Biyernes, Mayo 13, 2022

Name of God: Eternal God (El Olam) - "Nabubuhay Magpakailanman" (24 of 366)

Name of God: Eternal God (El Olam) 

Nabubuhay Magpakailanman
Basahin: 2 Corinto 5:1-9
(24 of 366)

“Itataboy ang mga ito sa kaparusahang walang hanggan, ngunit ang mga matuwid ay pupunta sa buhay na walang hanggan”
(Mateo 25:46)

Dalawang bagay sa ating mundo ang mananatili magpakailanman: Ang Salita ng Diyos at ang mga tao. Bawat tao ay makakaranas ng muling pagkabuhay sa kawalang-hanggan, ang ilan sa buhay na walang hanggan kasama ng Diyos, ang ilan naman ay sa walang hanggang paghatol sa impyerno. Dahil pinapahalagahan ng El Olam ang mga tao nang sapat para mabuhay sila magpakailanman, kailangan nilang marinig ang Mabuting Balita ng kaligtasan. Pinili tayo ng Diyos para sa misyong ito dahil una nating naranasan ang Kanyang pagtubos. Itinaas tayo ng Diyos mula sa dumi ng kasalanan upang tumayong malinis sa Kanyang harapan.

Ang pribilehiyong ito ng pagsasabi sa iba tungkol sa Panginoon ay dapat maging priyoridad ng lahat ng mga mananampalataya. Gayunpaman, kadalasan, marami ang walang kakayahang ibahagi ang kanilang pananampalataya. Kadalasan din ay masyadong abala para mapag-aralan kung paano malinaw na maibabahagi ang ebanghelyo at masyadong abala upang gawin ito pagkatapos matuto.

Ang isang dahilan kung bakit hindi pa tayo dinadala ng Diyos kaagad sa langit sa ating kaligtasan ay upang maaari pa nating maibahagi sa iba ang Magandang Balita ng pagtubos sa mga nangangailangan nito gaya ng ginagawa natin. Inilarawan ito ni Martin Luther bilang, “isang pulubi na nagsasabi sa isa pang pulubi kung saan makakahanap ng tinapay.”

Pagbulayan:
Sa tingin mo, sino ang makikita mo sa kawalang-hanggan sa langit dahil naglaan ka ng oras upang maibahagi sa kanila ang kaligtasan? Sino ang sa tingin mo na nangangailangan na makarinig ng Magandang Balita na dapat mong bahaginan?

Panalangin:
El Olam, tulungan Mo po akong makita ang walang-hanggang halaga ng iba dahil namatay si Kristo para sa kanila, tulad sa kung paano Siya namatay para sa akin.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Name of God: Fortress - "Kapangyarihan ng Imahenasyon" (102 of 366)

Name of God: Fortress Kapangyarihan ng Imahenasyon Basahin: Kawikaan 18:10-16 (102 of 366) “Ang ari-arian ng isang mayaman ay kanyang kanlu...