Pakikipaglaban Para sa Pagsasamang Mag-asawa (5 of 7)
Malusog na HanggananBasahin: Mateo 7:24-29
Upang makaligtas sa mga unos ng buhay, ang pag-aasawa ay kailangang magkaroon ng tamang pundasyon at tamang mga hangganan (Boundaries). Ang isang malusog na pundasyon ay dapat magmula sa pagbuo ng isang buhay sa Salita ng Diyos. Maaaring mahirap tukuyin kung minsan ang malusog na mga hangganan, ngunit kung babalewalain natin ang mga ito, tayo ay nasa alanganin. Tulad ng pagtawid sa hindi tamang tawiran, na maaaring magdulot sa atin ng kapahamakan at problema sa iba. Ang isang pagsasama ng mag-asawa na walang mga hangganan ay patungo sa isang kapahamakan.
Sa aming pagsasama ng aking asawa naka-engkwentro kami ng mga hangganan sa bawat araw ng aming buhay: sa aming mga ministeryo, pagtatrabaho, sa mga cell phone namin, at marami pang iba. Ang mga hangganan ay isang magandang bagay dahil tinutulungan tayo nitong maunawaan kung paano mananatiling ligtas at malusog sa iba’t ibang sitwasyon. May mga hangganang dapat sabihin at hindi dapat sabihin para sa halos lahat ng bahagi ng ating buhay…kabilang ang pagsasamang mag-asawa.
Bilang mag-asawa, dapat tayong magtatag ng mga hangganan upang maprotektahan ang integridad ng ating pagsasama. Napakahalaga na kayo ay nasa parehong pahina pagdating dito. Tulad ng pagiging magulang nyo sa inyong mga anak, dapat ninyong ipakita ang isang nagkaka-isang magkakampi ng mga itinatag na hangganan sa mga nakapaligid sa atin… sa mga sasabihin at sa mga hindi dapat sabihin.
Ang malusog na mga hangganan ay dapat na nasa lugar kung saan maprotektahan ang pagsasama at iposisyon ang pagsasama na maging mas malakas hangga’t maaari. Kaya, anong mga hangganan ang dapat nating itatag sa ating pagsasama bilang mag-asawa?
Upang masagot ang mga tanong na ito, dapat nating pag-isipan kung aling mga gawa ang itinuturing na, “wala sa hangganan” sa pag-aasawa. Narito ang limang pangunahing mga hangganan na dapat iwasan ng mga mag-asawa upang linangin ang isang matatag na pagsasama.
1. Ang pagsasalita ng mga negatibo tungkol sa ating asawa sa ibang tao, kabilang ang iba pang miyembro ng pamilya.
Kung mayroon tayong problema sa isa't isa, kailangan nating direktang tugunan ang problema. Walang magandang idudulot ang pagpunta natin sa ating mga kaibigan at pamilya tungkol sa isang problema na talagang kailangan nating harapin sa ating asawa. Hindi ito nangangahulugan na hindi tayo maaaring magkaroon ng mga tao sa ating buhay na makakausap natin tungkol sa ating pagsasamang mag-asawa. Kailangan lang nating mag-ingat sa kung paano natin pinag-uusapan ang ating asawa at kung ano ang sinasabi natin tungkol sa kanya sa ibang tao...lalo na sa mga miyembro ng pamilya.
Dapat nating maunawaan na napakahirap para sa ating laman at dugo na kalimutan ang mga negatibong bagay na sinabi natin sa kanila tungkol sa ating asawa. Hindi kailangang malaman ng ating mga magulang, kapatid na lalaki, kapatid na babae, pinsan, tiyahin, at tiyuhin ang mga detalye ng bawat hindi pagkakasundo natin sa ating asawa.
Mahirap na gawin ang pag-aasawa nang walang drama sa pamilya, kaya tiyak na hindi na natin kailangang dagdagan pa ang problema. Dapat nating ingatan ang ating tono at salita. At saka, mali ang magsalita ng masama tungkol sa sinuman...lalo na sa ating asawa. Sa halip, ipagmalaki natin ang isa't isa.
2. Pagpapahintulot sa ibang tao na magsalita ng negatibo tungkol sa ating asawa
Bilang mag-asawa, tayo dapat ang unang magpoprotekta sa reputasyon ng isa't isa. Gayunpaman, maraming beses, tayo ang problema sa halip na solusyon. Hindi natin dapat pahintulutan ang ating pamilya, mga kaibigan, o sinuman sa bagay na iyon na magsalita ng negatibo tungkol sa ating asawa. Kung masasaksihan natin ito, mapipigilan natin ito sa pamamagitan ng magiliw na pagsasabi, "Pakiusap, huwag pag-usapan ang tungkol sa aking asawa sa ganoong paraan." Ganun lang kasimple.
Kung hindi makakatulong ang ating kausap, marahan kayong lumayo. Kung magtatakda tayo ng isang halimbawa sa ating mga salita at kilos na dapat gawin ang ating asawa ay magpapasalamat na malaman na tayo ay nasa likod niya.
3. Pag-iingat ng mga sikreto sa isa’t isa.
Maliban kung magpaplano kayo ng sorpresa para sa party ng iyong asawa, ok lang na mag tago ka ng sikreto. Kapag nagtatago tayo ng anumang uri ng mga lihim sa isa't isa, nililimitahan natin ang paglalim ng pagsasama nyo na maaari ninyong maranasan sa isa't isa.
Isipin nyo na ang bawat lihim ay tulad ng bato na idinaragdag sa “pader ng mga lihim” sa pagitan mo at ng iyong asawa. Ang ilang mga bato ay maaaring mas malaki kaysa sa iba, ngunit ang lahat ng mga lihim ay ang mga bloke ng gusali ng dingding.
Dapat walang barikada sa pagitan ng mag-asawa. Dapat pareho kayong nasa loob ng parehong hangganan, at ang “pader ng mga lihim” ay tiyak na wala sa hangganan. Dapat ay walang SIKRETO na perang tinatago, kaibigang tinatago, text, email, sulat, trabaho, biniling hindi pinaalam, tawag sa telepono, iba pang telepono, kapalitan sa social media, may ibang social media account, isyu sa kalusugan, biyahe, pamamasyal, panananghaliang sa iba, hapunan atbp.
Bilang mag-asawa, hangad nating lubusan nating KILALA at MAKILALA ang isa’t isa. Ang pananabik na ito ay hindi matutupad kung magtatago tayo ng sikreto.
4. May kalandian sa iba maliban sa sarili mong asawa.
Marami na akong kilala na nahulog sa pagkakasala dahil pinaniwala ang sarili na, “wala naman akong masamang ginagawa, palaka ibigan lang talaga ako sa iba (ibang kasarian).” Ngunit ang totoo ay nagugustuhan talaga ang landiang nagaganap sa nasabing pagkakaibiganan. Kasama rin sa mga pangangatwirang ito ang mga salitang, “kapatid lang turing ko sa kanya; para ko na siyang nanay/tatay; kuya/ate ko lang siya.” Ang mga ganitong pangangatwiran ang magdadala sayo sa pagkahulog sa pangangalunya. Isa pa sa mga iwasan nyo ang mga bagay na ito na iba pang paraan ng pag landi sa iba (ibang kasarian mo) – ang pagbati o pagsasabi ng magagandang bagay sa iba (halimbawa, “ang ganda mo, ang bango mo, ganda ng damit mo, etc.”), pagpapadala ng mga pangangamusta o nakakatawang jokes na text, madalas na paghipo, pag hakbay, paghatid, pag-angkas sa motor o pagsabay sa kotse at pag uwi, pag comfort ng mag-isa, pagbibigay ng mga kahit ano. Ang kahit sa anumang paglalandian sa labas sa kasal ay humahantong lamang sa isang sirang pagsasama bilang mag-asawa. Kung nahihirapan ka sa bagay na ito, pumunta ka sa iyong asawa at pag-usapan ito. Dapat na ang asawa mo lang ang dapat makatanggap ng romantiko o kalandian mo. Huwag kailanman titigil sa panliligaw sa iyong asawa, at huwag kailanman magsimulang manligaw sa sinumang iba pa!
5. Pagbibigay ng higit na atensyon sa iyong gamit o libangan kaysa sa iyong asawa.
Sa panahon ngayon, ito ay lalong mahirap. Ako ay aminadong adik sa paglalaro sa cellphone, ngunit sinisikap ko ngayon na hindi muling gamitin ito para saktan ang aking asawa at sirain ang aming pagsasama at pamilya. Kapag kasama mo ang iyong asawa, kailangan mong ibigay sa kanya ang iyong buong atensyon. Ibaba ang telepono, patayin ang telebisyon, at bumaba sa computer. Mas mahalaga ang asawa mo. Ang iyong asawa ay mas kawili-wili... promise. Huwag hayaang lumipas ang mga sandaling ito. Masyadong maikli ang buhay. Dapat tayong maglaan ng mas maraming oras at pagsisikap sa ating kasal kaysa sa ating social media.
6. Pagsasalita ng hindi maganda o pagsisigawan sa isa’t isa
Ang bawat mag-asawa ay merong hindi napagkakasunduan, at maaari itong pinagmumulan ng pagtatalo. Mabuting magpatuloy at pag-usapan ang hindi pinagkakasunduan kaysa itago ito sa kalooban at hayaang lumala. Pero hindi ko ibig sabihin dito na okay ang magsalita ng hindi maganda, o hindi magandang tono ng pananalita, at magsigawan sa isa’t isa.
Mahirap kalimutan at humilom ang sugat na dala ng masasakit na salitang narinig. Wala tayong lisensya para hatawin ng malalatigong dila ang ating asawa. Sa katunayan, nangako tayo na mamahalin natin ang ating asawa sa hirap at ginhawa. Ang hampasan at sakitan ng batuhan ng mga salita sa isa’t isa ay tiyak na hindi pagmamahal. Dapat nating gawin ang lahat ng ating makakaya upang lapitan ang mga hindi napagkakasunduan sa inyong pagsasama ng may kahinahunan at pagmamahal hangga’t maaari.
7. Pisikal na pananakit sa isa’t isa
Marami ang mag-asawa ngayon na kung saan ay lumalabas sila sa hangganang ito. Ang mag-asawa ay HINDI dapat magsampalan, hampasin, sunggaban, itulak, o hilain ang isa't isa sa pisikal na nakakapinsalang paraan. Ito ay hindi kailanman ginagarantiyahan at ito ay hindi kailanman okay! Ito ay pisikal na mapang-abusong pag-uugali.
Bilang mag-asawa, ang dapat lamang na pisikalang palitan sa isa’t isa ay ang pagmamahalan. Ang isang mapagmahal na paghawak ay hindi isang puwersa.
Lagi nating gawin ang ating makakaya upang manatili sa loob ng mga hangganan ng isang malusog na pagsasama bilang mag-asawa. Ang prosesong ito ay nagsisimula sa pagbuo ng inyong pagsasama sa tamang pundasyon. Gumawa ng pangako na mula ngayon ay susundin mo na ang plano ng Diyos para sa inyong pagsasama at itatayo ang inyong tahanan sa Kanyang Salita. Ang mga bagyo sa pag-aasawa ay hindi maiiwasan, ngunit ang pagkawasak ay opsyonal. Ang pagkakaroon ng tamang pundasyon at tamang mga hangganan ay ang pinagkaiba.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento