Pakikipaglaban Para sa Pagsasamang Mag-asawa (4 of 7)
Muling Pagbubuo ng TiwalaBasahin: 1 Juan 1:5-10
May napanood ako sa tv na isang nanay na binebenta ang kanyang sarili sa iba para mag kapera para may pantustos sa bisyo nito. At dumating ang panahon na nalaman ito ng kanyang asawa at nalaman ang kaniyang masamang sikreto. Ang kanyang asawa ay nagalit at nabigla sa pinaggagawa ng kanyang asawang babae at iniwan ang babaeng ito ng lahat ng nagmamahal sa kanya.
Kung titignan natin masasabi natin na sa tv lang nangyayari ang mga ganitong kwento, pero sa totoo lang meron ding ganitong katulad na kwento sa Bibliya, pero may mas magandang katapusan. Ang bersyon ng Bibliya ay tungkol sa isang lalaking nagngangalang Hosea at ang asawa niyang si Gomer. Minahal ni Hosea ang kanyang asawa nang walang pasubali, at nasubok iyon nang iwanan ni Gomer ang kanyang asawa at pamilya upang bumalik sa dati niyang buhay prostitusyon.
Noong nalaman ito ni Hosea, marami na silang anak, at hindi siya sigurado kung isa sa kanila ay hindi kanya. Ang masakplap pa nito, ang mga krimen na ginawa ng babae ang dahilan para ito ay makulong, at batay sa mga batas nila noong araw, ang kanyang susunod na kapalaran ay ang ibenta siya sa pagkakaalipin upang mabayaran ang kanyang mga utang. Si Hosea ay may karapatang hayaan ang kanyang asawa sa kapalaran na ginawa nito sa kanyang sarili, ngunit may ibang plano ang Diyos. Nais ng Diyos na gamitin ang buong sitwasyong ito upang ipakita ang kahanga-hangang biyaya at hindi maisip na pag-ibig na mayroon siya para sa atin kahit na sa mga sandaling iyon na tayo ay ganap na hindi karapat-dapat.
Kumilos ang Diyos sa puso ni Hosea tungo sa kapatawaran at habag. Pumunta si Hosea sa bentahan ng mga alipin at kinuha ang karamihan sa kanyang naipon sa buhay upang mabili muli ang kanyang asawa. Batay sa legal na Sistema ng kultura nila, wala na sanang karapatan ang kanyang babaeng asawa. Na kay Hosea na lahat ng kapangyarihan sa pagsasama nila para gamitin ito para parusahan ang kanyang asawa habang buhay. Nang malaman ito ng babae, iniyuko niya ang kanyang ulo sa kanya at tinawag na, “panginoon.”
Ang sumunod na nangyari ay isa sa pinakamagandang pagpapakita ng biyaya na naitala kailanman. Tumingin siya sa kanya at sinabi, “Huwag mo akong tawaging panginoon mo. Ako ang iyong asawa.”
Isinuko niya ang karapatan na parusahan, kontrolin, o hiyain ang kanyang asawa, sa halip, tinanggap niya muli siya sa kanyang tahanan bilang kanyang asawa. Ito ay simple ngunit makapangyarihang pagkilos ng pagpapatawad na nagpapakita sa atin ng magandang larawan ng hindi nararapat na biyaya at pagmamahal na inaalok ng Diyos sa ating lahat.
Hindi ako sigurado kung paano nasira ang tiwala sa inyong pagsasama bilang mag-asawa, at tiyak na hindi ko minumungkahi dito na bigyan mo ng karapatan o kunsintihin ang mahal mo sa buhay na sirain ang iyong puso, dahil ang isang malusog na pagsasama ay dapat na binubuo ng tiwala, pananagutan, at pag-galang sa isa’t isa. Ang pag-asa ko lang ay mabuksan ng kwentong ito ang iyong puso at isipan nang mas malawak para dumaloy ang pag-ibig at biyaya sa iyong buhay.
Kung karapat-dapat tayo sa kapatawaran, hindi ito matatawag na biyaya. Kung pwede natin ito makamit, hindi ito tunay na pag-ibig. Ang ganitong uri ng radikal na pagpapatawad ay tila imposible sa tao, ngunit ito ay posible sa pamamagitan ng biyayang ipinaabot ni Kristo sa bawat isa sa atin. Ang pagpapatawad ang magpapalaya sa iyo at ginagawang posible ang paggaling sa pagsasama. Sinasabi na, “Ang pagpapanatili ng sama ng loob ay parang pag-inom ng lason at pagkatapos ay umaasa na ang ibang tao ang mamamatay.”
Ang ilang mga mag-asawa ay tumigil na sa paikot-ikot na mga samaan ng loob at kawalan ng tiwala, dahil mali ang pag-aakala nila na ang pagpapatawad at ang pagtitiwala ay pareho. Mahalagang maunawaan natin ang kanilang mga pagkakaiba. Ang pagpapatawad ay hindi makukuha; maaari lamang itong ibigay ng libre. Kaya nga tinatawag itong biyaya. Ang tiwala, gayunpaman, ay hindi maibibigay nang libre; maaari lamang itong trabahuin.
Kapag sinira ng iyong asawa ang iyong tiwala, dapat mong ibigay kaagad ang iyong kapatawaran, ngunit dahan-dahang mong ibigay ang iyong tiwala dahil ito ay nakukuha kung nakikita mong patuloy niya naipapamuhay na ang tama at ang effort ng pagbabago. Sa panahong ito ng muling pagtatayo, labanan ang pagnanais na parusahan o ang pag-ganti. Ang mga pagkilos na iyon ay walang magagawa upang isulong ang paghilom, at ang pagpapagaling ay palaging kailangang pinakalayunin ninyo. Sa lahat ng ito, ang pag-ibig parin ang pwersang nagpapagaling.
Hindi mo kailangang magtiwala sa isang tao para magpatawad, ngunit kailangan mong patawarin ang isang tao para maging posible muli ang pagtitiwala.
Ang proseso ng muling pagbuo ng tiwala ay maaaring mabagal at maaaring masakit, ngunit sulit ito! Kapag nagawa mo na ang iyong mga isyo at muling naitatag ang tiwala, ang inyong pagsasama ay maaaring maging mas matatag at mas masigla kaysa sa dati.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento