Linggo, Mayo 1, 2022

Name of God: THE LORD, I AM (Yahweh) - "Bakit pa mag-abala?" (18 of 366)

Name of God: THE LORD, I AM (Yahweh) 

Bakit pa mag-abala?
Basahin: Levitico 19:9-18
(18 of 366)

“ibigin mo ang iyong kapwa na gaya ng sa iyong sarili: Ako ang Panginoon”
(Levitico 19:18)

Sa lahat ng mga batas na ibinigay ng Panginoon sa mga sinaunang Israelita, madali lang isipin ng ilan na mapatanong, “Bakit pa mag-abala?” Inutos ng Panginoon sa kanila na sundin ang kahit na ang pinakamaliit na detalye, kahit sa kanilang relasyon, pero mahalaga ba talaga ang bagay na ito?

Nang ibigay ni Yahweh sa mga tao ang Kanyang mga tagubilin para sa pakikipag-ugnayan sa isa't isa, nag bigay din Siya ng dahilan. Ang kanilang pag-uugali ay mahalaga dahil sa kung sino Siya. Labinlimang beses sa kabanatang ito na inulit ng Diyos ang, “Ako ang PANGINOON.” Inilagay ng Diyos ang Kanyang pangalan sa Israel, at inaasahan Niya na pararangalan nila Siya sa lahat ng kanilang gagawin. Pakikiramay sa mga nangangailangan, katapatan, katarungan, pagpapatawad, at pagmamahal ay ilan lang sa mga paraan nila para maipakaita na sila ay kay Yahweh.

Hanggang ngayon ay patuloy na hinihiling ng Panginoon na ipakita parin natin na tayo’y sa Kanya sa ating mga karelasyon. Sinabi ni Jesus sa Kanyang mga taga-sunod,
“Kung kayo’y may pagmamahal sa isa’t isa, makikilala ng lahat na kayo’y mga alagad Ko” (Juan 13:35). Kung hindi natin sasabihin sa iba na tayo nga ay Kristiyano, malalaman ba nila?

Kung tayo ay kay Yahweh, makikita ito ng mundo sa ating relasyon.

Pagbulayan:
1.Paaano ako makikitungo sa iba upang mapahayag ko na ako ay na kay Yahweh?
2. Sa paanong paraan ko mapapakita ang pagmamahal ko sa aking kapwa?

Panalangin:
Yahweh, tulungan Mo po akong maipakita ko sa aking relasyon sa iba na ako ay sa Iyo. Tulungan Mo po akong pakitunguhan ang iba tulad ng pakikitungo Mo sa akin.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Name of God: Fortress - "Kapangyarihan ng Imahenasyon" (102 of 366)

Name of God: Fortress Kapangyarihan ng Imahenasyon Basahin: Kawikaan 18:10-16 (102 of 366) “Ang ari-arian ng isang mayaman ay kanyang kanlu...