Name of God: Lord (Adonai)
Pinakamahusay na Inilatag na PlanoBasahin: Genesis 15:1-21
(19 of 366)
“Panginoong Yahweh, ano pang kabuluhan ng gantimpala Mo sa akin kung wala naman akong anak?” (Genesis 15:2)
Sinasabi sa atin ng Matandang kasabihan na upang maging matagumpay, dapat tayong maging marunong magplano. Ang mabuting pagpaplano ay tumutulong sa atin na pamahalaan ang mga mapagkukunan at mabawasan mga hindi inaasahang problema.
Nangako ang Diyos na pagpapalain si Abram, at naging mayaman si Abram. Gayon pa man, ang pangako sa kanila na anak na magiging tagapagmana ay hindi pa natutupad, at sila ay masyado nang matanda para magkaanak pa.
Nag-alok si Abram ng plano sa Diyos. Maaari siyang mag-ampon ng tagapagpamana ayon sa mga tradisyon noong panahon nila. Hindi interesado ang Diyos dito o sa anumang mungkahi niya. Ang Kanyang pangako ay matutupad ayon sa Kanyang kaparaaanan. Inihayag Niya ang Kanyang sarili kay Abram sa pamamagitan ng isang bagong pangalan na Adonai - ang Panginoon.
Tinawag ni Abram ang Diyos na “Panginoong Diyos.” Naunawaan niya na ang Panginoong Adonai – ay may karapatang utusan siya. Ang tanging tungkulin ni Abram ay tanggapin ang Diyos sa Kanyang salita. Tulad ni Abram, kailangan nating magtiwala sa mga plano ng Diyos para sa ating buhay. Siya ang ating Panginoon, at Siya ang may karapatang utusan tayo. Nasa atin ang pribilehiyong maniwala at sumunod sa Kanya. Ang tanging angkop na tugon ay ang pagsuko sa Kanya bilang Panginoon.
Isang araw, kikilalanin ng mundo ang Diyos bilang Adonai at ang titulong “Panginoon” ay kabilang din sa Anak ng Diyos na si Jesus. Sa ngayon, kailangan nating matutong isulat ang ating mga plano gamit ang lapis at magdala ng malaking pambura.
Pagbulayan:
May mga nagagawa ka bang plano sa buhay at sa huli ay nalalaman mo na ito ay iba sa plano ng Diyos? Paano ka tumutugon sa mga bagay na iyon?
Panalangin:
Adonai, Ikaw ang aking Panginoon. Ipakita Mo po sa akin kung ako po ba ay may mga planong nagagawa na hindi ayon sa Iyong plano. Tulungan Mo po akong laging magpasakop sa plano at kalooban Mo sa aking buhay.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento