Name of God: THE LORD, I AM (Yahweh)
Magtiwala sa PangalanBasahin: Awit 20:1-9
(17 of 366)
“Ngunit ipinagmamalaki naming ang pangalan ng Panginoon naming Diyos” (Awit 20:7)
Ang mga pangalan ay maaaring maging makabuluhan, lalo na sa Bibliya. Sa panahon ng Bibliya, ang pangalan ay madalas sumasalamin sa karakter o background ng isang tao. Kahit ngayon, hindi niya pwedeng masabi na malapit siya sa isang tao kung hini niya alam ang kanyang pangalan.
Nang sabihin ng Diyos kay Moises ang Kanyang pangalan, inihiwalay Niya ang Kanyang sarili sa karamihan ng mga diyos na sinasamba sa panahon nila. Habang ang ibang bansa ay nagtitiwala sa kanilang militar na kapangyarihan, si Yahweh naman ang kailangan lang ng Israel para sa Kanyang pagtatanggol. Kapag may kinakatakutan ang iba na dahilan ng kanilang pagtakas, si Yahweh ang nagiging kanlungan ng kaligtasan. Ang Israel ay makakaasa sa kapangyarihan ng pangalan ng Panginoon.
Ang pangalan ng Diyos ay kasing lakas parin ngayon tulad noong araw na ipinahayag Niya ito kay Moises. Ang ekonomiya ay maaaring humina, ang mga natural na sakuna ay maaaring unti-unting nagpapabago sa kaayusan ng mundo, at ang mga relasyon ay maaaring gumuho, ngunit tayo ay patuloy na magtitiwala sa panglan ng Panginoon nating Diyos.
Lahat ay maaaring biguin tayo, ngunit Siya ay si Yahweh, at Siya ay hindi kailanman magbibigo sa atin.
Pagbulayan:
1. Balikan ang panahon na ikaw ay natatakot o nababalisa, ano ang una mong nilalapitan sa mga oras na iyon sa halip na ang Diyos?
2. Ano ang madalas na pinagmumulan mo ng pag-aalala o kabalisaan mo?
3. Papaano makakatulong sayo ang pangalan ng Diyos para harapin ang mga problemang iyon?
Panalangin:
Yahweh, tulungan Mo po akong sa pangalan Mo ako una lumapit at magtiwala at hindi sa ano paman sa panahon ng aking pag-aalala at takot.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento