Name of God: God Most High (El Elyon)
Saksi sa KapangyarihanBasahin: Marcos 5:1-20
(27 of 366)
“…Jesus, Anak ng Kataas-taasang Diyos, ano'ng pakay mo sa akin?” (Marcos 5:7)
Kung ang Kataas-taasang Diyos ay nagpakita sa iyong pintuan, dadalhin ka ba ng Kanyang presensya sa kagalakan o hihilingin mo sa Kanya na umalis?
Pinahirapan ng maraming masasamang espiritu ang Garasenong sinasapian ng demonyo. Kinatakutan siya ng mga lokal na mga residente. Hindi siya napaipigilan ng mga tanikala. Nang si Jesus ay nagdala ng kagalingan sa taong ito, muli Niyang pinatunayan na Siya ay si El Elyon, ang Diyos na Kataas-taasan. Kahit ang mga demonyo ay kinikilala ang Kanyang awtoridad.
Dapat ay natuwa ang mga taong bayan sa mahimalang pagpapagaling sa lalaking ito, ngunit sila ay natakot kay Jesus nang higit kaysa dati. Kinatatakutan nila ang kapangyarihan ng El Elyon. Takot ang naging epekto ng Kanyang presensya sa kanilang mga kabuhayan. Nang mawala ang kanilang kawan ng baboy, nakiusap sila kay Jesus na umalis ito.
Ngayon, maaari tayong magtaka sa takot at poot na ipinakita ng iba sa atin, marahil ang sarili natin mismong pamilya, dahil lamang sa pinili nating sundin si Kristo. Ang ating unang reaksyon ay maaaring lumapit sa mga kaibigang Kristiyano at ihiwalay ang ating sarili mula sa isang mundong hindi naniniwala.
Ngunit nang magmakaawa ang lalaking pinagaling ni Jesus na sumama kay Jesus, pinabalik siya ni Jesus upang maging saksi sa kapangyarihan ng Kataas-taasang Diyos. Tinawag tayo ni El Elyon na gawin din ito.
Pagbulayan:
Paano ako tutugon kapag may mga napopoot sa akin dahil sa aking pananampalataya kay Jesus?
Panalangin:
El Elyon, gamitin Mo po ako upang ibahagi ang kagalakan ng pagiging kabilang sa Iyo sa mundo ng mga hindi mananampalataya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento