Name of God: Lord (Adonai)
Sino ang Namamahala?Basahin: Colosas 3:17-25
(21 of 366)
“Ipinailalim ng Diyos sa paa ni Kristo ang lahat ng bagay, at ginawa Siyang ulo ng lahat ng bagay para sa iglesya” (Efeso 1:22).
Maraming tao ang may nasasabing hindi maganda sa kanilang amo dahil sa nakikitang hindi maganda sa kanila. Kasama dito ang mababang suweldo, hindi makatwirang trabaho, at kawalan ng paggalang sa kanila.
Ang mga ganitong nakakatakot na kwento ng marami ay hindi nakakagulat. Sabagay marami sa mga ito ay hindi mga Kristiyano. Hindi nila alam ang tama kung hindi nila kilala si Kristo.
Nakakalungkot na maaaring ang relasyon natin sa ating pamilya o sa komunidad ng mga Kristyano ay maging katulad sa mga ganoong karanasan. Hinimok tayo ni apostol Pablo na maging iba sa sanlibutan. Si Kristo na ating Adonai, ay ang pinuno ng iglesya, at dapat nating tularan Siya sa lahat ng ating pakikipag-ugnayan sa iba. Sa Colosas 3:17, ipinaalala sa atin ni Pablo na, “anuman ang inyong gagawin o sasabihin, gawin ninyong lahat para sa pangalan ng Panginoong Jesus,” sapagkat tayo ay gumagawa para sa Pagninoon, hindi para sa tao.
Ang ating Adonai ang mamamahala sa ating mga pamilya, sa ating mga iglesya, at sa lugar ng ating pinagtatrabahuan. Ang mga relasyon ng mga mag-asawa, magulang at anak, at ng mga employer at empleyado ay nasa ilalim ng Kanyang awtoridad. Alisin natin ang ating mga mata sa tao at tumingin sa Isa na talagang pinaglilingkuran natin.
Pagbulayan:
Paano makakaapekto sa iyo ang katotohanan na si Adonai ang pinakamataas na awtoridad sa anumang relasyong meron tayo dito sa lupa?
Panalangin:
Adonai, anuman ang aking gawin sa salita o sa gawa, tulungan Mo po akong gawin ito bilang pagsunod sa Iyo para sa Iyong kaluwalhatian.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento