa inyo
tungkol sa pag-asang nasa inyo…” (1 Pedro 3:15). You need to understand
doctrine.
B. The Magnitude of the Work (v. 3a, c)
“Alam Ko ring matiyaga ka, nagtiis ng maraming hirap…at hindi ka sumuko.”
Tiniis nila ang mabuti at masama. Nagpasensya sila; sila ay nagtrabaho
at hindi nanghihina. Ang iglesya sa Ephesus ay malakas, espirituwal,
matatag, nagtatrabaho, naghihirap, at naglilingkod. Sasabihin mo, "Bakit
nila ginawa iyon? Ano ang kanilang motibo? "
C. The Motive of the Work (v. 3b)
“…alang-alang sa Akin…”
Ang pangunahing dahilan ng paglilingkod sa Diyos ay ang pag-ibig mo
sa Kanyang pangalan. Hindi ka naglilingkod kay Jesus dahil dapat itong
gawain, kundi dahil mahal mo Siya. Ang mga taga-Ephesus ay
naglingkod sa Kanya alang-alang sa Kanyang pangalan. Ang Diyos at si
Jesu-Kristo ay karapat-dapat na purihin ng mga tao. Ang mga taga-Ephesus ay naglilingkod kay Kristo upang magbigay ng karangalan
kung saan nararapat ito. Gustung-gusto nila ang pangalan ni Kristo. Ito ay isang madamdaming hangarin na makita si Kristo na nakataas sa
Kanyang nararapat na lugar. Gustung-gusto ng mga taga-Ephesus si
Jesus: Nagkaroon sila ng masidhing hangarin na Siya ay maitaas, at sila
makapaglingkod sa Kanya alang-alang sa Kanyang pangalan.
Nakita na natin ang commendation o mga pinupuri ni Jesus sa Ephesus.
Ngayon pupunta na tayo sa…
V. THE CONDEMNATION (v.4)
“Subalit may isang bagay na ayaw Ko sa iyo: iniwan mo na ang pag-ibig mo
noong una.”
Base sa Revelation 2:2-3 at 6, masasabi natin na ang church sa Ephesus
ay kamangha-mangha. Isang simbahan na batay sa wastong doktrina.
Alam nila ang kanilang pinaniniwalaan. Maaari nilang makita ang
kasalanan. Nagtatag sila ng malakas na ugat. Minahal pa nila si Jesus,
ngunit ngayon sinabi ni Jesus na nawala na ang pag-ibig nila sa Kanya.
Ang kanilang unang pag-ibig ay naging malamig. Ang simbahan sa
Ephesus ay isa sa pinakamahusay na mga simbahan sa kasaysayan,
ngunit ang kanilang mainit na puso ay lumamig. Ang kanilang paggawa
ng pagmamahal at ang matingding damdamin nila ay naging pakitang
tao na paglilingkod na lamang. Iniwan nila ang init ng kanilang unang
pag-ibig at ang kanilang paglilingkod ay parang naging mechanical na
lang. Nakakalungkot iyon!
A. The Demand of Love
Nakakalungkot iyon kasi ang isang bagay na nais ni Kristo sa Kanyang
Church nang higit sa lahat ay ang pag-ibig. He demanded it. Basahin ko
sa inyo ang Juan 21:15-17, “Tinanong ni Jesus si Simon Pedro, “Simon, anak
ni Juan, iniibig mo ba Ako nang higit sa mga ito?” “Opo, Panginoon, alam
ninyong mahal ko Kayo,” tugon niya. Sinabi sa kanya ni Jesus, “Kung gayon
pakainin mo ang Aking mga batang tupa.” Muli siyang tinanong ni Jesus,
“Simon, anak ni Juan, iniibig mo ba Ako?” Sumagot si Pedro, “Opo,
Panginoon, alam ninyong mahal ko Kayo.” Sabi ni Jesus, “Alagaan mo ang
Aking mga tupa.”Pangatlong ulit na tinanong siya ni Jesus, “Simon, anak ni
Juan, mahal mo ba Ako?” Nalungkot si Pedro sapagkat tatlong beses siyang
tinanong ng, “Mahal mo ba Ako?” At sumagot siya, “Panginoon, alam po
Ninyo ang lahat ng bagay; alam Ninyong mahal ko Kayo.”Sinabi sa kanya ni
Jesus, “Pakainin mo ang Aking mga tupa.” Kapag ang pag-ibig sa Kanya ay
nanlamig, it broke His heart. Iyan ang dahilan kung bakit sinabi Niya, “Subalit may isang bagay na ayaw Ko sa iyo: iniwan mo na ang pag-ibig mo
noong una,” (Pahayag 2:4).
B. The Disappearance of Love
Ano yung ibig sabihin ng unang pag-ibig? Ito ang pag-ibig na unang
sumisibol sa puso ng isang indibidwal.
1. FOR CHRIST
Siguro nakakita na kayo ng isang Christian na noong panahon na unang
dumating si Jesus sa buhay niya, makikita natin yung napakalaking pag-ibig ng taong ito. Siguro hindi na tayo titingin sa iba. Sa ating sarili
mismo, kung babalikan natin yung unang tagpo natin kay Kristo at yung
init ng pag-mamahal na pinakita natin sa Kanya noong una. Maaga sa
simbahan, sabik sa pakikinig ng Salita ng Diyos, parang gusto laging
nasa simbahan, laging nagbabasa ng Bible na parang wala ng bukas,
pananalanging walang humpay, halos lahat ng makatabi ay
binabahagihan ng gospel, pero sa paglipas ng mga taon, makikita natin
na parang ang lahat sa buhay pananampalataya niya ay parang routine
nalang. Alam nila ang kanilang pinaniniwalaan, wala lang silang pag-ibig. Yung ginagawa mo nalang yung dapat gawin sa inaasahan sa isang
Kristiyano para walang masabi ang ibang tao sayo. Sabi ni Pablo,
“Makapagsalita man ako sa mga wika ng mga tao at ng mga anghel, kung wala
naman akong pag-ibig, para lamang akong kampanang umaalingawngaw o
pompiyang na maingay,” (1 Corinto 13:1). Ang mensahe ng iglesya ay pag-ibig. Ang pag-ibig ng sanlibutan ay namamatay at meron tayong
mensahe.
2. FOR EACH OTHER
Kapag ang pag-ibig mo kay Jesus ay nawala, ang pag-ibig mo rin sa
ibang tao ay titigil dahil ang pag-ibig mo sa ibang tao ay naka-dipende
sa lagay ng relasyon mo sa Diyos. Kung meron kang taong hindi mo
kayang mahalin, then iniwan mo ang una mong pag-ibig kay Kristo.
Bakit ko po ito nasabi? “Ang nagsasabing, 'Iniibig ko ang Diyos,' subalit
napopoot naman sa kanyang kapatid ay sinungaling. Kung ang kapatid na
kanyang nakikita ay hindi niya magawang ibigin, paano niya maiibig ang Diyos
na hindi niya nakikita?” (1 Juan 4:20). Sabi pa sa 1 Juan 3:14-17, “Nalalaman
nating lumipat na tayo sa buhay mula sa kamatayan, sapagkat iniibig natin ang
mga kapatid. Ang hindi umiibig ay nananatili sa kamatayan. Mamamatay-tao
ang napopoot sa kanyang kapatid, at nalalaman ninyong ang buhay na walang
hanggan ay wala sa mamamatay-tao. Dito natin nalalaman ang pag-ibig:
inialay ni Kristo ang kanyang buhay para sa atin. Kaya't dapat din nating ialay ang ating buhay para sa mga kapatid. Kapag nakita ng isang maykaya sa buhay
ang kanyang kapatid na nangangailangan, at pinagkaitan niya ito ng tulong,
masasabi bang siya'y umiibig sa Diyos?” Kaya mahirap magdisipulo at mag
invest sa buhay ng isang tao kung nanlalamig ka sa una mong pag-ibig--
ang pag-ibig mo kay Kristo.
3. FOR EPHESUS
Ang unang bagay na nangyari sa Ephesus ay nanglamig sila sa kanilang
pag-ibig kay Kristo. Ang resulta, hindi na nila iniibig ang isa’t isa nang
tulad ng dati. Ang iglesya sa Ephesus ay tama sa doktrina, pero nawala
ang una nilang pag-ibig. Yung honeymoon period ay natapos na sa
Ephesus. Dalangin ko sa Diyos na ang pag-ibig natin kay Kristo ay hindi
kailanman mawala. Dahil dito, patuloy nating mamahalin ang isa’t isa.
Kaya alam nyo na ang ugat kung bakit may away-away sa loob ng
church o kung bakit may mga church na nag split - marahil dahil nawala
ang unang pag-ibig nang marami sa iglesyang iyon.
Ang panlalamig ba ang naglalarawan ng iyong buhay pananampalataya
ngayon? Ang unang pag-ibig mo ba kay Kristo ay nawala? Kung gayon,
ikaw ay nahulog sa pagkawala ng pag-ibig mo kay Kristo. Sasabihin mo,
“Hanggang saan ako mahuhulog?” Ikaw ay magiging anak Niya
magpakailanman kung ikaw ay tunay na sumampalataya sa Kanya, pero
yung init ng relasyon mo kay Jesu-Kristo ay tiyak na magkakaroon ng
pagbabago sa iyong buhay paglilingkod at relasyon sa ibang Kristiyano.
Muli ang honeymoon stage sa Ephesus ay tapos na. Kung pupunta kayo
ngayon doon kung saan makikita ang Ephesus, ang church ay wala na.
Kapag ang honeymoon ay tapos na o mawala na nang tuluyan ang
unang pag-ibig, ang church ay tapos na rin. Pano ko nalaman iyan?
Tignan natin ang …
VI. THE COMMAND (v. 5)
“Alalahanin mo ang dati mong kalagayan; pagsisihan mo at talikuran ang iyong
masasamang gawa, at gawin mong muli ang mga ginagawa mo noong una.
Kapag hindi ka nagsisi, pupunta Ako diyan at aalisin Ko sa kinalalagyan ang
iyong ilawan.”
A. The Result of Lost Love
Sabi ni Kristo na ang pagkawala ng unang pag-ibig ay unang hakbang sa
wakas na pagkawasak. Ibig sabihin ba nito na lahat sa Ephesus ay
nawala ang kanilang kaligtasan? Hindi, ang ibig sabihin nito na ang patotoo ng church ay nawala. Kapag ang church ay nagsimulang
manlamig sa pag-ibig nila kay Jesu-Kristo, iyan ang unang hakbang ng
pagbagsak ng pag-unlad. Sa huli, ang ilaw ay lumabas. Ang mga pisikal
na ilaw ay maaaring tuloy parin, at maaaring mayroong patuloy na
nagsasalita sa pulpito, ngunit ang espirituwal na ilaw ng iglesya ay wala.
B. The Request of Christ
Jesus asks the church sa Ephesus na gawin ang tatlong bagay: remember,
repent, at repeat. Sa verse 5, sabi ni Jesus, “Alalahanin (Remember) mo ang
dati mong kalagayan; pagsisihan (Repent) mo at talikuran ang iyong
masasamang gawa, at gawin mong muli (Repeat) ang mga ginagawa mo noong
una…” Sa madaling salita, bumalik ka at magsimula kang painitin muli
ang love relationship mo kay Jesus.
1. REMEMBER
Una, sinabi ni Jesus na dapat nilang tandaan kung ano ang mayroon sila.
Lagi kong naaalala sa asawa ko na lagi nyang sinasabi sa akin before na,
“Ga naaalala mo ba yung nililigawan mo palang ako?” Sinasabi niya ito
sa akin sa panahon na ako ay tutok sa aking cellphone at nawawala na
yung time ko sa kanya. Gayundin, sinabi ni Kristo sa Ephesus,
“Natatandaan mo yung init na nakakatuwang pag-ibig na meron tayo
nung simula?” Ganun din sa atin kung tayo ay kabilang sa mga
nanlalamig kay Jesus, natatandaan ba natin ang init at kilig na meron
tayo noong si Kristo ay unang naging totoo sa iyong buhay? Nang unang
dating ni Pablo sa Ephesus sinabi niya sa kanila kung gaaano katotoo si
Kristo. Ngayon sabi ni Jesus, “Tandaan mo ang mga araw na iyon.”
Next, Jesus asks the Ephesians to…
2. REPENT
Nais Niya na sabihin ng Ephesians na, “God, I’m sorry. Gusto kong
maibalik ang init ng pag-ibig muli.” Tapos sinabi ni Jesus kung papaano
ito maibabalik.
3. REPEAT
Ang Ephesians ay kailangang bumalik at gawin ang dati nilang
ginagawa sa simula. Sila ay nag-aaral ng Salitang Diyos, nagsasama-sama bilang magkakapatid at nananalangin, binabahagi si Kristo, at
pinapainit ang fellowship.
C. The Removal of Ephesus
Sabi ni Jesus na kapag hindi nila ito ginawa, papatayin Niya ang ilaw.
Maliban kung magsisisi sila, ang cold church ay magiging dead church.
Since ang dead church ay worthless kay Kristo, tatanggalin Niya ang
kandila. Nangyari ba iyan sa Ephesus? Opo, nangyari ito sa kanila. Ang
una nilang pag-ibig ay nanlamig, tapos ang pag-ibig sa sanlibutan ang
pumalit sa pag-ibig nila kay Kristo. They compromised and the church
became corrupt. Sa huli, umalis sila sa kanilang pananampalataya at
nawala ang kanilang patotoo. At sa puntong iyon, ang liwanag ay
nawala. Ang pagbagsak nila ay nagsimula nang manlamig ang kanilang
pag-ibig. Kaya sinabi ni Jesus na sila ay magsisisi.
Nakakalungkot man sabihin, pero ang liwanag sa Ephesus ay nawala.
Ngayon ang lunsod ay wala na. Ang lugar ay napabayaan na. Ang tubig
na dumadaloy sa Cayster River ay patuloy na nakasalansan hanggang sa
wala ng daungan o lunsod. Hindi na rin ito magandang pagtayuan muli.
Ang liwanag ay nawala dahil nawala ang kanilang unang pag-ibig.
Nakita na natin that Christ commending, condemning, at commanding
the church sa Ephesus para magsisisi at bumalik sa kanilang first love. Sa
pag tatapos, tignan natin ang…
VII THE COUNSEL (v.7)
Sa bawat katapusan sa bawat pitong sulat, si Kristo ay may salita sa mga
hindi pa Siya nakikilala. Bakit? Mula sa simula at katapusan ng church,
laging magkasama ang mabuti at masama, ang tunay at hindi. Alam ni
Jesus na sa loob ng church sa Ephesus, may mga taong hindi Siya kilala.
Kaya sa katapusan ng bawat sulat He addresses the unbeliever.
A. The Request of Christ (v.7a)
“Ang lahat ng may pandinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga
iglesya!”
Parang nakatayong nagsasalita si Jesus sa labas ng mga church. Ito ay
hiling para sa lahat na makinig. Ano ang sinabi Niya?
B. The Reward of the Overcomer (v. 7b)
“Sa magtatagumpay ay ibibigay Ko ang karapatang kumain ng bunga ng
punongkahoy ng buhay na nasa Paraiso ng Diyos.”
Sinabi ito ni Jesus sa mga outsider na hindi talaga bahagi ng church (the
body of Christ): “Maging matagumpay kayo (Be an overcomer!)” Ano
ang ibig sabihin ng “overcomer”? Sino ang mga overcomers?
1. HIS BELIEF
Sabi sa 1 Juan 5:5, “Sino ang nagtatagumpay (overcomer) laban sa
sanlibutan? Ang sumasampalataya na si Jesus ang Anak ng Diyos.” Ito ang
mga taong napagtagumpayan ang sanlibutan. Sabi ni Jesus sa mga
unbeliever na, “maging overcomer kayo. Mag tagumpay kayo laban sa
sanlibutan at sa kasalanan, sa kadiliman at sa kamatayan.” Papaano
naman natin ma-o-overcome ang sanlibutan? Sumampalataya sa Anak
ng Diyos at maging Panginoon mo Siya sa iyong buhay. Kapag ginawa
mo iyon, mapagtata-gumpayan mo ang sanlibutan. Ano naman ang mga
benefit nito?
2. HIS BENEFITS
Meron itong nakakamanghang benefits. Kapag minahal mo si Jesus,
ikaw ay naniwala at nag sisi sa iyong mga kasalanan at naging
overcomer, bibigyan ka ng karapatan ni Kristo na, "kumain ng bunga ng
punongkahoy ng buhay na nasa Paraiso ng Diyos” (v. 7). Ano yung sinasabi
Niya? Kapag ikaw ay naging overcomer - kapag naniwala ka kay Jesus at
nagsisi sa iyong mga kasalanan-magkakaroon ka ng buhay na walang
hanggan kay Kristo. Bakit ko nasabi? Dahil ang puno ng buhay ay nasa
paraiso ng Diyos. At nasaan ang paraiso ng Diyos? Sabi sa Pahayag 22:2,
“at umaagos sa gitna ng lansangan ng lungsod. Sa magkabilang panig ng ilog
ay ang punongkahoy na nagbibigay-buhay…” Ang pangako sa mga
magtatagumpay ay balang araw ay makakapasok sila sa walang-hanggang lugar ng Diyos sa langit para makasama Siya habang buhay.
Ito’y talagang nakakamanghang pangako.
Ang sulat sa church sa Ephesus ay para sa lahat. Kapag ikaw ay
nagsasabing Kristiyano ka, tiyakin mo na willing ka na buksan ang
iyong puso at manatili ka sa una mong pag-ibig. Kapag ikaw naman ay
hindi pa Kristiyano, maniwala ka kay Jesus at magsisi sa iyong mga
kasalanan at maging overcomer ka. At mararanasan mo ang lahat na
meron ang Diyos para sayo.
___________________________________________________________________________________
Pondering the Principles
1. Ayon sa Pahayag 2:2, pinuri ni Kristo ang Ephesians sa kalidad ng
kanilang paglilingkod. Ano ang kahalagahan nito? Tignan ang mga
sumusunod na mga talata: Juan 4:37-38; Gawa 20:35; 1 Corinto 15:58;
Galacias 4:11; Colosas 1:29; 1 Thesalonica 1:3; 5:12; 1 Timoteo 4:10;
5:17; Hebreo 6:10. Ayon sa mga talatang iyan, gaano kaimportante ang
mabigat na pagtatrabaho sa paglilingkod kay Kristo? Suriin mo ang
kalidad ng iyong paglilingkod kay Kristo. Nakikita mo ba na ito ay
kagaya sa uri ng paglilingkod na nakita sa mga lingkod ni Kristo sa
Bagong Tipan? Base sa maikling pag-aaral na ito, ano ang mga
pagbabago na dapat mong gawin sa kalidad ng iyong paglilingkod kay
Kristo? Simulan mong gawin at ipamuhay ang mga pagabagong iyon
ngayon.
2. Ano ang nag-uudyok sayo sa paglilingkod kay Kristo: para itaas si
Jesu-Kristo o ang itaas ang sarili? Maging tapat ka. Ipangalanan mo ang
mga bagay na ginagawa mo ngayon para sa kapakanan ni Kristo. Ano
naman ang mga ginagawa mo para sa iyong kapakanan? Tignan mo ang
mga sumusunod na mga talata: Mateo5:11; 10:22, 39; 19:29; Juan 15:20-21; Roma 8:36; 15:30; 2 Corinto 4:11; 12:10; Efeso 4:32; Filipos 1:29; 1 Pedro 2:13. Ayon sa mga talatang iyan, ano ang
maaaring meron ka na maisusuko mo para sa kapakanan ni Kristo?
Papaano ka magagantimpalaan? Ano ang mga ilang potensyal na resulta
sa pamumuhay para kay Kristo? Ano ang ilang responsibilidad sa
pamumuhay para kay Kristo? Papaano ang mga sagot mo sa mga tanong
na ito makakaapekto sa iyong pangganyak (motivation) sa paglilingkod
kay Kristo? Ilaan mo ang oras na ito sa pananalangin. Maging tapat ka sa
Diyos sa paglapit mo sa Kanya para magsisi mula sa mga maling
kaugalian patungkol sa iyong mga maling dahilan sa paglilingkod kay
Kristo.
3. Ano ang kondisyon ng pag-ibig mo kay Kristo? Ano ang kondisyon ng
pag-ibig mo sa ibang mga mananampalataya? May tinatrato ka ba ng
mas maayos kaysa sa iba? Pagtrabahuan mong mapaunlad ang iyong
pag-ibig sa relasyon mo kay Jesu-Kristo. Base sa Pahayag 2:5, ano ang
kailangan mong maalala? Ano ang mga bagay na dapat mong pag-sisihan? At ano ang mga bagay na dapat mong muling gawin? Simulan
mo ang pagpapaunlad ng relasyon mo kay Kristo ngayon!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento