Name of God: Eternal God (El Olam)
Bago Nagsimula ang LahatBasahin: Awit 90:1-17
(22 of 366)
“Wala pa ang mga bundok, hindi Mo pa nilalalang, hindi Mo pa nililikha itong buong daigdigan, Ikaw noon ay Diyos na, pagkat Ika'y walang hanggan” (Awit 90:2)
Ang oras ay mabilis na tumatakbo at minsan maliit lamang ang control natin dito. Minsan parang alipin tayo nito. Gayunpaman, ang mga agos ng panahon ay hindi nakokontrol ang Diyos. Ang walang hanggang Diyos na – El Olam – ay umiiral na bago pa magsimula ang panahon at patuloy paring iiral kahit tumigil na ang oras sa mundo.
Ang Diyos ay nasa labas ng panahon dahil nilikha Niya ito. Sinusukat natin ang araw sa pag-ikot ng mundo sa paligid ng araw, ngunit ang Diyos ang Isa na nagpalutang sa araw sa lugar nito at nagpapa-ikot sa mundo. Ang mga araw, gabi, buwan, at taon ay lahat nasusukat ng Kanyang nilikha.
Dahil ang Diyos ay walang hanggan at nasa labas ng oras, ang Kanyang plano para sa ating pagtubos ay hindi nagsimula noong nagkasala sina Adan at Eva sa Halamanan ng Eden. Hindi kailangan ng Diyos na managinip ng sa kung anuman ang mangyayari. Ang pagpapadala sa Kanyang Anak na si Jesus, upang tubusin ang ating kasalanan ay ang palagi Niyang intension. Sinabi sa ating ng Pahayag 13:8, na si Jesu-Kristo (“ang Kordero”) ay “Pinatay bago pa likhain ang sanlibutan.”
Ilang siglo na ang lumipas mula noong Haradin, ngunit hindi nakalimutan ng Diyos ang ating pangangailangan. Pag dating ng tamang panahon, ang walang hanggang Diyos –El Olam – ay inihayag ang Kanyang plano ng kaligtasan sa mundong naghihintay.
Pagbulayan:
Paano mo pararangalan ang Diyos sa paraan ng paggamit mo ng oras mo ngayon?
Panalangin:
El Olam, tulungan Mo po akong magamit ang bawat oras na binibigay Mo sa akin na ito ay pahalagahan at gamitin sa kaluwalhatian Mo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento