The Reliability of the Bible (Part 1 of 4)
Tinuro ni Pastor Arnel Pinasas
Mula sa CCF – GLC 3
Grouping (3-4)
1. Ano ang pinaniniwalaan mo patungkol sa Bible?
2. Bakit ka naniniwala sa pinaniniwalaan mo patungkol sa Bible?
Introduction:
Gusto kong talakayin natin ang apat na basic na tanong:
1. Ano ang iyong pinaniniwalaan?
May isang tao ang tinanong na, “ano ang pinaniniwalaan mo?” Sabi niya, “Ang pinaniniwalaan ko ay kung ano ang pinaniniwalaan ng aming simbahan.” Muli siyang tinanong, “eh ano ang pinaniniwalaan ng inyong simbahan?” Sumagot siyang muli, “ang pinaniniwalaan ng aming simbahan ay kung ano ang aking pinaniniwalaan.” Huwag tayong maging katulad ng taong ito. So, ano ang inyong pinaniniwalaan?
2. Bakit ka naniniwala sa pinaniniwalaan mo?
Hindi ba isa itong magandang tanong sa atin? May pastor na nagsabi na 90% ng mga kabataan sa Amerika ang hindi na bumabalik sa church pagkatapos nilang iwan ang kanilang tahanan para pumasok sa kolehiyo. Nag sisimba lang sila kapag sila’y nasa mga magulang pa, pero kapag sila’y malaya na eh hindi na sila nag sisimba. Alam nyo kung bakit hindi na sila bumabalik sa simbahan? Dahil hindi daw tinuturuan ng kanilang mga magulang ang kanilang mga anak kung bakit nila pinaniniwalaan ang kanilang mga pinaniniwalaan.
Kung hindi ninyo alam bakit kayo naniniwala sa Bibliya, kung hindi ninyo alam bakit kayo naniniwala kay Jesus, magkakaroon ka ng problema. Naisip nyo na ba minsan itong tanong na ito? O naitanong nyo na ba ito minsan sa inyong sarili?
3. Bakit importante na maniwala sa kung ano ang totoo?
Alam nyo kung bakit ito importante? Hayaan nyong sabihin ko sa inyo kung bakit. Lahat kayo ay mga theologian. Ayaw nyo lang ito aminin. Ang tanong lang sa inyo ay, kayo ba ay good theologian o bad theologian? Ang ibig kong sabihin ay ito, lahat tayo ay may pinaniniwalaan. May pinapaniwalaan tayong isang bagay; ang mga kaibigan natin ay may mga pinapaniwalaang isang bagay; ang mga tao sa paligid natin ay may pinaniniwalaang isang bagay. Kung totoo man o hindi ang pinaniniwalaang iyon iyan ay ibang usapan pa.
Para patunayan sa inyo na kayo ay produkto ng inyong pinaniniwalaan ay sobrang dali lang…Kung ang isang politician ay nagnakaw ng malaki sa kabang yaman ng Pilipinas at nagbigay ng tulong sa mga mahihirap. Tumulong siya sa mga mahihirap dahil iyon yung nasa isip niya. Tanungin ko kayo, bakit siya tumulong matapos siyang magnakaw? Ano ang kanyang pinaniniwalaan? Maaaring dahil naniniwala siya na mababawasan ang kasalanan niya kapag tumulong siya.
Nakita nyo? Kung ano ka, o ang isang tao iyan ay dahil bunga ito ng kanya-kanya nating pinaniniwalaan. Tanungin ko kayo, mangangalunya ba kayo sa isang magandang babae, kung alam mo na kinabukasan makikita ang ginawa ninyo sa youtube, kakalat sa facebook, at mapapalabas ka sa tulfo? Mangangalunya ba kayo kapag ganito? Bakit hindi? Mga kapatid, maaaring karamihan sa mga tao ay gagawin iyon dahil wala naman silang pananagutan kanino man, o wala namang may paki-alam sa gagawin niya… pero tayo bilang theologians, ang sabi ng theology natin na nakikita ng Diyos ang lahat ng ating ginagawa. Sabi ng theology natin na balang araw ang lahat ng ginawa natin sa kadiliman ay mahahayag sa liwanag. Iyan ang sinabi ng Bibliya. Pero sinabi din ng aking theology na kung ako ay lalapit sa Diyos at magpapakumbaba, aaminin ang nagawang kasalanan at magsisisi ako’y Kanyang patatawarin sa aking mga nagawang kasalanan at buburahin ito. At nagpapatuloy pa ang aking theology… magpapatuloy ba dapat ako sa kasalanan? Nakita nyo? Ang aking theology nagsasabi sa akin na “Hindi!” Dahil ang biyaya ay hindi nagtuturo ng ganyang klaseng pag-iisip… na dahil ako ay napatawad na ay pwede na akong magkasala ng magkasala. So, nakikita ninyo na lahat ng aking ginawa ay naka base sa aking belief system… sa kung ano ang aking pinaniniwalaan.
Ito ang tanong sa ating lahat, saan nagmumula ang ating belief system? Kaya huwag nating husgahan ang tao o huwag tayong maging kritikal sa mga tao kung makita natin silang gumagawa ng maraming maling gawa dahil sila ay theologians. Ang tanging problema lang ay sila ay bad theologians. Dahil ang kanilang pananampalataya ay nakaangkla sa isang bagay na hindi totoo. Pero naniniwala sila na ito ay totoo. So, ulitin ko ang tanong: Bakit importante na maniwala sa kung ano ang totoo? Dahil ang iyong gawa at kilos ay bunga ng inyong pinaniniwalaan. Tandaan natin ito: Hindi natin mababago ang ugali ng isang tao kung hindi natin muna mababago ang pag-iisip ng taong iyon. Kailangan muna nating mabago ang mind system. Kaya kailangan natin ituro muna ang katotohanan at hayaan na ang Panginoon ang magbago ng pag-iisip, puso, at ugali ng taong tinuruan.
4. Bakit mahalaga ang katotohanan?
Dahil ngayon kung pupunta ka sa school, o sa university hindi mahalaga sa kanila kung ano ang iyong pinaniniwalaan dahil para sa kanila walang absolute truth o tiyak na katotohanan. Ang lahat ay relative. Ibig sabihin maaaring si Marcos ay masama sayo, pero si Marcos naman ay mabuti sa iba. Ang importante taos ito sa iyong puso. Narinig nyo na iyang ganyang argument? “Kung ano ang totoo sayo ay totoo sayo, at kung ano ang totoo sa akin ay totoo sa akin. Mag respetuhan nalang tayo ng kung ano ang pinaniniwalaan natin. Mahalin nalang natin ang isa’t isa, tanggapin nalang natin ang kanya kanya nating pinaniniwalaan.” Iyan ang sikat na argument ngayon ng marami. So, bakit muli mahalaga ang katotohanan? Hayaan nyong sabihin ko sa inyo ang dalawang major reasons.
Why is truth important?
1. It matters - It affects your life
Marami
tayong halimbawa dito pero tignan lang natin ang ilan:
a.
Medicine
Isang
araw pumunta ka sa doctor para magpacheck up. Bakit tayo nag papa-checkup? Kasi
mahalaga sa atin ang ating katawan. Ngayon sabi ng doctor sayo na huwag kang
mag-alala, na siya ang bahala sayo. Tapos lumabas na ang resulta sayo, tinanong
mo kung may sakit ka. Ang sabi ng doctor, “depende, depende sa kung ano ang
pinaniniwalaan mo, kung naniniwala ka na may cancer ka may cancer ka, kung
pinaniniwalaan mo na wala kang cancer wala kang cancer. Basta taos sa puso mo
ang iyong pininiwalaan.” Tanungin ko kayo, ano ang iisipin nyo sa doctor na
iyon? Nakita nyo iyon, ganyan ang kalagayan ng marami pag dating naman sa
kanilang mga kaluluwa. Dahil naniniwala sila sa ganitong kabaliwan na pag-iisip
b.
physical laws
Sa
pagtatayo ngayon ng mga nagtataasang mga building, sila ay sobrang concern at
maingat sa structural integrity ng kanilang tinatayong building. Concern sila
ngayon sa mga earthquakes kaya kailangan nila sumunod sa building code. Bakit
ito importante? Dahil sa kaligtasan ng mga tao. Sa engineering merong absolute
truth. Ang tawag dito ay structural integrity. Kailangan nilang sundan ang
math, kailangan nilang sundan ang science, kailangan nilang i-compute ang lahat.
Merong truth sa structural engineering.
2. It affects your future and
eternal destiny
Halimbawa:
Mayroon bang Diyos?
May
mga tao na hindi naniniwala, kaya namumuhay sila sa ibang daan, at ang mga
naniniwala naman ay namumuhay sa ibang daan.
Isa
pang halimbawa: Si Jesus lang ba ang tanging daan?
Tulad
kanina, may mga tao ding hindi naniniwala na si Jesus lang ang tanging daan
para sa ikaliligtas ng isang tao. Ngayon, kung hindi sila naniniwala, ito ang
pwede nating sabihin, “hindi kita pipilitin na maniwala, pero gusto ko lang
sana na isaalang-alang mo ang mga ebidensya, hinihiling ko lang na magpakumbaba
ka muna, at aralin mo ito sa iyong sarili kung sino si Jesus. Maniwala Kaman o
hindi ka maniwala ikaw ay kaibigan ko pa rin.”
Iyan
ang ibig sabihin ng tolerance, tinatanggap natin ang isa’t isa. Pero tolerance
ay hindi nangangahulugan na ang pinaniniwalaan mo ay pinaniniwalaan ko na rin.
Hindi ibig sabihin nito na sumasang-ayon ako sayong paniniwala kahit na ito ay
mali. Ang ibig sabihin ng tolerance ay hindi ako sumasang-ayon sayo pero ikaw
ay kaibigan ko parin.
SOME TRUTHS ABOUT TRUTHS
1. Truth does not cease to exist
even if you don’t believe it.
Ang
katotohanan ay hindi tumitigil sa pag-iral kahit na hindi ka maniniwala.
2. Truth is not invented; it is
discovered
Ang
katotohanan ay hindi naimbento; ito ay natuklasan. Si Magellan naniniwala sila
noong una na ang mundo ay flat at kapag nagdere-deretso ka sa paglalayag ay
mahuhulog kayo. Kaya naglayag sila hanggang makarating sa Pilipinas at
natuklasan nila ang katotohanan na ang mundo ay hindi flat kundi sphere.
Maraming katotohanan dito sa mundo na hindi ito na imbento kundi nadiskumbre.
3. Truth is not truth just because
the majority believes it.
Ang
katotohanan ay hindi katotohanan dahil lamang sa karamihan ay naniniwala.
Pwedeng sabihin ng lahat na ito ay mali pero hindi nito mababago ang
katotohanan dahil ang katotohanan ay katotohanan.
4. Truth does not depend on our
feelings
Ang
katotohanan ay hindi nakasalalay sa ating damdamin.
5. Truth must correspond with facts
Ang
katotohanan ay dapat na tumutugma sa mga katunayan o facts.
Law of Non-contradiction
Two
contradictory or opposite truth claims cannot both be true at the same time and
in the same sense.
Ang
dalawang magkasalungat o kabaligtaran na mga naghahabol sa katotohanan ay hindi
maaaring parehong katotohanan sa parehong oras at sa parehong kahulugan. Ibig
sabihin kapag sinabi mo na walang Diyos at sinabi ko na merong Diyos hindi
pwedeng sabihin na pareho tayong tama.
Kaya
mahirap maunawaan kung bakit maraming tao ang tinatanggap ang kaisipan na basta
taos sa puso mo kung ano ang pinaniniwalaan mo walang magiging problema. Na
marami ang tumatanggap sa mindset na ang katotohanan ay relative.
Isa
pa yung si Jesus ang tanging daan? Alam na natin na si Jesus ang tanging daan
pero maraming naniniwala na maraming daan. Na ang bawat relihiyon ay
pare-pareho lang at lahat ay tama basta ikaw ay taos pusong naniniwala sa iyong
pinaniniwalaan. Mga kapatid ito ang dahilan kung bakit naniniwala ako na
maraming mapupunta sa impyerno na mababait. Kaya hindi pwedeng sabihin na
naniniwala ako kay Jesus pero naniniwala din ako sa iba at alam ko na wala
namang mawawala sa akin kung gagawin ko ito. Kung naniniwala tayo na tanging si
Jesus lang ang nag-iisang daan sa kaligtasan maaapektuhan nito ang lahat sa
ating buhay. Si Jesus ang gagawin nating sentro sa lahat ng area sa ating buhay
The truth about true faith:
• True faith is not based on
feelings.
• True faith is anchored on truth.
• True faith is only as good as its
object.
Ang
tunay na pananampataya ay mabuti lang sa kung anong bagay ang
sinasampalatayanan. Kaya pag sinabi natin na, “naniniwala ako sa…, nagtitiwala
ako sa…, ang pananampalataya ko ay nasa…,” ang object ang pinaka importante. Hindi
ito pwede maging isang damdamin lang dahil ang damdamin ay pwedeng mawala. Kaya
kung ang iyong pinaniniwalaan ay nakaangkla sa damdamin ikaw ay maloloko o
mapapahamak. Halimbawa umakyat ikaw sa mataas na lugar at gumawa ka ng pakpak
na gawa sa papel. Naniniwala ka na makakalipad ka gamit ang ginawa mo. Kahit
gaano pa kalaki ang pananampalataya at paniniwala mo kung base lang ito sa
iyong damdamin at hindi ayon sa katotohanan mapapahamak ka.
Pero
kung ang pananampalataya ko naman ay kasing laki lang ng buto ng mustasa pero
ayon naman sa katotohanan na ang gagamitin mo ay hang glider ikaw ay hindi
mapapahamak. Iyan ang sinasabi sa Matthew 17:20. Kaya ang dalangin ko
pagkatapos natin ito mapag-aralan na ang ating pananampalataya ay naka angkla
kay Jesus at sa Kanyang Salita at hindi sa ating damdamin at sa sinasabi at
pinaniniwalaan ng marami o opinyon ng marami. Kaya dapat maging malinaw sa
bawat isa sa atin dito kung bakit natin pinaniniwalaan kung ano ang
pinaniniwalaan natin. Kaya tayo nandidito kasi ituturo ninyo sa inyong mga
anak, sa inyong mga disciple kung ano ang truth.
Kaya
ito dapat ang ating panghawakan at masunod:
1
Pedro 3:15
“Igalang ninyo si Kristo mula sa
inyong puso bilang Panginoon. Lagi kayong maging handang sumagot sa sinumang
humihingi ng paliwanag sa inyo tungkol sa pag-asang nasa inyo.”
Kaya
ang unang tanong:
Why we believe the Bible?
Bakit
kayo naniniwala sa pinaniniwalaan nyo? Iyan ang titignan natin sa mga susunod
na pag-aaral natin.
__________________________________________________
Groupings:
In
groups of 3-4, share your responses to the following:
PAG-ISIPAN:
1.
Sa iyong sariling salita, bakit mahalaga ang katotohanan?
2.
Ano ang (mga) natuklasan mo sa kung ano ang hindi patungkol sa katotohanan?
“Ang katotohanan ay hindi pala…”
3.
Ano naman ang (mga) natuklasan mo sa kung ano ang patungkol sa
katotohanan?
“Ang katotohanan pala ay…”
PAG-SASABUHAY:
1.
1 Pedro 3:15
“Igalang ninyo si Kristo mula sa inyong
puso bilang Panginoon. Lagi kayong maging handang sumagot sa sinumang humihingi
ng paliwanag sa inyo tungkol sa pag-asang nasa inyo.”
Ano
ang hamong binibigay ng talatang ito sayo?
2.
Ano ang napagtanto ng pag-aaral nating ito na dapat mong gawin patungkol sa mga
pinaniniwalaan mo?
PANANALANGIN:
Ipanalangin
sa Diyos na tulungan kang maipamuhay ang iyong nagawang pagsasabuhay.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento