Biyernes, Mayo 13, 2022

Pakikipaglaban Para sa Pagsasamang Mag-asawa - "Ang Lihim ng Panghabambuhay na Pag-ibig" (7 of 7)

Pakikipaglaban Para sa Pagsasamang Mag-asawa (7 of 7) 

Ang Lihim ng Panghabambuhay na Pag-ibig
Basahin: 1 Corinto 13:4-7


Gaya ng sinabi ko sa umpisa ng pag-aaral na ito na dumating sa punto ng aming pagsasama ng aking asawa ang isang bangungot na walang sinuman sa aming dalawa o ng sinumang nakakakilala sa amin na mangyayari ito sa aming pagsasama bilang mag-asawa. Kung titignan at malalaman nyo ang buong kwento ay maaaring masabi ng sinuman na imposible na maayos pa ang ganitong pagsasama. Ngunit may Diyos na napakabuti at mapagmahal. Hindi Niya hinayaan na mangyari ang lahat ng ito bastat maging handa lang na ipagkatiwala sa Kanya ang lahat at hayaan Siyang kumilos una sa ating puso.

Sa muli naming pagbuo sa aming pagsasama kumbinsido kami na ang lihim sa pagkakaroon ng panghabangbuhay na pag-ibig ay ang pag-ibig na patuloy na naglilingkod, paghihikayat, pagsuporta at pagmamahalan sa isa’t isa.

 

Ang mga binahagi ko sa pag-aaral na ito ay ang pitong bagay na tumulong sa amin na muling buoin ang aming nasirang pagsasama at ibahagi sa iba upang matulungan at ipaabot na may pag-asa pa sa kanilang pagsasama na pilit sinisira at sisirain ng kaaway.

Sa pagdaan mo sa pitong araw ng paglalakbay sa pag-aaral na ito, hinihikayat kita na mag-isip ng isa o dalawang bagong gawi o habit na gusto mong gawin sa inyong pagsasama bilang mag-asawa. Ang iyong mga habit ang humuhubog sa inyong pagsasama bilang mag-asawa, kaya tiyaking gumawa ka ng tamang gawi nang magkasama.

Ang hamon namin sayo na siguraduhing alam ng iyong asawa kung gaano ka kapursigido sa tagumpay ng inyong pagsasama. Magsimula sa matinding panalangin at pagsusumamo sa Diyos para sa inyong pagsasama at hilingin na saiyo magsimula ang pagbabagong nais mong gawin.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Name of God: Fortress - "Kapangyarihan ng Imahenasyon" (102 of 366)

Name of God: Fortress Kapangyarihan ng Imahenasyon Basahin: Kawikaan 18:10-16 (102 of 366) “Ang ari-arian ng isang mayaman ay kanyang kanlu...