Linggo, Mayo 15, 2022

Name of God: God Most High (El Elyon) - "Walang Mas Mataas" (26 of 366)

Name of God: God Most High (El Elyon) 

Walang Mas Mataas
Basahin: Daniel 4:4-37
(26 of 366)

“…ang kaharian ng tao'y nasa ilalim ng kapangyarihan ng Kataas-taasang Diyos, at maibibigay Niya ang kahariang ito sa sinumang Kanyang naisin”
(Daniel 4: 25)

Kung minsan ang mga pagpapala ay maaaring mag-akit sa atin sa isang mapanganib na kalagayan ng pagiging makasarili.

Iyan ang nangyari kay Haring Nebuchadnezzar. Sa halip na magpasalamat sa Kanyang posisyon, naniniwala ang hari na ang kanyang trono at kasaganaan ay nagmula sa kanyang sariling pagsisikap. Nabigo siyang kilalanin na si El Elyon, ang Diyos na Kataas-taasan, ang nagtatatag at nag-aalis ng mga pinuno upang matupad ang Kanyang mga banal na layunin.

Binalaan siya ni Daniel na maliban kung kikilalanin niya ang Kataas-taasang Diyos, mawawala ang lahat sa kanya. Hindi pinansin ni Nebuchadnezzar ang babala at nagdusa sa paghatol ng El Elyon.

Maaaring hindi tayo nagmamay-ari ng isang palasyo o namumuno sa isang bansa, ngunit maaari pa rin tayong mabiktima ng parehong panganib na ginawa ni Nebuchadnezzar. Ang material na mga pagpapala ay maaaring umakay sa atin na maniwala na ang ating kaunlaran ay dahil sa ating sariling pagsisikap. Ipinagmamalaki natin ang ating mga tahanan o ang ating mga trabaho at nagtitiwala sa seguridad ng lumalaking bank account.

Hindi ipinagkakaloob ng Kataas-taasang Diyos ang mga bagay na ito para sa ating kaluwalhatian at karangaln. Pinagpapala Niya tayo upang matupad ang Kanyang mga layunin sa pamamagitan natin. Ang pagkatanggal sa trabaho, pagreremata, ang mga aksidente, sakit, at iba pang krisis ay nagpapaalala sa atin na mas mababa ang kontrol natin sa ating mga posisyon at kaunlaran kaysa sa iniisip natin.

Ibigay natin kay El Elyon, ang Kataas-taasang Diyos, ang lahat ng kaluwalhatian at papuri para sa Kanyang mga pagpapalang natatanggap natin.

Pagbulayan:
Paano ko magagamit ang mga pagpapalang natanggap at mga nagawa upang parangalan ang El Elyon ngayon?

Panalangin:
El Elyon, gamitin Mo po ang lahat sa akin at ang lahat ng mayroon ako para sa Iyong kaluwalhatian at sa Iyong mga layunin.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Name of God: Fortress - "Kapangyarihan ng Imahenasyon" (102 of 366)

Name of God: Fortress Kapangyarihan ng Imahenasyon Basahin: Kawikaan 18:10-16 (102 of 366) “Ang ari-arian ng isang mayaman ay kanyang kanlu...