Name of God: Eternal God (El Olam)
Nagsasayang ng OrasBasahin: Jeremias 10:1-10
(23 of 366)
“Kaya't mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang,” (Efeso 5:15)
Marahil isa ka sa mga taong naghahanap ng mga gamit na makakatulong sa atin para makatipid sa oras. Para sa El Olam, ang isang araw ay maaaring katumbas ng isang libong taon, pero para sa atin ang dalawampu't apat na oras ay hindi sapat upang makumpleto ang listahan ng mga gagawin natin, minsan kahit gaano pa man tayo kaorganisado. Bagama’t tinatanggap natin ang anumang bagay na makakatulong sa atin para makatipid ng oras, pero natanung mo na ba sa sarili mo kung para saan ang pagtitipid mo ng oras?
Noong unang panahon, nagsalita ang Diyos sa pamamagitan ni propeta Jeremias upang sawayin ang Kanyang bayan matapos na magkaroon sila ng ibang kinikilang diyos na mga walang kabuluhan na naghila sa kanila palayo sa Kanya. Ang mga pag-aaksayang ito na makasalanang mga gawain na umuubos ng oras at lakas ng mga tao, na dahilan para hindi sila makapaglingkod sa Diyos na Walang-Hanggan- ang tanging Isa na karapat-dapat sa kanilang pagsamba.
Ngayon, ang ating mga diyus-diyosan ay maaaring katulad sa mga sinaunang diyus-diyosan na gawa sa ginto, pilak, at kahoy, ngunit hindi gaanong nakakasira ang mga ito. Maaari nating isakripisyo ang ating mga oras sa altar ng seguridad sa pananalapi ngunit nawala ang ating integridad habang hinahangad ang mas malaking pera. Maaari rin nating isakripisyo ang ating oras sa altar ng ambisyon ngunit naitatakwil natin ang ating mga pamilya habang inaakyat natin ang hagdan ng korporasyon. Alinman sa mga ito, tayo ang talo.
Ang oras ay isang regalo. Gamitin natin ito ng may katalinuhan.
Pagbulayan:
Saang bagay o gawain ka nakapag-uubos ng maraming oras na sa tingin mo ay walang halaga na pangwalang-hanggan? Gaano karaming oras ang nagugugol mo sa mga aktibidad na ito?
Panalangin:
El Olam, tulungan Mo po ako na luwalhatiin Ka sa paraan ng paggamit ko sa aking mga opurtunidad.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento