A Healthy Body of Christ
Scripture: Gawa 2:42-47Itinuro ni Pastor Arnel Pinasas Mula sa aklat ni Tony Merida na "Christ Centered Exposition" - Exalting Jesus in ACTS
Gawa 2:42-47
42 Nanatili sila sa itinuro ng mga apostol, sa pagsasama-sama bilang magkakapatid, sa pagpipira-piraso ng tinapay, at sa pananalangin. 43 Dahil sa maraming himala at kababalaghang nagagawa sa pamamagitan ng mga apostol, naghari sa lahat ang takot. 44 Nagsasama-sama ang lahat ng sumasampalataya at ang kanilang mga ari-arian ay para sa kanilang lahat. 45 Ipinagbibili nila ang kanilang mga ari-arian at ang napagbilhan ay ipinamamahagi sa bawat isa ayon sa kanyang pangangailangan. 46 Araw-araw, sila'y nagkakatipon sa Templo, masayang nagpipira-piraso ng tinapay sa kanilang mga tahanan, at may malinis na kalooban. 47 Nagpupuri sila sa Diyos, at kinalulugdan rin sila ng lahat ng tao. At bawat araw ay idinaragdag sa kanila ng Panginoon ang mga inililigtas.”
Pangunahing ideya ng pag-aaral:
Sa buod na ito ng unang iglesya, si Dr. Luke ay nagbigay ng maraming mahahalagang paglalarawan ng isang malusog na katawan ni Kristo.
Outline ng ating pag-aaral:
I. Descriptions of a Healthy Body
A. Devotion to the Word (2:42a, 43)
B. Devotion to one another (2:42b, 44)
C. Devotion to the breaking of bread (2:42c, 46)
D. Devotion to prayer (2:42d)
E. Radical generosity, especially within the church (2:45)
F. Constant interaction with one another (2:46a)
G. Gathering in both large and small groups (2:46b)
H. A spirit of awe, gladness, and praise to God (2:43a, 46-47a)
I. Displaying an attractive faith (2:47b)
J. Daily evangelism (2:47c)
II. Checking Our Vital Signs
A. Vital sign 1: Biblical nourishment
B. Vital sign 2: Loving fellowship
C. Vital sign 3: Vibrant worship
D. Vital sign 4: Word and deed outreach
May isang pastor ang naghahanda nang umakyat ng stage para kunin niya ang kanyang doctorate diploma. Tinanong ng anak niya sa kanyang mama kung saan pupunta ang papa nya. “Anak ang iyong papa ay magiging doctor na,” sagot ng kanyang mama. Nagtatakang nagtanong ang bata, “Ma, eh nasaan ang itim nya na bag na lagi kong nakikita na hawak ng mga doctor?” Sinubukang sagutin ng Mama niya ang pinagkaiba ng doctor sa hospital at ng doctor sa ministry. Pero pagkatapos ng malinaw na pagpapaliwanag, nag tanong muli ang bata, “eh nasan na ang itim nya na bag?”
Ang kwentong ito ay nagpapaalala sa atin na maraming pagkakaparehong makikita sa mga nag-aalaga ng pisikal na mga katawan at sa mga nag-aalaga sa espirituwal na katawan ni Kristo. Huwag nyong mamintis ito. Si Lucas, ang nagsulat ng Gawa, ay actually isang double doctor! Siya ay tunay na manggagamot na nag-aalaga sa mga may sakit, pero bilang Kristiyano sa misyon nauunawaan din niya ang kahalagahan ng pagpapalakas sa katawan ni Kristo – ang iglesya. Sa passage na ito inilarawan ni Dr. Luke ang sinaunang napuspos ng Banal na Espiritu na kongregasyon – kung saan makikita natin kung bakit ito naging isang buhay at malusog na iglesya. Sinulat niya ang mga dahilan kung ano ba ang isang malusog na katawan ni Kristo.
Bago tayo pumunta sa talata 42, alalahanin muna natin kung papaano itong church na ito ay isinilang. Nakita natin nakaraan na si Pedro ay nag preach ng Christ-exalting sermon, at ang naging resulta ng pagkilos ng Espiritu at ng Salita, ay tatlong libong mga tao ang naligtas. Itinatag ng Diyos ang Kanyang iglesya sa Kanyang Salita. Tulad ng nakita natin sa paglikha sa kung papaano ang lahat ay umiral sa pamamagitan ng Kanyang makapangyarihang Salita.
Ang iglesya ay ang plano ng Diyos. Yes, ang Kristiyanismo ay personal pero hindi ito nakadesenyo para ang isang Kristiyano ay maging mapag-isa. Ito ay grupong magkakasama. Alam natin na nililigtas ni Jesus ang mga tao para sa Kanyang sarili (Tito 2:14). Ang katotohanang ito ay naging malinaw dito sa Gawa 2; nakita din ito sa Gawa 1, na makita ang mga taga-sunod ni Kristo na magkakasama (Gawa 1:14; 2:1). Ito yung makikita nating nature ng iglesya, na sila ay komunidad, at ito ay nakita sa buong Bagong Tipan at napapakita ang katotohanang ito sa mga epistle, o mga sulat, na isinulat para sa mga iglesya o nakasangguni sa mga iglesya.
Batay sa kahalagahan ng iglesya, kinakailangan na maunawaan natin kung ano ang dapat maging at gawin ng iglesya.
I. Descriptions of a Healthy Body
A. Devotion to the Word (2:42a, 43)
“42 Nanatili sila sa itinuro ng mga apostol… 43 Dahil sa maraming himala at kababalaghang nagagawa sa pamamagitan ng mga apostol, naghari sa lahat ang takot.”
Sinasabi sa atin ni Lucas dito na ang iglesya ay nakatuon sa ilang mga gawain. Ang una sa listahan ay ang pag-aaral ng turo ng mga apostol, marahil ay nabanggit ito para bigyang diin ito yamang ang Salita ng Diyos ay nagbibigay kaalaman sa lahat. At narito ngayon, ang diet ng isang malusog na katawan ni Kristo. Batay sa sermon ni Pedro sa Gawa 2 at sa natitirang mensahe at sa mga paglalarawan sa aklat ng Gawa, itinuturo ng mga apostol sa bawat isa ang tungkol sa Mesiyas na mula sa Banal na Kasulatan.
Itong kongregasyon na ito na puspos ng Banal na Espiritu ay hindi nagpabaya sa pag-aaral ng Salita ng Diyos dahil ang Espiritu ay kumikilos sa kanila. Kung ganap kang lumalakad sa Espiritu, mapapalapit ka sa Bibliya. Ito ang sagot sa tanong na, “papaano ko ba tuturuan ang mga anak ko, pamilya ko na magbasa ng Bibliya at pag-aralan ito?” Ang isang normal na baby, likas sa kanya ang magkaroon ng pananabik sa gatas maliban kung siya ay patay. Ganun din sa tao, imposible sa isang tao na magkakaroon siya ng pananabik sa Salita ng Diyos kung siya ay patay sa espiritu. Ngunit ang isang tao na muling nabuhay at pinapanahanan ng Espiritu ng Diyos, magiging likas sa kanya ang pagkakaroon ng pananabik sa Salita ng Diyos kahit hindi na siya pilitin pa.
Kasama din sa mga tunay na nakaranas ng muling pagkabuhay ay ang malusog na pagtuturo ng Salita ng Diyos. Isaalang-alang natin itong si apostol Pablo. Marahil masasabi natin na siya ang pinaka puspos ng Espiritu o pinamumunuan ng Espiritu. Dahil madalas nating nakikita ang buhay niya sa Salita ng Diyos na nagtuturo ng gospel; at ito yung sentro sa kanyang buhay. Kaya nga hindi kataka-taka na ito yung paulit-ulit na paki-usap niya kina Tito at Timoteo na ituro ang tamang doktrina sa mga iglesya dahil wala ng ibang kapalit ito (1 Timoteo 4:16; Tito 2:1). Alam ni Pablo na ang malusog na iglesya ay kumakain ng isang healthy diet ng sound doctrine. Nagpi-pyesta sila sa Salita ng Diyos, na nagsasabi ng mensahe ng Tagapagligtas. Kaya ang katotohanang ito ay magandang paalala sa aming mga pastor na dapat maialis sa amin ang anumang pagnanais na magturo ng opinyon lang at iwasan ang tukso na i-entertain o kontrolin ang mga emosyon ng tao. Ang dapat ay makita ng bawat isa sa amin at yakapin ang responsibilidad bilang tagapagsalita ng Diyos. Ibig sabihin kung ano lamang ang sinasabi Niya sa Kanyang Salita iyon lamang ang dapat ituro. Kailangang maniwala ang mga pastor na ang Kasulatan ay sapat na para mapalago at mapagpala ang iglesya. Ang iglesya naman ay dapat magpasakop sa Salita ng Diyos kung ito ay tapat na naituturo. Ang sinaunang iglesya sa Gawa ay nagpapakita ng kababaang-loob sa harap ng Salita ng Diyos.
Sa talata 43 binanggit ang mga kamangha-manghang mga tanda at kababalaghan ng mga apostol. Ang mga tandang ito ay hindi lang pagpapakita ng kapangyarihan; nakatulong ito para mapatunayan na totoo ang mga turo ng mga apostol. Maaaring anumang oras o sandali ay gumawa ang Diyos ng isang himala, pero dapat nating kilalanin na natatangi ang mga apostol. At dapat nating mapagtanto na ang mga himalang ating nabasa ay naghahatid ng mensahe.
B. Devotion to one another (2:42b, 44)
“42 sa pagsasama-sama bilang magkakapatid… 44 Nagsasama-sama ang lahat ng sumasampalataya at ang kanilang mga ari-arian ay para sa kanilang lahat.”
Kanina nakita natin yung diet ng iglesya, tignan naman natin ang exercise na pamumuhay nito. Ang unang exercise ay fellowship. Nakita natin ang pangkaraniwang paraan ng pamumuhay ng 1st century na mga taga-sunod ni Kristo. Sila ay nagkakaisa sa espiritu bilang mga “mananampalataya,” at itong espirituwal na pagkakaisa ay makikitang kumikilos sa praktikal na gawa ng pag-ibig at pagsuporta. Sabi sa 1 Juan 1:3, “Ipinapahayag nga namin sa inyo ang aming nakita't narinig upang makasama kayo sa aming pakikiisa sa Ama at sa Kanyang Anak na si Jesu-Kristo.” Mula rito makikita natin na ang fellowship nila o pakikisama sa isa’t isa ay nakatali sa pakikisama ng Kristiyano sa Ama. Mula sa ating karaniwang pakikisama sa Ama sa pamamagitan ni Jesus, nasisiyahan tayo sa pakikisama sa ating mga kapatid sa espiritu. Kung ang mga tao ay walang fellowship kay Kristo, then sila ay mawawala sa fellowship sa iglesya. At kung ang mga tao ay wala sa fellowship ng mga taga-sunod ni Jesus, iyan ang tanda na wala silang fellowship kay Jesus. Ganun kalakas ang pagkakaisa ng iglesya ni Kristo.
Ang “one another” na mga talata sa Bagong Tipan ay nagbibigay diin sa kahalagahan ng debosyon sa komunidad ng pananampalataya. Ang bawat isa ng mga aral na ito ay dapat isaalang-alang at ipinapanalangin para sa espirituwal na paglago ng ating puso at para sa ating kongregasyon:
• “Love one another deeply as brothers and sisters.” (Rom. 12:10)
• “Outdo one another in showing honor.” (Rom. 12:10)
• “Instruct one another.” (Rom. 15:14)
• “Carry one another’s burdens.” (Gal. 6:2)
• “Encourage one another.” (1 Thess. 4:18)
• “Confess your sins to one another and pray for one another, so that you may be healed.” (Jas. 5:16)
• “No one has ever seen God. If we love one another, God remains in us.” (1 John 4:12)
Bagamat isang hamon na linangin at mapanatili ang nakakapagpatibay na samahan, ito rin ang kamangha-manghang pagpapala na tinatamasa natin sa loob ng iglesya. Isaalang-alang natin ang pribilehiyo na meron ikaw. Gugugol ka ng oras sa mga kapatid mo sa pananampalataya. Nare-realize mo ba kung anong mapagkukunan mo ng encouragement at mga pagpapala na pwede nilang ibigay sayo at ikaw din sa kanila? Kaya gusto kong isipin ninyo bago tayo magkikita-kita bilang magkakapatid sa Panginoon, (gaya ng pagsamba tuwing linggo) kung ano yung magagawa natin sa katawan ni Kristo para ito ay mapalakas o mapaglingkuran. Kaya kung iisipin natin ang mga utos na ito, gaano nalang karami ang utos ng Diyos ang hindi mo magagawa kung ikaw ang klase ng Kristiyano na gusto ang mapag-isa at nilalayo ang sarili sa iglesya?
C. Devotion to the breaking of bread (2:42c, 46)
“42 …sa pagpipira-piraso ng tinapay… 46 Araw-araw, sila'y nagkakatipon sa Templo, masayang nagpipira-piraso ng tinapay sa kanilang mga tahanan, at may malinis na kalooban.”
Ang “pagpipira-piraso ng tinapay” ay marahil ay isang reference sa Lord’s Supper. Ang Banal na hapunan na ito na ating ginagawa parin hanggang ngayon ay hindi katulad sa panahon nila na parang na-e-enjoy nila sa konteksto ng isang kainan. Isa pa, kung tayo dito sa simbahan natin ay ginagawa natin ito ng unang Linggo ng buwan, sa kanila ay araw-araw nila ginagawa itong pag-alala sa ginawa ni Kristo sa krus. Paglipas ng ilang mga araw ang iglesyang ito ay lumago, at mas naging matatag, at kumalat sa iba’t ibang lugar. At gaya nga ng sinabi ko kanina tila ang iglesya ay nagsimulang gawin ang Lord’s supper kasabay ng pagkain na kanilang pinagsasaluhan sa gabi sa araw ng Panginoon.
Siyempre hindi na natin pag-uusapan dito kung ano ba ang talagang tamang araw na dapat gawin ang Lord’s supper. Ang importante dito ay makita natin ang Christ-centered na nature ng community na ito. Tandaan natin na ang mga apostol dito ay nangaral sa mga tenga ng mga mananampalaya patungkol kay Jesus, at ang Lord’s table naman ay nangangral sa mga mata ng mga mananampalataya patungkol kay Jesus. Ang malusog na iglesya ay puno ng pag-ibig sa napako at nabuhay na Taga-pagligtas. Tandaan natin na ang iglesya ay dapat tungkol kay Jesus.
D. Devotion to prayer (2:42d)
“at sa pananalangin.”
Kung babasahin natin ang buong aklat ng Gawa makikita natin na ito ay puno ng mga paglalarawan ng masiglang buhay pananalangin ng iglesya (hal. Gawa 4:31; 12:5; 13:1-3). Maging ang mga apostol ay makikita natin kung gaano kaseryoso na nakatuon sa panalangin at hindi nila hinahayaan ang ibang ministry na hindi nila calling na agawin ang oras nila sa pananalangin. Gawa 4:6, “Samantala, iuukol naman namin ang aming panahon sa pananalangin at sa pangangaral ng salita.” Isinasagawa ng iglesya doon ang panalangin sa libreng oras nila at sa pormal na oras na pagsasama-sama sa panalangin. Samasama ang mga mananampalataya sa pananalangin. Personal din silang nananalangin ng walang humpay at sa lahat ng pagkakataon. Nananalangin sila sa templo, sa kanilang mga tahanan, sa kanilang paglalakad, sa mga taong nakakasalamuha nila na may sakit at nahihirapan, bago sila mangaral, bago sila makinig sa mga sermon, at habang sila ay inuusig, sa kanilang pagkain, sa kanilang pagsamba, at sa araw-araw na pangangailangan nila.
Ang lahat ng ito ay nagpapaalala sa atin na ang healthy church ay ang praying church. Isa pang nakakatuwa sa sinaunang iglesya na kahit na sila ay may kakaunting mapagkukunan sa pang-araw-araw ay hindi nito napigilan ang kanilang pagyanig sa mundo para kay Kristo dahil meron silang mapagkukunang makalangit. Ang lahat ng ito ay naranasan nila sa pamamagitan ng pagdepende sa pananalangin.
E. Radical generosity, especially within the church (2:45)
“Ipinagbibili nila ang kanilang mga ari-arian at ang napagbilhan ay ipinamamahagi sa bawat isa ayon sa kanyang pangangailangan.”
Sa talata 45 pinakita ni Lucas ang praktikal na pagsasabuhay ng fellowship na meron sila. Extra ordinary ang nakita natin dito na pagtutulungan nila sa isa’t isa. Ito yung naging tatak ng early church community.
Kung babasahin natin ang Gawa 4:32-37, makikita din natin ang katulad nito na pagtutulungan ng mga mananampalataya. Ang Gawa 2:45 at ang 4:32-37 ay nakikita ng iba na ito daw ay, “communism.” Ano ba itong communism? Ito ang lipunan kung saan ang lahat ng pag-aari ay pagmamay-ari ng publiko at ang bawat tao ay nagtatrabaho at binabayaran alinsunod sa kanilang mga kakayahan at pangangailangan. Ito ay dahil dun sa nakalagay sa Gawa 4:32, “Nagkakaisa ang damdamin at isipan ng lahat ng mananampalataya, at di itinuturing ninuman na sarili niya ang kanyang mga ari-arian, kundi para sa lahat.” Pero hindi ito totoo dahil ang iglesya ay hindi naman nila pinabayaan ang idea ng pribadong pagmamay-ari ng property. Sa katunayan kinikilala parin nila na ang pagnanakaw ay isang kasalanan. Hindi tinuturo ng Bible ang communism, pero tinuturo nito ang radikal na pagiging bukas-palad. Parang ang nakikita nating sinasabi dito ng mga early Christian ay, “hindi namin kailangan ng mga bagay-bagay. Mas gusto naming ipakita ang pagmamahal namin sa isa’t isa bilang magkakapatid sa Panginoon. Kung kailangan naming ibahagi kung ano ang meron kami para mapaglingkuran ang kapatiran, masaya kaming gawin ito.”
Ang gawa nilang ito ay nakakuha ng pansin sa mga tao sa paligid nila. Ang mga taong binago ay mga mapagbigay na tao. Ang ganitong logic ay hindi kayang mapatupad ng isang federal government (Ito yung pagkakaroon o nauugnay sa isang sistema ng pamahalaan kung saan maraming estado ang bumubuo ng pagkakaisa ngunit nanatiling malaya sa panloob na mga gawain). Imagine nyo ang makikita nyo sa mga dyaryo ay ganito ang nakalagay, “bahala na kayo kung magkano ang ibibigay nyo sa inyong buwis ngayong taon. Dito natin kukunin ang pangangailangan ng ating bansa.” Ang ganitong diskarte ay syempre hindi magiging epektibo dahil marami ang magiging kuripot sa pagbibigay ng buwis na magiging dahilan ng pagbagsak ng bansang iyon. Pero sa iglesya ang pagbibigay para sa kaharian ng Diyos ay malaya, kusang loob, sakripisyo, at sagana dahil binago ni Jesus ang kanilang puso; puso na gustong maglaan sa kung ano ang ginagawa Niya sa mundo. Alam ng iglesyang ito na nagbigay sa kanila ang Taga-paglitas ng huwaran at kapangyarihan para sa masaganang pagbibigay (2 Cor. 8:9). Ang pinakamahusay at pinaka napapanatiling modelo para sa masaganang pagbibigay na nagbigay sa atin ng malalim na pagkaunawa at pagpapahalaga sa biyaya ay makikita at mababasa sa 2 Corinto 9:6-15.
Kasabay ng pagpapakita ni Lucas ng tungkol sa kanilang pagbibigay, pinakita din niya ang pagkakaroon nila ng matinding pagkasensitibo sa pangangailangan ng iba. Alam nila ang pangangailangan sa loob ng komunidad nila. Hindi na sila kailangan pang sabihan; wala sa kanila ang natutulog ng gutom. Ngunit habang ang iglesya ay malinaw na nagpapakita ng kabutihan at awa sa mga kanilang komunidad, binibigyan nila ng partikular na pansin ang mga pangangailangan ng kanilang mga kapatid sa Panginoon. Kaya ano ang paalala sa atin ng Panginoon? “Kaya nga, sa lahat ng pagkakataon ay gumawa tayo ng mabuti sa lahat ng tao, lalo na sa mga kapatid natin sa pananampalataya” (Galacia 6:10).
F. Constant interaction with one another (2:46a)
“Araw-araw, sila'y nagkakatipon sa Templo”
Ang mga nauna nating nakita ay araw-araw na nagagawa ng iglesya. Sila ay sangkot sa buhay ng iba. Habang ang iglesya ay dapat magmahal ng mga nasa labas ng pamilya upang tuparin ang misyon nito, ang isang malusog na iglesya ay nagkakasama bilang isang pamilya nang regular. Hindi yung pamilya lang pag Linggo kundi sa bawat araw. Sabi nga sa Hebreo 10:24-25,
“24 Sikapin din nating gisingin ang damdamin ng bawat isa sa pagmamahal sa kapwa at sa paggawa ng mabuti. 25 Huwag nating kaliligtaan ang pagdalo sa ating mga pagtitipon, gaya ng ginagawa ng ilan. Sa halip, palakasin natin ang loob ng isa't isa, lalo na ngayong nakikita nating malapit na ang araw ng Panginoon.”
Tandaan natin ito, hindi ka makakabuo ng mga relasyon kung hindi ka nakikipulong sa mga tao ng Diyos.
G. Gathering in both large and small groups (2:46b)
“masayang nagpipira-piraso ng tinapay sa kanilang mga tahanan,”
Ang iglesya hindi lang sa “templo” nagkikita kundi maging sa “kanilang mga tahanan.” Meron silang malaking pagtitipon at meron din silang maliit na pagtitipon. Tandaan natin na sila ay nasa tatlong libo at ito ay nangangailangan ng malaking lugar para makapagsama-sama at ito ay hindi magkakasya sa isang tahanan. Ang lugar ng templo ay nakapagbibigay sa kanila ng isang lugar para sa isang malaking pormal na sama-samang pagtitipon, habang ang kanilang mga tahanan ay isang magandang lugar para naman sa mga impormal na pagtitipon na dahilan para mas mapalapit sa isa’t isa. Marami ngayong mga iglesya na ang mas binibigyang pansin lang ay yung sa mas malaking pagsasama-sama pero hindi ang sa mas maliit na grupo. Pero ang early church, gayunpaman, ay pareho nila itong ginagawa.
H. A spirit of awe, gladness, and praise to God (2:43a, 46-47a)
“43a…naghari sa
lahat ang takot… 46 Araw-araw, sila'y nagkakatipon sa Templo, masayang nagpipira-piraso
ng tinapay sa kanilang mga tahanan, at may malinis na kalooban. 47 Nagpupuri sila
sa Diyos,”
Ang pagtitipon ng early church ay
naglalaman ng isang napakagandang diwa ng pagpuri na parehong may pusong masaya
at takot (paggalang). Sa talata 43, ay nabanggit na sila ay “pinagharian ng takot.” Sa ibang salin
ay “pinagharian ng pagkamangha.” Sa talata 46 naman ay nasabi na sila ay may, “kasiyahan,” sa kanilang puso. Ang takot
at kasiyahan na meron sila ay parehong nakakabit sa buhay pagpupuri nila. Sa pagtitipon
nila ay may oras ng kagalakan at pagdiriwang; meron ding mga oras upang sila ay
tahimik sa harap ng Diyos sa pagbubulay-bulay at pagmumuni-muni.
Marami sa Kristiyano ngayon ay
nahihirapan na magpuri sa Diyos kapag hindi nangyayari ayon sa plano nila ang
mga bagay-bagay. Ngunit mapaalalahanan tayo na bagamat ang buhay ay masasabi
nating mahirap, dapat din nating isipin na mas mahirap kung wala ang
Tagapagligtas. Tulad nila dapat nating purihin ang Diyos palagi ano man ang mangyari
- hindi lamang kung kailan lang natin gusto. Ipanalangin natin patuloy ang
ating iglesya na ito ang makitang diwa ng espiritu sa ating lahat – ang pagkamangha
at kagalakan sa puso natin sa pasama-samang pagsamba natin sa Diyos, at
mapalitan ang pagkabagot o kalungkutan sa puso. Manalangin tayong baguhin ang
ating puso sa pagpupuri sa Kanya.
I. Displaying an
attractive faith (2:47b)
“Nagpupuri sila sa
Diyos, at kinalulugdan rin sila ng lahat ng tao.”
Hindi lahat ay gusto ang early
church. At mababasa natin iyan sa mga susunod na chapter na may ilang mga taong
namumuhi sa kanila. Pero meron din namang mga tao ang na-a-apektuhan nang malaki
habang pinagmamasdan at pinag-o-obserbahan ang buhay ng mga mananampalataya. Saan
sila naakit? Tiyak na ito ay dahil sa Christ-exalting praise at ang Christlike
love ng early church. Sabi ni Jesus sa Juan 13:24-25, “Isang bagong utos ang ibinibigay Ko sa inyo ngayon, mag-ibigan kayo!
Kung paano Ko kayong inibig, gayundin naman, mag-ibigan kayo. 35 Kung kayo'y
mag-iibigan, makikilala ng lahat na kayo'y mga alagad Ko.” Ibig sabihin ang
mga disipulo na nagmamahalan sa isa’t isa ay makakakuha ng pansin ng mga tao.
At ang halimbawa ng katotohanang ito ay nakita natin sa Gawa 2.
Ang mga Kristiyano dito ay nakita
nating sakripisyong nag-aalaga sa isa’t isa at nagmamalasakit din sa mga
tagalabas. Ilang taon pagkatapos maisulat ang Gawa, isang lalaki ang nagngangailangang
Aristides ang nagkomento sa mga dahilan ng pagdami at paglago ng Kristiyanismo.
Isinulat niya ang sumusunod kay Emperor Hadrian noong AD 125:
“Kung ang isa o iba
sa kanila ay mayroong tagapag-alagang lalake o babae o anak, sa pamamagitan ng
pagmamahal sa kanila hinihimok nila sila na maging mga Kristiyano, at kapag
nagawa nila ito, tinatawag silang mga kapatid na walang pagkakaiba. Hindi sila
sumasamba sa mga kakaibang diyos, at sila ay nagsasama na may kahinhinan at kasiyahan.
Ang kasinungalingan ay hindi matatagpuan sa kanila; at nagmamahalan sila, at
mula sa mga babaeng balo ay hindi nila inaalis ang paggalang; at tinutubos nila
ang mga ulila mula sa kamay ng mga nagmamaltrato sa kanila. At siya na mayroon,
ay nagbibigay sa kanya, nang walang pagmamayabang. At kapag nakakita sila ng
isang estanghero, dinadala nila ito sa kanilang tahanan na may kagalakan na parang
tunay na kapatid; dahil hindi nila tinatawag ang isang tao na kapatid ayon sa
laman, kundi bilang magkakapatid ayon sa espiritu at sa Diyos. At kapag ang isa
sa kanila ay pumanaw, ang bawat isa sa kanila ay nagbibigay tulong ayon sa
kakayahan, at maingat nila itong inililibing. At kung marinig nila na ang isa
sa kanila ay nakulong o pinahirapan ng dahil sa pangalan ng kanilang Mesiyas,
lahat sila ay sabik na makapagministeryo sa kanyang mga pangangailangan, at
kung posible na tubusin siya para mapalaya ay gagawin nila. At kung meron sa
kanila ang mahirap at nangangailangan, at kung wala silang ekstrang pagkain,
nag-aayuno sila ng dalawa o tatlong araw upang maibigay sa mga nangangailangan
ng pagkain.” (The
Apology of Aristides, XV)
Ang isa pang sinaunang dokumento na
naglalarawan sa nakakahimok na likas na katangian ng Kristiyanismo ay nagmula
sa kalagitnaan ng 300 AD. Galit na sinubukang pigilan ni Emperor Julian ang
pagkalat ng Kristiyanismo. Sinabi niya na ang isang dahilan sa paglago nito ay
dahil sa “kawanggawa ng mga Kristiyano sa mga mahihirap”: “Ang masalimuot ay ang mga taga-Galilea ay hindi lamang nagpapakain sa
kanilang mga kasama na mahirap kundi maging ang mga mahihirap din sa atin,”
reklamo pa niya, “tinatanggap nila ang mga
naaakit na parang mga batang naaakit sa mga cake.” (Epistle to Pagan High
Priests).
Tunay na kamangha-mangha ang mga
paglalarawang ito ng mga minsang naging hari ng mga tao. Kailangan ng ating sirang
mundo ng kahabagan, at ang mundong nanonood, nagmamasid at nag-o-obserba ay
kailangang sa mga Kristiyano ito makita. Ang kapalit nito ay marami ang maaakit
sa ating pananampalataya.
J. Daily evangelism
(2:47c)
“At bawat araw ay
idinaragdag sa kanila ng Panginoon ang mga inililigtas.”
Paano idinadagdag ang mga tao sa
bilang ng mga mananampalataya? Tunay na ang Panginoon ang nag dadagdag sa
kanila. Siya lang ang nag-convert ng mga tao. Ngunit gumagamit ang Panginoon ng
paraan, at nangangahulugan iyon sa aklat ng Gawa ng tapat na pag-e-ebanghelyo
sa bahagi ng tao. Nadaragdagan sila araw-araw dahil ang mga mananampalataya ay
nag-e-ebanghelyo araw-araw.
Ang isang malusog na iglesya ay may
pansin para sa mga tagalabas. Meron silang katapangan at habag sa pagpapahayag
ng Magandang Balita sa kanilang mga kaibigan at mga kapitbahay at mga
katrabaho. Masigasig ang early church sa pag-e-ebanghelyo sa kani-kanilang mga mission
field, at ang Panginoon ang kumikilos sa pamamagitan ng kanilang matatag na
pagpapatotoo.
II. Checking Our
Vital Signs
Maaari nating mahati sa apat na
kategorya itong sampung mga marka ng isang malusog na iglesya na ating pinag-aralan:
(1) Biblical nourishment, (2) Loving fellowship, (3) Vibrant worship, (4) Word
and deed outreach. Ang bawat isa ay nagpapahayag ng iba't ibang mga relasyon na
mayroon tayo bilang mga Kristiyano: Ang relasyon natin sa Diyos (kategorya 1 at
3), ang relasyon natin sa isa’t isa (kategorya 2), at ang relation natin sa
sanlibutan (kategorya 4).
Maaaring sa bawat iglesya ay makikita
natin na malakas sa kanila ang ilang mga bagay dito kumpara sa iba, pero hindi natin
dapat pabayaan ang alinman sa kanila. Ang iglesya na binago ng Diyos sa pamamagitan
ng Kanyang Espiritu ay nakikitang ginagawa ang lahat ng ito na may paglago sa katapatan
at kalakasan. Tignan na natin ang mga ito at suriin natin ang ating iglesya at
mga sarili kung ito ba ay totoo sa atin, at kung makita na hindi ay manalangin
tayo sa Espiritu
na mabago tayo at ang ating iglesya.
A. Vital sign 1:
Biblical nourishment
Naiintindihan mo ba ang ebanghelyo?
Ikaw ba ay nakaupo sa ilalim ng awtoridad at pagtuturo ng Salita, regular at
may kapakumababaan? Napapayuhan ka ba ng mga kapatid mo sa Panginoon? Ikaw ba
ay nagpapasakop sa mga masasakit na katotohanan at nagsisisi sa mga payong ito?
Nakikita mo bang araw-araw kang binabago ng Magandang Balita? Nagtuturo
ka ba ng Bibliya sa iba?
Malinaw na minahal ng early church
ang Salita ni Kristo at ang Kristo ng Bibliya. Personal na kailangan natin ang
Salita, at kailangan natin ng mga ugnayan na nakasentro dito. Maaaring kailangan
mo ngayon ng Salita o baka kailangan ng iba mong kapatid na maibigay mo sa
kanila ang Salita. Alinman sa mga ito, kailangan mong kumilos nang naaangkop.
Tandaan natin ang sinasabi sa Mateo 4:4, “Ang
tao'y hindi lamang sa tinapay nabubuhay, kundi sa bawat salitang nagmumula sa
bibig ng Diyos.”
B. Vital sign 2:
Loving fellowship
Meron ka bang fellowship sa Diyos sa
pamamagitan ni Jesus?
Ikaw ba ngayon ay bumubuo ng mas malalim na relasyon sa iba sa iglesya? Mas
gusto mo ba ang ideya ng komunidad nang higit pa kaysa mga tunay na mga tao sa inyong
iglesya? Nagrereklamo ka ba tungkol sa isang kakulangan ng pamayanan sa halip
na igiit ang iyong sarili na maglingkod at mahalin ang iba sa inyong
kongregasyon? Tapat ka bang dumadalo sa mga pagtitipon at pagpupulong? Mas dumadating
kaba ng maaga tuwing Linggo para magkaroon ka ng maikling panahon na makipag-ugnayan
sa mga tao? Ikaw ba ay involved sa buhay ng iba sa buong linggo? Sensitibo ka
ba sa pangangailangan ng iyong mga kapatid sa Panginoon? Nagpapasalamat
ka ba sa kanila?
Ang pagiging “devoted” ay nakikitaan
ng paglilingkod at accountability. Ito ang dalawang daan ng commitment na sangkot
sa community. Kailangan natin itong pagsikapan. Partikular
itong mahirap para sa mga nabubuhay sa isang pansamantalang lugar o sa lugar
kung saan ang mga tao ay kalat. Gayunpaman, ang Diyos ay maaari paring makagawa
sa mga ganitong pagkakataon para ang community ay mangyari. Pero tayo dapat
natin makita ang pangangailangan sa passage na ito at maglingkod para sa buhay
ng iba. Kung sa tingin nyo ay nabiyayaan na kayo ng Diyos ng mga kapatid sa
Panginoon na may pagmamalasakitan sa isa’t isa, ikaw ay manalangin sa Ama para
Siya’y pasalamatan. Sila rin ay ginagamit ng Diyos para mapagmulan ng kagalakan
natin at kalakasan.
C. Vital sign 3:
Vibrant worship
Pinupuri mo ba ang Diyos kasama ang
mga kapatiran sa malaki at sa maliit na mga pagtitipon? Anong kaisipan at puso
na meron ka sa paglapit mo sa Lord’s Table? Dumadalo ka ba sa mga pagtitipon na
may pusong nagpapakumbaba at may kagalakan? Nararanasan mo ba ngayon ang
pagkamangha at kagalakan sa iyong buhay Kristiyano? Nananalangin ka ba kasama
ang mga kapatiran? Nagpapasalamat ka ba sa pribilehiyo na makapagtipon na magkakasama?
Alam natin na maraming mga tagasunod
ni Kristo ang naghahangad ng pribilehiyo na meron tayo sa pagkakaroon ng
kalayaan na makapagtipon ng walang banta sa ating buhay. Sila ang mga kapatid
natin sa Panginoon na nasa lugar o bansa na pinagbabawalan ang pagsamba sa
ating Diyos. Subukan nating isipin na makakausap natin sila ngayon. Ano sa
tingin nyo ang sinasabi nila sa inyo? Gusto ko na sa tuwing nagkakatipon tayo
na gaya nito ay maalala natin kung anong pribiliheyo ang meron tayo para
marinig ang Salita ng Diyos, maka-awit ng papuri at ma-enjoy ang Lord’s Table
kasama ang mga kapatiran na walang pangamba sa ating buhay.
D. Vital sign 4:
Word and deed outreach
Patungkol sa pag-abot sa buong mundo,
kamusta ka sa pagbabahagi ng ebanghelyo sa mga hindi pa mananampalataya sa
iyong mission field? Kung tunay mong mahal si Jesus, ibabahagi mo Siya sa iba.
Kamusta ka naman sa paggawa ng mga
mabubuting gawa sa pag-abot sa iba? Nakiki-isa ka ba sa acts of love ministry para
abutin ang mga hindi mananampalataya? Ikaw ba ay nahihimok gumawa ng kabutihan
sa iba dahil sa Magandang Balita? Eh sa paglilingkod sa kapwa mo kapatiran, kamusta?
Sensitibo ka ba sa mga nangangailangang kapatiran? Ang mga nagmamahal kay Kristo
ay aktibong nagmamahal sa iba.
Sa patuloy nating paglago sa pag-abot sa
mga tao dito sa ating lugar, kailangan natin ang Panginoon upang patuloy tayong
maging higit pang maging epektibo sa ating pagpapatotoo kay Kristo sa mga hindi
mananampalataya habang pinapahayag natin ang ebanghelyo nang malinaw at pinapakita
ito ng may kahabagan.
Ang larawan ng early church na nakita
natin sa Gawa ay nagbibigay sa atin ng hamon at encourage para gawin din ang
kanilang ginawa. Ang mga mananampalatayang ito ay mahusay na gumawa ng mga
pangunahing kaalaman. At mula sa mga katotohang iyon ay nakakatulong sa ating
mga nasa modernong panahon na iglesya na magkaroon tayo ng mga tanda sa kung
saan tayo nagkakaproblema. Madaling lumayo mula sa pangunahing mga gawaing ito.
Pero tayo, bilang bahagi ng katawan ni Kristo, ay kailangang bumalik sa
simpleng spiritual diet na ito at exercise plan. Dapat lang talaga na
magpasakop tayo sa Dakilang Manggagamot – ang Diyos,
upang makita at mapabilang tayo sa isang lokal na iglesya na tulad ng sa Gawa.
__________________________________________________
Discussion:
1.
Ano yung pinaka-challenging na aspeto ng tekstong ito para sayo? Bakit?
2.
Ano naman ang nakakapaghimok sayo na aspeto ng teksto na ito? Bakit?
3.
Ano ang maaaring makita ng mga tao sa paligid natin sa ating pagtitipon na dahilan ng kanilang maaaring
ikatitisod o pagkokomento ng hindi magandang bagay sa
ating pagsasama-sama dito?
Pagsasabuhay:
1.
Ano kaya ang mga dapat nating gawin para mas makita nila ang nakakaakit na komunidad sa kanilang
pag-o-obserba sa atin?
2.
Ano ang mga naisip mong gawin para makapag ministeryo o makapaglingkod ka sa kapwa mo mananampalataya
dito sa ating pagsasama-sama?
Pananalangin:
Ipanalangin ang pagsasabuhay na nagawa na tulungan tayo ng Diyos na maipamuhay
ito.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento