Linggo, Mayo 1, 2022

Names of God: THE LORD, I AM (Yahweh) - "Dalawang Tanong" (16 of 366)

Name of God: THE LORD, I AM (Yahweh) 

Dalawang Tanong
Basahin: Exodo 3:1-14
(16 of 366)

“Sinabi ng Diyos kay Moises, ‘Ako si Yahweh’”
(Exodo 6:2)

Gamit ang nagliliyab na punongkahoy na hindi nasusunog, ipinakilala ng Diyos ang Kanyang sarili kay Moises at ipinahayag na gagamitin Niya siya para iligtas ang Israel mula sa pang-aalipin ng mga taga-Egipto. Siyempre, may ilang tanong si Moises.

Ang unang tanong ni Moises ay, “Sino po ako?” (Exodo 3:11). Hindi ito sinagot ng Diyos ng direkta. Hindi mahalaga kung sino si Moises, dahil sasamahan siya ng Diyos. Sa ibang salita, “Moises, hindi ito tungkol sa iyo!”

Ang pangalawang tanong ni Moises ay mas matapang. Ano ang pangalan ng Diyos? Para sa nakaraang apat na raang taon, ang mga Israelita ay naninirahan sa isang bansang sumasamba sa daan-daang mga diyos. Paano kung magtanong sila sa kung sinong diyos ang tumawag sa kanya? Gayunpaman, ang Isa na nagsasalita sa kanya ay, “ang PANGINOON” – Yahweh. Ang nag-iisa, totoo, buhay na Diyos, nabubuhay sa sarili, at banal, hindi umaasa sa kaninoman o sa anumang bagay.

Ang Panginoon lamang ang dapat sambahin. Ngunit tulad ng mga Israelita na nahihirapan sa pagsamba sa mga diyus-diyosan, gayon din ang ginagawa natin ngayon. Ang ating mga diyus-diyosan ay maaaring hindi mga estatwa ng ginto o pilak. Sila ay maaaring maging mabubuting bagay tulad ng: asawa, trabaho, o libangan, o kahit na ministeryo. Anumang bagay na nagiging sanhi ng ating pagsuway o pagpapabaya sa Diyos o ang anumang bagay o gawa na umuubos at kumukuha ng oras natin na para sa Panginoon ay maaaring maging isang idolo para sa atin.

Wala dapat na makipagkumpitensya sa Dakilang “AKO NGA” para sa kadakilaan. Meron lamang isang silid para sa iisang Diyos sa ating buhay. Siya ang Panginoon, at ang Kanyang pangalan ay Yahweh.

Pagbulayan:
1. Meron bang anumang bagay sa iyong buhay na dahilan kung bakit wala ka ng oras at panahon sa Diyos o mga bagay na nagiging dahilan ng iyong pagkakasala sa Kanya?

2. Kung meron, ano ang kailangan mong baguhin?

Panalangin:
Yahweh, ipakita Mo po sa akin kung anong bagay ang dahilan ng paglayo ko Sayo. Tulungan Mo po akong alisin ito sa aking buhay.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Name of God: Fortress - "Kapangyarihan ng Imahenasyon" (102 of 366)

Name of God: Fortress Kapangyarihan ng Imahenasyon Basahin: Kawikaan 18:10-16 (102 of 366) “Ang ari-arian ng isang mayaman ay kanyang kanlu...