Biyernes, Mayo 13, 2022

Pakikipaglaban Para sa Pagsasamang Mag-asawa - "Tunay na Pag-ibig" (6 of 7)

Pakikipaglaban Para sa Pagsasamang Mag-asawa (6 of 7) 

Tunay na Pag-ibig
Basahin: Filipos 4:6-8


Bawat pagsasama ng mag-asawa ay may mga panahon ng pagkabigo at pagkadurog. Minsan dinadala natin ito sa ating sarili na may maling mga desisyon o hindi nag-iingat na magkamali. Sa ibang pagkakataon nabulag tayo sa mga hindi inaasahang pangyayari. Madali magturo sa mga panahon na iyon. Madaling magsara, huminto sa pagsasalita, at isarili ang kapaitan o kahihiyan. Ngunit ang mga sandaling iyon – kapag ang ating mga puso ay nadurog at mayroon tayong libong mga salita na hindi mailabas – ang mismong mga sandaling kailangan natin ng asawang masasandalan.

Sinasabi sa atin ng mundong ito na ang pag-ibig ay isang pakiramdam na maaaring dumating at umalis. Kung ito ay totoo, kung gayon lagi tayong bibiguin ng pag-ibig. At laging hindi magiging sapat ang pagsasama ng mga mag-asawa. Ngunit HINDI ganito ang kahulugan ng Diyos sa pag-ibig. Sinabi na ang tunay na pag-ibig ay walang kondisyon. Hindi ito naglilista ng mga mali. Pinoprotektahan tayo nito. Ito ay nagpapagaling sa atin. Ang tunay na pag-ibig ay hindi tayo binibigo!

Gayunpaman, maaaring may mga pagkakataong gusto nating isuko ang ating asawa at wakasan ang inyong pagsasama. Bakit ganito? Dahil hindi natin nakikita ang paggaling sa hinaharap. Hindi natin gusto na gumawa at maglaan ng oras upang malaman ang mga pangunahing isyu.

Mas gugustuhin na lang nating magsimula muli. Ngunit hindi natin nakikita na ang pagsasama ng mag-asawa ay isang pang matagalang pangako na lagi nating dadalhin habang nabubuhay tayo sa mundong ito. Dinisensyo ito ng Diyos sa ganitong paraan. Ito ay hindi isang bagay na maaari lamang nating itapon at kalimutan ng ganun-ganon lang.

Kapag nagpakasal tayo, ipinangako natin na ibibigay natin ang bawat bahagi ng ating sarili sa ating asawa. At nagtitiwala tayo sa kanya na gawin din iyon. Ito ang magandang misteryo ng kasal. Kapag ginawa ito ng magkapareha sa abot ng kanilang makakaya–maging mga hubad na kaluluwa sa harap ng isa’t isa, walang pinipigilan–may isang hindi kapani-paniwala, na matalik na pagsasama na nabubuo. At habang higit nating hinahabol ang Diyos at ang isa't isa, mas humihigpit ang ugnayan.

Sa tingin ko karamihan sa atin ay pumasok sa buhay pag-aasawa na merong pagnanais ng kamangha-manghang pagsasama sa ating kapareha, ngunit madalas ay hindi umaayon sa nais natin ang lahat at nakakalimutan nating maging intensyonal din sa inyong pagsasama. Ang ating pagsasama ay nilalagay natin sa hindi tamang dapat paglagyan nito na taliwas sa kung ano ang nais ng Diyos para sa ating pagsasama at pamilya.

Ang ating asawa ay nararapat sa ating oras at atensyon sa araw-araw – karapat-dapat man siya o hindi. Binibigay natin ito sa kanila dahil mahal natin ang ating asawa, at nakatuon tayo sa pagpapa-unlad sa ating pag-sasama.

May mga pagkakataon na ayaw nating bigyan ang ating asawa ng ating oras at atensyon…

… kapag naramdaman natin na tayo’y parang magkasama lang sa silid,

kapag nararamdaman natin na hindi niya naibibigay ang gusto natin,

kapag hindi na tayo naaakit sa ating asawa,

kapag ang pag-iisip na makipag-usap sa kanya ay nakakapagod,

kapag pakiramdam na wala tayong magagawang tama,

kapag iniisip natin kung ang pagpapakasal sa kanya ay isang pagkakamali,

kapag nagpasya tayong manatiling magkasama "para lang sa mga bata,"

kapag hindi tayo sigurado kung mapagkakatiwalaan pa ba natin siya,

kapag nawalan tayo ng pagmamahal sa ating asawa,

kapag mayroon tayong sikreto na hindi tayo siguradong maibabahagi natin sa ating asawa, at

kapag ayaw nating magpakasal, ngunit hindi mo alam kung ano ang gagawin tungkol dito.

Ang mga sitwasyong ito ay maaaring masakit, nakakalito, at posibleng makasira sa ating pagsasama, ngunit hindi ito dahilan para sumuko.

Dapat handa tayong ipaglaban ang ating pagsasama. Tiyak na kailangan na dalawa kayo ng iyong asawa ang kumilos para magawa ito, pero kailangan natin na kusang loob na gawin ang unang hakbang. Gawin ang mga bagay na ginagawa nyo dati na masaya ninyong ginagawa. Puntahan at balikan nyo ang lugar na dati ninyong gustong puntahan. Pumunta sa isang Christian marriage counselor para tulungan kayong matutunan kung paano magkaroon ng mas malusog na pagsasama. Dumalo sa retreat ng mga-asawa para patatagin ang inyong pagsasama. Palibutan ang inyong sarili ng mga mag-asawa na may matibay na pagsasama.

Lagi kayong manalangin na magkasama araw-araw, at hilingin sa Diyos na palambutin ang inyong mga puso sa isa’t isa. Mas madalas ninyong ipadama ang inyong pagmamahalan sa pisikal, at mas gawing madalas ang inyong pagtatalik. Huwag magpigil. Ibahagi kung ano ang nasa inyong puso. Maging tapat at bukas. Huwag magkaroon ng mga lihim ng anumang bagay na itinatago ninyo sa isa’t isa.

Tandaan ninyo bilang mag-asawa, na nangako kayo na magiging magpartner kayo, magkasintahan, matalik na magkaibigan, tagapagpalakas ng loob, may pananagutan, at taong masasandalan kapag mahina ang isa. Ang pag-aasawa ay isang maganda, panghabambuhay na pagsasama kapag pinahintulutan natin ito, ngunit hindi tayo maaaring sumuko kapag ito ay nahihirapan. Dapat tayong magpatuloy. Huwag na tayong magtaka kung paaano mangyayari ang mga bagay-bagay na ito.

Tiyak na walang perpektong pagsasama, at wala rin tayong sagot sa lahat ng mga katanungan, ngunit alam natin kung sino ang mayroon. Hindi tayo pinapabayaan ng Diyos kapag may problema tayo sa ating pagsasama bilang mag-asawa. Nandiyan lang Siya parati tuwing kailangan nyo Siya.

Kung nasa punto ka na gusto mo nang isuko ang inyong pagsasama ngayon, isipin mo na may pag-asa pa at palaging may pag-asa pa. Maghanap ng isang marriage counselor na pastor at gawin ang mga hakbang na kinakailangan upang muling itayo ang inyong pagsasama. Makipag-ugnayan sa isang small group sa inyong simbahan upang makahanap ng positibong suporta sa pamamagitan ng isang malusog na komunidad. Maaari itong maging mas mahusay kapag pareho kayo ng iyong asawa ang nakatuon sa pagpapabuti nito at payagan ang Diyos na gawin ang natitira.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Name of God: Fortress - "Kapangyarihan ng Imahenasyon" (102 of 366)

Name of God: Fortress Kapangyarihan ng Imahenasyon Basahin: Kawikaan 18:10-16 (102 of 366) “Ang ari-arian ng isang mayaman ay kanyang kanlu...